Share

Chapter 2

"Saan ka pupunta?" 

"Uuwi." 

Pumunta ako sa may kanto at doon naghintay ng taxi, kung mayroon mang dadaan. Sobrang grateful ko na sana na pumunta siya all the way here just to pick me up. Kaso, hindi eh. 

He was just here because he's gonna scold me! This man! Argh, I can't believe him. 

"Oh, come on. Wala ka nang makikitang taxi na dadaan dito, Celestina."

Hindi ko siya pinansin at panay irap nalang sa hangin ang ginawa ko. Sino ba namang gaganahan sumabay sa kanya? Iniisip ko palang sumasakit na ulo ko. 

"Look, it's already 10 o'clock in the midnight, Celestina. Let's go home, sinundo na kita. Huwag ka na mag-inarte." Sabi niya sa likuran ko. 

Mag-inarte?! Kung pagiinarte ang tawag dito, anong tawag sa kanya? Overreaction?! That's ridiculous. 

Maya maya, hindi ko na maramdaman pa ang presensya niya sa likuran ko kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Uhm, Hillary.....Uwi na 'ko, mukhang may sundo ka na." Nagulat naman ako sa pagsulpot ni Kyla. 

She's still here? "Omg, akala ko umalis ka na. You can go home na, anong oras na oh. Your mom will surely worried right now." 

"Kaya nga eh, by the way. Salamat ulit! Sobrang laki ng utang na loob ko sa'yo."

"Ts, wala ka ngang utang na loob sa'kin. Lahat ng tulong na ibibigay ko sa'yo, buong puso ko 'yong pinagdesisyunan."

She deserve everything. If her mom is hardworking, alam kong ganoon din siya. Kumaway siya, so I waved back. 

Maya maya habang kumakaway ako sa kanya, may humintong sasakyan sa harapan ko. I thought it was a taxi, but I just got disappointed. 

It was Klyde. 

"Hop in." He said. 

"Hindi ako sasabay sa'yo, umalis ka diyan. Walang lalapit na taxi sa'kin kung nakaharang ka." Iritang sambit ko. 

I heard his loud sighed. "Pumasok ka na, gawin mo na 'kong driver mo." He said. 

I raised my eyebrow and looked at him. "Are you serious?" I sarcastically asked. 

"Do I look like I am joking? Bibiruin pa ba kita kung sobrang lukot na lukot na ang mukha mo? Back to your senses, Celestina." 

I rolled my eyes and crossed my arms. "Oh, come on. Don't tell me you still don't want to--" 

"Wala akong sinabi. So, for this daynight. You are my taxi driver. Okay, kuya. Bring me to my house." 

Sumakay ako sa backseat at hindi sa frontseat na ikinagalit niya na naman. "Bakit nandiyan ka?!" 

"I am your passenger, where should I sit? Isn't it here?" Inosenteng tanong ko. 

I could see how his grip on the steering wheel tightened, I could also see the movement of his jaw. Ito ang gusto niya 'di ba? Bakit magagalit?

Sa buong byahe na' yon, tahimik lang kaming dalawa. Parehas ayaw mag-salita, dahil alam naming pareho na kapag nagsimula kami ng usapan, sa away lang mauuwi ang lahat. 

Hanggang sa makarating kami sa bahay, hindi pa  niya naipaparada ang kotse niya bumaba na agad ako at hindi na siya pinansin. 

Dumiretso ako pasok sa loob ng bahay at diretso sa loob ng kwarto namin. Naiinis ako sa kanya talaga! Tignan ko lang ang mukha niya parang sasabog na ako. 

"Tumayo ka diyan, Celestina. Huwag kang magpasaway. Take a bath first!" Singhal niya na naman sa'kin. 

Lagi nalang siya ang masusunod. Ano ba siya dito? Hari?! Dumapa ako sa kama ko at hindi pinansin ang presensya niya sa likuran ko. 

Papikit na sana ang mata ko nang marinig ang mabigat niyang buntong hininga na mas lalong nagpairita sa'kin. 

Maya maya pa naramdaman ko ang mainit niyang kamay na tinatanggal ang sapatos ko. Ramdam ko ang paglubog ng kaliwang bahagi ng kama ko tanda na nakaupo siya doon. 

