INICIAR SESIÓNNang magising si Ada, unang sumalubong sa kanya ang puting kisame. Sa amoy palang ng kwartong ito, alam niyang nasa hospital siya.
Maya-maya'y may narinig siyang yapak ng paa sa labas ng kwarto. Nang bumukas ang pintuan, pasipol-sipol na pumasok ang kanyang best friend na si Alexa. May dala itong tray ng pagkain. Nang maamoy niya ito, naramdaman niyang kumukulo ang kanyang sikmura sa gutom. Hindi pa pala siya kumakain simula kaninang umaga. “L-Lex?”mahinang tawag ni Ada sa kaibigan. “Ay pwet na kulubot! Gising ka na pala! Wala ka namang pasabi! ’Wag ganoon, madam!” gulat na sambit ng kaibigan. Halos matapon na ang laman ng tray nitong dala. Mabuti nalang at nailapag kaagad ito sa malapit na mini table. “Sorry...” nanghihinang sabi niya. “T-Teka bakit ka nandito?” “Ay, grabe siya, oh! Bakit bawal ba ako dito?” nakapout na sabi nito. “Hindi naman sa ganoon. Kasi–” “Tinawagan lang naman ako ng magaling mong asawa para kuhanin ka sa bahay ng biyenan mong dragon. Nawalan ka daw ng malay.” Pinagkrus pa ang kamay nito sa dibdib sabay irap sa kanya. Kung alam lang nito na mas inuna pang dalhin ni Grayson sa hospital si Sofia kaysa sa kanya, tiyak na susugod ito sa bahay ng biyenan niya. Si Alexa lang ang bukod tanging nakakaalam sa kung anumang nangyayari sa kanila ni Grayson. Siyempre, ito ang kakampi niya sa lahat. Gusto pa nga nitong pagdivorce-in na sila agad noong one month palang silang kasal. “A-Ah, thank you, best.” Nginitian niya ito ng pilit. “Walang anuman. Gagawin ko ang lahat para sa‘yo. Alam mo naman 'yon, 'di ba? Kung hindi mo kayang alagaan ang sarili mo, sana naman alagaan mo para sa akin.” Tinaasan siya nito ng kilay at saka umiwas ng tingin. Natahimik si Ada. Alam niya ang tinutukoy nito. Tungkol kay Grayson na naman. Alam na kaagad ni Alexa ang dahilan sa tuwing magkakaganito siya. Madalas siyang nahihimatay sa stress at pagod noon pa man. “Sorry. I'll try my best.” Bumangon siya at tiningnan ang kaibigan. “Oo na. Kahit puro pangako ka nalang.” Kinuha nito ang tray at nilapag sa harapan niya. “Sorry na nga.“ Paawa effect niya sa kaibigan para tumigil na ito sa kakaratrat. “Oo na. Basta 'wag mo nang uulitin, ha? Dapat kasi hindi ka na pumunta pa doon. Dagdag stress lang. Naku! Hiwalayan mo na kasi ang lalaking 'yon.“ “H-Ha?” Napakurap si Ada. Aaminin niya, sobrang duwag niya sa usaping hiwalayan. “Wala.” Bumuntong-hininga ang kaibigan. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” “Hmm,” saglit siyang huminto sa pagsalita upang pakiramdaman ang kanyang puson, “I'm feeling better now. Thanks.” “Good. Masyado ka na naman kasi nagpapa-istress sa siraulong 'yon. Sabi ng doctor kapag okay na raw ang pakiramdam mo, pwede ka nang madischarged.” “Thank you. Hindi ko alam ang gagawin kung wala ka,” marahan niya itong nginitian. “Sige na. ’Wag mo na akong bolahin pa. Kumain ka na at aalis na rin ako. Babalik pa ako sa clinic." Kinuha nito ang sling bag at isinukbit sa balikat. “Kung gusto mo nang umuwi, tawagan mo nalang si Manong Rommy. 'Wag ka muna mag-drive. Baka mabinat ka. If you need anything, just let me know. Love you. Bye!” Nag-flying kiss pa ito bago umalis. Panay tingin ito sa wrist watch at parang bagyo kung makalakad palabas. Isa kasi itong OB-GYN at may sarili itong clinic. Mas malapit ang hospital sa bahay ng biyenan kaysa clinic ng kaibigan kaya dito nalang siya dinala nito. Binalot ng katahimikan ang buong kwarto. Muli na namang bumigat ang kanyang pakiramdam. Nanumbalik sa kanyang sistema ang lahat ng ginawang panloloko ni Grayson sa kanya mula noon hanggang ngayon. Parang naka-fastforward sa utak niya ang mga imaheng kasama ni Grayson si Sofia na nagsasaya at naglalambingan, na para bang wala itong nasaktang tao. Dito niya napagtanto na may rason naman pala si Grayson. Pero ang labis na ikinagalit niya ay kung bakit hindi ito kaagad nakipaghiwalay sa kanya. Bakit kailangan niya pang pagdusahin siya ng matagal kung nagkabalikan na pala sila ni Sofia? Napakasakit at napaka-unfair nito sa part niya! Hindi pa ba sapat na kabayaran ang pagtulong nito sa kanyang ina ang paninilbihan niya rito ng limang taon bilang asawa? Hindi pa ba sapat na mahalin at alagaan niya ng buong puso ang adopted son nito na totoong anak naman pala? Kailangan pa bang sirain nito ang buong buhay niya? Sa relasyong ito, si Ada ang palaging accommodating at mapagkumbaba. Kahit nagmumukha na siyang tanga at sunud-sunuran, bakit hindi man lang makita ni Grayson ang mga sakripisyo at paghihirap niya? Oo na't kasalanan ni Ada ang mahalin ang isang taong hindi naman dapat mahalin. