Share

Chapter 4

It might be weird na I am helping someone who I just got recently know. Well, ang pagtulong ko naman ay hindi bumabase sa mga taong kakilala ko at bahagi ng buhay ko.

Dahil, as long as na nangangailangan ka. Kahit hindi kita kilala, tutulungan kita hangga't kaya ko, hanggang sa abot ng makakaya ko.

My mom died in peace. Ang huling task niya bago siya mamatay ay pakainin lahat ng nagugutom, bigyan ng tirahan lahat ng taong walang matirahan.

That was her last task, her last wish. My mom is the best mom ever. Uunahin niya muna ang ibang tao bago ang sarili niya. Tutulungan niya munang bumangon ang mga taong nalunod kahit siya ay lunod na lunod na din.

My mom is very thoughtful woman. So, I am glad that she did not die with full of heartache, she died with a happy heart. A happy mind and a happy soul.

If she is watching right now, I know she's happy for what I've done.

"Buhay ka pa pala? Akala ko wala ka nang balak gumising eh." I glared at him.

"Shut up, you dickhead." Sigaw ko sa kanya.

"Alam mo ba kung anong oras ka umuwi kagabi?"

"11:30 pm, kasama na do'n ang traffic."

"Are you serious, Hillary? Wala nang traffic kapag gabi. Saan bang daan ang tinahak mo at ginabi ka nang ganoon?"

"Daan galing kay kamatayan. Ipapasundo na sana kita kaso masyado ka daw mabait sa'kin these days kaya huwag na muna." Pabalang na sagot ko sa kanya.

Pagod kong sinalampak ang katawan ko sa sofa kahit wala naman akong ginawa dahil kagigising ko lang. "I heard you want to be a FBI Agent." He said while looking at his laptop.

"Oh, eh ano naman?"

"Gusto mong mag-FBI Agent sa lampa mong 'yan? You've gotta be kidding me." Natatawa siyang umiling at inayos ang eyeglass niya.

My eyebrow get furrowed. "Ikaw, sure ka bang magdo-doctor ka? Eh makakita ka nga lang ng dugo pwede ka nang ilibing eh. Magpapastarbucks pa ako sa lamay mo."

"HEY! You're out of the line!"

"YOU TOO!"

Padabog akong tumayo mula sa pagkakasalampak sa sofa at dumiretso sa kusina. Nauhaw ako do'n ha.

I took a glass of water and immediately drank it.

"Pero, seryoso ka talaga? Agent, really Hillary? Baka training pa lang umurong ka na agad."

I glared at him. "Wala ka bang magawa sa buhay mo at gusto mo ng maging buntot ko?"

"Gwapo ko namang buntot."

"Hindi naman ako nanonood ng horror movies, pero kinikilabutan talaga ako sa mga pinagsasabi mo." Umiiling na sambit ko.

Minsan maganda tabas ng dila madalas nakakainis talaga eh.

Itinungkod niya ang kamay niya sa lamesa at pasimpleng ipinapakita ang bagong tabas niyang buhok sa'kin.

"Tigilan mo ako, Klyde. Ang pangit mo pa din kahit bagong gupit ka." Natatawang sabi ko at tinulak siya para umalis sa dadaanan ko.

"You know, you don't really know how to appreciate things, do you?"

Kumunot ang noo ko at nandidiring tumingin sa kanya. "Ano bang maa-appreciate ko sa buhok mo? May ginawa bang maganda 'yan para kahangaan ko? Alam mo ikaw, huwag kasi puro libro ha. Imbis na mga laman sa libro ang nasa utak mo, puro hangin nalang."

"Ganito kaya ang mga hairstyle ng mga lalaki sa korea."

"Bakit? Koryano ka ba?"

Hanggang sa makabalik ako sa kwarto namin nakasunod pa din siya sa'kin na parang tanga.

"Bagay naman sa'kin ha. I become even more handsome!" Lumingon ako sa kanya.

Pinagmamasdan niya ang sarili niya sa malaki naming salamin dito sa kwarto. Hindi ko nalang siya pinansin at hinayaan siyang maging siraulo kahit sa sandali lamang ng buhay niya.

Hindi naman siya ganyan umakto sa school, kaya okay lang na magbaliw-baliwan siya hangga't gusto niya.

Kumuha ako ng bathrobe at dumiretso sa bathroom, isasara ko na sana ang sliding door nang bigla siyang lumapit sa'kin.

"Ano? Sasama ka pa din hanggang dito?"

"Bakit? Bawal ba?" Mapangasar na tanong niya.

