Nagising si Emerald sa dapyo Ng malamig na hangin sa kanyang maamong mukha na nagmumula sa nakabukas na bintana ng silid.
Napatingin siya sa Malaking wall clock na nakasabit sa dingding, alas syete ng gabi ang nakalagay na oras doon. Dalawang oras din siya nakatulog.
Naghihikab na bumangon si Emerald upang isara ang nakabukas na bintana. Ganong oras napakalamig na sa buong hacienda dahil sa napakaraming ibat ibang klase ng pump ang nakapalibot sa buong hacienda buensuceso.
Napatingin sa labas Ng bintana ang dalaga. Mula sa kinatatayuan nya sa ikalawang palapag ng mansion tanaw nya ang walang hangang kadiliman liban sa mga ilaw na nakapalibot sa paligid ng mansion. Muling binalot ng sari saring emosyon ang kanyang puso,pero lamang ang katuwaan dahil there is no place like home. Nag aalala lang siya kung paano nya haharapin ang lalaking hangang ngayon laman ng kanyang puso.
Kailangan na niyang mag ayos anumang sandali susunduin na siya ng kanyang yaya Lorie para sa hapunan.
"Anak..." Eksaktong nakapag ayos na si Emerald ng tumawag ang yaya Lorie nya para sa hapunan, medyo human ang pakiramdam nya sa malamig na tubig pagkatapos nya makapag shower.
"Halika na anak, nag aantay na daddy mo sa komedor" sabi nito pagkabukas ni Emerald Ng pinto Ng silid.
Sabay na bumaba Ng hagdan and dalawa upang maghapunan.
Napatingin si Emerald sa malaking family portrait Nila sa sala grande ng mansion, napatitig siya sa imahe Ng ina.
"Namimiss mo ba mommy mo anak" si Aling Lorie
Bakit Parang nagiging emosyonal yata ako lalo na Ng tumuntong ulit ako sa mansion, sa loob loob ni Emerald.
Pilit ang ngiti sa mga Labi Ng dalaga na napatingin sa yaya. "Tara na yaya, nag aantay na daddy" imbes ay sagot nito imbes na sagutin ang yaya.
Malungkot na sumunod na lang si Aling Lorie sa alaga patungo sa komedor.
"Hi daddy,"
"Maupo na kayo ni yaya Lorie at lalamig ang pagkain" senyas ng kanyang ama.
Humalik lang sa Emerald sa ama at umupo na ito sa kaliwang bahagi na upuan ng ama kahilera ng kanyang yaya Lorie.
Lahat Ng pagkain na inihanda ng kusinera ay paborito ni Emerald. Liban sa lechon de leche at crabs pellet na paborito ng ama.
"Dad have you been well? Parang you don't look good unlike you last visited me in France" puna nito sa katawan ng ama sa pagitan Ng pagkain.
"Don't mind me iha, ganito talaga ama mo pag tumatatanda na, anyway anak, do you stay here for good"
Napatigil sa pagkain si Emerald, uminom muna Ng fresh mango juice na nasa harap saka sumagot sa ama na nakatitig sa kanya.
"I don't know Dad" sagot nya.
"Bakit anak may plano ka pa bang bumalik Ng France at iwan ang Hacienda?" May himig lungkot sa boses ni Don Enrico. Bilang ama ayaw na nyang bumalik pa sa ibang bansa ang kanyang prinsesa.
Maging si Aling Lorie ay nakatingin sa Mahal na alaga, sa puso nito ayaw na nya na lumayo ang Mahal na alaga na itinuring na nyang anak.
"Umuwi lang ako para dumalo sa kasal ng ate Kristina, siyanga pala dad kelan darating ang ate?" Pinasigla ni Emerald ang boses para maghimig siya na masaya sa nalalapit na kasal ng kapatid.
Bilang solong kapatid hindi magandang tingnan and it's not appropriate not to attend to her eldest daughter' wedding.
"Ewan ko ba sa kapatid mong yun, sa makalawa pa daw siya makakarating, the day before her wedding dahil hindi siya basta makabalik from Switzerland hindi Niya basta pede iwan ang trabaho nya abroad without proper endorsement sa makakapalitan nya." Mahabang tugon ng ama na Napapailing.
"Pero dad pano nasukatan ng wedding dress si ate Kristina if during the preparation eh nasa abroad siya"
"Parang hindi mo kilala ang kapatid mo, ayun nagpadala na lang Ng sukat sa wedding planner Nila, at pamilya na lang Ng mapapangasawa ng kapatis mo nag aasikaso Ng kanilang nalalapit na kasal"
Kawawa Naman pala si Vincent, base sa naoobserbahan nya noon alam nya kung gaano kamahal Ng lalaki ang kanyang kapatid. Malungkot nyang saloob loob. At hindi yun nakaligtas sa paningin ng ama.
