Share

MML 4 - Pursuing Ina

Sinundan ko ng tingin ang walis na nawala na sa kamay ko at ngayon ay hawak-hawak na ni Roy na siya namang nagtutuloy sa pagwawalis ko.

Mula pa kaninang umaga ay inaagawan na niya ako ng mga gagawin ko. Kahit paghuhugas na hindi niya ginagawa at ginawa niya kanina.

Tanging ang pagluluto lang ang siyang hindi niya ginagalaw. Kanina pa siya ganiyan at ako naman ay kanina pa rin nababahala.

Napamaang na lang ako muli sa kaniya nang agawin naman niya sa akin ang mga pinggan na pagkakainan namin.

"Pahinga ka na, ako na rito," sabi niya.

Pinandilatan ko lang siya ng mga mata ko.

"Ano bang ginagawa mo? Kanina ka pa nang-aagaw ng mga gawain. Bakit hindi mo na lang pagtuonan 'yung problema mo sa halip na lumapit ka sa akin?"

"Ha?" baling niya sa akin.

"Hindi ba at nagkausap na tayo kahapon na ititigil mo na 'yang mga trip mo sa buhay? Pero bakit parang mas inilalapit mo lang ang sarili mo sa akin?"

"Gingawa ko na. Sinabi mo gawin ko sa paraan na alam ko na mawawala pagkagusto ko sa iyo," aniy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status