Share

CHAPTER 26

last update publish date: 2026-10-01 21:00:24

Nanlaki ang mga mata ni Megan nang marinig niya ang mga sinabi ni Killian. Gusto niya pang isiping kinaringgan niya lamang ang mga binitiwan nitong salita. O hindi kaya ay isang biro lamang iyon at agad din naman nitong babawiin ang mga sinabi.

But Megan knew that it was impossible for him to joke like that. Sa uri na ng relasyong mayroon sila ngayon... sa galit na mayroon ito para sa kanya, isang himala kung magbitaw pa ito ng isang biro. Idagdag pang ang uri ng ekspresyong mayroon ngayon sa m
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Mafia Boss Ex Wants Revenge (DANGEROUS ROMANCE SERIES 1)   CHAPTER 58

    Parang wala sa sariling marahang naglakad si Megan papasok sa silid na inookupa ni Arabella sa bahay na iyon ni Killian. Nang bumukas ang pinto at pumasok siya ay agad pang napalingon sa kanya ang kanyang anak. She was busy on her coloring books. Nang makita nga siya ay agad pa itong nahinto sa ginagawa.“Mama...” wika ni Arabella sa mahinang tinig. “What took you so long, Mama?”Hindi makuhang sumagot ni Megan at napatitig na lamang sa kanyang anak. Ramdam niyang namumuo na naman ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya kasi maiwasang maalala ang narinig niyang pag-uusap nina Killian at Cassandra kanina.Nagkikita ang dalawa. Nag-uusap ang mga ito nang hindi man lang sinasabi sa kanya ni Killian. Kung hindi pa siya nagpasyang magtungo sa Empire Fashion House ay baka patuloy pa rin siyang walang alam tungkol sa mga ito.Cassandra was pregnant. Rinig na rinig niya nang sabihin iyon ni Killian. He was even worried about her so he was planning to fix everything.At sa paanong paraan

  • My Mafia Boss Ex Wants Revenge (DANGEROUS ROMANCE SERIES 1)   CHAPTER 57

    “Masaya kaming nagkaayos na kayo ni Mr. Virelli, Megan. After everything you’ve been through, you two deserve to be together. Kung hindi nga lang dahil sa lolo niya, baka matagal na kayong naikasal...”Isang matamis na ngiti ang namutawi mula sa mga labi ni Megan nang marinig niya ang mga sinabi ni Axel. Nagsasalita pa ito habang inilalapag ang pitsel na may lamang malamig na juice sa ibabaw ng center table na nasa kanilang harapan. Pagkatapos ay naupo ito sa mahabang sofa na naroon.Si Kelly naman ay kasunod lang nito na may bitbit namang maliit na tray kung saan naroon ang tatlong baso at sandwiches na ito mismo ang gumawa. Inilagay nito ang mga iyon sa tabi ng pitsel saka naupo sa tabi ni Axel.Kasalukuyan siyang nasa bahay ng mga ito. Nang araw ngang iyon ay naisipan niyang dalawin ang dalawa. Kinailangan niya pang magpaalam kay Killian na hindi naman tumutol. Iyon nga lang, hindi ito pumayag na umalis siyang walang kasamang tauhan nito. Ayon pa sa binata, kailangan iyon para sa k

  • My Mafia Boss Ex Wants Revenge (DANGEROUS ROMANCE SERIES 1)   CHAPTER 56

    Isang masuyong ngiti ang nasa mga labi ni Megan habang pinagmamasdan niya si Arabella na abala sa pagkain. Puno ng gana ang bawat pagsubong ginagawa nito. Katunayan ay kanina pa ito nagbibigay ng papuri sa meryendang niluto niya para rito sa hapong iyon.Kasalukuyan silang nasa may teresa ng silid na inookupa nito sa bahay ni Killian. Doon niya na napiling dalhin ang meryenda nito na labis nga nitong ikinatuwa. Ang paborito kasi nitong ginataang bilo-bilo ang niluto niya.“Be careful,” napapangiti niyang sabi nang hindi sinasadyang may natapon mula sa kutsara nito. Kumilos na nga siya para punasan iyon gamit ang tissue na nasa ibabaw lang din ng mesa.“Thank you for this, Mama,” she said innocently.Ang mga sinabi nito ay mas lalong nagpangiti sa kanya. “You are welcome. Alam kong paborito mo iyan kaya iyan ang hinanda ko para sa iyo.”Arabella didn’t say a word. Nagpatuloy lang ito sa pagkain sanhi para mataman na namang napatitig dito si Megan. Nang mapuna niyang patapos na ang kany

