CHAPTER 7 3RD POV “Naku! Manang! Mali kayo, hindi siya ang ama nila. Boss ko po siya.” Nahihiya na wika niya. “Ay, akala ko po siya ang asawa niyo. Kamukhang-kamukha po kasi siya ng mga bata.” Wika nitong muli, kaya napatingin siya rito. “Hindi po, Sir. Dito muna kayo, pakainin lang namin ang mga bata.” Wika nito sa kanya. “Sige.” Sagot niya rito. Habang pumasok sa kusina ang mga bata ay tinitigan niya ito. ‘Damn! Paano ko naman sila maging anak? Hindi ko naman nagalaw si Arya.’ Napailing siya habang tumayo. Nang marinig ang kanyang phone, ay agad niya itong sinagot. “Bakit?” Tanong niya, matapos itong sagutin. “Boss, kumain daw po kayo.” Wika ng isang bata, kaya gulat siyang napatingin dito. “Sino ‘yon?” Tanong ni Apple sa kanya. “Busog na ako, kayo nalang ang kumain.” Sagot niya sa bata. “Hoy! Gray, sino ‘yon?!” Sigaw nito sa kabilang linya, kaya nailayo niya ang kanyang phone sa kanyang tainga. “Anak ng tauhan ko.” Sagot niya rito. “Anak? Bakit?” Napakunot ang kanyan
CHAPTER 6 3RD POV “Hindi siya ang ama ng mga Anak ko.” Narinig niyang sagot nito. “Tara na po Sir.” Mahina na wika niya rito. “Ang ganda naman ng kotse na ‘to Mommy!” Tuwang wika ng isang bata, nang makapasok ito sa kanyang kotse. “Alexander, pwede bang manahimik ka.” Narinig niyang wika ni Arya. “Mommy, sabi ni Lolo, ayaw na niya kaming patirahin sa bahay niya, kasi magulo raw kami, kaya dapat daw naming hanapin ang Daddy namin, nasa’n ba siya?” Napakunot ang noo ni Gray, dahil sa kanyang narinig. “Bakit? Hindi ba nila kilala ang kanilang ama?” Tanong niya rito, habang umiling si Arya. “Sir, pwede bang hindi na muna ako bumalik sa opisina niyo? Kailangan ko pong maghanap ng bahay para sa mga Anak ko.” Wika nito sa kanya. “Kung gusto mo, ro’n nalang kayo sa bahay. Wala kasing nakatira roon.” Taka itong napatingin sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. “Bakit po Sir? Sa’n po nakatira ang mga magulang niyo?” “Ang ibig kung sabihin, sa kabilang bahay. Marami kasing binili na bahay
CHAPTER 5 3RD POV “Magandang umaga Sir..” Ngiting bati nito sa kanya, matapos siyang makapasok sa kanyang opisina.“Kumusta ang mga anak mo?” Tanong niya rito, habang bakas sa mukha nito anh pagkagulat. “Maayos naman po sila Sir. ‘Yon nga lang, baka pwede ko silang dalhin dito.” Napakunot ang kanyang noo, dahil sa kanyang narinig. “Dalhin? Nagpapatawa kaba? Baka nakalimutan mong opisina ‘to at hindi palaruan.” Galit na wika niya rito, habang nag-yuko ito ng mukha. “Ipaghanda mo ako ng kape.” Utos niya habang umupo siya sa kanyang swivel chair. Binuksan niya naman ang kanyang monitor at tiningnan ang mga files na hindi niya natapos pag-aralan kagabi, dahil sa kanyang kapatid. “Narito na po ang kape niyo Sir.” Wika nito, kaya nag-angat siya ng kanyang mukha at tinitigan ito. “Galit kaba?” Tanong niya habang mabilis itong ngumiti. “Hindi po Sir, hindi niyo ba nakikita na nakangiti ako?” Sagot nito habang nanatili na nakangiti. “Hindi ako nakikipag-biruan sa ‘yo Arya.” Madiin n
