Napabuga ng hangin si Calex habang papasok ng bar. Naiinis siya dahil nasulot ang isa sa malaking mag-iinvest sana sa kanilang kumpanya. Agad niyang tinungo ang table nina Luke at Dustin nang matanawan niya ang mga ito.
"Hey bro! What's up?" nakangiting bati sa kanya ni Dustin. Nakasimangot siyang umupo sa tabi ng dalawang kaibigan, saka agad nagsalin ng hard red wine at agad ding ininom iyon. "Bad trip, bruh!" palatak niyang sabi, sabay salin ulit ng wine at ininom muli iyon. "What happened?" tanong pa nito sabay tingin kay Luke na tila humihingi ng sagot dito. Isang buntong-hininga ang ginawa ni Luke saka sumagot. "Nasulot lang naman ng isang kakumpetensya ang dapat sana'y malaking mag-iinvest sa kumpanya." Naiiling na pagkakasabi nito. "What? Isang Calex Saavedra na agawan? At sino naman ang magaling na nang-agaw na ‘yon?" natatawang tanong nito, tila hindi makapaniwala. "Sino pa? Wala nang iba kundi si Ezzikel Montereal." Muli ay sagot ni Luke na umiiling. Muntik nang maibuga ni Dustin ang iniinom nito nang marinig ang pangalang iyon. "What?! Isang pipitsuging kumpanya naagawan ang isang malakas at makapangyarihang Calex Saavedra!" natatawa pa nitong sabi. Eh kaya nga siya nagngingitngit sa inis at galit—dahil sa liit ng kumpanyang iyon ay nagawa pang sulutin ang dapat ay para sa kanya. Sa kumpanyang pag-aari ng kanilang pamilya. Sinamaan niya ng tingin si Dustin. "Shut up!" asik niya rito, saka muling tinungga ang laman ng kanyang baso. Nailing at natawa na lang ito, saka nagsalin ng alak sa sariling baso. Maya-maya pa ay may itinuturo ito sa kanya sa di-kalayuan. "About Ezzikel, bro... nakikita mo ba ang nakikita ng mga mata ko?" sabi nito sabay tingin sa may bar top. Agad niyang sinundan ng tingin kung saan ito nakatingin, at napangisi siya nang makita ang itinuturo ni Dustin—walang iba kundi ang girlfriend ni Ezzikel na umiinom. Kahit kailan talaga, malinaw ang mata ng kumag niyang kaibigan, lalo na pagdating sa kalokohan. "Bro, pagkakataon mo na. Kung nasulot niya ang para sa 'yo, baka—" "Deal!" agad at mabilis niyang sagot sa iba pa sanang sasabihin ni Dustin. Isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan nito. "Anong pusta mo?" nakangising tanong sa kanya ni Dustin, sabay inom ng alak sa kanyang baso. Naiiling na napangiti siya rito. Sinasabi na nga ba niya—di na bago sa kanya ang gano'ng pustahan sa mga babaeng kanilang natitipuhan. O mas mabuting sabihing napagti-trip-an nila ng kanyang mga kaibigan. Ngunit wala yatang kadala-dala ang isang ito sa kapupusta sa kanya, kahit madalas na matalo. "Are you sure na pupusta ka?" makahulugan at nangingiti niyang tanong sa kaibigan. Nakangising tumango ito sa kanya. "Okay. Then I want your house na nasa Taal." Muli ay sagot niya sa kaibigan. Matagal na niyang gusto ang bahay-bakasyunan nito, na kahit anong pilit niyang bilhin ay ayaw ibenta. Maganda ang tanawin doon. Isa pa, tahimik at malapit sa bahay ng kanyang mga magulang sa Batangas. "Bro, pwedeng iba na lang? 'Wag lang ‘yon," maya-maya'y saad nito, na tila nag-iisip pa ng ibang ipapantapat sa pustahan. Isang ngisi ang kanyang pinakawalan saka matigas na umiling. "Bro, 'yon ang gusto ko. Wala nang iba." "Okay. Deal. How about you? Anong ipupusta mo?" "My Bugatti. I know matagal mo nang gusto 'yon," nakangiti niyang sagot dito. Ngunit sa loob-loob niya, hinding-hindi nito makukuha iyon. Gagawin niya ang lahat para manalo—hindi dahil sa bahay, kundi dahil sa kagustuhang makaganti kay Ezzikel. Malas lang nito dahil siya pa ang nakabangga—para kang bumangga sa malapad at matigas na pader. "Okay, deal." Sagot nito na hindi maitago ang ningning ng mga mata dahil sa Bugatti na ipinusta niya. As if naman makukuha ng lukong kaibigan ang ipinusta niya. "How about you, Luke?" baling