Share

Chapter 51

Author: MysterRyght
last update Last Updated: 2025-08-18 10:29:01
Azael

“Please…” mahina kong bulong habang mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya, halos ayaw ko na siyang pakawalan. Damn. Ngayon lang talaga ako nagkaroon ng ganitong lakas ng loob para mang-akit ng babae, at siya pa. Ngunit gusto niya akong iwasan kaya kailangan kong maghinay-hinay. Hindi ko siya pwedeng biglain.

Alam kong lasing ako, pero iyon din ang nagbigay sa akin ng tapang na noon pa man ay wala. At kahit nakainom ako, ramdam kong hindi ako nag-iisa sa nararamdaman kong ito. Kita ko sa mga mata niya ang parehong kaba, parehong init, parehong pagpipigil.

“It’s late, baby… baka tanghali ka na naman magising bukas…” dagdag kong sabi. Sinadya kong ilapit ang labi ko sa tenga niya, halos dinadaanan ng hininga ko ang balat niya. Nakita kong napakislot siya.

“Azael, anong ginagawa mo? Hindi mo ako baby…” may bahid ng iritasyon at kaba sa boses niya, pero hindi niya rin sinusubukan tanggalin ang mga braso kong nakapulupot sa kanya.

“Gusto ko lang matulog na. Na katabi ka…” mahinan
MysterRyght

Hala ka Azael!

| 5
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 53

    AzaelYumuko ako para silipin siya, at sakto naman na pag-angat ng mga mata niya ay nagtagpo kami. Para kaming napako sa isa’t isa. Kita ko agad ang bahagyang pagkagulat sa kanyang mga mata, parang hindi siya handa na mahuli ko ang ganoong ekspresyon niya.“Please… sabihin mo kahit ano,” bulong ko, halos may pagmamakaawa.“Anong gusto mong sabihin ko?” sagot niya, ramdam ko ang pag-aalangan sa boses niya. “Hindi ko nga alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Oo, nagpapasalamat ako na hindi siya ang… ang lalaking ‘yon. Pero may parte ng alaala ko na hindi ko matanggal. Na parang nagustuhan ko ang nangyari. At hindi ko kayang i-imagine na siya ang kasama ko nung gabing ‘yon.”Bahagya kong napisil ang tagiliran niya, yung alam kong hindi siya masasaktan. Alam ko na nagustuhan niya ang mga ginawa ko sa kanya ng gabing 'yon, she's a screamer at hindi lang isa o dalawang beses niya sinabi kung gaano siya nasasarapan habang nasa ibabaw niya ako. Pero ng malaman ko na she was drugged,

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 52

    AzaelAlanganin siyang nakatayo sa harap ko, parang hindi alam kung aalis ba o lalapit. Ako naman, hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ang liit niya talaga lalo na ngayong suot niya ang t-shirt ko na halos kalahati ng hita niya ang natatakpan. Para bang isa siyang batang napilitang maglaro ng “pretend adult,”. Kahit wala na ang boxer shorts ko, oks na rin dahil mas nabibigyang-diin kung gaano siya ka-fragile sa paningin ko.“‘Wag ka ngang ngumiti d’yan,” sabi niya habang tinutuyo ang maigsi niyang buhok gamit ang tuwalya.Napakagat ako ng labi. Damn. Naalala ko kung paano ko sabunutan ‘yang buhok niya ng maangkin ko siya habang halos mawalan kami ng hininga sa pag-aangkin ko sa kanya. Bigla akong napalunok. Hindi ko pwedeng masyadong balik-balikan iyon, baka ako mismo ang matalo sa sariling laro ko.“Ang cute mo nga tignan, eh.” Binitawan ko ang biro pero may halong totoo.Mas lalo siyang namula, at para siyang strawberry na bagong pitas. “Matulog ka na,” malamig niyang sabi, pero halata

