Se connecterMY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IIICHAPTER 183RD POV “Mukhang naghahanda kana sa nalalapit mong kasal..” Wika ni Solene, kaya napatingin sa kanya si Jane.“Bakit? Balak mo bang sirain ang araw na ‘yon?” Mabilis siyang natigilan, habang na-ikuyom nito ang kamao. “Bakit ko naman gagawin ‘yon? Alam ko naman na wala na akong magagawa. Pero hindi ko akalain na magugustuhan mo si Darius..” “At bakit hindi? Gusto siya ni Zafira, kaya gusto ko na rin siya.” Kunot-noo siyang napatingin dito, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Ano ang ibig mong sabihin?” “Simple lang, ang gusto ko, mapapasa-akin ang lahat na meron ang anak mo.” Mas na-pahigpit ang pag-kuyom niya sa kanyang kamao, dahil sa sinabi nito.“Wala siyang ginawang kasalanan sa ‘yo, bakit mo ba ginagawa ang lahat ng ‘to?” galit na tanong ni Solene, habang malakas itong humalakhak.“Walang ginawa?” Iling nitong wika. “Alam mo kung ano ang ginawa mo, pati na rin ng anak mo sa akin, kaya sana ‘wag ka nang magka-ila pa
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IIICHAPTER 173RD POV "Kumusta na si Lola, Mommy?" tanong niya sa kanyang ina, matapos niya itong lapitan. "Ayos na siya Zafira. Ang sabi ng doctor nabigla lang siya." "Kasalanan talaga 'to ng Jane na 'yon Mommy, kailangan mo ng gumawa ng paraan, para mapa-alis siya sa bahay natin." "'Wag kang mag-alala Zafira, ako na ang bahala, at hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya kay Mommy." Madiin na wika ni Solene, habang napa-kuyom ito sa kamao. "Solene!" Sabay silang napalingon, at napalingon nang makita nila si Alvin."Ano ang nangyari sa 'yong ina Solene?" galit na tanong sa kanya ng kanyang ama. "Ang sabi ng doctor, Dad, na bigla lang daw si Mommy sa mga nangyayari," kabado na sagot niya sa kanyang ama. "Ako dapat ang sisihin sa lahat ng 'to, dahil kung hindi sana dahil sa akin, ay hindi 'to mangyayari sa 'yong ina.""Dad, wala kang kasalanan, ang bastardang anak ni Alvin ang may kasalanan sa lahat ng 'to!" Galit na wika ni Sole
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IIICHAPTER 163RD POV “Sa tingin mo kaya kitang saktan Zafira? Anak kita at hindi ko hahayaan na masaktan ka!”“Kung gano’n, gumawa ka ng paraan, para hindi matuloy ang kasal nila ni Jane at Darius, Alvin.” Wika sa kanya ni Solene, kaya napatingin siya rito. “Ihahatid ko na muna ang anak natin sa bahay ni Mommy, dahil ayaw kung mas lalo pa siyang masasaktan dito.” Wika ni Solene, habang mabilis na hinawakan ang braso ng anak nilang si Zafira. “Mommy, tama si Daddy, hindi tayo ang dapat umalis sa bahay!”“Alam ko Zafira, at ‘wag kang mag-alala, dahil gumagawa na ako ng paraan. Minsan ko na siyang napa-alis at pinahiya, kaya hindi na ako mahihirapan pang gawin ‘yon..” Malawak na na-pangiti si Solene, habang hinawakan niya ang kamay ng kanyang ina. “Gustong-gusto ko na siyang makitang napahiya Mommy, at gusto kung makita ang pagbagsak niya.” “’Wag kang mag-alala, dahil gagawin ko ang lahat mawala lang ang babaeng ‘yan, at hindi lang
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IIICHAPTER 153RD POV “Kung ayaw mong pumayag sa gusto ko, madali lang naman akong kausap, hindi ko itutuloy ang project na ‘yon at kausapin ko sila na tanggalin ang kumpanya niy-.”“’Wag mong gagawin ‘yon Jane..” Wika ni Alvin, kaya napatingin ito at malawak na ngumiti. “’Yan ang gusto ko, madali kayong kausap, dahil baka paalisin ko kayo sa bahay na ‘to.” Gulat na na-patingin si Solene, sa asawa niya, dahil sa kanyang narinig mula kay Jane. “Ano ba ang pinagsasabi ng babaeng ‘yon? At bakit ka pumayag na sa silid siya ni Zafira?” galit na tanong niya rito. “At ano ang gusto mo? Gusto mo bang maghirap tayo, at mawala ang kumpanya?!” “Pero Dad? Ano bang meron sa babaeng ‘yan? Bakit napapasunod niya sila?” iyak na tanong ni Zafira. “Wala rin akong alam, hindi ko alam kung ano ang meron kay Jane, lalo na at wala naman siyang ibang pamilya bukod sa akin. Kung gusto niyo ring manatili sa atin ang kumpanya, at kung gusto n’yong hindi t
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IIICHAPTER 143RD POV “Dad...” Iyak na wika ni Zafira, habang mabilis itong yumakap sa kanyang ama.“Ano ang nangyari? Bakit ka umiyak?” taka na tanong sa kanya ni Alvin. “Ayaw na ng mga Westood na ituloy ang kasal namin ni Darius Dad..” hikbi na sagot niya sa kanyang ama. “Alam ko kung ano ang dahilan kung bakit hindi nila itinuloy ang pagpapakasal sana ni Darius sa anak natin.!” Wika ni Solene, kaya na-patingin dito si Alvin. “Dahil ‘to sa bastardang anak mo!” sigaw ni Solene kay Alvin. “Kung hindi mo sana dinala ang babaeng ‘yon, wala sana tayong problema ngayon! At hindi sana mapahiya ang anak natin sa buong angkan natin Alvin! Alam mo bang pati ang mga magulang ko, ay galit sa akin ngayon, dahil sa ginawa ng anak mo! Pati sila ay nahihiya!” “Hindi ko akalain na gagawin ‘yon ni Jane..” problemado na wika nito. “Hindi mo akalain? Pero tapos na! Nangyari na ang lahat! Kailangan mong gumawa ng paraan, para matuloy ang kasal nil
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IIICHAPTER 133RD POV Gulong-gulo pa rin si Darius, dahil naging totoo ang sinabi ni Jane. Ang akala niya ay nagbibiro lang ito, pero hindi niya akalain na maging totoo ito. Alam niya na itinakwil na ito ng pamilya niya, kaya imposible na sila ang tumulong sa kanya. Idagdag pa na si Zafira ang fiancee niya sana. Nang tumunog ang kanyang phone, ay mabilis niya itong kinuha. Nakita niyang si Zafira ang tumawag, kaya mabilis niya itong sinagot. “Bakit mo ginawa sa akin ‘to Darius?” tanong nito sa kanya sa kabilang linya, habang narinig niya ang paghikbi nito.“Wala akong alam sa nangyari Zafira. Hindi ko alam kung bakit naging totoo ang sinabi niya..”“Kung gano’n, pwede naman na hindi ka pumayag sa kasal niyo!” “Hindi pwede, dahil nakasalalay rito ang kumpanya namin,” sagot niya rito. “Ano ang ibig mong sabihin Darius?” “’Yon ang sinabi ni Mommy, kaya wala na akong magawa pa Zafira.” Wika niya, habang mabilis na pinatay ang tawag







