Share

Chapter 3

Lukot na lukot ang mukha ko hanggang sa matapos ang buong first class ko, bakit ba ang tagal ng oras? Nauurat ako sa mga mukha nila. Gusto ko magiba na agad ang mga kasama ko.

"Bakit purse ang dala mo? Magsho-shopping ka ba at kung makaporma ka parang mall at hindi eskwelahan ang pupuntahan mo." Sambit ni Cy nang makalabas kami ng classroom.

"Wala akong ibang magamit eh. At saka, lahat ng libro ko nasa locker." Dahilan ko kahit madami naman talaga akong bag.

Wala lang, mukhang ito lang kasi ang magandang magsu-suit sa suot ko ngayon eh.

"Weird mo talaga. Hindi mo ba alam kung gaano kababad sa paga-aral ang asawa mo, and then you are here. Playing around like a useless one."

Isang malakas na hampas ang natanggap niya mula sa'kin. "Ang harsh mo na din ha! Nahawa ka ba sa malditang Athena na 'yon?!"

"Gaga, totoo naman. Dedeny ka pa ba? Halos tignan mo ang sarili mo. Wala akong makitang kainteres man lang sa mga mata mo. Alam mo kung anong nakikita ko?"

Humarap ako sa kanya at mas pinalaki pa ang mata. "Oh, ano? Kagandahan ng mata ko?" I asked.

Itinulak niya ang noo ko gamit ang hintuturo niya. "Hindi, katamaran!" Sambit niya bago ipagpatuloy ang paglalakad.

"Being a lazy woman is my charm, you know. Kaya nga ang daming nai-inlove sa tamad na katulad ko eh."

"Nagtataka na nga din ako sa mga admirer mo eh. Wala akong makitang katangian mo na makakapagpabihag sa kanila."

"Bulag ka ba? Ayan girl oh. Nasa harapan mo na eh!" Sabi ko sabay turo sa mukha ko. "Syempre, Cy. Ganda lang 'yan. Kahit wala kang brains basta may ganda ka, nako. Patok na patok ka sa sangkatauhan!"

Inirolyo niya ang papel na hawak niya at malakas na inihampas sa ulo ko. "Hindi din talaga ako makapaniwala sa mindset mo eh' noh. Hindi ko talaga alam kung saan ka kumukuha ng lakas ng loob para maging proud pa sa kabaliwan mo."

Natatawa lang akong ikinawit ang mga kamay ko sa braso niya. "So, how's your relationship with your step-brother, huh? Hinuhuthutan mo na ba?" Natatawang tanong ko.

Naiirita siyang pumiglas at sinamaan ako ng tingin. "Don't you dare say his name infront of me, you dimwit!"

"Wala naman ako sa harapan mo. Fyi, nasa gilid mo ako." Pang-aasar ko sa kanya.

Umirap siya at nagpaunang maglakad sa'kin. He have a step-brother. That was Chris, the one who picked her up last day. Well, they are really not in good terms. That day, I am sure na napilitan lang si Chris na sunduin ang babaeng 'to.

I told her na kumuha na siya ng driver kung ayaw niya magdrive ng kotse. Pero, she always ignored me! This is for her sake din naman.

Sunod naman kaming nagkanya-kanya na. Malapit na din kaming grumaduate eh, malapit na din maging intern si Cyzxiel, ganoon din si Klyde.

Samantalang ako, hindi ko alam. Wala man lang akong kaideya-ideya sa course na pinasok ko. Hindi ako nagbusiness management, and my dad understand that anyway. Pwede naman daw ang magiging anak ko ang maging tagapagmana ng lahat ng ari-arian niya.

"Hillary!" Napalingon ko nang may tumawag sa'kin na pamilyar na boses.

Paglingon ko, It's Kyla! "Oh, Kyla. Kamusta?"

"Ano ba 'yan! Ako dapat ang nagtatanong niyan sa'yo. Maayos ka bang nakauwi kagabi? Pasensya ka na at ginabi ka pa dahil sa' kin." Kitang kita ang guilt sa mga mata niya.

Teka, bakit ba siya nagu-guilty? Eh, at the first place naman ako ang may gusto makipagkita.

"Huwag kang maguilty, ano ba! Maayos akong nakauwi kagabi, magaling magdrive ang driver ng sinasakyan ko." I said and winked at him.

"By the way, gusto ka palang imbitahan ni Mama sa bahay mamaya. Okay lang ba?" Tanong niya.