  • My Mafia Boss Ex Wants Revenge (DANGEROUS ROMANCE SERIES 1)   CHAPTER 55

    “So, you are agreeing to what Achilles wants?” puno ng diin na tanong ni Killian kay Julianna isang hapon na magkaharap silang dalawa.Sadyang tinawagan niya ang pinsan niya at nakipagkita rito. Kasalukuyan silang nasa isang sikat na cafeteria. Doon niya ito kinatagpo dahil hindi na niya gustong bigyan pa ng isipin si Megan. Kapag sa Empire Fashion House kasi o ‘di kaya sa bahay niya sila mag-usap ni Julianna ay baka mabahala pa ang dalaga.That’s the last thing that he wanted to happen. Kahapon pa nga lang ay gumugulo na sa isipan ni Megan ang lahat ng nangyayari. Kapag nakita nitong magkausap silang magpinsan ay baka iginiit na naman nitong sundin niya na lamang ang nasa kasunduan para lang hindi na manganib pa si Julianna.Of course, he didn’t want for Julianna to be in danger. Hindi rin naman siya sang-ayon na ito ang sumuong sa isang kasal para lang matupad ang nasa kasunduan ng mga Virelli at Fontana. Kilala niya si Achilles. Alam niya kung anong uri ng mundo ang ginagalawan nit

  • My Mafia Boss Ex Wants Revenge (DANGEROUS ROMANCE SERIES 1)   CHAPTER 54

    Tuloy-tuloy lang na pumasok sa silid si Megan at didiretso na sana sa may kama nang agad siyang napalingon sa may pintuan. Doon ay nakasunod sa kanya si Killian sa pagpasok. Ang mga mata nito ay sa kanya lamang nakatuon kasabay ng pagkabig na nito sa pinto pasara.They were in Killian’s room. Nasa bahay pa rin nga sila ng binata at tulad sa nais nito ay sa sarili nitong kuwarto siya natutulog, katulad na lamang nang isang gabi.“Are you avoiding me, Megan?” agad na wika sa kanya ni Killian nang maisara na nito ang pinto. “Mula nang makauwi tayo galing sa EFH ay halos hindi mo na ako kibuin.”Megan wouldn’t deny that. Napansin nga nito na halos kanina pa siya tahimik. Kung kausapin niya man ito, iyon ay kapag may tinatanong lang sa kanya ang binata na kailangan niyang sagutin. Other reason than that, she didn’t really talk to him.At hindi niya nga maiwasang umakto nang ganoon. Pagkauwi nila galing sa Empire Fashion House ay si Arabella agad ang inasikaso niya. They all ate dinner toge

  • My Mafia Boss Ex Wants Revenge (DANGEROUS ROMANCE SERIES 1)   CHAPTER 53

    “She is a Virelli, Megan. Hindi ba’t nararapat lang na mamuhay siya sa uri ng mundong mayroon ang mga Virelli,” wika ni Don Antonio kay Megan na agad nagpaahon ng labis na galit sa kanyang dibdib.Naroon pa rin sila sa Empire Fashion House at kaharap niya pa rin ang matandang lalaki. Napunta na nga kay Arabella ang usapan nila at halos mapatiim-bagang pa siya dahil sa mga sinabi nito.He already knew about her daughter. Hindi na niya pagtatakhan kung paano pa iyon nalaman ng matandang lalaki. Alam niyang kinompronta ito ni Killian tungkol sa mga nagawa nito anim na taon na ang nakararaan. Nasisiguro niyang nabanggit na rito ng binata ang tungkol sa kanilang anak.And now, Antonio was telling her that Arabella should live as a Virelli. Nais nitong kalakihan ng anak niya ang uri ng buhay na mayroon ang pamilya nito? Ang mamuhay sa organisasyong kinabibilangan ng mga ito? Ang lumaking waring normal na lamang ang karahasan at iba pang illegal na gawain?“No,” seryoso at puno ng diin na sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status