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 51

    Azael“Please…” mahina kong bulong habang mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya, halos ayaw ko na siyang pakawalan. Damn. Ngayon lang talaga ako nagkaroon ng ganitong lakas ng loob para mang-akit ng babae, at siya pa. Ngunit gusto niya akong iwasan kaya kailangan kong maghinay-hinay. Hindi ko siya pwedeng biglain.Alam kong lasing ako, pero iyon din ang nagbigay sa akin ng tapang na noon pa man ay wala. At kahit nakainom ako, ramdam kong hindi ako nag-iisa sa nararamdaman kong ito. Kita ko sa mga mata niya ang parehong kaba, parehong init, parehong pagpipigil.“It’s late, baby… baka tanghali ka na naman magising bukas…” dagdag kong sabi. Sinadya kong ilapit ang labi ko sa tenga niya, halos dinadaanan ng hininga ko ang balat niya. Nakita kong napakislot siya.“Azael, anong ginagawa mo? Hindi mo ako baby…” may bahid ng iritasyon at kaba sa boses niya, pero hindi niya rin sinusubukan tanggalin ang mga braso kong nakapulupot sa kanya.“Gusto ko lang matulog na. Na katabi ka…” mahinan

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 50

    XimenaPagbukas ng pinto, agad kaming sinalubong ng malamig na simoy mula sa centralized aircon ng penthouse. Tahimik sa loob, maliban sa mahinang ugong ng air filtration system at ang tunog ng aming mga hakbang sa makintab na sahig na gawa sa itim na marmol. Para akong pumasok sa ibang mundo kahit na nakapunta naman na ako dito.Naramdaman ko na agad ang kamay ni Azael sa ibabang bahagi ng likod ko. Hindi ito yung tipong magalang na alalay; ito yung mahigpit na hawak na parang inaangkin ang bawat galaw ko.Pagkasara ng pinto ng penthouse, halos hindi na ako nakapag-react nang bahagya niya akong itulak papasok. Hindi marahas, pero sapat para mapaatras ako. Naamoy ko na naman ang pinaghalong mamahaling pabango niya at matapang na alak.Napakagat ako sa labi, sinusubukang huwag ipahalata na medyo kinakabahan ako. Ang penthouse niya ay open space na may mataas na kisame at floor-to-ceiling na dingding tanaw ang city lights. Naka-dim lang ang ilaw, kaya mas lalo itong nagbigay ng intimate

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 49

    XimenaNatapos ang inuman nila at kinailangan na naming magpaalam sa mga kaibigan ni Azael. Wala naman akong masasabi sa kanila dahil mababait naman at mabuti ang pakitungo sa akin. Pakiramdam ko ay tanggap nila ako bilang girlfriend ng kanilang kaibigan at masaya ako don.Mainit pa rin ang hangin sa labas kahit dis-oras na ng gabi. Tahimik ang lobby ng Roccaforte Empire Building, tanging yapak lang namin at tunog ng hangin mula sa aircon ang maririnig.“Magpagaan ka naman ng konti, Azael…” mahina pero may halong inis ang sabi ko habang mahigpit ko siyang inalalayan.Si Azael? Nakakaloka. Parang wala sa hulog. Amoy na amoy ang alak sa hininga niya at parang tuwing hakbang ay mas lalo siyang bumibigat sa balikat ko.Kakapasok lang namin sa elevator ng Roccaforte Empire Building at paakyat na kami sa penthouse. Sobrang late na kaya wala nang ibang empleyado at puro guard na lang ang natira, at lahat sila ay tahimik na lang na nakatingin sa amin, na para bang may iniisip pero hindi kayang

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 48

    XimenaPagkatapos ng halos isang oras na seryosong usapan tungkol sa negosyo, mga terms na minsan feeling ko ay para lang sa mga taong may PhD sa business ay unti-unti kong napansin na lumuluwag na ang atmosphere sa mesa. Ang mga tawa nila, mas malalakas na ngayon; ang mga birong minsan ay wala akong ka-clue pero nakakabitin at nakakahawa pa rin. Kahit hindi ako actively kasali sa lahat ng topic, nadadala ako ng energy ng grupo. Para akong nakasakay sa alon ng tawanan nila.“Ximena, tikman mo ‘to,” biglang sabi ni Devin, may kasamang ngiting parang alam niyang magugustuhan ko. Iniabot niya sa akin ang isang plato ng putahe na kasama sa in-order niya. Apat kasi na menu at dalawa pa lang ang natikman ko.Agad ko sanang aabutin, pero bago pa dumikit ang daliri ko sa plato, may mas mabilis na kamay na sumingit, matikas, sigurado.“I’ll get it for her,” malamig pero mabigat ang boses ni Sir Roccaforte. Walang halong biro, parang utos pero may kakaibang protective tone na hindi ko maipaliwan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status