niya sa kaibigan at pinsang si Luke na umiiling lang habang pinakikinggan ang kanilang usapan. Alam na niya ang isasagot nito, pero tinanong pa rin niya, nagbabakasakali. "Pass na ako sa mga ganyang laro. Napagdaanan ko na 'yan. Kaya ‘wag n’yo na akong isali sa mga kalokohan na 'yan," iiling-iling na sagot nito. Sabi na nga ba. Iyon ang madalas na isagot ni Luke sa kanila ni Dustin. Pareho silang natawa ni Dustin sa naging sagot nito. "Bro, sabi ko naman sa ‘yo, ‘wag mo nang tangkain pa na tanungin ‘yan. Alam naman nating nasa kapangyarihan na ni Brelle ‘yan," muling saad ni Dustin na sinabayan pa ng malalakas na tawa. Kahit siya ay napatawa rin. Sobrang laki ng ipinagbago ni Luke buhat nang makilala nito si Brelle isang taon na ang nakalipas. Katulad din niya ito dati—sobrang maloko sa babae. Pero ngayon, dinaig pa yata ang maamong tupa. Minsan ay napapaisip pa siya kung baka nga ginayuma ito ni Brelle dahil sa sobrang laki ng ipinagbago. "Mga ulol!" sagot ni Luke kay Dustin at saka binato ito ng takip ng iniinom nilang wine. Natatawang iniwan niya ang dalawang kaibigan saka nilapitan ang punterya. Agad niyang tinungo ang girlfriend ni Ezzikel na nasa bar top at umiinom. Noong una ay lihim niya itong pinagmamasdan at napangiti siya sa nakita. Maganda ang kurba nito. Napakagat-labi pa siya nang dumako ang tingin sa mapupulang labi nito. Wow! Di niya aakalaing maganda ang girlfriend ni Ezzikel. "Sorry, Mr. Montereal. Nagkamali ka ng binangga mo," anang kanyang isip, saka isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan niya.Napatigil sa paglalakad si Felicie patungo ng kanilang bahay nang makita ang isang magarang sasakyan sa tapat ng kanilang bakuran. Mula sa di-kalayuan ay tanaw na tanaw niya ang kanyang Itay Sergio at si Don Elias. Habang kausap ng kanyang itay si Don Elias ay kita niya ang paglukot ng mukha ng kanyang ama. At alam niya kung ano ang dahilan niyon—ang lupa nilang nakasanla kay Don Elias. Isang linggo na ang nakakalipas nang magpunta siya sa mansyon ng mga Saavedra at kausapin si Don Elias tungkol sa lupa. Ngunit hindi niya gusto ang alok nito—kapalit ang kanilang lupang nakasanla rito. Napatitig siya sa mukha ng kanyang ama at hindi nakaligtas sa kanya ang sobra-sobrang lungkot na nasa mukha nito. Isang malalim na paghinga ang kanyang ginawa. Paano ba niya tatanggapin ang alok ni Don Elias kung ang kapalit nito ay ang kanyang sariling kaligayahan at kalayaan? Ngunit matitiis ba niya ang kalagayan ng kanyang magulang kung alam naman niyang may magagawa siya para sa mga ito? Ang unf
"Kuya, anong nangyari sa'yo?" Nagpipigil na pagtawang tanong sa kanya ng kapatid na si Ahlily nang makita ang kanyang hitsura. Matalim na tingin ang ibinigay niya sa nakababatang kapatid. Alam niyang kanina pa nito gustong bumunghalit ng tawa, ngunit 'di nito magawa. "You know what, this is all your fault!" Asik niya sa kapatid na pigil pa rin ang pagtawa. Napanaguso ito sa kanya. "At ano namang kinalaman ko d'yan, kuya? Hindi ko naman alam na sa tubigan mo pala gustong mag-swimming." Anang kanyang kapatid na hindi na napigilan pa ang matawa dahil sa hitsura niya. Napailing na lang siya. Sino nga ba naman ang 'di matatawa sa hitsura niya? Nagngingitngit siya nang maalala ang babaeng nerd na may kagagawan noon sa kanya. Sa inis na nararamdaman ay inihagis niya ang maputik na sapatos kay Ahlily. "Kuya naman, eh!" Asik nito sa kanya nang malagyan ito ng putik. Taas ang kanyang kilay na tumingin sa kapatid, saka dumiretso ng bathroom. Habang naliligo, ay 'di niya maiwasang