CHAPTER 4 3RD POV Matapos makipag-libing si Gray, sa asawa ni Daisy, ay pumunta muna siya sa kanyang condo. Naisipan niya na magpahinga, dahil pagod siya. Simula kasi ng lamay nito ay hindi na sila nakapag-pahinga. Lalo na at kailangan nilang samahan ang pinsan nila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na wala na ito. “Sir.” Napalingon siya kay Arya, habang nasa tabi niya ito. “Ano ‘yan?” Kunot-noo na tanong niya rito. “Tissue. Hindi niyo ba nakikita Sir?” Wika nito, kaya inis niya itong tiningnan. “Alam ko, ang tinatanong ko, kung ano ang gagawin ko niyan?” “Punasan niyo po ‘yong luha niyo.” Sagot nito, kaya hinawakan niya ang kanyang mga mata.“May nakita kabang luha sa akin?” “Wala, pero baka pinipigilan niyo lang umiyak.” Nailing si Gray, dahil sa sinabi sa kanya ni Arya. “Pero kawawa naman po si Ma’am Daisy, bagong kasal pa lang po sila, tapos nawala na agad ang asawa niya.” Wika nito sa malungkot na boses. NANG makarating sila sa condo ay agad siyang puma
CHAPTER 33RD POV “Sino ang babaeng ‘yon?” Tanong niya sa isang manager. “Siya po si Arya Martin, Mr. Johnson.” Sagot nito sa kanya. “Bakit mo tinatanong?” Taas kilay na tanong ng kapatid niya. “Gusto ko siyang gawing assistant.” Sagot niya rito na kina-kunot ng noo nito. “Ayaw mo na ba sa secretary mo?” Tanong nito sa kanya. “Hindi ko sinabi na gagawin ko siyang secretary. Ang sabi ko personal assistant.” Sagot niya rito. Pero bigla nalang siyang binatukan ni Apple, kaya napahawak siya sa kanyang ulo. NANG matapos pumunta si Apple, sa kabilang building ay agad na siyang nagpa-alam dito na babalik na sa kanyang opisina. Marami pa siyang gagawin at hinihintay niya ang babaeng nakita kanina. “Ako pa talaga ang hinahamon niya.” Galit niyang wika, dahil hindi niya pa rin matanggap na nakalabas ito ng kulungan. “Sir, nasa labas na po si Miss. Martin.” Wika ng kanyang secretary, sa telepono. “Papasukin mo.” Utos niya rito. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto kaya nag-angat siya
CHAPTER 2 3RD POV “Ano ng balita?” Tanong niya sa kanyang tauhan, nang masagot niya ang kanyang phone. “Nalaman ko na po, Boss. Kung saan nakatira ang babaeng ‘yon.” Sagot nito sa kanya. “Kung ganun, tumawag kana ng pulis at ipahuli mo ang babaeng ‘yon.” Utos niya rito. “Gusto kung hindi na makakalabas ang babaeng ‘yon.” Muling wika at agad na pinutol ang linya. Matapos niya itong maka-usap ay umupo siya sa kanyang upuan at muling tiningnan ang mga document na pinadala ng kapatid niyang si Apple. Kailangan niya itong unahin, dahil alam niya na magagalit ito kapag hindi niya agad ito maibalik sa kanya. Nang sumapit ang tanghalian ay naisipan niyang lumabas para kumain. “Sa'n ka pupunta?” Tanong sa kanya ng kakambal niya.“Kakain, sasama kaba?” Sagot niya rito. “Hindi pero sakto at nandito ka, ikaw na muna ang pumunta para kausapin ang isang business partner ko.” Wika ni Greeg, kaya napakunot ang noo niya. “Teka lang, bakit ako?” Taka na wika niya rito. “Lalabas ka, isa pa.