"You're always like that, being a stubborn woman can't make you matured, Celestina. Matanda na tayo, dapat alam mo na, na dapat ka ng magtanda." He said as he removed my shoes. 

"Asawa mo 'ko, natural na mag-alala ako. Kargo kita dahil simula ng pakasalan mo' ko, responsibilidad na kita. So, you can't blame me if I worry about you." Mahinang sambit niya. 

Ngumuso ako kahit nakapikit. He has a point. 

"I'm sorry for shouting you before, I didn't mean to be angry with you, it was just out of concern."

Nang matapos siyang tanggalin ang sapatos ko, tumayo na siya at inayos ang pagkakahiga ko. I can still feel his presence here. Hindi niya ako. nilagyan ng kumot dahil nakapantalon ako, alam niyang ayaw na ayaw kong nagkukumot hangga't may takip ang mga binti ko. 

"Sleep tight. We'll talk tomorrow." He whispered. 

I thought he would come out of our room but I was wrong, I felt the touch of his lips on my forehead, his eyes were closed so he could not see the moment I opened my eyes.

I feel like my heart is going crazy because of what he did. Hindi lang naman ito ang unang beses, but his impact on me is really different, I thought it was gone. I thought it was over, why do I feel weird again?!

Okay, Celestina Hillary! Come back to your senses! This is not good for you. He is not good for you! Your mental health is now stable. You can't ruined it again. Okay?! 

Nagising ako dahil sa liwanag na natamo ng mukha ko galing sa nakabukas na sliding door namin sa kwarto. Sadya ba 'to? Ha?! 

Lantang gulay akong tumayo at dumiretso sa bathroom para mag-ayos ng sarili. I still have classes, kahit hindi ako nagseseryoso sa pag-aaral. Kailangan ko pa din pumasok sa mga klase ko, perfect attendance nalang ang kaya kong maiambag sa buong student days ko. 

Hindi ako nagtagal sa bathroom dahil kumukulo na naman ang tiyan ko, tanda ito na nagrereklamo na siya dahil hindi ako nagdinner kagabi. 

Nagsuot lang ako ng violet croptop cardigan sleeves at violet wide-cargo pants. Okay na siguro 'to' di ba? Wala naman kaming uniform kaya wala akong susuotin na naayon sa school namin. 

Hindi branded mga damit ko, maliban sa hindi ako pinapayagan ni dad maging spoiled, hanggang online shopping at botique lang ako umaabot dahil bawal akong lumabas ng bansa para mamili ng mga luho ako. 

"Oh, you're awake." Unang bungad ni Klyde nang makarating ako sa dining area.

He was sipping on his coffee while holding a newspaper in his right hand. 

"Yeah, morning."

Inilapag ko ang purse ko sa lamesa at kumuha ng tubig. "Kumain ka na. Nagluto ako ng breakfast." He said. 

Tumayo ako para kumuha sana ng plato nang siya na ang gumawa no'n para sa'kin. "Here." 

Nagsalubong ang kilay ko sa inaasta niya. Chapter 2 palang naman ito, bakit may sweetness na kaagad? Hindi pwedeng ganito. Dapat nagagalit ako sa kanya kasi sinigawan niya ako kagabi! 

"Nilalagnat ka ba?" I asked out of nowhere. 

"Me? No. I'm perfectly fine."

Tumango-tango ako bago sumandok ng fried-rice na niluto niya. Siguraduhin niyang may lasa 'to, nako. 

"Bakit pala nandito ka pa? Anong oras na, baka ma-late ka sa klase mo." I said and dig in. 

"Isasabay kita." Simpleng sagot niya na nagpatawa sa' kin. 

"Are you for real, Mister?! Sa tingin mo ba sasabay ako sa'yo?! Ts, dream on!" 

Nagdilim ang mukha niya at inis na tiniklop ang diyaryong hawak niya. Ts, ano ba siya gurang na? Bakit diyaryo ang binabasa niya imbis na libro? 

"What's with you again, huh? Hillary?"

Hillary na ngayon, parang kagabi Celestina pa, ha. Pinaglalaruan yata talaga ako nitong ulupong na 'to eh. 

