Share

Chapter 64

Penulis: Jay Sea
last update Terakhir Diperbarui: 2024-01-31 16:26:21

"Galit ka ba sa akin sa mga sinabi kong 'yon, huh?" malumanay na tanong ni Angela sa boyfriend niya na napalunok muna ng laway bago nagawang magsalita sa kanya.

"Hindi, baby. Hindi ako nagagalit sa 'yo, okay? Naiintindihan naman kita sa mga sinasabi mo, eh. Ako ang may kasalanan ng lahat ng 'to kaya ako dapat ang umayos ng problemang 'to. Alam ko na ang lahat. Iyon ang importante na alam ko na ang lahat ng katotohanan. Sana ay magkaayos kayong dalawa ng mommy mo," sabi ni Edward kay Angela. "Mag-ina pa rin naman kayong dalawa, eh. Hindi dapat kayo nagkakaganito dahil lang sa akin. Ako ang may kasalanan kaya ako rin dapat ang mag-ayos ng lahat ng problemang 'to."

Angela licked her lips and sighed deeply.

"Sa tingin mo ba ay magkaayos kaming dalawa ng mommy ko sa panahon pa ngayon, huh? Sa tingin mo ba ay matatanggap kaya niya kapag nalaman niya na may relasyon tayong dalawa, huh? Sigurado akong magagalit siya sa 'ting dalawa kapag nalaman niya ang totoo. Magagalit siya sa 'yo, baby. Ba
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • My Mom's Boyfriend (Filipino)   Chapter 97 [End]

    "Kung 'yon po ang sinabi niya ay wala talaga tayong magagawa. Maraming salamat sa pagsabi sa akin na hindi ko puwedeng isama bukas si Edward sa pagpunta ko sa bahay namin. Maraming salamat po!" nakangusong tugon ni Angela sa Tita Mercy niya sa kabilang linya."Walang anuman 'yon, Angela. Sinabi ko lang 'yon para malaman mo, eh. Ikaw lang talaga ang gustong patawarin ng mommy mo at hindi ang boyfriend mo na si Edward. Wala talaga tayong magagawa dahil 'yon ang desisyon niya. We need to respect it," sagot ni Mercy sa kanya. "Sasabihin ko na bukas ka pupunta sa bahay n'yo para alam nga niya, Angela.""Sige po, Tita Mercy. Maraming salamat po sa tulong mo na 'to. Maraming salamat po talaga!" pasalamat ni Angela sa Tita Mercy niya sa pagtulong nito sa kanya."Walang anuman 'yon, Angela. Ginagawa ko lang ang parte ko para magkaayos kayong dalawa sapagkat ayaw ko na nagkakaganito kayo. Kagaya nga ng sabi ko sa 'yo na hindi dapat kayong dalawa nagkakaganito dahil mag-ina kayo. Imbis na nagmam

  • My Mom's Boyfriend (Filipino)   Chapter 96

    Dina took a very deep breath before she speaks to her sister Mercy who asked that questions. Sasagutin niya 'yon ngunit hindi lang diretso. "Kung napilitan ako, eh, desisyon ko na 'yon. Kung naiintindihan ko naman na 'yon o hindi ay desisyon ko pa rin 'yon, Mercy. Ako ang may kontrol sa sarili ko. Hindi kung sino man sa paligid ko, okay? Hindi ikaw, hindi kung sino pa d'yan. May sarili akong pag-iisip at hindi ako dapat na naniniwala sa sinasabi ng iba lalo na kung sa tingin ko ay hindi ko dapat paniwalaan," seryosong sagot ni Dina kay Mercy na kapatid nga niya na tumango-tango naman pagkasabi niya."Yeah, I know that, Dina. You have your own mind. Sana talaga ay tama ang naging desisyon mo at hindi ka napipilitan. Well, masasabi ko sa 'yo na tama ang naging desisyon mo. Magandang magkaayos kayong dalawa ng anak mo na si Angela. Anak mo pa rin siya kahit balik-baliktarin pa ang mundo. Walang magbabago, okay? Hindi dapat kayo nagkakaganitong dalawa. Imbis na mag-away kayo at magtanim

