Share

6

last update Terakhir Diperbarui: 2022-05-21 04:52:13

Kaze

Mahigit isang oras na ako dito sa kwarto na ito, napatingin na nga ako sa wall clock at nakita kong 10 a.m na.

''Saan ba umorder ng pagkain ang babaeng 'yon sa ibang planeta?'' nasabi ko saka ko biglang hinagis ang remote at padabog na tumayo para lumabas.

Nakakainis Bukod sa nagugutom na ako, sa lahat pa ng ayoko ay yung pinag hihintay ako kaya mabilis akong lumabas ng pinto.

Pero sa pag bukas ko ng pinto para lumabas ay may nakasalubong akong delivery man, na may mga dalang boxes ng pagkain. Pero lumakad pa rin ako ng bahagya bago muling lumingon,doon ko napansin na tumapat ang delivery man doon sa room namin ni Inchie.

Kaya naman bumalik ako para ma confirm ko kung nag utos nalang si inchie na magdala ng pagkain sa kwarto.

''Excuse me may kailangan ka ba?'' tanong ko.

''Ay opo kayo po ba si Mr. Kaze Fardo?'' tanong nito sa akin

''Oo bakit?'' sabi ko

''Ay Sir. Eto po pala 'yung pinapadeliver ng kaibigan nyong si Miss. Inchie kim, sabihin ko daw po sa inyo na don na daw po sila kakain sa labas.''

Sabi nito saka inabot sakin ang notebook na katunayan na natanggap ko ang mga idiniliver.

''Sila? Bakit sino ba kasama niya?'' tanong ko.

''Yung boyfriend po ata niya.'' sabi lang nito saka umalis, pero hinabol ko agad ito saka muling nagtanong.

''Ahh sandali lang. Gusto ko lang malaman kung ang sinabi sayo nung babae, na ang pagdadalhan mo nito ay kaïbigan niya...'' tanong ko.

''Ahh opo ang sabi po mismo niya, pakideliver sa kaibigan ko dito sa room number nga ninyo.'' sabi nito saka ko ito pinaalis na.

''Ahh ganun kaibigan pala huh?