"Wala lang, ayoko lang kasabay ka. Hindi mo ba nararamdaman' yon?" Balewalang sagot ko sa kanya. 

"I feel. But, I'm still hoping. Ayokong iwan ka magisa sa daan." 

Inirapan ko naman siya. Sus, ka-echosan. "Maliwanag na ngayon. Ibigsabihin, maaga na. Kaya ko ang sarili ko, Klyde. Huwag kang puro echos." 

Pinakatitigan niya ako ng matagal bago nagpakawala ng malakas na buntong hininga. "Okay, then. Good luck to your journey. Sana maayos pa ang lagay mo hanggang sa makarating ka sa university." He said and stood up. 

Dinaanan niya na ako na parang hangin at dumiretso sa ikalawang palapag ng bahay namin para mag-ayos ng sarili. Ayan! He's being himself again. Being rude is his hobby!

Napailing nalang ako at ipinapatuloy ang pagkain. Sa totoo lang, naghihintay lang talaga ako na pilitin niya ako. Pero, mukhang hindi naman magkakatotoo ang gusto ko, kaya hinayaan ko nalang. 

He's being himself nga 'di ba? Well, ganyan naman talaga ang behavior ng isang Klyde Markus Vanidestine.

Pagkatapos ko kumain niligpit ko muna ang pinagkainan ko bago napagpasyahang umalis na. Kakakuha ko palang ng bag ko, nagring na kaagad ang phone ko.

"Hello? Who's this?"

"Hey, it's me! Ako 'to,' yung nakabangga sa'yo kahapon."

"Oh! Anong balita? Okay na ba ang kotse ko? You know, I am struggling. Ang hirap magcommute."

I heard a soft chuckled. "Ah, yes. Actually, kagabi pa. But I can't reached your number. So, I decided na ngayon ko nalang ibigay."

Finally, may masasakyan na din ako.

"Thank you for this. Anyways, saan ko pwede makuha ang kotse ko? I can manage pa naman."

"You sure? Text ko nalang sa'yo ang lugar kung saan."

"All right! See you."

Pagkababa ko ng tawag, mukha ni Klyde ang bumungad sa'kin pagkalingon na pagkalingon ko.

"Oh! Fuck! Klyde what the hell are you doing there?! Ginulat mo 'ko!"

Bigla bigla ba namang susulpot na parang tanga sa gilid ko, at ang malala pa hindi ko naramdaman ang presensya niya!

"Sino kausap mo?" He asked.

"Someone you don't know. Bakit? May problema ka?" Mataray na tanong ko.

Inirapan niya ako at padabog na kinuha ang bag niya sa upuan bago ako daanan at dumiretso palabas ng bahay.

See? Baliw talaga eh.

"Tsk. Tsk. Baliw ka na." Bulong ko sa sarili ko dahil hindi naman na niya maririnig pa iyon.

Pagkalabas ko ng bahay, kita ko na ang pagharurot ng kotse niya palabas ng village. Hindi yata doctor ang gusto nito eh, maging racer na yata eh.

Naglakad lang ako hanggang sa makalabas ng village para maghintay ng taxi. "Good morning, Mrs. Vanidestine!" Bati ng guard sa'kin ng makadaan ako sa guard house.

Ngumiti ako at kumaway sa kanila. Sa loob ng limang taon na pagiging mag-asawa namin ni Klyde, walang araw na hindi ko naririnig ang Mrs. na word galing sa kanila. Well, I feel fluttered because of that. Kahit saming dalawa ni Klyde ako lang naman ang may gustong madugtungan ang pangalan ko ng apelyido niya.

Syempre, at first. Ayoko, nadala na ako eh. But, our fathers pushed us to be in this situation. Ito ang gusto nila, so we can't disagree to them. 

Klyde was really unconsciously mad that time. Ayaw niyang may kumocontrol sa kanya na kahit sino man. Even his parents, but when our mother dies. Wala kaming choice kun'di sundin ang daan na ito at ipagpatuloy ang sinimulan namin.

