Ximena
“You are Ximena Santiago,” sabi ng lalaking kaharap ko ngayon. Pagkagaling sa HR matapos akong sabihan na sa ibang posisyon na nila ako ia-assign ay dito na nila ako pinadiretso para sa orientation at briefing. Medyo nagulat ako dahil ang mismong CEO ang kaharap ko ngayon.
“Yes, Sir.” Kinakabahan ako pero hindi ko pinahalata dahil ayaw kong maisip niya na hindi ako fit to the job. Bilang personal assistant niya, naiintindihan ko na mas dapat akong maging laging handa.
Pero ang isa pang dahilan ng kaba ko ay ang hindi ko maintindihan na pakiramdam. Para kasing nagkita na kami.
Tinitigan ko siyang mabuti at ganon na lang ang panlalaki ng aking mga mata ng maalala ko kung saan ko siya nakita? Pasimple akong suminghot ako para masiguro na siya nga iyon at hindi ako maaaring magkamali.
“Are you okay, Miss Santiago?”
“Ha? Ah, yes, Sir. Medyo may naisip lang po ako.”
“If you are not ready for the job ay sabihin mo lang. Ayaw ko ng nawawala sa sarili ang taong kinakausap ko. You have to be always at your best kapag magkasama tayo lalo na kung may kaharap na iba.” Salubong ang mga kilay niya kaya nakakatakot, I mean, nakakailang siyang tingnan. Idagdag mo pa ang itsura niya na parang laging galit. Nakaka-intimidate.
“I’m really sorry, Sir. I’m ready. Medyo nagulat lang ako at kinabahan dahil sa nangyari a few days ago.”
“A few days ago?” tanong niya. Nakataas ang kilay kaya napalunok ako. Magalit kaya siya sa akin? Baka isipin niya na napaka-disrespectful ko kung sakaling natandaan nga niya ako.
“Yes, Sir. Hindi ko sinasadya kung matakpan ko man ng kamay ko ang bibig mo. For personal reason, I hope hindi iyon makasama sa pagtatrabaho ko ngayon.”
It’s better to come clean. Kaysa naman kung ano ang isipin niya kung sakaling hindi ko sabihin sa kanya ang totoo. Ayaw kong magkaroon ng kahit na anong masamang tingin sa akin ang bago kong boss. Kailangan ko ang trabahong ito at hindi ko hahayaan na mawala pa ito.
Malaking blessing na natanggap ako sa trabaho bilang office assistant, pero ang maging personal assistant ng isang CEO ay talagang napakalaking bagay!
Mas mataas ang sahod at naisip ko na pwede na kaming mangupahan na mag-iina kung sakali. Ang importante sa lahat, hindi na kailangan pang umakto na parang alila si Mama sa bahay nila Tita kahit na nga mabait siya sa amin. Naaawa pa rin akong makita ang sarili kong ina na nahihirapan.
“I need a PA na kayang gawin ang trabaho ng hindi ko kailangang mag-utos ng dalawang beses.”
Tumango ako sa sinabi niya. Handa naman ako at mabilis din ang pick-up ko.
“I need someone na ready to go. Yung tipong nandyan lagi kapag kailangan ko.”
“I can be that one, Sir,” mabilis kong sagot. Hindi ko siya dapat bigyan ng pagkakataon na maghanap ng iba.
Napansin ko ang pagngisi niya. Bakit?
“Are you sure?” paniniguro pa niya kaya sunod-sunod na tango ang tinugon ko na may kasama pang ngiti. “Very well, you’re hired.”
Lumuwag ang aking paghinga, hindi makapaniwala sa aking narinig. Sa wakas, magkakaroon na ng kabuhayan ang pamilya namin.
“Thank you so much, Sir. I’ll do my job with utmost sincerity and to the best of my abilities.”
“I’d expect that,” tugon niya. Masaya na sana ako ng tuluyan ngunit hindi ko maiwasan ang mailang sa paraan ng pagkakatingin niya. Hindi naman siguro siya kagaya ng ibang negosyante na manyak, right?
I mean, sobrang gwapo niya. Kahit sinong babae ay makukuha niya so hindi niya na kailangan na mangmanyak pa, right?
“You will start today as your training day. Alamin mo ang lahat ng pwede mong alamin dahil kagaya ng sinabi ko na, I don’t like repeating myself and this is the first and last time.”
“Noted, Sir.” Napatayo pa ako pagkasabi ko non na mukhang kinagulat niya.
“Simon!” tawag niya at agad na dumating ang isang lalaki. “Orient and brief Ximena with her duties and responsibilities.”
