Share

CHAPTER 3

Author: Darkshin0415
last update Last Updated: 2025-04-23 08:26:56

CHAPTER 3

3RD POV

Buong lakas na tinumba ni Daisy, ang taong nasa loob ng kurtina. Matapos niya itong maitumba, ay dali-dali niyang kinuha ang kurtina, para makita ang mukha nito.

“S-sino ka?” Utal na tanong niya, nang makita ang mukha nito, na nakabalot ng isang silicone mask. Napangiti ito, at hinawakan nang mahigpit ang kanyang mga kamay.

“Bitawan mo ako!!” Malakas na sigaw niya. Habang binuhat siya at muling binalik sa kama.

“A-anong gagawin mo?” Takot na wika niya rito, habang nakita ang hawak nitong tali.

“Ano ba! Bitawan mo ako!!” Patuloy na nanlaban si Daisy, sa lalaki. Pero matagumpay pa rin siyang naitali nito.

“Bakit mo ba ginagawa sa ‘kin ‘to? Sino kaba talaga?” Iyak na tanong niya, habang tinali nito ang kanyang mga paa.

Nang matapos siyang itali nito, ay agad itong lumabas. Ni hindi man lang niya narinig ang boses ng lalaki.

“Pakawalan mo ako rito! Hay*p ka!!” Iyak na sigaw niya. Napalingon ulit si Daisy, sa pinto nang makitang bumukas ito.

“Sino kayo?” Tanong n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Gretchen Chavez
next po ulit thank you po update
goodnovel comment avatar
Aliah Ramos
I think so kase matagal niya na gusto ko e, yun naman yung inamin niya kay ellie
goodnovel comment avatar
Lilibeth Aguinaldo Mercado
c Dan yun kumuwa sa kanya
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 22

    CHAPTER 22 3RD POV “’Wag mo nga akong biruin ng ganyan.” Kunot-noo na wika niya sa pinsan niyang si Edward. “Hindi ako nagbibiro, at bakit ba hindi mo ‘yon alam?” Wika nito sa kanya, habang mabilis niyang binuksan ang monitor niya. tiningnan niya ang profile ni Greeg, at halos mabulog siya sa kanyang upuan, matapos makita ang detalye. “Fvck!” Malakas siyang napamura, habang hinampas ang kanyang lamesa. “Ano ba kasing pumasok sa utak mo? Bakit mo ba ‘yon sinugod? At hindi ba, ikaw na rin mismo ang nagsabi na ‘wag banggain ang pamilya nila?”“Damn it!! Hindi ko alam! Wala akong alam!” “Paano mo malalaman, wala ka namang pakialam sa pamilya niya.” Iling na wika ni Edward sa kanya. “Sandali nga lang, nagseselos kaba kay Greeg? At kaya kaba nagalit sa akin, dahil nagseselos ka?” Mabilis siyang na-patingin kay Edward, dahil sa sinabi nito sa kanya.“Pwede bang manahimik ka. Hindi ako nagseselos.” Wika ng habang ngumiti ito at nailing. “Dude, lalaki rin ako.” Masama niya itong tining

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 21

    CHAPTER 21 3RD POV “Bitawan niyo ako!” Galit na sigaw niya habang winaksi ang kamay ng mga kaibigan niya. “Dude, ano bang nangyari sa ‘yo?” Taka na tanong sa kanya ni Alvin. “Nagse-selos kaba?” Wika nitong muli kaya napatingin siya rito. “Nagpapatawa kaba? Ako magseselos? Bakit ako magseselos?” Galit na wika niya at mabilis silang iniwan. NANG makapasok sa kanyang kotse ay inis niya itong hinampas, habang hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang mga ngiti ni Marie sa lalaki. At ang mas kina-gagalit niya ay ang sinabi ng lalaki sa kanya. “Mahal? Nagpapatawa ba siya?” Napalingon siya sa pinto ng kotse nang may kumatok dito. “Ano bang nangyari sa ‘yo?” Tanong sa kanya ni Jessica, nang makapasok ito sa loob ng kotse niya. “Bakit mo ginawa ‘yon?” Muling tanong nito, pero imbis na sumagot ay kinabig niya ito at mabilis na siniil sa labi. Pero agad siyang natigilan nang muli niyang maisip si Marie. “Gael, pwede bang sagutin mo ako!” Galit na sigaw nito sa kanya. “Tama na, ayokong