"Nababaliw ka na ba?"

"Hindi."

Pinanlisikan ko siya ng mata pero nanatiling inosente ang mukha hinaharap niya sa'kin.

"Gusto mo sumabay sa'kin? Basta ipangako mo na magbe-behave 'yang alaga mo habang naliligo ako."

His eyebrow suddenly get furrowed. "Maipapangako mo ba' yon? Alam kong nahihirapan kang patahimikin ang alaga mo, baka sumabog ka."

Walang sabi sabi siyang tumalikod at dumiretso sa veranda ng kwarto namin at padabog na isinara ang sliding door.

See? He's teasing me but, he did not succeed.

As usual, hindi ako nagtagal sa bathroom. Masyadong malamig ang panahon para magbabad sa shower.

Paglabas ko nakita ko ang problemadong mukha ni Klyde. Wala siyang ginawa kun'di magpaikot-ikot mula sa kama ko hanggang sa kama niya.

"Okay ka pa ba?" I asked.

"Oh, tapos ka na......" He said.

Ngumiwi ako at tumitig lang sa kanya. Ilang minuto din kaming nagtitigan dalawa bago siya bumaba sa kama niya at tumayo ng tuwid.

"I'll go take a shower. Wait for me!"

See? Ang weird niya na naman. He's always like that. He's giving me a circus treatment. And that's really confusing.

Nang makapasok siya sa bathroom, dumiretso ako sa walk-in closet para maghanap ng damit na masusuot.

I decided to wore a croptop pladid polo and beige trouser. Nagsuot lang din ako ng air nike shoes.

Blinower ko lang ang buhok ko, maya maya din lumabas din sa bathroom si Klyde.

He's so damn hot!

Nakatapis lang ang kalahati ng katawan niya, he does not have a abs, but he's freaking burning. Oh my goodness! His haircut giving him a attractive look. My heart is beating so fast, this is not fucking normal anymore!

"Enjoying the view, huh?"

"I am just enjoying your non-abs body. You're so damn hot even though you don't have a abs!" Tuwang tuwa na sabi ko sa kanya.

"Seriously, Hillary? Wala pa bang abs 'yan? Halos araw araw na nga yata akong naggy-gym!"

I shrugged. "Malay ko sa' yo, wala ka naman yatang ginawa sa gym kun'di magpapansin sa mga chikababes." Bulong ko.

Hindi siya sumagot at dumiretso sa walk-in closet para maghanap ng masusuot niya. Ang dami dami niyang damit.

Nang matapos akong magayos ng sarili, tumayo na din ako at pumasok sa walk-in closet para kumuha ng magagamit na bag.

Hindi na ako nagulat nang makita ko siyang nakaboxer lang at lukot na lukot ang mukha habang naghahanap ng maisusuot niya.

"Eskwelahan ang pupuntahan mo, hindi party ha. Kung makatayo ka diyan parang pupunta kang kasalan." I said.

He glared at me. "I have a lots of clothes. I don't know what to wear anymore." He whispered pero rinig ko naman.

"Edi magboxer ka nalang. It suits you well, I like it!" I said and winked.

Tumaas ang gilid ng labi niya at dahan dahang lumapit sa lugar ko. "Really, huh?"

"Tigilan mo 'ko, Klyde. Aalis na ako, bahala ka diyan maiwan magisa mo."

"HEY! I told you to wait for me. Wala akong magamit na kotse!"

"We have a spare car."

"Nasira ko din kaninang umaga. I came from the grocery store earlier, we don't have any stock, in case when I was on my way home, I crashed the car and now the person who hit me is still repairing it." 

Nagsalubong naman ang dalawang kilay ko. "Ikaw ang nakabangga pero obligasyon ka niya? Are you kidding me, Klyde?" 

"What? Why? He's a irresponsible driver. That's his fault anyway!" 

Napailing nalang ako sa kabaliwan niya. "Ewan ko sa'yo, Klyde. Nababaliw ka na talaga." 

Kinuha ko ang white shoulder bag bago dumiretso labas ng kwarto at hindi na siya hinintay pa. 

"Wait for me! Ayokong magcommute!" Sigaw niya mula sa second floor ng bahay. 

"Ang kapal mo, ang bagal bagal mo kumilos tapos gusto mo hintayin kita? Tapos, kapag nalate ako, kasalanan ko pa? Gago. Magcommute kang animal ka!" 

Nagmamadali akong lumabas at dumiretso sa parking lot para kuhanin ang kotse ko. Totoo nga, ang kotse ko lang ang nakaparking doon. 