“Copy, Sir.” Tumingin sa akin ang lalaki na tinawag na Simon at iniumang ang kamay patungo sa pinto na nagpapahayag na mauna na akong lumabas. Ginawa ko ang gusto niya matapos kong magpaalam sa aking boss.
“Dito ang magiging working area mo,” sabi ni Simon ng makalabas kami ng office ni Mr. Roccaforte. As in malapit lang sa pinto kaya nasiguro kong kailangan talaga ako ng aking boss all the time.
“Kailangan ka ni Sir 24/7 dahil bukod sa pag-aayos ng kanyang schedule ay kailangan mo rin ibigay sa kanya ang mga personal na pangangailangan.”
“Wait, personal?” putol ko sa pagsasalita niya. Anong klaseng personal ang ibig niyang sabihin.
“Yes. Kagaya ng pagkain. You need to choose clothes for him, pagkain, at maraming pagkakataon na kasama ka niya sa mga business gatherings para itaboy ang mga babaeng gustong lumapit sa kanya.”
“Okay,” mahina kong tugon.
“If ever, mag ready ka na tumira sa malapit dito. Or kung gusto ni Sir, sa penthouse ka rin.”
Kailangan ko pala talagang lumipat ng bahay. Ang unang sahod ko ay ilalaan ko sa pambayad sa deposit at advance.
“Sasabihin ko na rin in advance. Umiinom si Sir, pero may pagkakataon na gusto niyang umiwas doon kaya kailangan mong saluhin ang shot.”
Naiintindihan ko ang parte na yon dahil nakita ko ng ganon ang bigboss sa unang kumpanya na pinagtrabahuan ko.
Tumango ako at nagsimula na akong ipakilala ni Simon sa nasa limang katao na naroon na ayon sa lalaki ay pawang mga secretary.
Naisip ko na sobra sigurong dami talagang trabaho sa office of the CEO dahil sa kabila ng dami ng secretaries ay may Simon pa na nag-aassist kay Mr. Roccaforte, idagdag pa ako. Mukhang kailangan ko talagang ihanda ang aking sarili sa matinding trabaho.
Nilibot na rin ako ni Simon sa buong office at nakakailang man, medyo hindi ako komportable sa paraan ng tingin ng iba sa akin. Para bang wala pa man ay alam na nilang matatanggal ako.
Ang Roccaforte Building ay may 30 floors. Nasa 29th floor ang CEO’s office at ayon kay Simon, sa itaas lang ang tirahan ng aming amo na kung tawagin ay penthouse.
“Excuse me,” sabi ko kay Simon habang naghihintay sa elevator pabalik sa CEO’s floor. Tumingin sa akin ang lalaki at naghintay sa susunod ko pang sasabihin. “Ako lang ba or talagang iba makatingin ang ilan sa mga nagtatrabaho dito?”
“Ah, ‘yon ba? Hindi kasi nagtatagal ang mga personal assistant ni Sir Azael.” Wait, anong ibig niyang sabihin don? “Hindi nila nagagawa ng tama ang mga inuutos ni Sir kaya napapagalitan sila, ayon, nagre-resign na lang.”
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko akalain na ganon pala. Huminga ako ng malalim at pinalakas ang loob ko.
“Kailangan ko palang maging alive, alert, awake and enthusiastic sa lahat ng oras!” hindi ko napigilan na ibulalas, Natawa naman ang lalaki.
“‘Wag kang ma-pressure, just do what you need to do.”
“That’s very reassuring,” tugon ko habang pailing-iling pa.
Bumukas na ang elevator kaya pumasok na kami doon. Hindi na kami nag-usap pa hanggang marating na namin ang 29th floor.
“Kung may tanong ka, sabihin mo lang. Kahit si Sir Azael ay sasagutin ka.”
“Thank you,” nakangiti kong tugon.
“Pwede ka ng pumasok sa office ni Sir, he's waiting for you.”
“Okay.” Tapos ay tinalikuran na niya ako kaya humarap na ako sa pinto at kumatok bago dahan dahan binuksan iyon.
“The fuck! Hindi niyo ba kayang gawin ang trabaho niyo ng maayos?” Napapitlag ako ng marinig ko ang galit na boses ni Sir. Nag-alangan ako kung tutuloy pa ba ako, pero ang sabi ni Simon ay hinihintay ako ng amo namin.
Pumasok ako at sinara ang pintuan bago naglakad palapit sa table ni Sir na hawak ang cellphone na nakatapat sa kanyang tenga pero sa akin na nakatingin.