  • My Mom's Boyfriend (Filipino)   Chapter 95

    Ilang minuto na rin ang lumipas ngunit hindi pa nagsasalita si Dina sa kapatid niya na si Mercy kaya ibinuka muli nito ang mga labi para magsalita sa harapan nito."Pakinggan mo kasi ang sinasabi nilang dalawa lalo na ng anak mo, Dina. Hindi naman niya nilandi o inagaw sa 'yo si Edward. Kailangan mo na tanggapin na hindi ka talaga niya mahal dahil ang anak mo na si Angela ang mahal niya. Nasaktan ka man, naiintindihan kita kung bakit ka nagagalit ng ganyan ngunit isipin mo naman ang relasyon n'yong dalawa ng anak mo na si Angela. Hindi dapat kayo nagkakaganito dahil lang sa iisang lalaki. Patawarin mo na sila, Dina. Huwag mong hayaan na mawala ang anak mo na si Angela. Alam ko na mahal mo pa rin siya kahit ganoon ang nangyari sa inyong dalawa. Hindi 'yon maalis-alis kahit ano'ng gawin mo dahil ina ka at anak mo siya. Kung hindi mo kayang patawarin si Edward ay okay lang. Basta mapatawad mo si Angela na anak mo at magkaayos kayong dalawa ay mabuti. Kung patatawarin mo silang dalawa ay

  • My Mom's Boyfriend (Filipino)   Chapter 94

    "May iba pa po bang sinabi sa 'yo si mommy, Tita Mercy?" malumanay na tanong ni Angela sa Tita Mercy niya kung may iba pa bang sinabi ang mommy niya tungkol sa kanilang dalawa."Wala namang iba, eh. Iyon lang naman na sinabi ko sa 'yo, eh. Nalulungkot ako sa nangyaring 'to sa inyong dalawa ng mommy mo. Hindi dapat kayo nagkakaganito," nakangusong sagot ng Tita Mercy niya sa kanya."Ganoon rin naman po ako, Tita Mercy. Ayaw ko naman po na maging ganito kaming dalawa ni mommy. Mahal ko po siya at nalulungkot rin po ako sa nangyayaring 'to, eh. Sana po talaga ay mapatawad niya kami," sagot rin ni Angela sa Tita Mercy niya na nakanguso.Her aunt slowly nods her head and said, "Magtiwala ka lang na magkaayos kayong muli ng mommy mo, Angela. Gagawa ako ng paraan para magkaayos kayong dalawa. Nandito ako, okay? Ako ang bahala. I'll talk to her again."Napaluha pa si Angela sa sinabing 'yon ng Tita Mercy niya gagawa ito ng paraan para magkaayos silang dalawa ng mommy niya. In short, tutulunga

  • My Mom's Boyfriend (Filipino)   Chapter 93

    "Hanggang ngayon ay galit na galit pa rin sa inyong dalawa ang mommy mo, Angela. Pinuntahan ko siya sa bahay n'yo. Nagkausap kaming dalawa tungkol nga doon sa nalaman ko sa inyo," seryosong sagot ng Tita Mercy ni Angela sa kanya."Talaga po ba? Pumunta ka sa bahay namin, Tita Mercy? Kailan pa po ba?" mabilis naman na tanong ni Angela sa Tita Mercy niya na humugot muna nang malalim na buntong-hininga bago muling nagsalita sa harapan niya.Tumango naman nga ito sa kanya at saka na nagsalita, "Oo. Pumunta ako sa bahay n'yo. Four days ago na siguro. Pumunta kaagad ako sa bahay n'yo nang malaman ko nga ang tungkol sa nangyaring 'yon sa inyo ng mommy mo. Nalaman ko 'yon sa kaibigan niya na si Amelia. Nagkausap kaming dalawa nang pumunta ako doon sa kanya. Pinakinggan ko ang lahat ng sinabi niya sa akin tungkol sa inyong dalawa. Ayaw ko na manghusga sapagkat isang panig pa lang ang naririnig ko at 'yon nga ang mommy mo. Gusto ko na marinig rin ang panig mo, Angela. Gusto ko marinig sa 'yo an

  • My Mom's Boyfriend (Filipino)   Chapter 92

    Tinawagan si Angela ng kanyang Tita Mercy isang umaga. Naghahanda na siya papasok sa kanyang trabaho. Kaagad naman niyang sinagot ang tawag ng Tita Mercy niya. Gusto nitong magkita silang dalawa. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap nila sa kabilang linya. "Sino ba ang tumawag sa 'yo, baby?" tanong ni Edward sa kanya pagkasagot niya sa tawag ng Tita Mercy niya. Seryoso kasi ang mukha niya nang humarap siya sa guwapong boyfriend niya na si Edward.Huminga muna si Angela nang malalim at saka nagsalita, "Si Tita Mercy ang tumawag sa akin, baby.""Tita Mercy mo? Sino ba 'yon, huh?" nakakunot ang noo na tanong ni Edward sa kanya. Hindi kasi kilala ni Edward ang Tita Mercy niya sapagkat hindi pa niya ito nakukukwento dito simula nang maging silang dalawa. "Si Tita Mercy ay ang kapatid ni mommy. Hindi mo pa pala siya kilala dahil hindi ko pa naman siya pinapakilala sa 'yo, eh. Sorry kung hindi ko naipapakilala siya sa 'yo, baby," mabilis na tugon ni Angela sa boyfriend niya."Okay lang, baby

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status