공유

Chapter 122

작가: MysterRyght
last update 최신 업데이트: 2025-09-23 11:08:45
Ximena

“Kape mo,” sabi ko sabay lapag ng tasa sa mesa niya, medyo madiin pa ang bagsak kaya kumalansing pa iyon ng konti. Hindi ko maitago ang masamang tingin na ipinukol ko sa kanya, kaya agad akong sinalubong ng kunot-noo niyang tingin.

“Bakit parang galit ka?” tanong niya habang inaangat ang tasa, halatang naguguluhan.

“Obvious ba?” pasarkastiko kong sagot, sabay irap.

“Baby naman,” napabuntong-hininga siya, parang sinusubukang iwasan ang tensyon. “Hindi ko malalaman ang kinagagalit mo kung hindi mo sasabihin sa akin kung anong nagawa ko.”

Pinisil ko ang sariling palad, pinipigilan ang bugso ng emosyon. “Sino si Natasha?” diretso kong tanong, walang paligoy-ligoy.

Kumunot lalo ang noo niya. “Ang akala ko ba napag-usapan na natin ang tungkol sa babaeng ‘yon?” sagot niya, medyo may halong inis.

“Pero hindi mo sinabi sa akin na ex mo siya!” halos pasigaw ko nang bulalas. Ang dibdib ko, mabilis ang pag-akyat-baba, at halos mabasag na ang boses ko sa pagpipigil. Ayaw kong magtaas
MysterRyght

Ganyan, Ximena. Bantayan mo at 'wag mong hayaan na makalapit kay Azael... Hahaha

| 7
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (1)
goodnovel comment avatar
Ze Punzalan
uu nga kaya lang ang ihsi naman padalawa dalawa lang dagdagan mo naman
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 129

    Ximena“Anak, mabuti naman at pinakawalan ka na ng amo mo.”Napatingin ako kay Mama. Dalawang weekend na akong hindi umuuwi. Kahit sobrang nagi-guilty ako dahil nagsisinungaling ako sa kanya, hindi ko rin maitatanggi na masaya ako kasi kasama ko si Azael. Ang hirap lang magpaliwanag kasi hindi pa ito tamang oras. Pero sa isip ko, don’t worry, Ma, babawi ako sa’yo.Kapag natupad na ang sinabi ni Azael kung kailan na pwede naming i-announce sa iba ang tungkol sa relasyon namin, sisiguraduhin kong si Mama ang unang-una kong sasabihan.Hindi naman ako pinagbabawalan ni Azael na sabihin sa aking ina ang tungkol sa amin. 'Yon pa nga ang gusto niyang mangyari dahil selos na selos siya kay Adrian lalo na ng makita niya ang lalaki kung gaano ka-close kay Nicolas. Siya lang daw dapat ang brother-in-law ng kapatid ko.“Pasensya ka na, Ma,” mahina kong sabi habang inaayos ang mga upuansa hapag. “Grabe lang kasi talaga ang workload ng amo ko. As in back-to-back meetings, tapos may mga bagay na medy

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 128

    AzaelNakaalis na si Simon, pero kahit tuluyan nang nagsara ang pinto, hindi ko pa rin maalis ang tingin ko roon. Para bang sa tuwing tinititigan ko ang kahoy na iyon, nakikita ko si Ximena sa kabilang side na nakangiti, seryosong nagtatrabaho, at walang kaalam-alam kung gaano ko siya gustong ipatawag ngayon.Alam ko kung paano siya magtrabaho. Sobrang dedicated. Walang atrasan, walang reklamo. Kapag may problema, hindi siya ‘yung tipong matataranta dahil matalino siya, marunong maghanap ng solusyon. Kaya nga kahit ilang beses ko nang sinubukan siyang i-push palayo noong una no matter how much I was interested into her, lagi’t lagi bumabalik sa isip ko na siya ‘yung babae na kailangan ko.Pinigilan ko ang sarili ko nung una dahil ayaw ko na sanang magkaroon pa ng kahit na anong intimate relationship with any woman. Kaya nga lang, may nangyari na sa amin tapos ang himbing pa ng naging pagtulog ko. Kaya hinayaan ko na ang sarili ko na mahalin siya, hindi ko nga lang agad pinakita dahil g