......Sa kabilang dako sa Hacienda Zobel de Ayala:
Dalawang araw pa bago ang engrandeng okasyon, Nagsisimula na ang kasiyahan hindi pa man araw ng pag iisang dibdib ng panganay na anak ng mga Zobel de Ayala na si Vincent sa panganay ding anak ng mga Buensuceso.
Karatig lang nito ang Hacienda Buensuceso na napapagitnaan lang Ng national hi-way sa probinsiya ng quezon. Halos kasing lawak din ng Hacienda Buensuceso and kabilang hacienda na may sukat na mahigit isang daang ektarya na kopras at mga alagang baka ang pangunahing produkto nito samantalang ang hacienda buensuceso ay kila sa mango plantation at pag bread Ng mga kabayo.
Lahat ng mga manggagawa at tauhan ng hacienda ay imbitado, Walang tigil ang ingay ng mga baka at baboy na kinakatay habang nagkakasiyahan ang lahat ng kababaihan habang naghahanda ng mga lulutuing ibat inang klaseng pagkain. Mapabata o matanda ay kasiyahan sa mukha ang Makikita. Pambihirang okasyon iyon na na kanilang masasaksihan dahil dalawang maimpliwensiyang angkan sa kanilang probinsiya ang mag iisang dibdib.
"Hooo..hoooo.." pagpapatigil ng bagong dating na si Vincent sa sinasakyang kabayo. Binisita nya ang pagkakatay ng mga baka at ang preparasyon na ginagawa ng mga tauhan ng hacienda.
"Good evening siñorito Vincent" halos sabay sabay na bati Ng mga dinatnan.
Tango na nakangiti lang ang sagot Ng binata.
"Tatay Kardo kumusta ang pagkakatay? Tanong nito sa katiwala habang nakasakay sa kabayo.
"Tamang tama po siñorito bukas bago ang kasal tapos na katayin lahat ng baka, ang natitirang sampung baka na lang ang kakatayin para gawing litson, tapos na po ang sampung baka para sa ibat ibat putahe" sagot ni mang Kardo
"Tapos na rin po hanguin sa palaisdaan ang mga sugpo at limango siñorito" sabat naman ng iisang babae.
"Salamat sa suporta nyo, sabihan nyo lang ako tatay Kardo at nanay Mila kung may kailangan pa"
"Makakaasa po kayo siñorito" Sabay na sagot Ng dalawa
Kumaway si Vincent sa ibang nagkakasiyahan habang naghahanda sa okasyong darating at pinatakbo na palayo ang kabayo.
"Anak, umalis na mga bisita, pati ang mga malalapit na mga kaibigan Ng iyong Papa" Sabi ni Yaya Lorie sa Hindi tumingin si Emerald sa nagsalitang si Yaya Lorie sa tabi Niya. Nakatitig lang siya sa puntod Ng kanyang ama katabi Ng kanyang mama sa Moseleyo Ng Familia Buensuceso hindi kalayuan sa chapel Ng hacienda. Gawa sa mga mamahaling marble ang halos kasing laki Ng basketball court ang luwang. Mga primerang klaseng marbles na inorder pa Ng kanyang ama sa romblon ang ipinagpagawa sa moseleyo Ng mamatay ang kanyang mama.Sa paligid nito ay mga halaman Ng crimson white at sun flower na paboritong bulaklak Ng donya. Nakatitig lang si Emerald sa nakangiting larawan ng ama nakapatong sa ibabaw ng granite na nitso nito. Ngunit walang luhang pumapatak sa mga nito na natatakpan Ng dark glasses. Magdadapit hapon na Ng ilagak sa huling hantungan ang labi ng Panginoon ng hacienda Buensuceso. Bumuhos ang pakikisimpatiya sa huling araw sa pagha
The chapel of Familia Buensuceso was located at the center of the few hundred hectares of the hacienda owned by Don Enrico Buensuceso y Alegre and Donya Aurora Aragon Y Montecillo. It is being built by late Don Ramon, the patriarch of the Buensuceso for the wedding of his son Enrico and Aurora. Whereas, Vincent and Emerald were also got married. Lampas 1:00 pm pa lang ng hapon pero medyo madilim na ang paligid dahil sa nagbabadyang pagbagsak ng ulan, waring nakikisimpatiya sa pagkawala ng panginoon ng hacienda Buensuceso. Nagdagdag pa sa pagdilim ng paligid ng chapel ang mga naglalakihang puno ng mga Mangga at puno ng niyog na pangunahing produkto ng hacienda. Halos hindi maihakbang ni Emerald ang mga paa pagkababa ng sasakyan ng asawa. Marahil kung hindi siya inalalayan ni Vincent pagbaba hindi niya maihahakbang ang mga paa. Hindi mabilang ang mga magagarang sasakyan sa paligid ng chapel na mga kaibigan ng pamilya na nagmula sa mga kilalang angkan