I smiled and nodded. "Oo naman, ikaw pa ba. I want to eat some corn dogs again eh. Pang pagaan ng pakiramdam sana."

Hindi nagtagal ang chikahan naming dalawa dahil nagring na ang bell, tanda na dapat nasa loob na ng classroom ang lahat. At, ito ko naglalakad pa din papunta sa next class ko.

Pawis na pawis na 'ko, dahil na din sa kaba. Kapag nadatnan ako ni Klyde, yari na naman ako. Lagi naman akong lagot sa lalaking' yon, wala naman yatang araw na hindi ako nalalagot sa kanya.

Saktong pagpasok ko sa classroom, narinig ko ang baritonong boses ni Klyde sa kung saan. "Celestina Hillary." May diin na sambit niya.

I pouted, sumilip ako. Nakita ko ang walang emosyon niyang mukha habang nakatitig sa lugar kung saan ako nakasilip.

"Hi, hehe." Nasabi ko nalang at tumakbo papunta sa upuan ko.

Mula dito, kitang kita ko ang masasamang tingin niya. Nang umalis siya, doon lang ako nakahinga ng maluwag. Parang nawala lahat ng tinik na dala dala ko papunta dito. Grabe naman, hindi naman siya si kamatayan bakit nakakatakot siyang galitin.

He's a wild mad animal when he was angry.

At, ganoon din naman ang ginawa ko sa second class ko, at sa mga susunod pang class. Ang tumulala sa bintana. Wala talaga akong nahihitang interes kahit kakaunti lang. Grabe ka na talaga Hillary! 

"Ms. Vanidestine, may balak ka bang lagyan ng sulat 'yang papel mo? Ikaw nalang ang tao dito sa classroom." 

I pouted. Halos lahat sila umalis na, tapos na makapili ng lugar para magtraining, samantalang ako ito nagiisip pa din at kahit anong isip ko wala talaga akong maisip. 

Kung magdedetective ako, hindi pa ako nagsisimula baka tanggal na ako agad. So, I prefer to be a FBI Agent. Okay naman 'yon for me' di ba?

Kumuha ako ng ballpen at ka-agad na sinagutan ang mga tanong sa papel. Bahala na si batman sa'kin, pinagpapasa kanya ko nalang ang lahat. 

I stood up and went to teacher's table to submit the paper. "Finally, natapos ka din. Maraming salamat at naisipan mong magisip ng profession." 

Ngumuso nalang ako at dumiretso labas. 4 years din 'yon, ha. But, I prefer to work in states than here. Mas better magtrabaho bilang FBI Agent sa ibang bansa. I don't know why,' yon ang nararamdaman ko eh. 

Hanggang sa sumunod na klase, hindi ko pinagtutuunan nang pansin ang bawat lessons na itinuturo. Dahil kahit gusto ko, ayaw naman ng utak ko. Feeling niya yata ibon siya at gusto niya lumipad ng lumipad. 

"Pinaguusapan din ng head niyo kung isasama ba kayo sa field trip, since magiging intern na kayo next month, I think it will be better if you enjoy kahit sa sandaling panahon lang." 

Field trip? Omg, yes! I love travel! 

"Prof, bakit pinaguusapan palang? Wala pa bang final desicion?" 

"I'm not sure about that, 'yon lang ang narinig ko, eh. But, I'll find it out later, ang alam ko ngayon lalabas ang desicion nila. Magdasal nalang kayo na sana pumayag ang head niyo."

Gusto ko na ulit magfield-trip! Last field-trip ko noong elementary pa yata, madalas kasi ayaw ni Dad ang mga ganito dahil delikado daw. Nega masyado ni Dad 'di ba? 

"Girl! Omg! May field-trip daw, right? Omg! Omg! Finally!" Bungad ni Cy nang makalabas ako ng classroom para sa last class ko for today. 

Ngumiwi lang ako at nagpaunang maglakad. "Oh, bakit nakabusangot ka? May problema ba?" 

"Mayroon, madami!" Sagot ko sa kanya. 

"Echos mo muna ang problems, girl. Have fun, oh my gosh ka! Excited na 'ko agad ako kahit wala pang final desicion!" 

"What if hindi na naman pumayag si Dad? Kapag nangyari' yon. I am doomed!" 

Ipinalibot niya ang mga braso niya sa balikat ko. "Girl, remember? You have your husband on your back, I am pretty sure na hangga't nandiyan si Klyde. Papayag si Tito." 