Pero, ano bang paki ko? Dapat niya ding maramdaman ang magcommute kahit isang beses lang sa buong buhay niya. 

Papasok na sana ako sa loob ng kotse ko nang biglang may pumana sa gulong nito na ikinabutas ng gulong. 

"Holy fuck......" Nanlilisik ang mata ko nang lumingon ako sa pinanggalingan ng pana. 

"KLYDE! ANO BA SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO?!" Nanggagalaiting sigaw ko sa kanya. 

He smirked. "I told you to wait for me, you didn't listen to me. That is your punishment." Siga pa siya maglakad habang papunta sa kotse ko para kunin ang pana. 

"Paano ba 'yan? Mukhang magco-commute tayong dalawa." Mapang-asar na sambit niya. 

"You're unbelieveable...." I whispered. 

"Yes, I am. Well, I was born unbelieveable. I am unbelievably handsome." Puno ng pagmamalaki na saad niya. 

"Siraulo ka talaga eh' noh?!" 

At the end, magco-commute kaming dalawa. Dinamay niya pa ako sa kamalasan niya ngayong araw. Nakakainis talaga! 

Nagdadabog akong lumabas ng gate at nagpaumanang maglakad sa kanya hanggang sa labasan ng village. 

Habang siya, rinig ko ang pagsipol niya sa likuran ko. Mukhang natutuwa pa ang siraulo 'to sa pinaggagawa niya. 

Ang init init kaya, tapos gusto niyang magcommute din ako? Talagang ayaw niyang siya lang ang magdusa sa katangahan niya eh. 

"Oh, may date ho kayo Mam at Sir?" Tanong ng guard ng madaanan namin ang guard house. 

"Date? Ts, my foot." Bulong ko sa sarili ko nang huminto kami para maghintay ng sasakyan. 

Pero, ilang minuto na kaming nakatayo do'n wala ni isang taxi ang dumadaan. Puro bus at jeep lang. Sadya ba 'to? Pinaglalaruan na naman ba ako ng tadhana?! 

"Mag-jeep nalang tayo, mahuhuli pa tayo sa klase kung maghihintay tayo ng bus." 

"What?! No way! Bus nalang ako, final na!" 

"Okay, then." 

Pumunta sa harapan ko si Klyde at siya ang nagabang ng bus. Dapat kasi talaga nagcondo. nalang ako malapit sa school para pwede lakarin. Hassle talaga lagi kapag magco-commute. Hindi pa kami nakakakalahati haggard na ako. 

Mabuti nalang at may dumating din ka-agad na bus. 

"Ano?!" Iritang tanong ko kay Klyde nang hindi pa siya umakyat. 

"Ts, grumpy. Mauna ka!" 

Umirap ako at umakyat na din. Mabuti nalang at wala akong motion sickness kaya hindi ako mahihirapang mag-adjust dito. 

Pero, naghahanap palang ako nang mauupuan. Umandar na kaagad ang bus na ikinawala ng balanse ko. Mabuti nalang at nasa likuran ko si Klyde at mabilis ang kilos niya para saluhin ako. 

Sana lahat sinasalo. 

"Humawak ka naman kasi ng mabuti. Gusto mo pa yata mabagok ang ulo mo." Sambit niya na naman. 

Nakadikit ang katawan ko sa katawan niya at kitang kita ko kung gaano kahigpit ang hawak niya sa magkabilang upuan na nasa pagitan namin. 

"Ts, kasalanan mo 'to eh. Kung hindi ka ba naman siraulo eh." Angal ko at naiiritang umalis sa pagkakatanday sa kanya. 

Nakakita ako ng bakanteng upuan malapit sa dulo. Kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na magmadaling pumunta doon. 

At minamalas nga naman. Kailangan katabi ko ba ang damuho na 'yon. 

"Finally, my knees are shaking. Ang bigat mo!" 

Hindi ko nalang siya pinansin at isinandal ang ulo ko sa bintana. 

"Still sleepy?" He asked. 

No response. 

Ayokong magsalita lalo na at inaantok na naman ako. "Matulog ka muna. I'm gonna wake you up later." 

"Wala akong tiwala sa'yo." Nasabi ko nalang. 

Alam na alam ko na kung paano dumadaloy ang bituka nito eh, lalong lalo na kung paano siya magisip. Talkshit 'yan, gigisingin daw. Tapos, kapag nagising ako wala na siya sa tabi ko at kung saan saan lugar na ako napunta? Nako, hindi ako magpapabitag sa mga kaechosan niya. 

