MasukXimena
Sobrang kabado ako. Natatakot akong baka kung ano ang kumalat na chismis. Naku po, kailangan ko ang trabahong ito at hindi ko gustong matapos agad ang maliligayang araw ko, hindi ko pa man naisasakatuparan ang plano kong makahanap ng mauupahan.
Bago lumabas si Joyce sa office ni Sir Roccaforte ay dumating si Simon na may dala ng damit ko na agad kong kinuha.
Ngayon ay nakaharap ako sa salamin at hindi malaman ang gagawin. Ang suot ko ay isang plain cream dress na below the knee ang haba. Asymmetrical ang neckline na may black na lining at sleeveless pa. Mabuti na lang at hindi malaki ang braso ko, kung nagkataon ay baka magmukha na akong bouncer.
Tinignan kong mabuti ang aking sarili at mabuti na lang ay tuluyan ng nawala ang bakas ng halik ni Zael, ang lalaking umangkin sa akin noong gabi na niloko ako ni Julius.
Naalala ko na naman ang hayop na lalaking ‘yon! Humanda siya.
Hinihintay ko lang ang tamang pagkakataon. Hahayaan kong isipin niya na okay lang sa akin ang lahat, na wala akong alam. Kung makautang nga siya, sisiguraduhin kong magbabayad siya ng mahal.
Pumikit ako upang pakalmahin ang aking sarili. Hindi pwedeng rumehistro sa mukha ko ang galit at pagkasuklam sa hayop na lalaking ‘yon. Baka kung ano pa ang isipin ni Mr. Roccaforte.
Bigla akong napatingin sa pintuan ng makarinig ako ng pagkatok. Agad kong binuksan ang pinto at nakita si Sir Roccaforte.
Naghinang ang aming mga mata bago niya sinuyod ng tingin ang kabuuan ko.
“Sakto naman sayo, bakit hindi ka pa lumalabas dyan?” tanong niyang walang kangitingiti sa mga labi.
‘‘Yun na nga eh, sakto. Hindi ba nakakapagtaka ‘yon? O baka nga nakakatakot pa eh. Ni hindi ako tinanong ni Sir Simon kung anong size ng damit ko, pero heto at parang sinukat.’
Gusto kong sabihin ‘yon pero hindi ko na nagawa dahil baka isipin ng boss ko ay kung ano-ano ang ina-assume ko.
“Hindi ho kasi business suit. Baka ho nagkamali ng bili si Sir Simon.”
“He did not. Kung okay ka na dyan, halika na.” Tinalikuran na niya ako. Bakit ba ganito siya makipag-usap? Yung tipong hindi na siya naghihintay na sumagot ang kausap niya at basta na lang lumalayas.
Iba yata talaga kapag mayaman, feeling niya, ang lahat ay kailangan sumunod sa kanya.
Well, sa part ko, kailangan ko talagang sumunod dahil amo ko siya.
“Here.” Napamaang ako ng makita ang kahon na inaabot niya sa akin. “Ximena, bakit ba lagi kang tulala?”
“Pasensya na po, nagulat lang. Ano po ito?” tanong ko.
“Open it,” tugon niya sabay upo ulit sa executive sofa. Sinunod ko siya at nagulat ako ng makitang itim na sandals pala iyon. “Hindi naman pwede na yung office shoes mo ang ipareha mo sa suot mong damit.”
“O-Okay po,” utal ko pang tugon. Kinuha ko na ang sandals at tsaka sinuot. Habang ginagawa ko ‘yon ay dama ko ang pagsunod ng tingin ng aking amo. Hindi na ako nagtaka pa na kasya din sa akin iyon na kagaya ng damit na suot ko. Napansin ko na nasa 3 inches ang heels at sa totoo lang ay natatakot ako dahil 1 inch lang ang kaya ko.
Kaya ayun, muntik pa akong matumba ng yung pangalawang sandals na ang isuot ko. Mabuti na lang at mabilis na nakatayo ang amo ko at agad akong naalalayan.
“Damn,” mahina niyang mura. Pinaupo niya ako at siya ng nagsuot ng sandals sa paa ko.
Sana ay kinain na lang ako ng sofa. Sobra ang hiyang naramdaman ko, idagdag pa ang pagtayo ng balahibo sa buong katawan ko ng dumikit ang balat niya sa akin.
Nakakaloka, ano ba i-Techie Agbayani?
Ipupusta ko ang isang buwan kong sahod na pulang-pula na ang pisngi ko ng mga oras na ‘to.
“S-Sir, kailangan po ba talaga na ito ang isuot kong sapatos? Hindi po kasi ako sanay.” Kinakabahan ako sa isasagot sa akin ng amo ko, pero mabuti ng maging tapat kaysa naman magmukha akong ewan mamaya.
“Okay lang yan, you can hold onto me para hindi ka matumba.”
Yung angat na ‘yon ng tingin ko ay ganon din kabilis ang naging pagtibok ng puso ko kasunod ay nahigit ko ang aking paghinga.
“Exhale, Ximena…” mahinang sabi niya na siya ko namang ginawa. Ang problema ay hindi rin ako nakapag-inhale ulit. As in, parang wala ako sa sarili ko.
