Share

Chapter 32

BINALOT ng samu’t saring emosyon si Anna nang sandaling makabalik siya ng hotel. Hindi niya makolekta ang kanyang sarili matapos ng lahat ng kanyang nalaman—ang hinala niyang hindi niya lubos na inaakalang magiging katotohanan. Hindi niya alam kung paano niya matatanggap ang lahat lalo na at hindi niya alam kung sino ang lalaking iyon. Hindi niya alam kung paano niya magagawang mahanap ang ama ng kanyang pinagbubuntis na ang tanging alam niya lang ay Jax ang pangalan nito.

Umiyak nang umiyak si Anna dahil hindi niya alam ang kanyang gagawin sa sitwasyon na kinalalagyan niya ngayon. “What am I going to do?” naguguluhan niyang tanong sa kanyang sarili.

Pakiramdam niya ay tuwang-tuwa ang kapalaran na paglaruan ang kanyang buhay dahil sa ang Jax na tumulong at nagpabago sa kanyang buhay noon ay kapangalan ng taong nagpagulo sa kanyang buhay ngayon.

“Why is all of this happening to me? What have I done to deserve all of these mishaps in my life?” nanlulumong tanong niya sa kanyang sarili
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status