"Then, don't. Bahala ka diyan antukin." He said and cover his eyes with a handkerchief. 

Sumandal nalang ako sa upuan at tumulala sa harapan ko. "I missed my mom." I sighed. 

Kitang kita ko sa peripheral vision ko ang pagtanggal ng panyo ni Klyde sa mukha niya. He stared at me now intentionally. 

"Hillary......"

"I'm okay. Don't feel sorry for me anymore, Klyde. You are making me uncomfortable." 

Hindi siya nagsalita pagkatapos ko sabihin 'yon, pero ramdam ko na nakikiramdam lang din siya. I know he wants to say something, he wants to convey something. But, just like what I said, I don’t want him to feel sorry for me, I look weak as long as he feels sorry for me. I'm okay, mentally and physically stable, I just can't help but to think of my mom. Of course, there is also a part of my heart that wants to see her and be with her again, but until then, I don't want to go back to where I used to be. 

"You'll gonna be fine. I'm on your back no matter how hard it is, you can lean on me." He whispered. 

"Yeah, right. I totally forgot that I have you."

I have him, but I can't feel that he's in me, it's like there's someone he's taking sides with and it's not me.

A moment of silence filled us. "I have you. I know you're there, but honestly. I can't feel you, I can't find something I want to find in you." 

"It's hard to read with your whole being, sometimes you're fine, sometimes you treat me well, and I'm glad you're like that. But, often, you really don’t show me the side of your personality that I want to discover. I'm your wife, we've been together for a long time, but you know, until now, my mind is still confused thinking why you're acting like that. Para akong hangin na pwedeng pwede mong sigawan hangga't gusto mo. You're being rude and disrespectful, Klyde. I am a woman, and as my husband you must know how to respect a woman. I'm just like this, pinapalagpas ko lahat ng kasalanan mo kasi nga kaya ko pang umintindi. But, Klyde. You know me, kapag napuno. I really can't hold back."

I'm okay with this set-up, kasi kagaya nga ng sinabi ko. I understand everything, Klyde does not want to do this ever since. But, he does not have any choice. Parehas lang kaming dalawa na natali sa isang relasyon na hindi naman namin gusto. 

Dapat nga ngayon, I am enjoying my teenager days kasi 'yon naman talaga ang ginagawa ng mga taong nasa edad ko. Pero, heto ako, I am being a understanding woman--No, understanding wife to be exact. And, it's really hard, really really hard. 

Hindi pa bukas ang isip ko para sa ganitong sitwasyon, but I tried my best to be open-minded. 

Alam kong may babaeng nagugustuhan na naman si Klyde, that's why he's getting weirder everyday. Hindi nagpapagupit si Klyde hangga't hindi siya sinasaway ni Dad. His dad. But, now. Look at him, nagkusa siyang ayusin ang sarili niya, alam kong hindi para sa kanya. At, mas lalong hindi para sa'kin, para sa ibang tao 'yan. 

And, I can sense that his heart is happy now. That makes my heart aching. Ang sakit isipin na kapag siya pwede, kapag ako bawal. 

My heart's already belong to him. I am into him since then, pero hindi siya napasakin simula pa noon. 

Kapag naiisip ko na bitbit ko ang apelyido niya, I'm happy. Pero, naiisip ko na dahil lang sa kasunduan kaya ganito ang set-up namin. 

Masakit. Ang sakit pala. 

Nang mapansin kong malapit na sa university ang sinasakyan naming bus. Wala nang pasabing tumayo ako at nilagpasan siya. 

Nauna akong bumaba nang huminto ang bus sa mismong tapat ng gate ng university namin. Napatingin ako sa relo ko, limang minuto nalang simula na ang klase ko. 

"Hillary, wait up!" Isang mabigat na buntong hininga muna ang pinakawalan ko bago lumingon sa kanya. 

"Let's visit Tita Carmen later." 

"I can go alone." Simpleng sambit ko bago siya talikuran at tumakbo papasok ng gate.

Isang mainit na likido ang tumulo sa mga mata ko habang naglalakad ako papunta sa building namin. The fuck is this, I hate being with him! Sabi ko na nga ba eh, he's not healthy for me. 

Pinunasan ko ang luhang tumulo at ka-agad na dumiretso sa building namin. Pero, bago pa ako maka-akyat sa unang palapag boses na kaagad ni Cy ang bumungad sa'kin. 

"Where are you going?! May meeting sa auditorium! I think tungkol 'yon sa intern days. Omg! I am so excited to be a journalist!" 

