Share

Chapter 17

Amber Pov

Abala ako sa pagtatanggal ng mga tuyong dahon sa mga halaman sa hardin nang makarinig ako ng paghinto ng sasakyan sa tapat ng bahay ni Phil. Bahagya akong sumilip sa may gate para tingnan kung si Phil na ba ang dumating. Pero sa pagkakaalam ko ay nasa Hongkong siya para sa kanyang apat na araw na business trip at ngayon ay pangatlong araw pa lamang niya roon. Siguro ay may bisitang dumating. Nagkibit na lamang ako ng balikat pagkatapos ay nagbalik ako sa hardin para ipagpatuloy ang ginagawa ko.

Muli kong inabala ang aking sarili sa pag-aalis ng mga tuyong dahon sa mga halaman. Hindi ko naman kilala ang bisitang dumating at natitiyak ko na hindi gugustuhin ni Tita Aloha na humarap ako sa bisita nila lalo na ang ipakilala ako bilang asawa ni Phil. Kaya mabuti pang dito na lang ako hanggang sa umalis ang kung sino mang bisita nila. Kasalukuyang kong winawalis ang mga tuyong dahon sa lupa nang bigla na lamang may mga paang tumayo sa harapan ko at biglang inapakan ang dulo ng wa
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status