Humanda ka sa akin? '' sabi ko saka ako umalis at padabog na inihagis ang mga pagkain na dala ko.

~~~~~~~~~

Inchie

Kala mo huh mabwibwisit mo pa ako? Kakain nalang akong mag isa dito kesa naman makasama ko ang sira ulong gaya mo. Nek nek mo,

Pero tama kailangan ko na talagang tanggapin sa sarili ko na may asawa na ako at hindi na ako dalaga gaya ng dati..

Kahit ang totoo ay sa isang bwan pa ako mag e eighteen. Pero ngayon mag e eighteen ako ng may asawa.

Kasurang buhay.

''Bakit ba kasi nauso uso pa ang fix marriage. Hindi ko tuloy napakasalan ang taong mahal ko talaga. Hay naku.'' nasabi ko ng pabulong.

Ng may biglang lumapit mula sa likod ko at hinawakan ako sa balikat.

''Bakit sino bang gusto mo? Ako ba?'' tanong ng lalake mula sa likod ko pero kahit hindi ko pa ito nakikita, alam ko na kung kaninong boses yon kahit pa nakatalikod ako.

Kaya naman Dahan dahan akong humarap at nakita ko nga ito at tama ako si kian nga ang nasa likod ko. At may hawak itong bulaklak na agad inabot sa akin?

''Akin ito? Tanong ko pero imbis na sumagot tango lang ang ginawa nito. At nagtanong.

''May problema ka ba sa napangasawa mo Chie?'' sabi nito saka umupo sa tapat ko kung san din ako naka upo.

''Huh? Teka. Anong ginagawa mo dito? '' tanong ko dahil talagang nagulat ako. Napaka aga naman niya? Saka andito pa talaga siya sa hotel? Bakit kaya siya nandito may kasama ba siyang babae?

Kaya naman Nagpalinga linga talaga ako, dahil baka bigla nalang may sumabunot sa akin.

''Sinong tinitignan mo? Natatakot kaba na makita tayo ng asawa mo?'' tanong nito na ikina tawa ko.

''Sira wala naman yong pakialam sa akin, saka puro nga 'yon pang iinis sa akin. Ni walang kagalang galang na ginawa sa akin ang isang yon, puro pang iinis. Ewan ko ba kung bakit ako pumayag payag na pakasal don.'' sabi ko ng may lumapit sa akin.

''Mam ididiliver ko na po ito.'' sabi nito

''Ahh okay pakideliver nalang sa kaibigan ko. Dito sa room number na ito.at sabihin mo narin sa kanya dito nalang ako kakain sa labas'' sabi ko saka ko sinulat ung room number namin ni kaze, saka ko inabot sa delivery boy.

''Okay po mam'' sabi ko saka ito umalis

''Kaibigan talaga?'' tanong ni kian.

''Hindi pa kasi ako sanay na may asawa na ako.'' sabi ko lang dito tapos nag kwentuhan kami. Halos nai kwento ko nga lahat ng nangyari sa amin kagabi ni kaze.

''Haha kung ganun pala, walang nangyari sa inyo buong magdamag? Kundi puro away at inisan lang?'' sabi nito na may halong ngiti..

''Yack!!!! Wala noh 'wag ka ngang mag isip ng ganyan. Walang mangyayari samin non noh....'' sabi ko sa kanya

''Buti naman kung ganon.. Alam mo bang hindi ako nakatulog kakaisip na baka kung ano ng nangyayari sa inyo, kaya naman andito rin ako sa hotel na ito.'' sabi nito na talagang ikinagulat ko.

''You mean?'' hindi ko patutuloy mga sasabihin ko ng magsalita ulit ito.

''Yes! Pumunta ako dito dahil sa pag aakalang papayag kang. Alam mo na''

sabi nito na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ma gets.

''Hindi mo ba maintindihan inchie? Gusto kita dati pa.. Na sana pala ipinaglaban kita ng malaman kong ikakasal kana, na sana pala noon ko pa sinabing gusto kita. Kaya ngayon nagsisi ako bakit ko hinayaan makasal ka sa kanya..'' nakakagulat na sabi nito. Hindi nga ako makakilos sa sinabi nito, para lang akong tanga na napatingin dito.

Nang may biglang may humawak sa kamay ko at hinila pa itaas dahilan upang mapatayo ako.

''Aray.'' naisatinig ko kaya naman tinignan ko kung sino ang may hawak ng kamay ko.

At ng tuluyan ko ng makita kung sino ang may hawak sa kamay ko,

Nagulat ako at natakot.

Si Kaze namumula ang buong mukha at leeg sa galit, habang diretso at walang ka kurap kurap na nakatingin kay kian.

''Kaninang kanina pa ako nag hihintay sa iyo sa kwarto natin tapos andito ka lang kasama ng lalakeng 'yan? Ginagalit mo ba talaga ako huh??'' malakas na sigaw nito na naging dahilan kung bakit pinagtitinginan na kami halos ng mga taong kumakain sa restaurant.

''Hindi mo kailangang sumigaw Kaze nakakahiya.'' Mahinang sabi ko dito para tumahimik na sana si Kaze pero hindi pa rin ito tumigil.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Jerk Husband   29

    Si shugine ikakasal na sa ex nito? na isang sikat na korean aktor sa bansa nila? 'yon ang huling balita ko dito matapos kong wasakin ng pinong pino ang laptop ko matapos kong mabalitaan iyon. ''Tsiii hindi ka magtatagumpay.'' naibulong ko.Patay ka talaga sa akin pag nakita kita. Hintayin mo lang ako pupuntahan talaga kita d'yan sa korea.Bulong ko bago ako sumakay sa kotse ko at iniwan si Blake.1week later.Bakit ba napakatagal ng celebrity na 'yon?Masyado naman siyang paimportante alam ba niyang marami akong ginagawang project ngayon na dapat maagang matapos ng makalipad na ako sa korea at ng masundo ko na ang lintik na babaeng mahal ko!''Direk matagal paba?'' tanong ko kay direk...''Malapit na 'daw siya. Teka ayan na pala siya.'' sabi ni direk saka kami napatingin sa kotseng parating.Bumilis ang tibok ng puso ko, parang may kung anong mangyayari.At tama nga ako napatayo na lang ako habang lumalabas ang pigura ng isang babae na matagal ko ng gustong makita.Pero teka. May bu