Hindi pa ako nakakapagsalita, ikinawit niya nang mahigpit ang mga braso niya sa braso ko at hinila papuntang auditorium, hindi man lang ako pinagpahinga. 

Pagpasok namin sa auditorium, as usual. Ang dami na agad tao kahit kaka-announce lang na magpunta sa auditorium. 

Hindi pa nakaform ang lines nila kung saang course sila. Grabe, ang gulo.

Pagpasok palang rinig ko na ka-agad ang samu't saring ingay nila. Para silang mga bubuyog, ang mga bulungan at tilian ng mga babae ang mas lalong nagpapaingay sa paligid.

"Hey!"

"The devil is coming, fuck." Cy whispered on me.

I saw Chris walking towards on us. Nanatili ang mga mata niya kay Cy na parang may malaki itong kasalanan sa kanya. "Hi, Chris." Bati ko.

He turned his gazed on me and smiled. "Hey, Ary. How are you these days? Madalang lang kitang makita sa building niyo, ha." He said.

"Ibang building kasi ang pinupuntahan mo."

Step-brother ni Cy si Chris, I remember, I already told this to the all of you. Namatay ang mother ni Chris which is recently married to Cy's dad. Namatay pagkatapos ng kasal, but instead of abandoning Chris. Kinupkop na din ng dad ni Cy.

Of course, Chris is still his son. Kahit hindi sa dugo, anak niya pa din ito. Kaso, parang may something sa dalawang ito na hindi ko maintindihan. Kapag nagkakasalubong sila, umiibang daan si Cy, while this man is staring at her seriously.

"Is that so?" Kunwaring walang alam na tanong niya. Kahit halata naman na si Cy ang pinupuntahan niya.

"Umalis ka nga dito, feeling close ka na naman ha!" Singit ni Cy na mautal-utal pa ang boses.

"Close naman talaga kami ni Ary!" He even wrapped his arms around my nape.

I just laughed softly. Mukhang naiinis na din talaga si Cy sa ginagawa ni Chris. Well, kung ako din naman pinagseselos maiinis ako.

"Stop teasing her, Chris. That's enough, huwag mong sirain ang masayang araw ni Cy." I whispered on him.

"Masayang araw? May maganda bang nangyari?"

I just shrugged. Tinanggal ko ang pagkaka-akbay ni Chris sa'kin at tumingin sa stage.

Nakasalubong ko ang walang emosyong mata ni Klyde habang nakatingin sa direksyon namin. I raised my eyebrow on him. Problema nito?

Kung hindi lang siya hinila ng secretary niya hanggang ngayon masama pa din ang tingin niya sa'min. Or, sa'kin lang to be exact.

Ts, bipolar.

Maya maya pa, dumating na din ang head ng 4th year college. "Good day, students. It was a pleasant day to the all of you." She greeted.

"We gathered you for today because you probably know that your internship will start soon, am I right? And since your days as a student are coming to an end. We, teachers, have decided to give you a whole week to enjoy, enjoy the rest of your days as a student." She exclaimed.

"You know that it will be difficult for you to move when your internship starts, I know some of you don't have a place to start your internship days yet, but we don't pressure you to have one right away, it's really hard to find a place that suits you, there is still plenty of time and day to think and choose, and whatever you choose, we your teachers will support those behind you."

"Kahit hindi nila sabihin, ramdam kong fieldtrip 'yan." Bulong ni Cyxziel sa'kin.

Siniko ko siya dahil sa kaingayan niya. Actually, kanina pa siya bumubulalas ng kung anu-ano sa tainga ko. Habang ako, nakikinig lang. Hindi pa nga sure kung nakikinig ba talaga o nakatulala lang eh.

Madami pang sinasabi ang head namin pero dahil inaantok ako hindi ko na pinagtuunan ng pansin iyon at ipinalibot ang mata ko sa kabuuan ng auditorium.

Mamimiss ko 'to, siguro next week maghahanap na ako ng lugar na pwede kong pagtrainingan. Sa totoo lang, gusto ko talaga lumipad sa ibang bansa at doon ipagpatuloy ang internship ko. Doon talaga magsu-suit ang isang katulad ko, pwede akong mabase sa iba' t ibang lugar sa buong mundo as long as na nandoon ako.

Pero, mukhang hindi papayag si Klyde. Lalong lalo na si Dad. But, I need to beg. I really want to work there, at walang makakapagpabago ng isip ko.

"Everything is fine, the vehicle you will use and the place you will go. Your teacher will discuss everything you need to do for next week, get ready and enjoy the trip. Thank you very much." 