Nagsimula akong kabahan habang naghihintay sa kanya. Parang lalabas na ang puso ko sa lakas ng pagkabog non. Ayaw kong mag-resign at mas lalong ayaw kong matanggal. Oh, God, please help me.
“You know what, I don't care. Sabihin mo sa akin kung hindi mo kaya ang trabaho at maghahanap ako ng ibang gagawa.” In-end niya ang call sabay bato ng cellphone na sinundan ko pa ng tingin.
Susme, magkano yon?
“Get it!”
“Yes, Sir!” Mabilis akong tumalima at ilang saglit lang ay inaabot ko na sa kanya ang cellphone.
Tumayo ang boss ko at kinuha ang phone. May crack pero mukhang nagana pa rin.
“Come with me,” yun lang at naglakad na ito papunta sa pintuan. Pero bigla itong tumigil, at dahil literal na nakasunod ako sa kanya ay humampas ang mukha ko sa likod niya.
“Agay!”
Humarap siya sa akin habang hawak ko ang mukha ko. Partikular na sa parteng ilong. Mataas siya sa akin kaya naman tiningala ko siya para humingi ng pasensya.
“Pasensya po, Sir. Hindi ko sinasadya.”
Imbis na sumagot ay tinignan niya akong mabuti. Narinig ko ang malalim niyang paghinga bago lumapit pa siya sa akin. Aatras na sana ako ng bigla niya akong pigilan. Pumulupot ang isang braso niya sa bewang ko dahilan upang mahigit ko ang aking paghinga.
“Are you sure na ang pagtakip mo lang sa bibig ko ang naalala mo?” tanong niya, dahilan upang malito ako.
“May iba pa ba, Sir?”
May iba pa nga ba?
Ximena"Anong nangyayari sayo, Ximena?"Putik. Heto na naman siya. Wala pa ngang limang minuto mula noong huli siyang nagtapon ng tanong, heto at panibago na naman. Para bang kinukuwestyon niya hindi lang ang ginagawa ko, kundi pati na rin kung ba’t ako ganito makatingin, makapagsalita, makagalaw.Nagkibit-balikat ako. “Wala lang, A-Azael,” sagot ko, sabay iwas ng tingin. “Nagtaka lang ako kung bakit nandito ka. Hindi ba't dapat one week ka sa New York?”Napataas ang kilay niya na para bang naiinis na sinasagot ko pa siya ng tanong. “Natapos na ang trabaho ko ro’n,” mahinahon niyang tugon. “Remember, may kailangang puntahan ‘yung client ko? Switzerland ‘yung next stop niya, so pinakawalan na ako agad.”Tama nga naman. Nasabi niya 'yan sa akin, kaya nga hindi ako nakasama. Pero kahit na, may isa pa akong tanong na hindi matigil sa pag-ikot sa utak ko.“Pero anong ginagawa mo dito?” tanong ko pa rin, litaw sa boses ko ang pagkakunot ng noo. “I mean, bakit dito sa hotel na ‘to?”“Dito ak
XimenaKahit nanginginig na ang binti ko sa tagal ng pagtayo, hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko sa labas, hindi kalayuan sa Room 708. Para akong bantay-salakay at alerto, pero may halong kaba. Gusto ko kasing makita ang lahat. Ang kabuuang “finale” ng plano nila. Gusto kong malaman kung paano nila haharapin ang resulta ng sarili nilang kalokohan.Pero wait lang... Paano kung bukas na magising si Mae? Paano kung hindi ngayong gabi bumisita si Julius, tulad ng dati? Ibig sabihin ba nito... ako ang magpupuyat buong gabi?Napailing ako, at halos mapasigaw sa sarili. “Putik naman! Hindi ko naisip ‘yon!”Mahigit kalahating oras na akong tagong nakasilip sa kinaroroonan ko, at pakiramdam ko ay isa na akong halaman sa hallway, tuyo na ang lalamunan ko, nangangalay pa ang talampakan ko sa suot kong sandalyas.Bigla, isang boses ang tumusok sa tenga ko. Pamilyar, buo at may awtoridad.“Anong ginagawa mo dyan?”Parang eksena sa horror film ang pagkakalingon ko. At oo nga. Horror nga it
