Ximena
“Why the fuck are you late?” Napaigtad ako dahil sa lakas ng boses niya. Sa totoo lang ay takot na takot ako habang nasa elevator pa lang dahil alam ko naman na late na talaga ako. Kahit ang mga secretary ay mukhang taranta na kahit na nakaupo lang ang mga ito sa kani-kanilang pwesto.
“I’m really sorry, Sir. Nagkaroon po ng banggaan at–”
“I don’t care!” Muli akong napaigtad. Hindi ko alam ang dahilan ng galit niya ngayon pero syempre, hindi ko papatulan ‘yon dahil isa lamang akong hamak na personal assistant niya. Wala akong “K” para sumagot.
“What the hell happened to you?” tanong niyang nakaturo sa akin. Napatungo ako sabay kamot sa aking ulo. Ang puti kong blouse ay puno ng dugo.
“May aksidente nga po sa dinaanan ko kaya naisipan ko po na maglakad na lang dahil mukhang matatagalan pang makausad kung hihintayin ko. Kaya lang po, yung nabaril ay–”
“Ang akala ko ay aksidente? Bakit may nabaril?” galit niyang tanong pero hindi na nakasigaw. Kundangan at ayaw akong patapusin sa pagsasalita eh.
“Nagsimula daw po sa banggaan at nagalit ang nasa 4 wheels, may dalang baril ayon.”
“At sinalubong mo ang binaril?” tanong pa niya. “Paano kung nagpaputok ulit yung naka 4 wheels at tinamaan ka?”
“Hindi naman na po–”
“Paano nga?” Hindi ko alam ang isasagot ko dahil pakiramdam ko, kahit na ano pa ang lumabas sa bibig ko ay iisa pa rin ang magiging reaksyon niya.
Galit.
“The fuck!” frustrated niyang sigaw ng hindi na ako nakapagsalita. “Simon!”
“Sir,” mabilis na tugon ng lalaki. Ang mga secretary ay tahimik lang na nakikinig. Ni hindi makapag-angat ng tingin dahil ayaw nilang madamay.
“Buy her clothes. Yung maayos dahil may pupuntahan kami.” Pagkasabi niya non ay tinalikuran na niya kami.
“Hintayin mo na lang ako, Ximena.”
“Sige po, Sir.” Ayaw niyang magpatawag ng Sir, pero gusto ko. Maigi na may boundary sa pagitan namin para alam niya na professional ako.
Nakahinga ako ng maluwag ng mawala na sa paningin ko ang aking boss.
“Okay ka lang Mena?” tanong ng isa sa tatlong babaeng secretary na si Joyce.
“Oo, salamat.” Ngumiti ako dahil bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala na malamang ay para sa akin at sa kanila, baka iniisip nila na pwede silang madamay.
Isang linggo na akong nagtatrabaho bilang personal assistant. Bukod sa pagiging mainitin ng ulo ng aking boss ay wala naman akong reklamo. Kailangan lang talaga na pakibagayan ko siya at waf gawin ang mga bagay na ayaw niya para hindi ako magkaproblema.
Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maisip ang tinanong niya sa akin noong isang linggo. Kung sigurado daw ba ako na tanging ang pagtakip ko sa bibig niya ang ginawa ko.
Hindi naman na siya nag-usisa pa kaya hindi ko na rin pinansin pa.
Naupo na ako sa aking upuan at magsisimula na sanang magtrabaho ng biglang tumunog ang telepono sa harap ko. Kinuha ko iyon agad dahil alam ko na ang boss ko ‘yon.
“Hello,” sabi ko.
“In my office, NOW.” Agad niyang binaba ang tawag at ako naman, parang asong nagkukumahog sa pagpunta sa kanya. Dama ko ang tingin na pinupukol sa akin ng mga secretary.
Kumatok muna ako bago pumasok. Ayaw na ayaw niya na basta basta na lang lumilitaw ang kahit na sino sa harap niya.
“May kailangan po kayo, Sir?” tanong ko ng makalapit na ako sa kanya. Nasa executive sofa siya habang nakatayo ako sa gilid niya.
“That’s the restroom.” Sinundan ko ng tingin ang nakasaradong pintuan. Alam ko naman ‘yon, pero bakit niya pa sinasabi sa akin? May ipapakuha ba siya?
“May kailangan po ba kayo don na kukunin ko?” tanong ko. Mahirap naman kasing manghula. Nagpaling siya ng tingin sa akin, at hindi ko alam ang kakaibang titig na binibigay niya. Nakayuko ako habang nakatingala naman siya. Pakiramdam ko ay 6 footer ako bigla.
“Clean up, may bathrobe doon, yun muna ang gamitin mo habang hinihintay si Simon.” For a moment ay hindi ako nakakibo.
“Mamaya na lang po ako maglilinis doon na lang sa restroom namin.”