Napuno nang palakpakan ang paligid, so nakipalakpak na din ako. 

"Gusto ko sa baguio!" 

"Ano ba 'yan sis, cheap! Maganda sa boracay!" 

"Girl, mas cheap' yon! Mas better out of town!" 

Rinig kong bulungan ng mga kababaihan sa gilid. namin. 

"Dude, gusto ko sa japan. Madaming chikababy!" 

"Basta ako sa china, magrereklamo lang ako dahil sa mga cheap products nila!" 

"Gusto ko sa korea! WAIT FOR ME SANA!" 

Rinig ko namang kanya kanyang bulungan ng mga lalaki sa left side ko. 

"Halos lahat sila may gustong puntahan, ikaw ba?" Tanong ni Cy. 

"Paris. Eiffel Tower." Simpleng sabi ko. 

"Sa bagay, ang romantic ba naman sa paris, sino ba namang hindi magugustuhan pumunta doon." 

Pagkatapos namin sa auditorium lumabas na din kami pagkatapos no'n. Nakasalubong pa nga namin si Klyde with his new secretary. Bago lang siya, eh. I've never seen her before. 

"Klyde, omg. Buti nalang at nakasalubong ka namin. I want to ask you something, I hope you don't mind." 

Nanlaki naman ang mata ko at lumingon kay Cy na ngingiti ngiti na nakatingin sa'kin. Bigla akong kinabahan. "What is it? I don't mind anyway." 

"Papayagan mo ba si Hillary to come with us? Sa fieldtrip in-short! Ayoko namang iwan si Ary, she'll get lonely and I hate that." 

Napangiwi naman ako at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. What the ef..... 

Napatingin ako kay Klyde na nakatingin lang din sa'kin.

"Please, Klyde....." 

"Wait! Why are you letting the President know? Are you nuts? Does she have no family and are you asking for the President's permission?" Mataray na sambit ng secretary niya. 

I raised my eyebrow and my brain was immediately filled with astonishment at the behavior of his secretary.

"Yeah, why are you asking my permission anyway?" Klyde asked. 

Wow. Unbelieveable. 

Parehas kaming dalawa ni Cy na natameme dahil sa tanong niya. Tumaas ang kilay ng secretary niya, but Klyde's facial expression remains the same. 

"Uhm......I-I'm sorry, Mr. President.....Uhm, my friend..... Uhm, sometimes she's like this. I-I'm sorry..." 

I immediately took Cy's hand and pulled him away from there. 

Huminto kami sa garden ng university. Walang katao-tao doon at wala kang makikitang iba kun'di ang mga dahon, bulaklak at puno. Umupo kami sa gazebo. Habol ko ang hininga ko nang makaupo ako sa upuan. 

"What was that? Is he being nuts? At saka, sino ba 'yung babaeng' yon? She's new."

Nakagat ko ang pangibabang labi at pilit na pinipigilan ang pagtulo ng luha nito. Is he denying me again? 

"Hey, are you okay? I'm sorry, Ary. This is my fault. I shouldn't asked him." 

She sat next to me and held my two hands. "Hey, don't cry. Don't let it out. He's not even worth it. Huwag mong sayangin ang luha mo sa kanya. He's a jerk, oh my god! I can't believe him. After all this time? He's still denying you, like what the fuck is wrong with that man?!" 

Nanggagalaiti siya sa inis na halos sabunutan niya na ang buhok niya dahil sa pagpipigil." How could.....How could he do this to you?"

Tumingala ako sa kanya at pilit na pinipigilan ang luha ko.

"Huwag na huwag mong iiyakan ang lalaking 'yon! Nako, kumukulo ang dugo ko sa kanya! Don't cry, Ary! Never waste your tears on someone who isn't worth crying for. Do not be weak, stand up and be strong, not someone like him will bring you back to your weakness."

Puro buntong hininga muna ang ginawa ko bago tumayo.

"He's still denying me, while me, kulang nalang ipagsigawan ko sa buong mundo na asawa ko siya. He's really a bastard, right? Bibigyan niya ako ng sweet treatment, ayon pala may kapalit. Grabe na talaga ang mundo!" 

Tanggap ko naman na idinedenay niya pa din ako, pero bakit parang kakaiba ang nararamdaman ko ngayon? I have this weird feeling na may rason kung bakit niya ako dineny. What if that woman is his new special someone? I just seen that woman now.

Hindi ko na makita ang dating secretary na laging nakabuntot sa kanya. That woman seems familiar but she's really new, kaya paano siya magiging familiar sa'kin? 