Meron namamatay habang natutulog at ang sabing dahilan ay nakalimutang huminga. Paano ako? Gising naman pero mukhang hindi ko na rin alam kung paano ako hihinga?
“Are you alright, Ximena?”
“Ha? A-Ah, Y-Yes, Sir.” Kumunot ang noo niya ng marinig ang aking tugon. Mukhang hindi kapani-paniwala, oo. Utal utal ba naman ako eh.
“Simon, kamusta?” tanong niya ng kunin ang cellphone at tawagan ang kanyang EA. Ako naman ay nakaupo pa rin sa sofa at muntangang nakatingin sa kanya. “Okay.”
Bigla siyang tumayo kaya bigla din akong napatayo. Juicemiyo Marimar! Hindi kaya magkasakit na ako sa puso dahil dito sa amo kong ito?
Tinignan niya ako at naiiling na naglakad papunta sa kanyang table. Ako naman siyempre, sumunod din.
“Here, nilipat ko na ang mga gamit mo dyan.”
Tulala nanaman akong kinuha ang iniaabot niya. Isang black na purse iyon. At take note, nilipat na raw niya ang mga gamit ko doon. Hindi ba niya alam ang ibig sabihin ng salitang privacy?
Natural, wala na akong nagawa. Pero hindi ko na rin nagawang magpasalamat dahil hindi naman dapat. Ginalaw niya ang gamit ko!
Kung gamit niya kaya ang pakialaman ko?
Hindi ba at magagalit din siya?
“What’s wrong?” tanong niya. Kung pwede lang singhalan ay ginawa ko na.
“N-Nothing, Sir.”
“Then, let’s go.”
Iyon lang at naglakad na siya palabas ng kanyang opisina habang tahimik akong nakasunod. Nagawi pa ang tingin ko sa mga secretary kaya kita ko ang pagtataka at tanong sa kanilang mga mata.
Naku, wag silang ano dyan dahil hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari. Subukan lang nilang magkalat ng tsismis at naku lang talaga…
Sa loob ng elevator ay magkatabi kami, hindi pa man ay nangangalay na ang binti ko dahil sa highheels na suot ko!
“We will be meeting a client today tapos ay lunch with my grandparents.”
“Okay, Sir.”
“Listen carefully sa mga pag-uusapan namin dahil gagawan mo ng report iyon.”
“Okay, Sir.”
“Don’t try to fool around na parang nang-aakit ka ng kliyente dahil ayaw na ayaw ko ‘yon.”
“Okay, Sir.”
“Kapag kaharap na natin ang grandparents ko, you’re my girlfriend.”
“Okay, S–” Natigilan ako at mabilis na nag-angat ng tingin sa kanya.
Azael Limang taon na pala. Limang taon mula noong araw na sinabi ko sa harap ng altar na “I do,” at hanggang ngayon, tuwing naririnig ko ‘yon sa isip ko, parang lagi pa ring bago. Limang taon ng tawa, away, kulitan, at tuloy-tuloy na pagmamahalan. At sa bawat gising ko, una ko pa ring nakikita si Ximena, ang babaeng siyang nagbigay sa akin ng masarap na tulog at patuloy na nagbibigay sa akin ng peace of mind. “Dad! Dad! Si Ava na naman po ang gumamit ng crayons ko!” sigaw ni Asher, ang panganay namin na apat na taong gulang. Sumunod na tumakbo si Ava, tatlong taon, hawak-hawak ang crayon na parang trophy. “Hindi totoo! Si Asher ang nagsimulang mang-asar!” Napailing ako, pero napangiti rin. “Okay, both of you, crayons down, peace sign up.” Sabay silang nagtaas ng kamay, nakangiti na agad pagkatapos ng ilang segundo. Ganito kami halos araw-araw, gulo, ingay, pero puno ng saya. Habang pinagmamasdan ko silang naghabulan sa garden ng mansion ng aking lolo at lola, ramdam kong iba
XimenaHindi ko alam kung kailan huling tumigil ang mundo para lang sa akin.Pero ngayong araw na ito, sa mismong araw ng kasal namin ni Azael ay parang bawat hinga ko ay puno ng saya, takot, at hindi maipaliwanag na kilig.Nakatayo ako sa harap ng malaking salamin ng hotel suite habang inaayos ni Mama ang laylayan ng aking gown. Isang off-shoulder na satin gown, simple pero eleganteng may mahabang train na sinabayan ng diamond pins sa aking buhok. Sa gilid, naroon si Nicolas na hindi mapakali at halatang naiiyak pero pilit nagtatapang-tapangan.“Grabe, Ate,” sabi niya, sabay punas ng mata. “Hindi ako sanay na nakikita kang ganito kaganda. Parang hindi ka na ‘yung ate kong palaging nagrereklamo pag may deadline.”Natawa ako, sabay hampas ng mahina sa braso niya. “Ewan ko sa’yo, Nicolas. Kanina pa akong kabado, tapos pinaiyak mo pa ako.”“Hindi kita paiiyakin, promise. Pero Ate, proud ako sa’yo. Si Kuya Azael, swerte talaga sa’yo,” sabi niya sabay tingin kay Mama.Ang aming ina naman a