Tinamaan ka na naman ng magaling, kuya oh! Naku, may kasamaan at pagka maarte yata itong kaanak ni Tarzan..."ani niya sa isip."Eh, sir, pasuyo na po ako. Hindi naman puwedeng ako pa ang bumalik doon sa kabilang pangpang. Kita mo naman po, malayo na, oh. Ikaw na lang malapit, at pwe—""Hey, Miss Nerdy. I don't have so much time for this, okay? So ikaw na lang ang magbigay ng daan. Bumalik ka kung kinakailangan. Nagmamadali ako! Kapag umulan, mababasa at mapuputikan itong mga suot ko. So it's better na ikaw na lang ang umatras para matapos na 'to."Putol nito sa kanya na hindi naitago ang pagka-irita. Abay, ang mukhang na ito! Hindi lang pala suplado, kundi may pagka antipatiko at ubod sama ng ugali. Higit sa lahat, ubod arte—akala mo babae."Ay sir, hindi naman po pwede 'yun. Kita mo naman, oh, ang layu-layo ko na doon sa kabilang pangpang. Tapos papabalikin mo pa ako? Pwedeng ikaw na lang muna ang tumabi nang makadaan na ako. Kaya pakiusap na ho. Ikaw na ang umatras. Nagmamadali din
Hapon at nagmamadali na sa pag-uwi si Felicie. Galing sa bukid nina Aling Yolanda. Katatapos lang nila mag-harvest ng mga talong doon ni Ernesto. Mukhang uulan dahil sa makulimlim na kalangitan. Napatalon pa ang dalaga nang biglang kumidlat nang pagkakalakas-lakas. "Naku naman o! Mamaya ka na umulan. Wala akong dalang payong. Parang awa mo na. Maghapon ako sa initan, e! Hindi ako pwedeng mabasa," ani niya sa sarili habang nagmamadaling binabagtas ang baybayin ng tubigan. Ilang hakbang na lang para makarating siya sa kabilang pangpang nang may masalubong siyang isang lalaki na tila nagmamadali ding makalampas sa pilapilang kanyang daraanan. Napatingin siya sa pinanggalingang pangpang. Malayo na siya para siya pa ang umatras at magbigay-daan sa lalaki. Ang lalaki ay hindi pa naman ganoon nakakalayo sa pinanggalingan nito, kaya puwedeng ito na ang umatras para makadaan siya. Sa tingin niya ay dayo ang lalaki, base na rin sa suot nito. Muntik pa siyang bumunghalit ng tawa nang makit
"Ano iha? Payag ka ba?" untag sa kanya ni Don Elias na nakapagpabalik-diwa sa kanyang pagmumuni-muni. Inayos niya ang suot-suot na salamin saka isang pilit na pagngiti ang ginawa sa Don. "Don Elias, pwede po bang pag-isipan ko muna? Lalo na at usaping pag-aasawa. E ni hindi pa nga po ako nagkaka-boyfriend e." Dere-deretsong sagot niya sa matanda. Tumango-tango naman ito sa kanya. Maya-maya ay may inabot ito sa kanyang calling card. "Kapag nakapag-desisyon ka na, iha, tawagan mo lang ako sa number na 'yan." Nakangiting tumango siya rito at iniabot ang calling card. Saka nagpaalam na din. Pakiramdam niya ay parang sumakit ang kanyang ulo sa pakikipag-usap kay Don Elias. Mayroon bang ganoon? Magulang ang humahanap ng magiging asawa ng anak? Teka, hindi kaya? Hindi kaya may kaunti si Don Elias? Naipilig niya ang sariling ulo. Mukhang matino naman, sa loob-loob niya habang binabagtas niya ang daan pabalik ng kanilang bahay. --- "I said, pabagsakin mo ang Montereal Company! Kunin m
"Paano ba 'yan, Sergio? Balak nang kunin sa atin ni Don Elias ang ating natitirang lupa. Paano na ang mga bata? Lalo na si Junior." Narinig ni Felicie ang tanong ng kanyang inay sa kanyang ama isang hapon. Kagagaling lang niya sa pamumuti ng talong doon kina Aling Yolanda, at habang papasok nga siya ng bahay ay narinig niya ang pag-uusap ng kanyang mga magulang. Napatigil siya sa pagpasok ng kanilang bahay at palihim na nakinig sa usapan ng kanyang ama't ina. Kita niya ang lungkot sa mukha ng kanyang ama. "Kung may magagawa lang akong ibang paraan, Emma, ay nagawa ko na. Dahil ayaw ko ding mawala ang ating natitirang lupa. Lalo na't minana ko pa ang lupang iyon sa aking mga magulang." Narinig niyang malungkot na sagot ng kanyang Itay Sergio sa kanyang Inay Emma. "Paano na ang pag-aaral ng tatlo? Lalo na si Junior na madalas sumpungin ng kanyang asthma. Kapag tuluyan nang nakuha sa atin ang lupa, wala na tayong ibang mapagkukunan ng ating hanapbuhay. Doon lang tayo umaasa sa lupan