  • My Jerk Husband   28

    Kian's POINT OF VIEW''FOCCUS'' Malakas na sigaw ng photographer sa akin habang walang tigil ang pagkuha nito.Maya-maya pa ay sumigaw na ito ng''Okay Kian ang galing mo talaga.Break tayo ng Five minutes okay? Pahinga ka na muna.ayusin n'yo na rin si Blake at siya na ang susunod.'' sigaw muli ni direk bago nito pinasadahan ang mga kuha ko sa screen ng computer.Lumabas na muna ako at nag pahangin ng mapansin ko ang bag ko kung san naka lawit ang isang doreimon na key chain sa zipper ng bag ko.''Totoo pala.'' bulong ko sa sarili ko ng may tumapik sa balikat ko.''Totoo ang alin?''''Wala wag mo na lang akong pansinin.'' sabi ko saka ko tinanggap ang tubig na inaabot nito.''Kahit 'di mo sabihin sa akin, alam kong na mimiss mo siya tama?''''Tumigil ka nga d'yan. Sino bang tinutukoy mo?''''Sino paba sa tingin mo? Edi si Shugine.''''Paano mo naman nasabi 'yan huh?''''Bakit hindi ba? Alam mo bang kalat na kalat na sa korea na ikakasal na si shugine sa korean actor na nabalitang ex

  • My Jerk Husband   27

    Rachelle's Point of view.Halos ilang oras akong nagbabad sa shower. Para lang maalis ang lagkit sa katawan ko.Bukod don ito rin ang paraan ko para marelax ako sa nakakastress na pangyayari ngayon sa buhay ko.Hindi ko kasi inaasahan na makikita ko si Larry ngayon, halos anim na taon itong nawala kaya naman talagang nagulat ako sa pagdating nito.Ano bang dapat ang maramdaman ko ngayon? Dapat ba akong maging masaya? O dapat magalit ako?Nasa ganun akong pag iisip ng may marinig akong nag doorbell.Ini expect ko si Cjmilĺe kaya naman nag tapis nalang ako.Pero laking gulat ko ng hindi si Camille ang napagbuksan ko kundi si Larry, si Larry na pilit kong iniiwasan pero hinahanap ng puso ko at ng isip ko. Si Larry na laging nasa panaginip ko na mahal na mahal ko.''Mag usap tayo.'' At ngayon nakatayo ito sa harapan ko, mapungay ang mata at halatang lasing, ano bang dagat kong gawin? Naguguluhang sabi ko sa sarili ko.Pero sa bandang huli mas pinili ko nalang papasukin ito.Marahil gust

  • My Jerk Husband   26

    Rachelle's Point of view...Sobrang rinding rindi na ang tenga ko sa best friend kong si Camille sa kakadaldal nito tungkol sa tinakasang kong ka blind date na siya mismo ang nag set.Sa totoo lang matagal ko ng sinabi sa kanya na ayokong munang makipagdate o pumasok sa isang relasyon.Hindi naman sa bitter ako, hindi palang talaga ako handang makipag relasyon sa ngayon.Pati nga si Zig na halos tatlong taon ng nanliligaw sa akin ay di ko sinasagot dahil ayoko pa talaga hindi pa ako handa.Pero itong si Camille hindi sumusuko dahil wala pa rin itong tigil ng kaka set ng date na lagi ko namang hindi sinisipot.Kaya eto talak na naman ito ng talak.''Pwede ba Camille ang ingay mo.Kasalanan mo naman kung bakit ka napahiya di'ba? Umpisa palang sinabi ko na sa iyo na ayoko munang pumasok sa pakikipag relasyon pero sumisige ka pa rin, kaya kasalanan mo 'iyan.'' sabi ko dito na sinimangutan agad nito.Tumayo ito at umikot ikot sa loob ng opisina ko.''Eh kung si Mayor Dion kaya? Di'ba inaan

  • My Jerk Husband   25

    8 YEARS LATER.Padilim na ang kalangitan ng maisipan kong lumabas at tignan ang papalubog na araw.''ang ganda...'' bulong ko ng bigla akong mapasinghap ng malalim ng maramdaman ko ang lakas ng hangin.Muli ko nanamang naalala ang mga nangyari sa mga nakalipas na anim na taon.Flashback...Inchie's Point of view..Labing isang bwan ng coma si kaze pero hindi pa rin ito nagigising mula ng maoperahan ang tumor nito sa ulo.kaya naman ng mga panahong yon hindi kona alam ang gagawin ko, maliliit pa lang ang kambal ko, na madalas na nasa pangangalaga ng byanan ko, dahil ako ang madalas nagbabantay kay kaze sa hospital ayoko kasing iwan ito dahil baka bigla itong magising ng hindi ako ang katabi..''hindi kapaba magpapahinga ate?'' tanong ng hipag ko. Kasalukuyan din itong nagbabantay sa kapaTid nya para maging kapalitan ko.Pero ewan koba, parang may nagtutulak sakin na wag akong umalis at iwan ang asawa ko ng bigla kong matanawan ang kamay ni kaze na gumalaw kaya naman.''kaze?'' lapit k

  • My Jerk Husband   24

    Inchie's POV.Nasa kwarto ako, kung saan nakahiga at nagpapahinga si kaze, alam kong pagod na pagod ito dahil kakatapos lang ng chemo nito,, halos araw araw kung sumuka ito at dumadalas narin ang pag sakit sakit ng ulo nito.. Sa totoo lang napaka laki na ng ipinayat ni kaze, unti unti narin nalalagas ang buhok nito.. At halos wala narin itong kulay dahil sa sobrang kaputlaan..Sa totoo nga nyan halos araw araw akong naiiyak sa tuwing nakikita ko ang mabilis na pag laglag ng katawan ni kaze. Lalo na sa tuwing dumadaing at namimilipit na ito sa sobrang sakit ng ulo.Nakikita ko nga minsan na sinusuntok na nito ang ulo nya, dahil siguro sa sobrang kirot at sakit na nararamdaman nito.. alam kong lumalaban si kaze para sa akin... Kahit alam namin na napaka baba na ng porsyento nito para maka survive.Ay di parin ako nawawalan ng pag asa may dyos na pwedeng maghimala.Kahit na sinabihan narin ako ng doktor na maslalo pa daw lumalala ang pagkalat ng cancer nito sa buong katawan ay di parin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status