XimenaNarinig ko ang ilang shareholders na nagbulungan, may halong gulat at pag-aalala. Pero si Azael? Ni hindi man lang kumurap.“That’s cute,” sabi niya, halos pabulong pero ramdam mo ‘yung kurot ng sarcasm. “You think buying crumbs gives you the right to sit at the table?”Napahawak ako sa aking dibdib. Grabe ‘yung presence niya. Kahit ako, parang gusto kong tumayo at mag-apir sa kanya sa sobrang intense ng aura niya.Ngunit lalong nagalit si Danilo, galit na galit, at tinuro si Azael. “Watch your mouth, boy! You think you can talk to me like that? I have every right—”Hindi pa siya natatapos nang biglang bumukas ang pintuan. Malakas. Parang pumutok ang kulog sa loob ng silid.At doon pumasok ang isang babaeng halos hindi ko inaasahan na makit, si Mrs. Roccaforte, ang ina ni Azael. Nakataas ang ulo, suot ang dark green na dress na halatang mamahalin, pero ang pinaka-nakakakuryenteng bagay ay ang galit sa kanyang mga mata.“Danilo De Luna!” boses niya ay umaalingawngaw sa buong sil
XimenaTahimik ang buong silid. Ramdam ko ang bigat ng bawat tingin ng mga taong nasa harap namin.Ang ilan ay may kumpiyansa, ang iba ay nagtatago ng kaba sa likod ng pormal na ekspresyon. Pero kahit walang nagsasalita, malinaw sa lahat kung sino ang may hawak ng atensyon sa buong kuwarto.Si Azael.Nakatayo siya sa tabi ko, diretso ang likod, malamig ang mga mata, at may aura ng taong hindi mo gugustuhing kalabanin.Hindi siya kailangang sumigaw. Hindi niya kailangang magpaliwanag.Sapat ang presensiya niya para manahimik ang lahat.“Let’s begin,” mahinahon niyang sabi, ngunit may bigat ang bawat salita.Isa-isa niyang tiningnan ang mga shareholder na nakaupo na sa mahabang mesa, walang kahit sinong umiwas sa titig niya, kahit alam kong gusto na nilang umiwas.At doon napako ang tingin niya kay Danilo De Luna. Masasabi ko na mas may dating ang lalaki kaysa sa picture kahit na may edad na ito. Hindi na talaga ako magtataka kung mabaliw man ang ina ni Azael sa kanya. Kaya lang, big tu
Ximena“Ready?” tanong ni Azael sa akin, kaswal pero halatang may halong excitement sa boses niya. Nasa opisina pa kami, papunta sa conference room kung saan naghihintay ang mga shareholders. Kakalabas lang ni Sir Simon at sinabing, ‘Kumpleto na ang lahat, kayo na lang dalawa ang kulang.’Napataas ako ng kilay. “Bakit ako ang tinatanong mo niyan?” tugon ko, sabay ayos ng suot kong blazer. “Ikaw, ready ka na ba? Baka mamaya, ikaw ‘yung manginig sa meeting, hindi ako.”Ngumisi siya ng pilyo, ‘yung tipong alam mong may binabalak. “I was born ready, baby…” sabi niya, tapos huminga nang malalim, parang actor sa pelikulang paalis na ng eksena.Bago pa siya tuluyang makalabas ng silid, mabilis kong hinawakan ang braso niya. “Wait.”Lumingon siya sa akin, bahagyang naguguluhan. “What?”Ngumiti ako nang bahagya, pinipigilan ang sarili kong hindi kiligin sa titig niya. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko papunta sa kanyang necktie. Medyo nakalaylay kasi ito, and being me, hindi ako makakatiis
Ximena“Pwede mo nang padalhan ng invitation ang lahat para sa shareholders’ meeting.”Napangiti ako sa sinabi ni Azael. Finally. Heto na talaga, matapos ang ilang araw naming halos hindi na umuuwi sa kakaplano, sa kakahanap ng butas, at sa countless overtime, panahon na para i-execute ang plano.“Yes, Sir,” sagot ni Sir Simon at kita ko rin sa mukha niya ang confidence. Yung tipong ‘this is it’ look. Kasama siya ni Azael sa buong plano, at siya pa nga ang may pinakamalaking ambag sa pagkuha ng mga ebidensiyang pwedeng sumira sa mga plano ni Danilo bago pa man siya makalusot sa kumpanya.“Baby,” tawag sa akin ni Azael na may halong pag-aalala sa boses, “if ever, ‘wag kang aalis sa tabi ko kapag nagsisimula na ang meeting. Lalo na kung hinahain na namin ni Simon ang mga dapat naming ihain. Ayokong magwala si Danilo at ikaw ang una niyang maabutan.”Napairap ako nang bahagya, pero may ngiti pa rin sa labi. “You don’t have to worry about me. Promise, magtatago agad ako sa likod mo,” tugo