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 20

    CHAPTER 20 3RD POV “G-Gael..” Gulat na wika nito nang makita siya. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya, habang napatingin sa likuran nito. “’Wag kang mag-alala. Wala akong kasama, n-nandito ako para maka-inin sila.” Sagot nito, kaya lalong napakunot ang kanyang noo. “Anong sila? May kasama kaba rito?” Tanong niya, habang mabilis itong umiling. “’Yong mga alaga ko, w-wala kasi silang pagkan, dahil wala na ako rito.” Sagot nito sa kanya. Napatingin naman siya sa dala nito, kaya muli siyang bumalik at binuksan ang pinto. “Ayos lang kung hindi mo bubuksan ang pinto, lumalabas naman sila.” Ngiting wika nito sa kanya, kaya tinitigan niya ito. “’Wag mo nga akong ngitian.” Wika niya, habang mabilis itong nag-yuko ng ulo. “Pumasok ka muna rito, para makaupo ka. Habang kumakain ang mga alaga mo.” Wika niya, habang nauna na pumasok. “Bakit mo na-isipan na makipag-divorce?” Tanong niya, habang napapansin na nilalaro nito ang mga daliri nito. “K-kasi nahihirapan kana.” Sagot nito, ka

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 19

    CHAPTER 19 3RD POV “Ayokong pumunta ro’n” Sagot niya, kaya gulat na napalingon sa kanya ang kanyang ina. “Nahihibang kana ba Gael? Bakit ayaw mong pumunta ro’n?” Galit na wika nito. “Mas gusto kung mananatili rito Mommy, bakit hindi nalang kayo ni Daddy ang pumunta ro’n? Kaya ko naman pamahalaan ang kumpanya natin.” Sagot niya, habang napahawak ang kanyang ina sa noo nito. “Tapos, kapag nandito ka, lagi kang mag-wawala?”“Hindi na mauulit ‘yon Mommy. Naiinis lang ako, kaya mo ako naabutan na ganun.” Sagot niya rito. “Gael, mas mabuti kung nando'n ka, dahil makakalimutan mo ang asawa mo.” “Mommy, ngayon pa lang kinalimutan ko na siya, isa pa gusto kung malaman niyo na hindi ako nasasaktan, dahil una pa lang. Wala akong gusto sa babaeng ‘yon.” Inis na wika niya.“Isa pa, ngayong hiwalay na kami, gusto kung pakasalan si Jessica.” Napa-kunot ang noo ng kanyang ina, dahil sa kanyang sinabi. “Anong pakasalan?” Galit na wika nito sa kanya.“Mom, alam niyong matagal ko ng nobya si Jes

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 18

    CHAPTER 18 3RD POV “A-anong ibig mong sabihin?” Taka na tanong niya kay Marie. “Pumayag na si Lola na makikipag-divorce ako sa ‘yo!” Tuwang wika nito sa kanya, habang bumitaw. “D-divorce?” Utal na sambit niya, habang mabilis itong tumango. “Oo, makakalaya kana!” Tuwang wika nito, habang pilit siyang ngumiti rito.“T-talaga?” Wika niya habang mabilis itong tumango. “Alam mo bang masayang-masaya ako para sa ‘yo, dahil hindi kana mahihirapan pa.” Wika nito. Hindi niya naman maintindihan ang sarili niya, kung bakit hindi siya masaya sa nalaman niya. “‘Wag kang mag-alala ako na ang bahala na magpaliwanag sa mga magulang mo.” Hindi niya mapigilan ang sarili niya na tumitig kay Marie. “Kung ganun, hindi kana ba sasama sa akin pabalik ng bahay?” Tanong niya rito.“Hindi na, ‘wag mong alalahanin ang mga gamit ko, dahil ipapakuha ko ‘yon sa katulong namin at Gael, pwede mo na siyang kunin at isama pabalik.” Hindi niya alam kung bakit bigla nalang siyang nakaramdam ng lungkot. Ang kanina

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 17

    CHAPTER 17 3RD POV Hindi mapigilan ni Marie ang paluwa habang nakatingin kay Gael at Edward na nag-aaway. Alam niya na dahil ito kay Jessica, dahil ito ang narinig niya kanina. Gusto niya man na awatin sila pero hindi niya ito magawa, dahil alam niyang lalo lang magalit si Gael. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at kinuha ang susi sa kotse ni Gael. Nang makapasok sa kotse ay mabilis niyang binuhay ang makina at mabilis na pinapatakbo ang kotse palabas ng gate, ayaw niya kasi na maabutan siya ni Gael. Hindi kasi mawala sa isip niya ang palagi nitong sinasabi sa kanya, ang saktan siya. “Nasa loob ba si Mama?” Tanong niya sa guard matapos nitong buksan ang gate. “Opo Ma’am Marie.” Sagot nito, kaya agad siyang bumaba ng kotse. “Marie, Anak?” Gulat na wika ng kanyang ina, nang makita siya nito. “Anong nangyari?” Taka na tanong nito, habang nilapitan niya ito at mahigpit na niyakap. Hindi niya naman mapigilan ang sarili niya at kusa na nag-lalandas ang kanyang mga luha sa kanyang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status