Klyde have a girlfriend when he and I got married. Hindi ko lang alam kung mayroon ngayon, he so damn mysterious guy. He acted weird last night, pero hindi talaga 'yon ang totoong trato na ibinibigay niya sa'kin sa bawat araw na lumilipas.

Kaya, I really have a weird feeling about that.

Pagdating ko sa location na ibinigay nung guy, wait. Hindi ko ba alam ang pangalan niya? Makikipagkita ako sa isang stranger? I don't even know his name! Grabe, wala ba akong lakas ng loob para magtanong?! That's absurd!

Pagbaba ko ng taxi, bumungad na ka-agad sa'kin ang lalaking 'yon. Nakatalikod siya habang nakapameywang na pinagmamasdan ang mga kotse sa harapan niya.

"Do you think black is okay? Baka magalit siya." Rinig kong sabi niya.

"Oo naman, ang ganda nga sa kotse niya ang black. Pink color is weird for me, actually."

"Sa'yo, weird. Sa kanya, hindi. I think, mali na pinakailaman natin 'to. We don't even have a permission to do that, Pin." Sabi niya sa katabi niyang lalaki.

"No, black is okay for me. It's cute." I said and smiled at them.

"Cute? What a weirdo." Sabi nung guy na kasama niya at inalisan kami.

The other man smiled at me. "I'm sorry for the cause, pinalitan ko pa ng kulay ang kotse mo. Dapat hindi ko ginawa 'yon." He said.

I chuckled. "No, it's okay for me. I don't mind. At saka, tama naman' yung sinabi ng friend mo." 

"WE ARE NOT FRIENDS!" Sigaw ng kung sino man sa malayo.

Napatawa naman ako ng mahina. "So, pwede ko ng makuha ang kotse ko ngayon? Baka mahuli ako sa klase ko, mahirap na. May dragon pa naman na nagbabantay sa'kin." I said.

Tumawa nalang siya. "Yes, pwede mo nang makuha. I'm sorry again."

He gave me back my car key, so I went there and try it for the 1000 times. "My baby looks new now."

"Yeah, ipinalinis ko na din. Mukhang 'yon ang mas kailangan ng baby mo." Natatawang sambit niya.

When I got in the car, I immediately turned on the engine then, intending to start it when I forgot to say something.

"Thanks for fixing my car, I'm Hillary, by the way. You can call me whatever you want." 

He just raised his eyebrow on me and a soft chuckled let out on his mouth. "I don't expect you to introduce yourself to me, huh. I expect that our paths never cross again after this." He said. 

"Oh, is that so? We don't know, Mister." 

"Well, if that is the thing.....I'm Ethan." 

"Okay, then. Ethan, thank you for today again. I like how you fixed my car." 

Pagkatapos kong magpaalam, umalis na din ako dahil kapag nalate ako. Saya now, hinagpis later. Mabagsik pa naman magalit ang dragon na 'yon. Akala mo inaaway siya. 

At, dahil masyado akong natuwa sa bagong kulay ng kotse ko. Ipinaharurot ko ito hanggang sa university. Actually, matagal ko na talagang gustong ibahin ang kulay ng kotse ko. 

Kaso, wala naman akong oras para gawin' yon. Dadating ako ng late sa university, uuwi ako ng on-time dahil kapag naunahan akong umuwi ni Klyde yari ako.

Lagi naman siyang ganoon, he wanted me to be at home before he came, and he also wanted my face to open up to him when he entered the house. Desisyon masyado 'di ba? 

Pagdating ko sa first class ko, nakapalibot ang mga upuan. Nakaform in circle sila. Oh, fuck! May groupings pala kami ngayon! 

"Nandito na ang prinsesa, hay sa wakas." Sambit ni Cyxziel nang makaupo ako sa upuan ko. 

"Wala kang dalang mga materials?" Tanong ni Athena. 

"Ay, kailangan ba?" Na-conscious ako sa tanong ni Athena. Kailangan ba? 

"Ay, 'te hindi. Hindi kailangan! Grabe naman, Hillary! Kaya nga toka-toka kasi kailangan eh, ano ka ba naman. Ganda pero walang utak eh!" Hindi ko alam kung galit ba siya o binibiro niya lang ako eh. 

