Share

Chapter 19

“Jazzy, samahan na kita." Si Jeff.

Medyo may edad na lalaki kasi ang pasyente ko at parang di ko gusto kung makatingin tapos nasa private room pa ito.

Bumalik na din ang dating Jeff. I mean kahit papaano at hindi tulad noon na para kaming hindi magkakilala. Though syempre may limit na din at meron na din naman akong boyfriend. Nagpupunta pa din siya sa amin pero hindi na madalas. Lagi kasi kaming nag-aaway ni Niko kapag ganun kaya umiiwas na din minsan si Jeff. Napaka seloso kasi talaga ni Niko.

Pero hindi ko rin siya masisi dahil nalaman na din niya before pa na si Jeff ang first love ko nang minsang maglaro kami ng truth or dare kasama ang mga kaibigan namin. Nang sa akin kasi tumapat ang bottle ay tinanong ako ni Erik kung sino ang first love ko at nang di ako sumagot ay si Jen ang sumagot.  At dahil lasing siya nung mga time na yun ay walang pakundangan niyang sinabi ang pangalan ni Jeff.  Halos masabunutan ko nun si Jen sa inis dahil hindi ako kinausap ni Niko ng mga time na yun. Lalo tuloy nabigyan ng hustisya ang pagseselos niya. Though wala naman talaga dapat ipag selos dahil naka get over naman na ako dahil sa kanya.

"Ha? Tapos ka na ba sa pasyente mo?" Tanong ko naman sa kanya at baka makaabala lang ako sa kanya.

"Yup. Samahan na kita at nakita ko kaninang endorsement kung paano ka tignan ng lalaki. Mukhang manyak." Napansin din pala niya.

Kumatok ako ng tatlong beses bago kami pumasok ni Jeff.

"Hi sir. Kunin lang po namin ang vital signs nyo." Magalang kong sabi sa pasyente. Kakaiba talaga siya tumingin! Ngumingisi ngisi pa at may pakagat labi pa! Kadiri!

"Jaz, i regulate mo na lang yung IVF niya. Ako na ang kukuha ng vital signs niya." Seryosong sabi sa akin ni Jeff. Hay buti na lang! Parang hindi maatim hawakan siya! Sinamaan naman ng tingin nung pasyente si Jeff.

Pagkalabas namin ng kwartong yun ay i rerequest daw niya sa clinical instructor  namin na mag palit kami ng patient. Nagpasalamat naman ako sa kanya dahil dun.

"Sabay ka na sa akin Jazzy. Pupunta din ako ng apartment nyo at may pinadala si tito John kay Jen." Sabi naman nito pagkatapos ng duty namin.  Nasa labas na kami ng ospital at pauwi na din. Alas tres pasado na ng hapon. Next week naman ay night duty na ulit kami. Pumayag naman ako dahil doon din naman siya pupunta. May klase pa din naman si Niko ngayon.

"Dito ka na kumain Jeff. Magluluto ako ng sinigang na baboy. Saglit lang to." Sabi  naman ni Jen sa pinsan niya.

"Sige ba!" Napangiti na lang kami ni Jen dahil alam naming hindi yan makakatanggi at paborito niya ang sinigang na baboy.

"Jaz, na encode mo na ba yung sa case study natin?" Tanong sa akin ni Jeff habang nakahiga ako sa sofa at nag bo browse ng cellphone ko.

"Di ko pa tapos. Nakaka stress! Halos di na ako makahinga sa dami ng dapat gawin." Maktol ko. Two months na lang kasi ay ga graduate na kami, God willing. Grabe! Ang bilis talaga ng araw!

"Labas mo muna laptop mo at tulungan na kita." Aniya.

"Eh di ba meron ka din naman gagawin?" Naninigurado ko namang tanong pero sa totoo lang tuwang tuwa ako kapag tutulungan niya ako dahil bawas stress din!

"Tapos ko na. Review na lang gagawin ko then brain storming tayo this weekend para sa defense natin.” Napaka sipag talagang mag aral nitong lalaki na to. Kahit babaero ay hindi talaga niya pinapabayaan ang pag-aaral niya.

"Kinakabahan ako sa defense! Sige wait lang kunin ko lang." Hindi na talaga ako nagpakipot pa at agad akong tumayo para kunin ang laptop ko.

“Wow bilis natin mag endode ah? Tapusin mo yan ha?” Tudyo ko sa kanya habang nag i-encode siya at pumunta ako sa likod niya para imasahe siya kunwari para naman ganahan siyang mag encode! Tuwang tuwa talaga ako dahil mababawasan talaga ang mga gagawin ko.

Saglit namang tumigil sa pag-i-encode si Jeff nang kumain kami at tinuloy na naman niya after naming kumain. Madami dami din siyang na encode! Di ko na din namalayan ang oras at alas otso na pala ng gabi.

Bigla ko namang naalala ko si Niko kaya tinignan ko ang cellphone ko pero nagtaka ako at wala pa din siyang tawag o kahit text man lang. Buti na lang pala at nandito si Rust at sa kanya ko na lang itatanong.  Dumating siya bago pa kami mag dinner.