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang kanilang kasunduan na walang feelings ang dapat mainvolve dito. Pero hindi niya pa rin maiwasang magmahal. Deserve niya ang kinahinatnan ngayon, ‘di ba? Ang landi-landi niya kasi! Kung may ibang paraan lang sana siya noon, hinding-hindi siya magpapakasal ng padalos-dalos. Ang lahat ng ito ay para sa kanyang ina. Hindi siya pwedeng magsisi ngayon dahil nangako siyang gagawin niya ang lahat para makalabas ito sa kulungan. Nagpakawala siya ng malalim na hininga at pilit na isinantabi muna ang mga bagay na iniisip para kumain. Pagkatapos ay nagpahinga muna siya ng isang oras bago napagdesisyonang lumabas ng hospital. Maayos naman na ang pakiramdam niya. Medyo lumiwanag ang mukha niya dahil sa wakas naibsan na rin ang pag-aaalala niya. Stressed lang pala siya. Nakailang hakbang pa lang siya palabas ng kwarto nang bumukas ang katabing kwarto. Nanunuot kaagad sa kaniyang pandinig ang malumanay at malanding boses na para bang kay sarap kurutin ng nailcutter. Kahit hindi niya nakita kung kaninong boses ito ay kilalang-kilala niya ito. ‘Pati ba naman dito ay sinusundan ako ng delubyo? Ang malas ko naman,’ aniya sa isip. “Sweetheart, thank you for taking care of me today. I owe you my life,” sabi ng boses ng babaeng kinamumuhian niya. Walang iba kundi ang kasabwat ng kanyang magaling na asawa na lokohin siya–si Sofia. ‘Ay wow, ha? Life talaga? Na para bang nakaligtas siya sa isang murder attempt kahit na-out of balance lang ng kaunti.' “Of course, anything for you.” Ada heard Grayson's response in a sweet, comforting tone. Sa tantiya niya'y nakangiti pa ito ng sabihin iyon. Kahit nag-uumapaw na ang kanyang inis, hindi pa rin niya maiwasang maging bitter. Kasabay nito ang pagtarak ng sakit sa kanyang dibdib at bahagya itong naninikip. Ramdam niya rin ang pag-init ng bawat sulok ng kanyang mga mata. Napakapit nalang siya sa sling ng kanyang bag. Alam niyang anumang oras ay babagsak ang luha niya kaya nagpasya siyang padaanin muna ang dalawa. Huminto muna siya at kinuha ang cellphone at nagkunyaring busy sa pagtitipa pero ang totoo. Nakahinga siya ng maluwag nang sa wakas ay tumahimik na ang mga ito nang malapit na sa kinaroroonan niya. Ngunit...“Will you be my girlfriend?” basa ni Grayson sa nakasulat banner. Hindi kaagad makasagot si Ada. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman. Masaya siya pero may kaunting disappointment. Hindi naman sa hindi niya gusto, kundi dahil parang hindi siya satisfied sa tingin ni Grayson sa kanilang relasyon. They were married in the past. They got divorced and then reconciled. Shouldn't he supposed to ask her to marry him? Hindi naman sa feelingera siya pero hindi ba iyon dapat ang tama? After all this time, magkasintahan pa rin ba ang tingin ni Grasyon sa namamagitan sa kanila? Nagising ang diwa ni Ada mula sa ilang sandaling pananahimik nang hawakan ni Grayson ang kamay niya. Napatingala siya sa mukha nito. His eyes were full of love and sincerity. “Sorry to disappoint you but all this time I have been wanting to make it up to you. I want us to begin again, the most normal way. I want to rewrite our past into a fairytale. Adaghly
Panay sorry si Thea sa babaeng customer. Ngunit nagmatigas ito. Ang gusto nito ay sesantihin si Thea. Wala nang nagawa pa si Grayson kundi ang makialam. Nasasali na rin kasi si Ada. “Mga tsimosa kasi kayong dalawa. Tsismis gusto, trabaho ayaw? Why were hired? You should be fired. I need to talk to your manager,” galit na sigaw ng babaeng customer. Pinagtitinginan na sila ng ibang customer. “Ma'am, pasensya na po talaga,” kinakabahang sabi ni Thea. “Uhm, mawalang galang na po. Pwede naman po sigurong ayusin 'to sa mabuting paraan. There's really no need to shout,” sabat ni Ada. Sabi na nga ba. Hindi mabuti ang ginawa ni Thea. Ayaw kasing makinig sa kanya. Pero hindi niya naman ito masisisi. May mga tao talagang katulad ni Thea na mabilis madala sa sariling imahinasyon. “Excuse me? What's going on here if i may ask? Ang tagal kasi dumating ng order ko,” biglang sumulpot si Grayson sa eksena. Napatingala si Ada sa