Ximena“Bakit parang nag-iinit ang pakiramdam ko?” tanong ni Mae habang bakas sa mukha niya ang pagtataka. Parang may kung anong gumagapang sa sistema niya na halata sa pagkakakunot ng noo at pagkakapit niya sa mesa.“Ha? Anong ibig mong sabihin?” tanong ko rin, kunwari ay clueless sa nangyayari sa kanya. Nagkunwari akong tumingin sa paligid, pagkatapos ay hinimas ang braso ko. “May aircon naman, o. Ang lakas pa nga kaya medyo giniginaw na rin ako tapos sasabihin mo ay parang mainit? May lagnat ka ba?”Bahagya akong yumuko at inilapat ang likod ng kamay ko sa noo niya, kunyari ay nag-aalala pero hindi ko pinahalata ang sayang nararamdaman ko. May tama na ‘yung gamot sa kanya.“Naku, girl... halika na nga. Mabuti na lang at may kinuha kang kwarto rito para sa amin ni Julius. Doon ka na lang muna magpahinga. Mukhang kailangan mo talaga ng pahinga.”Agad akong tumayo, inalalayan siyang makatayo at inakbayan. Nanlalambot na ang katawan niya habang dahan-dahan kaming naglalakad palayo sa r
XimenaDumating na ang mga order namin at tuloy ang kwentuhan, Ay, mali. Tuloy ang talentadong plastikan.Ang tamis ng ngiti ko, parang si Darna lang kung ngumiti pero si Valentina ang laman ng utak. Sa bawat “Haha, oo nga!” na sinasabi ko, may katumbas iyong “Gusto mo ng gulo, te?” sa isip ko.Sa totoo lang, dinamihan ko talaga ang order ko, pati dessert, appetizer, extra rice at ang pinakamahal na inumin sa menu, isinama ko na. Lalo akong ginanahan nang makita kong halos mapangiwi si Julius sa presyo habang pinipilit maging cool.Aba eh gusto mo pala akong gamitin bilang shortcut sa pera? Eh di maglabas ka muna ng wallet hanggang maubos ang laman.Gusto mo akong gawing investment?Sorry, mahal, walang ROI dito.Nakita ko talaga sa mga mata niya 'yung “ano ba 'to” moment habang tahimik lang si Mae, obvious na hindi makaimik. Nagkasya na lang siya sa pagkabigla at paminsan-minsang sulyap sa kinain niya, na halos hindi niya na nga ginagalaw.‘Yan ang gusto ko, yung pareho kayong kumak
XimenaPaglabas ko ng restroom, diretso na ako sa restaurant. May kaba sa dibdib, pero mas matigas ang loob. Kumpiyansa akong ako ang may hawak ng alas sa gabing ito at ang paborito nilang gawin sa iba? Sa akin nila ngayon mararanasan. Kaya kong umarte, magpaka-anghel kung gusto nila. Pero sa huli, sa akin pa rin ang huling halakhak.Gaano man kalaki ang inutang niyo, kayo din ang magbabayad. At babayaran niyo ‘to ng buo, pati interest.“Do you have a reservation, Ma’am?” nakangiting tanong ng receptionist. Mabuti na lang at kahit simpleng bihis lang ako, hindi niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa gaya ng iba.“Reservation under Mr. Julius Mauricio?” sabay ngiti kong magiliw. Mahirap na. Baka isipin pa ng ale na hindi ako karapat-dapat sa presyuhan ng wine dito.“Yes, Ma’am. This way please.” Umuna na siya sa paglalakad, at sinundan ko, mataas ang noo pero magaan ang mga hakbang na parang wala lang, pero sa loob ko, sumisipa na ang adrenaline.Paglapit namin sa mesa, tumayo agad si
XimenaAlas-siyete ng gabi, nakatayo na ako sa harap ng Hotelier, isa ding high-end na hotel na paniguradong hindi basta-basta ang presyo. Para itong huling eksena sa isang pelikula kung saan ako ang bida at sila ang sasalo ng karma. Ang tanong lang ay kung paano ko gagawin.Napatingin ako sa façade ng gusali, eleganteng lighting, mga mamahaling sasakyang pumaparada, at mga taong mukhang mabango ang buhay. Siguradong malaki ang nakuhang pera ng mga hayop na sina Julius at Mae sa Zael na 'yon kaya naman wala lang para sa kanila ang gumastos dito.Kagaya ng sinabi ko noon pa, hindi naman salat sa buhay si Julius. Hindi siya mukhang naghihikahos. May trabaho ang parehong magulang niya, at may sariling kabuhayan din siya. Hindi siya mahirap, oo. Pero alam kong hindi rin siya basta-basta gumagastos kung wala siyang kapalit na makukuha. Hindi niya kayang magpaandar ng bongga kung hindi rin lang siya magbe-benefit sa huli.Ganyan siya. Laging may kapalit. Laging may dahilan sa bawat "kabaitan