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XI 3RD POV CHAPTER 1 “Anak, hindi kaba sasama sa amin?” Tanong ng kanyang inang si April. “Hindi muna Mom, pakisabi nalang kay Daisy.” Sagot niya rito. “Ikaw talaga, mas inuuna mo pa ‘yang trabaho mo.” “Mom, wala naman akong mapapala kung pupunta ako ro’n.” “Anong wala? Alam mong naroon ang lahat ng pamilya natin.”“Mommy, please. Ayoko pong makipagtalo sa bagay na ‘yan, kaya mauna na ako.” Wika niya at humalik sa pisngi nito. “Noon pa man ay hindi na talaga mahilig dumalo si Gray sa mga pagtitipon na ginaganap ng pamilya nila. Mas gusto niya pa na mag-focus sa opisina. “Aalis ka?” Tanong ng kakambal niyang si Greeg. “Oo, bakit?” Sagot niya rito. “May pinapagawa na naman ba sa ‘yo si Apple?” Tanong nito, habang umiling siya rito. “May kailangan lang akong gagawin sa opisina.” Sagot niya rito. “Ayaw mong pumunta sa bahay ni Tito Reymart?” “Hindi alam mo na hindi ako mahilig dumalo sa pagtitipon na ‘yan.” Sagot niya habang pumasok sa kanyang kotse.
CHAPTER 393RD POV “G-gusto mo na ba ako?” Utal na tanong nito sa kanya. Habang pinunasan niya ang kanyang mga luha at masama itong tiningnan. “Bakit mo pa tinatanong ha? Hindi pa ba halata?” Galit na sigaw niya, kaya dali-dali siya nitong binuhat at hinalikan sa labi. “Damn.. Panaginip lang ba ito?” Tanong nito, habang hinampas niya ito sa braso. “Hindi ako katulad mo, manloloko.” Inis na wika niya, habang napangiti ito. “Patawad Mahal ko, ginawa ko lang naman ‘yon, dahil sa labis na pagmamahal na nararamdaman ko sa ‘yo.” Hinging tawad nito sa kanya. “Kalimutan na natin ‘yon, ang mahalaga nagmamahalan tayo.” Ngiting wika niya rito, habang muli siyang hinalikan ni June. “Nakarami kana. Ibaba mo na nga ako.” Irap na wika niya rito. “Inaway mo na naman ako.” Wika nito sa nagtatampo na boses. “Tse! Manahimik ka, dahil kailangan mo pa akong pakasalan muli.” Wika niya habang ngumiti ito. “Ayaw mo ba sa kasal natin noon?” “Ayoko nun.” Parang bata na wika niya rito. “Kahit saang
CHAPTER 38 3RD POV Napakunot ang noo ni Daisy, habang napatingin kay June, na naglalakad. Nakayuko kasi ito at parang takot tumingin sa mga tao, na nakasalubong nito, kahit pa nasa loob ito ng sarili nitong kumpanya. “June!” Malakas na sigaw niya, kaya bakas sa mukha nito ang pagkagulat nang lingunin siya nito. “Bakit ka sumigaw?” Tanong nito, nang makalapit ito sa kanya. “Basta mo nalang akong iniwan, kaya sinigawan kita. Ang bilis mo kasing maglakad, kaya hindi kita mahabol.” Ngiting wika niya rito. Lihim naman na natutuwa si Daisy, dahil kita niya sa itsura nito ang pagkapahiya. “Sino bang babae ang pupuntahan mo?” Malakas na wika niya, habang gulat itong napatingin sa paligid. “Pwede ba Daisy.” Saway nito sa kanya. “Daisy? Bakit biglang nagbago ang tawag mo sa akin?” Wika niya, sa malambing na boses at niyakap ito. “A-ano ba? Bitawan mo ako nakakahiya.” Wika nito, pero mahigpit niya pa rin itong niyakap. Napag-alaman ni Daisy, na ito ang ayaw niya. Ang tingnan ng mga tao