I might be broke as of now, but I still have classes. Weird right? I'm having a break down with myself right now, but I still need to attend my class kahit wala naman akong ginagawa doon kun'di paliparin ang isip ko kung saan-saan.

Ilang oras din akong wala sa sarili habang nagkla-klase, nang sumapit ang breaktime wala akong gana kumain o kaya naman magliwaliw katulad ng ginagawa ko tuwing breaktime.

Pero, mukha ba akong makakatanggi kay Kyla? Nagulat ako pagkatapos na pagkatapos ng klase ko nandoon siya sa labas ng classroom namin naghihintay sa'kin.

"Dali na! I have a surprise for you! You will absolutely like it!"

Umismid ako pero sa huli tumayo din ako at nagpahatak sa kanya. "Saan ba tayo pupunta? I'm too lazy for this, Kyla." Walang ganang sambit ko.

"Ts, kakain lang naman tayo ng corn dogs. Kailan ka pa tinamad kumain, ha?"

"Libre ba 'yan?"

She smiled and nodded. Parang biglang nagkaroon ng enerhiya ang buong katawan ko. Ililibre niya ako? Tapos corn dogs pa? Ayon ang totoong heaven! Omg, medyo tumaas na kasi ang presyo ng corn dogs ng mama niya kaya ang hirap abutin. Nagtitipid pa naman ako ngayon kasi mago-online shopping ako later.

"It looks like you're not in good mood. Sinabi mo sa'kin noong unang nagkita tayo na my mom's corn dogs make your day happy. So, I thought na baka gusto mo ng corn dogs."

Ngumuso ako at dahan dahang tumango. I actually want to eat corn dogs, nagcra-crave nga ako eh. Kaso parang biglang nawawala kaagad ang appetite ko.

"See? Gutom lang 'yan, babalik ka din sa mood pagtapos natin kumain ng corn dogs."

Hanggang sa makalabas kami sa gate, hila hila niya pa din ako. Nang makatawid kami papunta sa kabilang hallway napahinto naman ako ng makita si Klyde na may kasamang babae.

They were laughing.

Mukhang hindi nakita ni Kyla si Klyde kaya todo hila pa din siya. I can't take off my eyes on that bastard while he was having a happy conversation with his new secretary. Gosh, parang biglang naginit ang paligid!

Napairap nalang ako at iniiwas ang paningin sa kanila. "Oh, nako. Mabuti at nandito ka na, ipinaghanda pa naman kita ng madaming corn dogs." Tuwang tuwang sabi ng mama ni Kyla.

"Wow. Talaga po? Maraming salamat po!" Kahit papaano medyo gumagaan ang pakiramdam ko maamoy ko lang ang corn dogs ng mama niya.

Pumwesto ako sa lugar kung saan nakatalikod ako kay Klyde. Naiinis ako sa buong pagkatao niya, matapos niyang bigyan ako ng sakit ng ulo kaninang umaga magsasaya siya ngayon? Baka nakakalimutan niya ang pagtatarantando niya sa kotse ko kanina.

"What do you want? Libre lahat ng kakainin mo. Pasasalamat na din, alam mo hinding hindi ako magsasawang magpasalamat sa'yo nang buong puso dahil sa ginawa mo sa'min."

Ngumiti ako at kumuha ng isang corn dog sa box na hawak niya. "By the way, tumawag na ba ang daddy ko?" I asked while chewing the mozzarella cheese.

"Ah, oo. Actually, kakatapos nga lang namin magusap. Kaya din sinundo kita kasi sabi mo, I need to inform you if ever na magkausap kami."

Tumango-tango ako habang sunod sunod na kinakagat ang corn dog. "Masarap?" She asked.

"Yeah, always."

Tahimik lang kaming kumakain nang basagin niya ang katahimikan naming dalawa. "By the way, are you dating someone right now?" She asked.

Kumunot naman ang noo ko, sinabi ko naman sa kanya na may asawa ako 'di ba? Does she already forgot about that?

"Ha?"

Pinanlakihan niya ako nang mata, kaya mas lalo akong naguluhan.

"I have a friend. He's a engineering student, I remember na sinabi mo sa'kin na engineering student ang type mo, right? Tamang tama. Naghahanap siya ng kablind-date! Papasa ka doon, Hillary! Ang ganda ganda mo kaya."

Tumabingi ang ulo ko dahil pilit kong iniintindi ang pinapahiwatig niya. Naramdaman ko nalang ang isang malakas na sipa sa paa ko.

