Share

Chapter 18

Nanatili siyang tahimik habang namimili nang makakain ang mag-asawa samantalang siya ay pinagmamasdan lamang ang mga ito. Naagaw naman ang kanyang pansin sa batang babae na kanina pa nakatingin sa kanya na siya niya ring tinitignan.

“Ang cute naman ng batang ‘to,” wika niya sa kanyang isipan.

Naalis ang mga tingin ni Anna sa bata nang magsalita ang kanyang ina.

“It’s been a long time, Anna. How are you doing?” tanong nito na tila ba walang naging masamang nangyari sa kanilang dalawa.

“I’m fine, Mom,” mahinahong sagot ni Anna na pilit tinatago ang tuwa na kanyang nararamdaman nang sandaling iyon dahil matapos ang lahat ay nagawa siyang kumustahin ng kanyang ina na para bang may pakialam na ito sa kanya.

“So, anong trabaho mo ngayon?” diretsahang tanong ng kanyang ina kay Anna.

Hindi umimik si Anna at binasa ang kilos ng kanyang ina na ibang-iba kumpara noong huli silang nagkita.

“Siguro okay lang na sabihin ko sa kanila? Okay lang ‘di ba?”

Napayuko si Anna at lihim na napangiti
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status