Masamang tingin ang binigay niya sa akin kaya agad akong nag-iwas at tsaka nagsalita. “Sabi ko nga po, maglilinis na ako.”
Hindi ko na hinintay pa na magsalita siya at naglakad na ako papunta sa restroom na may shower. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, pero siguro ay talagang importante ‘yon kaya kailangan ay hindi ako mashoho.
Alam ko ng restroom ito pero ngayon lang ako talaga nakapasok dito at masasabi kong maganda ito at malinis. Mukhang alaga sa linis ng utility. Malamang, baka kung hindi ay sisante kung hindi sigaw ang abutin niya sa amo namin.
Napansin ko na merong sabon at shampoo, pero nag-alangan ako kung gagamitin ko ba iyon o hindi. Maigsi lang ang buhok ko kaya naisip kong ‘wag ko ng basain.
Nag-halfbath ako at gusto ko sanang madaliin iyon ngunit nagbago ang isip ko ng malaman na wala pa nga pala akong susuotin.
Pero kahit medyo nagtagal na ako ay wala pa ring Sir Simon na dumating ng matapos ako. Nag-alangan akong gamitin ang nakatuping puting towel sa rack pero wala naman akong ibang choice. Kinuha ko yon ay tinuyo ang aking katawan. Pagkatapos ay sinuot ko na rin ang robe na nakahanger din malapit sa pinagkunan ko ng tuwalya.
Humarap ako sa salamin bago ko niyuko ang aking sarili. Ang laki ng robe!
Pero okay na siguro ‘yon kaysa naman maigsi. Pinihit ko ang seradura ng pinto at tsaka sumilip para tingnan kung nandoon na ba ang damit ko.
Paglingon ko sa aking amo ay nakatingin na ito sa akin.
“Ah, tinitignan ko lang po kung nakabalik na si Sir Simon,” nahihiya kong sabi ngunit hindi siya umimik. Sa tingin ko naman ay hindi malaswa ang itsura ko dahil mahaba nga ang robe. Isa pa, wala naman ibang makakakita sa akin.
Yon ang akala ko dahil biglang may kumatok, kasunod ang pagbukas ng pinto at pumasok si Joyce.
“Sir, kanina pa po tumutunog ang cellphone ni Miss Mena,” sabi ng babae na sa aming boss nakatingin. Palapit na siya ng mapatingin sa akin. Ayun, nanlaki ang kanyang mga mata.
Hindi naman siguro ako matsi-tsismis.
XimenaPagpasok ko sa loob, tumambad sa akin ang seryosong mukha ng aking amo. Tahimik siyang nakaupo lang si Boss sa likod ng desk niya, hawak ang isang tablet na nilapag niya sa gilid bago nag-angat ng tingin sa akin.Pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng oxygen sa pagkakahigit ng aking paghinga. Ano ba naman kasi ang nakain namin at naisipan namin talakayin ang tungkol sa aming boss?"Upo ka," sabi niya, walang emosyon sa boses pero hindi rin malamig. Parang... alanganin?Dahan-dahan akong umupo, pero hindi ko maiwasang pisilin ang laylayan ng palda ko habang umiiwas ng tingin. Ito na. Baka mag-lecture. Baka ireklamo ako. Baka... termination?Pero ilang segundo ang lumipas, walang salita. Wala ring buntong-hininga. Wala man lang pagsimangot.Napatingin ako sa kanya, at doon ko nakita: hindi siya galit.Hindi siya mukhang boss na na-offend.Mas mukha siyang... nahihirapang magsimula ng usapan kaya biglang gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko.“About po sa pinag-uusapan namin, Sir… hin
XimenaNatahimik ang lahat na parang may nagdaang anghel. Wala kahit isa ang nakapiyok at nanatiling tikom ang mga bibig. Ni hindi din sila nakakilos na kagaya ko.Parang may humigop sa lahat ng tunog sa paligid. Wala na 'yung kulitan. Wala na 'yung tawanan. Ni sipol, ni lagitik ng relo, wala. Parang pinutol ang kuryente ng mundong ginagalawan ko.Ramdam ko ang bawat matang nakatutok sa akin habang unti-unti kong itinulak ang sarili kong tumayo. Parang slow motion. Parang may spotlight sa 'kin, tapos lahat sila nasa audience ay nakamasid at walang imik."Siguro… hindi niya narinig, 'no? Malay mo, kakarating lang niya," mahina kong bulong, pero para na ring sigaw sa akin dahil sa lakas ng kaba ko. Para bang pilit kong kinakausap ang sarili ko para kumalma, kahit deep inside, ang ingay-ingay na ng utak ko.Lumunok ako ng laway at pinilit ngumiti. Hindi 'yung natural na ngiti. 'Yung tipong parang pinipilit mong ayusin 'yung bangs mo kahit alam mong sabog na talaga. Lumingon ako sa mga ka