"His name is Ethan, mabait 'yon. Handsome and faithful pa. Full package pa, he knows how to respect woman without giving a effort to do that. At, mas lalong magaling siyang magalaga ng babae. Hindi siya pabaya, katulad ng iba diyan."

Laglag ang panga ko nang magets ang gusto niyang ipahiwatig. Seryoso ba siya? Kinakabahan ako sa ginagawa niya. Iba pa naman magalit si Klyde.

Pero, bakit siya magagalit? Kapag siya pwede, tapos ako hindi?! Ano ba siya chix?

"Ah, right. That man, where is he anyway?"

"Kakauwi niya lang galing ibang bansa. I heard nagtratrabaho na siya as civil engineer right now. Do you want me to call him? He's in rush na din kasi. His mom said na kapag wala siyang maipakitang babae sa birthday nito, lagot siya."

Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ni Kyla o hindi. But, she's trying to help me, right? I don't know if that Ethan guy is really for real.

Kinuha niya ang phone niya at nagtipa. Ako naman, pasimpleng sumisilip sa likuran ko. Mahigpit na ang pagkakahawak ni Klyde sa can ng coke habang ang babaeng kasama niya naman ay patuloy pa din sa pagkwento at halatang masaya pa ang pinaguusapan nila.

I sighed. "Omg, it's ringing!"

Kumuha ako ng isa pang corn dogs bago lumipat ng upuan sa tabi ni Kyla.

Nanlaki ang mata ko na totoo nga, tinawagan niya nga. Kinabahan naman ako nang sumagot ito.

"Sinagot niya!" Mahinang sabi ni Kyla sa'kin.

Napatigil ako sa pagnguya at napainom ng tubig ng wala sa oras.

"Ethan!"

"Hey, Ky. What's the matter?" A familiar baritone voice filled my ears.

"Ethan! I have a good news to you!" Masayang sambit ni Kyla.

Tumingin si Kyla sa'kin, tanging pagiling lang ang ginawa ko. Sign na 'yon na huwag na niyang ituloy, pero para siyang bulag at hindi man lang pinapansin ang mga ginagawa ko.

"Okay.......what is it?"

"Are you free today?"

"Uhm, I still have an appointment later, pero mamaya pa naman' yon. Why? Do you want us to catch up?"

"Kung hindi ka sana busy......"

"Okay, saan ba? In your mom's store?"

"Yeah, ngayon na sana. Baka magumpisa na kasi ang klase namin."

"Namin? May kasama ka?"

"Yes, I have. See you!"

Nang ibaba ni Kyla ang tawag, makahalugan ko siyang tinignan sa mata. "Hey, don't be mad. I am trying to help you. Kilala ko ang babaeng kasama ng asawa mo, at hindi ka dapat makapante sa mga ganyang babae." She said.

"Alam ko kung paano gumalaw ang isang 'yan, iisa lang naman ang galaw ng bituka ng mga babaeng ganyan. At nasisiguro kong may something sa kanila ng asawa mo, kaya hangga't hindi pa lumalala ang lahat. Kumilos ka na, you have rights anyway. Kasal kayo, asawa mo siya, asawa ka niya. Walang nakasulat sa papel na pwedeng mangaliwa ang isa sainyo."

"And do you think this is the good thing to do?" Mahinang tanong ko.

"No, but trust me. It will work." She said and winked at me.

"Honestly, I trust you, but you don't know how nervous I am now."

Umismid siya bago kumagat sa huling corn dog na nasa box. "Under ka ba? Dapat ang lalaki ang ginagawa mong under hindi ikaw, duh. Seeing you like this makes me think if you are really nervous or just scared for what will happen after this." She said.

I swallowed.

"Ayokong mangialam sa buhay mo, dahil una sa lahat. I am just nobody, at wala akong karapatang pangunahan ang mga desisyon mo. But, seeing you here, getting hurt and getting jealous makes me feel bad. You don't actually deserve this, you might not be a perfect wife, but I know you are giving your best to be one of them. At sinasabi ko sa'yo, dadating ang oras para diyan, but now. You need to claim what's yours. Hindi mo pwedeng hayaan siyang mapunta sa iba dahil alam mong doon siya masaya. If he's not happy when he's with you. Then, he need to get the hell out of your life. Hindi sa lahat ng oras siya ang masusunod, you're a woman, a wife at hindi ka dapat ginagawang kung sinu-sino lang ng isang tao. You deserve a better treatment. I'm sorry, but a scumbag like him is not worth it."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status