Kinabukasan, pumunta kaagad sila sa nasabing coffee shop. Maliit lang ito pero maganda ang pagkagawa. Maaliwalas tingnan at relaxing. Nagustuhan ito ni Ada. Kakilala pala ni Alexa ang babaeng manager kaya nakuha kaagad ni Ada ang trabaho. At isa pa, walang sinuman ang nag-apply doon dahil malayo ito sa siyudad. Sa katunayan, matagal na silang naghahanap ng tao at simula noon, siya palang ang unang dumating. Ayon sa kanilang napag-usapan ng manager, pwede nang magsimula si Ada kinabukasan din. Pero humingi siya ng pabor dahil magliliwaliw muna silang dalawa ni Alexa. Mabuti at pumayag kaagad ang manager na may magsimula siya three days later. Ang ginawa nila sa unang araw, bumisita sila sa bukirin ng mga kababayan ni Alexa. Tumulong sila sa pag-aani ng mga gulay. Sinagot na rin ni Alexa ang ibang gamit ng pagsasaka gaya ng mga makabagong makinarya para sa palayan at pag-aararo. Sa ikalawang araw, naligo sila sa isang tanyag na tour
Pagkatapos ng ilang oras ng mahabang byahe, nakarating na rin sila sa probinsya ni Alexa. Tinanghali sila ng dating, simula alas siyete kaninang umaga hanggang ngayong alas onse ng tanghali. Walang nagbago sa ancestral house na tinutuluyan ni Ada dati maliban sa natutuyong mga damo at dahon ng mga puno. Nakakalbo na ang halos lahat ng mga halaman dahil sa matinding tagtuyot. Pero gayunpaman, ito pa rin ang dating tinakbuhan ni Ada noong halos mabaliw na siya sa mga problema. Pagkababa ni Ada ng kotse, sumalubong kaagad si Aling Maria, ang caretaker ng bahay. Tinulungan niya si Alexa na ibaba ang kanyang mga bagahe. Sinadya nitong magsara muna ng clinic upang masamahan siya sa pagpunta dito. Si Zach ay busy sa trabaho kaya hindi nakapuslit na sumama. “Naku, akala ko kung sinong naggagandahang artista ang dumating, kayo lang pala, ma'am,” namamanghang bati ni Aling Maria sa kanila. “Naku, gumagaling ka na sa pambobola mo, Aling Maria, ah? Kaltas k
Nang marinig ni Ada ang pagsara ng pinto ng banyo, unti-unti siyang gumalaw. Nag-uunat kunyare at pasimpleng humihikab. Kinukusot niya muna ang mga mata bago dumilat. With her half opened eyes, she turned around to face the amused five-year-old boy. “Mommy? Are you awake now?” masayang bati ng bata sa kanya. Mabilis itong lumapit sa tabi niya at excited na nakangiti. “Uh, hi baby...”paos niyang sabi. “Good morning. ” “Are you feeling better now, mommy?” tanong ni Grant. “Y-Yeah, of course. Tita Alexa was here yesterday. How could I still be sick?” “Really? Then that's great! I know she's a great doctor. ” Biglang kumunot noo ng bata. Napatitig ito sa mukha ni Ada. “What's wrong, baby? Is there a dirt on my face?” nagtatakang tanong niya. “Oh, I haven't washed my face yet. I just woke up.” “There's nothing, mommy. But are you really sure you're okay?” “Yes, I'm a hundred percent sure. Why?”
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Ada. Hindi niya alam kung paano magreact. Sabi ng isip niya, mali itong ginagawa nila. Masyado pang maaga para dito. Ngunit ang sabi naman ng puso niya ay sundin ang nararamdaman dahil matagal na niya itong sinuway at hindi pinagbigyan. Nawala siya sa katinuan ng naging mapusok ang mga halik ni Grayson sa kanyang leeg. Napapaigtad siya sa bawat dampi ng labi nito sa kanyang balat. What was even more shocking was finding herself voluntarily giving Grayson more access on her neck. Napapapikit siya sa kakaibang init na dala ng halik nito. Ada noticed one of his adventurous hands searching for the hem of her white button down shirt. Nakikiliti siya sa ginawa nito. Halos mawalan siya ng lakas nang maramdaman ang kamay nito na nagtatangkang gumapang mula sa kanyang tiyan pataas sa kanyang nakatagong bulubundukin. Mainit ang mga palad nito na siyang nagpapaliyab sa nararamdamang pangungulila. Napaawang ang kanyan