I tsked and laughed sarcastically. "As if naman na papayag ang isang 'yon. You know him, Cy. Ayaw niya ng mga ganito. He would rather stay at home and sleep instead of having fun." 

Tinanggal niya ang pagkaka-akbay niya sa'kin nang marealize niya ang sinabi ko. 

"Sabagay, Klyde is a boring person. Ni wala man lang yatang kasiyahan sa katawan ang isang 'yon. But, don' t worry! You have me naman. Aalagaan kita!" 

Ang bruhang 'to, puro salita. Kapag nasa location na kami, iiwan din niya naman ako. Isa din siyang malaking echos eh.

Pagkatapos ko ayusin ang mga gamit ko sa locker, dumiretso na ako sa parking lot para hintayin si Kyla. 

Pero, pagdating ko sa parking lot. I saw her there patiently waiting for me. "Kyla!" I shouted. 

Nag-angat siya ng tingin at ka-agad na nagliwanag ang mukha niya nang makita ako.

"Bagong kaibigan?" Bulong ni Cy.

"Bagong tutulungan." I said and winked at her.

She was just shooked her head. "Gusto mo sumama?"

"Saan?"

"I'm having a dinner with her and her mom."

"No, thanks. Mamaya nandito na ang kapatid ko, baka magalit na naman."

Tumawa naman ako. They are in the same age, pero kung itrato siya ni Chris parang ang bata bata niya pa. Palibhasa kasi, ginagawang baby eh.

Kumaway lang ako kay Cy bago tumakbo papunta sa kotse ko kung saan nakatayo si Kyla." Kanina ka pa ba dito?" I asked.

Ngumiti siya at umiling. "Hindi, kaka-out ko lang din."

Tumango ako at pinatunog ang kotse bago mapagapasyahang pumasok na sa loob. "Hop in." I said.

Pagkapasok ko, pumasok na din siya. Hindi ko pa nabubuksan ang makina nang bigla mag-ring ang phone ko. Wow, fully charged siya ha.

"Hello?"

"Hindi ka ba magpapaalam sa'kin?" Bakas sa tono ng boses niya ang pagka-irita.

Binabalot na yata ng iritasyon ang buong pagkatao ng lalaking 'to, eh.

"Oh, I forgot. I'm sorry. I'm having a dinner with someone. Don't worry, I'll be safe. Huwag mo na ako hintayin."

"Luh, asa ka naman na hihintayin kita." Pagkasabi niya no' n pinatay niya ang tawag.

Magkasalubong lang ang kilay ko habang nakatingin sa pangalan niya sa phone ko. What a weirdo.

Itinuro ni Kyla ang daan patungo sa bahay nila. Well, masikip at madilim ang daan pero kaya naman. Medyo kinakabahan ako sa pinasok ko, pero mapagkakatiwalaan naman si Kyla. 

Huminto kami sa isang madilim at makipot na daan. "Dito ang bahay namin, pasensya ka na ha. Hassle tuloy." She said. 

"No......it's.....okay." I just said even though it's really not. This place is giving me a creeps. Madilim, masikip, and I don't know if this place is still responsible to called a street. 

Mukha siyang tirahan ng mga basurang tao. It's really ridiculous. 

"You said, your uncle brought you a house......." I uttered. 

"Yes, pero wala akong sinabi na maayos ang bahay na ibinigay niya." 

"What the fuck is this......"

"Don't swear. Marinig ka ni Mama. Don't worry, this place is okay for us. Especially for my mom. Maliit, masikip at mas lalong madumi, pero okay lang naman kami. Buhay pa naman, nakakatulog pa din ng maayos kaya hindi na din ako nagco-complain." 

"But, you know Kyla that this is not right. Sumosobra na ang tito mo, how could he do this to you and to your mom? He does not have mercy?" 

Tumawa lang siya ng mapakla at nagpakawala ng mabigat na buntong hininga. 

"Wala akong laban, at tanggap ko naman. Kaya hangga't buhay ako at wala pang maipagmamalaki, hahayaan ko muna siya na ganituhin kami. At kapag dumating ang araw na kakailanganin niya ng tulong ko. I don't think if I can give him those." 

I just sighed. Sobrang liit ng bahay nila, parang duwende lang ang pwedeng tumira dito. Ang kariton na ginagamit ng mama niya sa pagtitinda ng corn dogs ay nasa gilid. Ang bahay nila na parang bahay sa probinsya. 