"Ah Rust?” Untag ko sa kanya.  Nandun sila sa corner ni Jen kung nasaan ang drafting table at mukhang may tinatapos din sila. Tumingin naman agad siya sa akin.

“Yes Jaz?” Maging si Jen ay  napalingon din sa akin.

“Itatanong ko lang sana kung..alam mo ba kung nasaan si Niko?”

"Actually, kasama ko siyang pumunta dito. Kaya lang biglang nagbago ang isip at umalis." Kibit balikat niyang sinabi.

Hindi kaya nakita niya kami ni Jeff? Magkatabi kasi kami dahil binabasa ko yung ini- encode niya. Or worst, nakita pa niyang minamasahe ko sa likod ito! Oh no..Naku, patay ako nito!

Pagkaalis ni Jeff ay nagpunta akong terrace at sumubok akong tawagan si Niko pero hindi niya sumasagot. Nakatingin din ako sa apartment nila at nagbabaka sakaling makita ko siya o pupuntahan ko sana siya pero madilim at tila walang tao. Nasaan kaya sila? Somehow nagi-guilty ako. Ako kasi ang laging naiinis kapag nagseselos siya pero ako din naman kasi itong insensitive madalas.

Nag-aalala ako kaya hindi ako nakatiis at tinext ko si Von.

Me: Hi Von! Tatanong ko lang sana kung kasama mo si Niko?

Di naman nagtagal ay nag reply siya.

Von: Hi Jazzy! Yeah. We're here sa vacation house namin. Naglalasing ang loko. Haha

Nalungkot ako bigla. I feel so guilty! Oo wala naman akong ginagawang masama pero hindi ko talaga maiwasang ma guilty.

Pumasok na ako sa loob at ikwinento ko kay Jen kasi pakiramdam ko sasabog na ako kapag wala akong mapagsasabihan.

"Alam mo Jazzy, sa totoo lang hindi ko masisi si Niko. Mag dadalawang taon na kayo pero pakiramdam ko naiilang ka pa din sa kanya. Tapos ikaw, clingy ka pa din kay Jeff." Sabi niya sa akin.

Napabuntong hininga ako kasi may point talaga si Jen. Sa totoo lang kasi hindi ako showy o clingy na girlfriend. I mean may mga sweet at intimate moments naman kami pero parang meron pa ding wall na nakapagitan sa amin kasi tama si Jen, may ilang pa din ako sa kanya kahit na mahal na mahal ko siya. It's just that parang nahihiya pa din ako sa kanya. Para kasing masiyado siyang matayog para sa akin.

Nalaman ko kung gaano ka big time ang family nila. Meron silang sariling construction company sa Manila na hindi basta-basta. I know lahat silang magkakaibigan ay from well-off family. Ako simpleng tao lang. May kaya naman pero malayo pa din.

Hindi siya ma kwento about sa family niya. Yan din ang isa ko pang insecurity sa relasyon namin. He never opens up about his family. Samantalang ako, ilang beses na niyang na meet ang tita ko at pinsan. And even my mom nang minsan mag bakasyon siya. They loved him.

Siya? Si Von lang na pinsan niya ang kilala ko sa family niya. Basta ang alam ko lang busy ang mga magulang niya sa business nila. Meron din siyang ate na nalaman kong architect sa company nila. Four years ang gap nila. That's it. Yan lang ang alam ko.

But as a boyfriend, wala na akong maipipintas pa sa kanya. Kung gaano siya ka sweet at thoughtful noon, ganun pa din siya hanggang ngayon.

Napabuntonghinga ulit ako.

"Anong gagawin ko?" Para akong batang nagtatanong kay Jen.

"Puntahan mo. Ikaw naman ang manuyo sa kanya. Lagi na lang siya ang nanunuyo sayo kahit ikaw naman ang may toyo." Seryoso nitong sabi sa akin. Hindi ko siya kinontra kasi alam kong totoo.

Naiiyak tuloy ako. Natatakot akong magsawa siya sa akin dahil hanggang ngayon feeling ko parang napaka cold kong girlfriend. Napakadami pa namang lumalandi sa kanya sa school. At kahit sa kabilang mga university ay pinagkakaguluhan siya. Pero sorry sila, akin siya!

Hindi na ako nag aksaya ng oras at dali-dali naman akong nag shower at nagbihis. Nagsuot ako ng black and white striped bodycon dress na above the knee. Long sleeve to pero pinatungan ko pa din ng leather jacket at nag ankle boots ako ng black

Nilugay ko lang ang natural brown kong buhok na hanggang sa level ng bra ang haba. And yeah naglagay din ako ng manipis na makeup. Nang makuntento ako sa itsura ko ay akma akong aalis na nang matigilan ako. Seriously, I dunno what has gotten into me but I just really want to look good tonight. Parang gusto kong bumawi sa lahat ng pagkukulang ko sa kanya at gusto ko nang matibag ang wall sa pagitan naming dalawa.

Muli akong napabuntong hininga at nagpaalam na kay Jen. Pupuntahan ko siya sa vacation house nila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status