"Yaya musta po si Emerald" salubong na tanong ni Vincent sa yaya ng asawa ng makapasok ng mansion na eksaktong aakyat ng hagdan habang hawak ang baso ng gatasMalungkot na tumingin si Yaya Lorie sa asawa ng alaga na pinipigil ang maiyak."Nasa silid niya anak, at hindi pa bumababa mula kahapon ng dumating kayo galing ospital." "Ganun po ba?" Buntung hininga ni Vincent, halata sa boses nito ang pagod at puyat. "Ako na po yaya magdadala niyan sa kanyang silid" "Mabuti pa anak at kumbinsihin mo na kumain ang batang yun, puro na lang gatas laman ng sikmura mula kahapon" sabay abot ni yaya Lorie ng baso ng gatas kay Vincent "Sige po" At umakyat na ng hagdan ang lalaki dala ang baso ng gatas para sa asawa. May lungkot sa mga mata na sinundan ng tingin ang asawa ng alaga. Sigurado siya na may pagtingin din si Vincent sa alaga, dangan nga lamang at nangyari ang di inaasahan upang magalit ito kay Emerald. "Pak
"Are you okey? May pag aalalang tanong ni Vincent sa asawa ng maramdamang nagmulat ito ng mga mata habang nakasubsob ang mukha nito sa dibdib niya. Sinenyasan nito si Elias na iabot ang isang bottled water at pinainom sa asawa. "Here, drink this para magluwag dibdib mo" sabay abot ng bottled water after alisin ang takip ng bottled water. Walang kibo na ininom ni Emerald ang tubig. Awang-awa si Vincent sa itsura ng asawa na tahimik na tumutulo ang luha. "P...pa" bulong nito habang nakasandal sa dibdib ng asawa. "Shhhh" sabay haplos sa ulo ni Emerald. Walang maisip na mga salita si Vincent upang maibsan ang sakit na nararamdaman ng asawa. Wala na ang mama nito kaya mas masakit ang nararamdaman ng asawa na maging ang kanyang ama ay wala na rin. Maging si Elias sa tabi ng kapatid ay awang awa sa hipag. "Did you call at the St Luke's global city? baling ni Vincent sa kapatid.
Napamulat ng mata sa pagkakaidlip sa likod ng Mercedez Bench Si Don Enrico ng mag menor ng takbo ang sasakyan. Tumingin siya sa kanyang relong rolex, past 4 am na ng madaling araw. Tamang tama bago lumiwanag nasa hacienda na siya sa Quezon. Pero kailangan niya dumaan sa ng UP Los Baños upang daanan ang bagong hybrid na mango seeds. "Bakit nag menor ka? tanong nito sa may edad na family driver ng mga Buensuceso."Parang may nakahandusay na babae sa tabing kalsada chairman" sagot nito at tuluyang huminto sa gilid ng kalsada. Napalingon ang Don at napansin nga nito ang isang imahe ng babae na nakahandusay at base sa itsura nito na sira sira ang damit biktima ito ng rape. "Ano pa hinihintay mo, bumaba ka ng sasakyan at tulungan mo ang babae" Utos nito sa driver. "Yes chairman" Agad na bumaba ng sasakyan ang driver at nilapitan ang nakahandusay na babae. Nanlumo ito sa nakita, sira
"Pre nakita mo ba ang dalawa ko customer? tanong ng waiter sa kasamahan sabay linga sa paligid ng bar."Alin yung may kasamang magandang babe, tapos ung lalaki maskulado katawan na hawig ni Dennis Roldan?" Ganting tanong ng kasamahang waiter."Oo pre yun nga!""Umalis na, lasing na kase ung babae eh, nakayakap na nga dun sa kasamang lalaki, eh hayaan mo na saka may sobre naman na iniwanoh" sabay turo sa sobre na napailalim sa baso.Hindi agad niya napansiniyon, akala niya tinakbuhan na siya ng dalawa kahit hanapin ng resibo, marami pa ring nakakalusot, Minsan sinusuhulan ang guard sa maliit na halaga.Dinampot ang sobre at napangiti ang waiter dahil sobra sobra ang perang iniwan ng customer niya.Sumisipol habang nagda drive si Gilbert, Pasulyap sulyap sa katabing babae na halatang lasing na. Sumilay ang misteryosong ngit sa labi ng lalaki.Hindi alam ni Evelyn kung ilang oras siya nakaidlip sa SUV ng lalaki, natatandaan niya nahihilo siya da