"Nahihiya akong dalhin ka dito, pero hindi ko kayang ilibre ka ng dinner sa labas. Maliban sa wala akong pera, wala din akong maipapakain na kahit ano sa'yo kun'di kwekwek lang." 

Yeah, nakakahiya din pumunta dito. Sana naman ininform niya ako na ganito pala ang bahay nila, edi sana naayos ko ang suot ko. 

"Tara, pasok na tayo. Malamig na dito at.......mabaho."

Yeah, I agree. Naamoy ko na ang amoy ng kamatayan. 

Pagpasok ko sa loob, kailangan ko pang yumuko para hindi mauntog ang ulo ko sa pintuan nila. "Ma, nandito na kami!" Sigaw ni Kyla na ikinagulat ko. 

Muntik na akong mauntog dahil sa lakas ng boses niya. 

Pagpasok sa loob ng bahay nila, isang mahabang lamesa at apat na upuan ka-agad ang bubungad sa'yo. Kaya dumiretso si Kyla doon at isinenyas niya na umupo ako. 

I just smiled and nodded before sat down. Medyo naconsious pa ang balat ko umupo, pero at the end. Umupo din ako, nakakahiya naman kung pinapaupo ako pero nakatayo lang ako. 

"Oh, nandito ka na pala. Pasensya ka na sa bahay namin ha. Nakakahiya man pero ito lang talaga ang kaya naming ibigay na kapalit." Sabi ng mama niya at ngumiti sa'kin. 

Magsasalita na sana ako nang umalis siya at pumunta sa maliit nilang kusina. 

I told Kyla that I am not asking anything in return! 

Tahimik lang akong naghihintay ng lumabas si Kyla sa isang kwarto na wala namang pintuan. She's wearing now a white spaghetti strap and denim short. "Grabe, nahihiya akong tumingin sa mga mata mo." She said and sat infront of me. 

"Okay ka pa ba? Parang hindi mo na kayang magtagal dito." 

"No! O-Okay pa ako.......kaya pa naman." 

"I like your honesty!"

Natatawa siya habang nakatingin sa mukha ko. "By the way, gumugulo talaga sa isip ko 'to eh. What's your relationship with President? It seems like you've known each other for a long time." 

"He's my husband." I said without hesitation. 

Kahit kailan, hindi ko dinedeny na mag-asawa kaming dalawa at siya ang asawa ko. Of course, why would I? Eh, ayon naman ang totoo. I can't lie on them, hindi ako magsisinungaling dahil lang sa ayaw niya.

Hindi ko alam kung umaamin siya, pero ako. Never kong ikakahiya na may asawa ako, It's my choice too anyway, kung ayaw ko 'to. I should have disagree on them. Pero, gusto ko din naman. So, I need to faced it. Faced it by myself. 

"H-Husband?" Parang nanlamig ang buong katawan niya na nagkataon na bagsak pa ang panga niya habang gulat na gulat na nakatitig sa'kin. 

"Teka, b-bakit? I m-mean.......how?!"

"It's a long story, at may bayad na ang storya ng buhay ko." 

Ngumiwi siya at pasukong ibinigsak ang balikat niya. "How come that you don't know about us? Bago ka lang ba sa university?" 

"No."

"Then?"

"Umistop ako dahil nga sa financial problems ko, ngayon lang ulit ako nakabalik dahil nagtitinda si Mama ng corn dogs na sobrang mabili nga naman sa tapat ng university."

I nodded. Nang dumating ang mama niya sa dining area, may dala siyang isang mangkok na ulam.

"Adobong baboy 'yan, ayan lang nakayanan ng budget namin eh."

Naglapag pa ulit siya ng isa pang ulam sa harapan ko. "Ito naman sisig, pero tokwa ang ingredients. Okay lang ba sa' yo kumain dito?" 

"Ah, okay lang po!" Sagot ko. 

Simula nang ikasal ako, ako nalang din ang nagluluto sa sarili kong pagkain mula umaga hanggang gabi. I actually missed my mom and dad's masterpiece. 

Pero, kay dad nalang ang matitikman ko. Maaga nang namaalam si mom, so I don't get any chance again to taste her masterpiece. 

Kumuha na din nang plato, spoon and fork si Kyla at inilahad sa harapan ko. 

"Let's wait for my mom and then we'll eat na. Masarap 'yang mga' yan, promise. Hindi ka magsisisi na nagpunta ka dito." 

"I don't have any intention to regret everything I did today." I whispered on her. 