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 127

    Azael Kita ko kung paano nag-shift ang expression ni Ximena mula sa composed look niya kanina, biglang may bahid ng sakit at tampo. Damn. Ayaw ko ng gano’n. Ayaw kong isipin niya na baliwala siya sa akin. Pero right now, wala akong magagawa. Mas mahalaga na malaman ko kung ano talaga ang nasa likod ng pagbabalik ni Natasha, at hindi ko ‘yon matutuklasan kung hindi ako sasakay sa paandar niya. “Sir…” basag ni Simon sa iniisip ko. Kita ko rin sa kanya ang pagka-alert. “Sa palagay niyo ba, naiintindihan talaga ni Ma’am Ximena ang lahat ng ‘to?” Halata ang concern sa tono niya, at alam kong hindi lang ito basta tanong. Isa siya sa nagbabalik-balanse sa lahat. Tagabuwag sa panghihimasok ni Natasha, habang ako naman ang nagpe-pretend na kakampi ng babae. Napatingin ako sa nakasaradong pintuan ng opisina. Nasa labas lang noon ang mahal ko. Ramdam ko ang iritasyon niya, ang selos, lalo na noong pagbigyan ko si Isay dahil kay Natasha. Pero pinanghahawakan ko ang sinabi niya: naiintindihan n

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 126

    Ximena“Azael, kawawa naman si Isay…” biglang banat ni Natasha, malambing ang boses, parang anghel na bumaba sa lupa. Lahat kami ay napalingon sa kanya. “Ngayon pa lang siya nagkamali tapos matatanggal na agad sa trabaho? Hindi ba pwedeng bigyan mo siya ng isa pang pagkakataon?” Ang tono niya ay sobrang sweet, parang puno ng malasakit.Pero hindi ako nadala. Bruha. Ang lambing ng boses, pero iba ang kulay ng budhi. Nakita ko na kung gaano siya kagaling magbalat-kayo.“Please, Sir… pangako po, hindi na mauulit. Kailangan ko po talaga ang trabahong ito…” halos putol-putol na sabi ni Isay. Nakayuko pa rin siya, pero ang mga kamay niya ay mahigpit na magkahawak, parang kumakapit sa huling hibla ng pag-asa. Hindi siya lumilingon kanino man, lahat ng atensyon niya, nakatutok lang kay Azael.“Natasha,” malamig na singit ni Sir Simon, “you are not in the position to appeal for Isay. Unless may alam ka sa nangyari.” Tumalim ang tingin niya, diretso kay Natasha. “Dahil sa ginawa niya, maaaring n

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 125

    Ximena“I’m sorry po, Sir.” Mahina ang boses ni Isay, halos pabulong, habang nakayuko. Kita ang simpleng kilos niya na parang gusto niyang lamunin ng lupa lalo na at ramdam ko rin ang matalim na tingin na ipinupukol sa kanya ni Natasha. Para bang may babala at tila nagsasabing, ‘Don’t you dare mention me.’“I’m sorry to what?” malamig pero malinaw na tanong ni Azael.“N-Nakalimutan ko pong ipasa kay Sir Simon ang request ng R&D.” Halata ang kaba sa boses ni Isay; nanginginig pa ang kamay niya na nakapatong sa mesa. Hindi siya makatingin ng diretso, parang may tinatagong bigat sa dibdib.“Bakit?” tanong ni Azael, kalmado pero ramdam mo ang tension na dumadagundong sa loob ng meeting room.“N-Nawala po… sa isip ko.” Napapikit si Isay, tila ba pinipilit maghanda sa susunod na sasabihin ni Azael.“May problema ka ba sa bahay niyo? Or kahit na anong personal issue na nakakaapekto sa trabaho mo?” dagdag pang tanong ni Azael, diretsong nakatingin kay Isay.“W-Wala naman po, Sir…” mahina pero

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 124

    Ximena“I– I’m s-sorry… Hindi ko akalain na mamasamain mo ang pagtawag ko sayo sa pangalan.” Halatang nagpapaawa ang dating ni Natasha nakunwari ay fragile, pero para sa akin, OA lang. Hindi ko alam kung bakit ganito ang drama niya. Hindi ba niya naisip na ang sagwa niyang tignan sa harap ng lahat? O baka naman masyado siyang confident na papanigan siya ni Azael?“Tsaka, sinabi ko lang naman kung ano ang nasa isip ng lahat dahil bigla ngang nawala si Ximena.” Sinabayan pa niya ng sad face look, pero halata sa tono niya ang pang-uuyam.Biglang binitawan ni Azael ang kamay ko, kasabay ng pag-ikot ng tingin niya sa buong paligid. Mabigat, parang sinisilip niya isa-isa ang lahat ng nandito. “Hindi ko alam,” malamig niyang sabi, “na ang pagkawala ng assistant ko ang gagawin niyong dahilan para hindi makapagtrabaho ng maayos.”Oof. Shots fired.“H-Hindi po ganon, Sir. Wala po kaming—” Hindi na naituloy pa ng marketing head na si James ang sasabihin dahil biglang sumabat si Natasha.“Sinabi k

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status