"Harsh mo sa' kin, ha. Nakalimutan ko eh, Sorry. I got into an accident kahapon, inayos ko lang ngayon. That's why I forgot." Paliwanag ko. 

Rinig ko ang samu't saring sipulan ng nga kagroupo ko. Mukha nakakahalata din sila na hindi ako mapapatawad nitong leader namin dahil masungit 'to at mas malala sa terror teacher namin kung umasta. 

"Alam mo ikaw, wala ka talagang pangarap sa buhay eh' noh? Ni hindi ka man lang ba gumawa ng paraan?! Ang iyo pa naman ang pinakamahalaga sa lahat, tapos kinalimutan mo lang?! You don't know how much it cost when even a little things went missing!" Hindi siya sumisigaw pero bawat salita niya ay may diin. 

Nagmamaka-awa ang mata ko habang ipinapalibot ang paningin sa mga kasama ko na walang ginawa kun'di iwasan ako. Even Cyxziel! 

"You don't know how to value a little things, don't you? I trusted you, because I know you are responsible! Pero, bakit naman ganito, Hillary. I was expecting anything from you. Kahit ayon lang ang maitulong mo, okay na sa'kin eh." 

Bakit ba ginagawa niyang big-deal 'to? Pwede namang lumabas ako at bumili since okay na naman na ang car ko. I can go out and buy those stuffs para wala na siyang masabi pa. 

"Ano nang gagawin natin ngayon? Kung ayaw mong pumasa, pwes kami gusto namin!" 

I just rolled my eyes and crossed my arms. Actually, ang ingay niya. I know na para siyang terror. Pero, grabe naman. Para niya kaming inaatake kasi siya ang nasa itaas. She can't just trample on us like that! Hindi ko gusto ang ginagawa niya sa'kin. 

Kahit hindi siya sumisigaw, I know she was mad. She is absolutely mad. But, it can't be right. Manipulating me just because of that? That's immature. 

"Athena, will you stop? Pwede naman akong lumabas at bumili ulit. Ginagawa mo lang big-deal ang isang maliit na pagkakamali." Hindi na ako nakapagpigil. She's being immature. And, I hate her for being like that. 

Now, alam ko na ang nararamdaman ni Klyde tuwing nagiging immature ako sa paligid niya. Nakakainis pala.

"Sa tingin mo ba may oras pa?"

"Bakit wala na ba? Prof hasn't arrived yet, so there's still time." Matatag na sambit ko. 

I heard Cyxziel's whisper. "Girl, you can't get out anymore. Magagalit si Klyde."

"Then, I'll explain my situation. This is Athena's wants, may magagawa pa ba 'ko? Kapag hindi ko ibinigay ang kailangan niya, she would just keep embarrassing me until she got tired and you know I can't hold back such people, Cy." 

Ramdam ko ang titig nila sa' kin, lalo na ang matalim na titig ni Athena sa'kin.

"Ako na ang lalabas, ako na ang bibili. Give me your car key." Sabi ni Cyzxiel at hindi nagdalawang isip na tumayo at hingiin ang car key sa'kin. 

Ibibigay ko na sana nang biglang magsalita si Athena sa gilid namin. "No.....h-huwag na kayo lumabas. I think may extra pa naman akong ganoon sa locker ko. Huwag na kayo mag-abala pa." She said and stood up. 

Dumiretso siya sa labasan, sure akong kukunin niya na sa locker niya 'yon. Ts, mayroon naman pala siya, pinapagulo niya lang ang lahat. 

"She's into something when you're around, Hillary." 

"Yeah, I agree. She's getting weirder when you are with us." 

"Okay lang naman kami kanina, but when you arrived. Ang magandang pakikitungo niya sa'min kanina nag-iba." 

"So, sinisisi niyo ako? Ganoon ba?" Mataray na tanong ko. 

Why? Totoo naman, ha. They are really blaming me for what happened to that Athena girl. 

"Hindi sa ganoon, Hillary."

"Then, what?! Dumating ako dito, umupo ako. Wala akong sinabi at binagkas na kahit ano. Then, you are saying na kasalanan ko pa? I am being freak or you are just being irresponsible?! What the fuck, people."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status