Ngumiti nalang siya. Halata sa mga mata niya ang pagkasabik at labis na kasiyahan na naguumapaw hanggang sa puso niya. 

"Magdasal muna tayo." Sabi ng mama niya nang makaupo ito sa gitna namin. 

Ipinagdikit ko ang dalawa kong kamay at pumikit. Taimtim kaming nagdadasal hanggang sa matapos 'yon. "Kainan na!" Her mother exclaimed. 

"Kain na." Kyla said. 

I nodded. "Dig in." Kyla said. 

Una kong tinikman ang tokwa na parang sisig. My eyes get widened when I taste that tofu. Oh my god, this is heaven! 

When I tasted it, I never stopped eating that food. it was as if all the shame had come out of my body and it was as if I was a very hungry animal around. Bakit ngayon lang ako nakatikim ng ganito kasarap na pagkain? 

"Hm, ang sarap po ng tokwa niyo!" Puno ng excitement ang boses ko ng sabihin ko 'yon. 

I heard their soft chuckled. "Kung gusto mo pa ng ganyan, pwede naman lutuan kita. Sabihin mo lang." 

"Yes, expert si Mama pagdating sa ganyan. She's a HRM Student before, if you don't know." 

Oh God! I missed my mom. I missed everything on her. I missed her hugs and kisses. I missed her cooks. I missed her smell. Oh my god. 

I immediately wiped the tears from my eyes and didn't pay any more attention to them.

Natapos ang gabi na 'yon na halos hindi na ako makalakad sa sobrang kabusugan. Kahit hindi madami ang niluto ng mother ni Kyla. The way that they let me eat as long as I want makes my heart soften and flutter. 

I can't believe that they welcome me in their home even though I am not responsible for that.

"Hey, dad." Bungad ko nang sagutin ni Dad ang pangatlo sa mga tawag ko. 

"Hey, sweetie. You okay?" 

"Yeah, of course. Why are you asking anyway? I should be the one who are asking that." Pagmamaktol ko. 

"Dahil hindi ka naman tumatawag kung wala kang problema. Now, sweetie. Tell me, what's bothering you?" 

I sighed. "Dad, wala naman. It was just that.....someone needs your help." I said. 

"Who is it, darling?" 

"Someone I know." 

"Okay, give me her name and her number. Kakausapin ko siya." 

Isang magandang ngiti ang sumilay sa mga labi ko. 

"Dad, thank you." 

"No worries, hija. You're into it again, and I am glad that you are willing to help again." 

"Thank you for everything, Dad. I owe you this one." 

"Oh, come on. You owe me nothing, sweetie." 

Pagkatapos ng paguusap namin ni Dad nagdecide na din ako na umuwi na. Magmamadaling araw na pero nandito pa din ako sa bahay nila Kyla. 

Ang bilis gumalaw ng oras. 

"Uuwi ka na?" Kyla asked. 

Napalingon ako sa kanya at ka-agad na ngumiti. "Yeah, anong oras na din eh." I fixed my bag and stood up. 

"By the way, I already sent your name and your number to my dad. Wait for his call, baka bukas or next week tawagan ka na niya. Call me if he calls you." 

Lumabas ako nang bahay nila at dumiretso sa kotse ko na nakaparada lang sa hindi kalayuan. "Maraming salamat sa tulong, Hillary." She said. 

Her mom is already asleep na. Maaga pa daw nagigising ang mama niya dahil nagtitinda ito. Well, I understand naman.

Ngumiti lang ako at tumango sa kanya. Papasok na sana ako sa kotse ko nang pigilan niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin sa mga mata ko. 

"Hillary, I am so grateful to meet you. Hindi mo alam kung gaano ako nabubuhayan ng loob ipagpatuloy ang paga-aral ko para sa'kin at para kay mom. Para sa kinabukasan namin. You don't even hesitate to help me kahit hindi mo ako kilala, kahit suki ka lang ng mama ko dahil sa masasarap niyang corn dogs. I really don't know what to say and feel at first, pero ngayon. Sobrang naguumapaw ang kasiyahan sa puso ko, sobrang saya ko dahil sa'yo, Hillary."

Humigpit ang pagkakahawak niya sa dalawang kamay ko bago ngumiti ng maluwag. 

"Basta ang importante, live a life with full of happiness and your mom, take care of her. Take a good care of her. I'm counting on you, Kyla."

Kyla deserves the world, she deserves to live free of burdens of hardship, I will pray and I will continue to wish for her bright success. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status