Ximena“Uy, buti naman at nakasabay ka sa amin mag-lunch ngayon,” sabi ni Joyce habang nakangiti sa akin. Tumango rin ang apat pa naming kasama sa mesa. Lima silang sekretarya sa buong floor, kasama na si Joyce. Dalawa ang lalaki, sina River at David, at ang dalawa pa naming girl ay sina Isay at Rona.“Akala ko nga kanina, hindi na ako makakaalis sa tabi ni Sir kahit sandali,” sagot ko bago sumubo ng kanin.“Aba, alam ko namang libre ang pagkain kapag may kasamang bossing,” sabat ni Rona na may kasamang kunot-noo. “Pero... nalulunok mo ba? I mean, nakakakain ka ba ng maayos knowing na ang kaharap mo ay walking red flag na parang ticking time bomb? Anytime, boom, puputok na lang basta na magiging dahilan ng pagkataranta mo?"Halakhakan agad ang sagot ng grupo sa banat niya. Ramdam ang nerbiyos sa tawa ni Rona, pero halata rin ang katotohanan sa sinabi niya.“Hindi naman sa ganun,” napapangiti kong tugon. “Sa totoo lang, noong una, para akong laging nauubusan ng hininga tuwing kasama ko
Ximena“Ximena, alam mo namang bawal ka malate, diba?” bulong ni Joyce sa akin na may halong kaba sa boses. Halata sa mukha niya ang stress habang nakatingin sa akin. Lunes na Lunes pa lang, pero para bang gusto na niyang mag-resign.“Grabe ang traffic, Joyce,” sagot ko habang hinahabol pa ang hininga. “Promise, kanina pa ako nakaalis. Pero walang galawan ang mga sasakyan, literal.”“Eh si Sir, galit na galit na. Hinahanap ka tapos... binato 'yung kape na tinimpla ko,” dagdag niya sabay irap, na para bang gusto niyang sumabog.Napatingin ako sa orasan ko. 7:55 AM. Technically, hindi pa ako late. Pero dahil mas maaga pa dumating si Mr. Roccaforte kaysa sa sariling anino niya, mukhang hindi sapat ang “on time” sa kanya.Dito sa Office of the CEO, parang bawat segundo ay buhay at career ang kapalit. Para kaming mga contestant sa The Hunger Games pero sa halip na pana at espada, gamit namin ay ballpen at self-control.Pakiramdam ko nga, konting lagabog lang ng pinto ay magtataguan na ang
Ximena“Anak, kamusta naman ang dalawang linggo mo sa trabaho?” tanong ni Mama ng makapasok ito sa aming silid habang kakagising ko lang. Araw ng Linggo ngayon, salamat sa Diyos at walang pasok kay Sir Roccaforte, kaya masaya akong makakasama si Mama at si Nicolas na nakababata kong kapatid buong araw.“Maayos naman po, Ma. Medyo nakakapagod, pero carry lang,” sagot ko habang inaabot ang suklay na nasa tabi ng kutson.“Hindi ka ba nahihirapan, anak?” Bumaling siya sa akin. “Sobrang late ka na kung umuwi tapos ang aga mo pang bumangon. Literal na Linggo lang talaga ang pahinga mo.”Narinig ko ang pagsara niya sa orocan na lagayan ng damit habang tinititiklop ko ang kumot na ginamit ko. Alam kong pagod siya, pero hindi mo ‘yon mahahalata sa kilos lalo na sa mukha niya.“Kayo nga po ang iniisip ko, Ma,” sagot ko habang minamasahe ang batok ko. “Hindi ka ba napapagod? Parang araw-araw kang may ginagawa.”Ngumiti siya at naupo sa tabi ko, pinapawi ng ngiti niya ang lahat ng bigat ko. Kahit
Ximena“Hindi ko alam kung ano yang sinasabi mo. Anong masama sa paghuhugas ko ng paa mo? Sinamahan mo ako sa pagharap kina Lolo at Lola, and you’re my girlfriend.”Wait… what? Para akong biglang nilaglag sa outer space. Parang na-lift off ako palabas ng mundo at hindi ako makabalik. A-Ano raw? Tama ba yung narinig ko? Girlfriend niya… ako?Napalunok ako ng walang tubig. Gusto kong magtanong. Gusto kong klaruhin. Pero baka naman ang ibig niyang sabihin ay girlfriend lang sa harap ng lolo at lola niya. Baka role lang. Baka yung acting lang namin kanina ang ibig niyang sabihin. At kung magtanong pa ako, baka isipin niyang assuming ako. Ayoko naman nun. Baka bigla niyang bawiin abay, nakakahiya!Tahimik kong na lang na pinanood ang ginagawa niya. Bumalik siya sa paa ko at marahang pinunasan ito gamit ang towel. Sobrang banayad, para bang ayaw niyang masaktan ako kahit kaunti. Pagkatapos, nakita kong inilabas niya ang Band-Aid mula sa maliit na box na dala niya kanina, first aid kit pala,