Hala, ano yan, Azael?
Azael“Next week? As in next week agad?” halos mapatili si Ximena, nanlalaki ang mga mata habang nakatitig sa akin. Kita ko sa mukha niya yung mix ng gulat at excitement.“Yeah, next week na. Ayaw mo ba?” tanong ko, sabay kindat para ma-lighten yung mood.“H-Hindi naman sa ganon. Kaya lang ay…” napakamot siya sa batok, halatang nagpi-freak out pero trying hard na magmukhang chill.“May iba ka bang plano? Di ba sinabi ko na sa’yo dati na isasama na kita sa susunod kong out-of-the-country trip? Hello, commitment ‘to.” nakataas kong kilay habang nakangisi.“Wala naman, okay. Sige, go.” pilit niyang tugon, pero kahit nag-aaktong kalmado siya, ramdam kong nangingislap ang mga mata niya sa tuwa. Hindi man niya sabihin out loud, kilala ko na siya, alam ko na excited siya.Naalala ko pa yung reaksyon niya noon nung sinabi ni Simon na mapapaaga ang alis ko papuntang New York. Hindi pa ready yung passport niya that time kaya obvious yung lungkot niya.“Pwede ka namang umuwi muna sa inyo para ma
AzaelBigla na lang bumalik sa akin ang alaala na ’yon, parang replay na pilit sumisingit sa isip ko. Sa sobrang curiosity ko kung totoo ngang pamilya ni Ximena ang kasama niyang gumagala noon, agad akong humingi ng tulong kay Ronnel para i-trace ang location niya. Nang makuha ko ang sagot, hindi na ako mapakali. Kaya niyaya ko si Annie na samahan ako sa mall kung saan ko alam na naroon si Ximena kasama ang pamilya niya.Pero syempre, hindi naging madali. Hindi talaga ako tinantanan ni Annie sa kakatanong. Paulit-ulit niyang gustong malaman kung ano ba talaga ang pakay ko. At dahil ayaw niyang pumayag hangga’t hindi ako umaamin, napilitan akong sabihin ang matagal ko nang tinatago.“Fine,” malalim kong buntong-hininga bago ko siya sinulyapan. “It’s about Ximena… may nararamdaman ako sa kanya.”“Finally!” halos pasigaw niyang bulalas, parang nanalo sa lotto. “Akala ko never ka na magkakagusto ulit sa isang babae! As in, akala ko puro ka na lang fling at iyot sa kung sino-sinong babae.”
AzaelSa totoo lang, kinakabahan talaga ako sa pagsasama nila Annie at Ximena. Hindi ko maiwasang isipin na baka kung ano-ano na naman ang ikwento ng babaeng ’yon sa girlfriend ko. Pero at the same time, ramdam kong kailangan din niya ng makakausap bukod sa akin. Kaya kahit may pangamba, pinabayaan ko na rin.Isa pa, pagkakataon na rin ’yon para mapanatag si Ximena sa presensya ni Annie, yung babaeng alam kong minsan na niyang pinagselosan. Kahit hindi niya aminin, ramdam ko. Kita ko kung paano tumitig si Ximena kay Annie noong una silang nagkaharap; yung subtle na sulyap na parang nagtatanong: “Ano ba talaga kayo?”Kaibigan ko si Annie, anak siya ng matalik na kaibigan ng aking ama. Bestfriends sila, at dahil doon, lumaki rin kaming halos magkasama. Ang sabi ng iba, imposible raw na maging bestfriend ang isang lalaki at babae nang walang halo ng ibang damdamin. Pero sa amin, maliwanag ang linya. Walang malisya. Para talaga kaming magkapatid. Ako, kuya ang role; siya naman, bunso na l
Ximena“In short, naging maganda rin naman ang end result ng pakikipaghiwalay ni Azael sa babaeng ‘yon.”Nakahinga ako nang maluwag, para bang may natanggal na malaking bigat sa dibdib ko. At least, wala sa tatlo ang mukhang may chance na bumalik pa sa buhay niya. Unti-unti na akong nakaramdam ng peace of mind, pero bago ko pa man tuluyang mangyari ‘yon, biglang bumasag ng katahimikan si Annie.“Ang pang-apat…” humugot siya ng malalim na hininga, halatang nag-aalangan, “…it was tragic for Azael.”Biglang nawala ang sigla sa mukha niya. Yung mga mata niyang kanina lang ay kumikislap sa kwentuhan, ngayon ay puno ng lungkot. Kahit ako, nadala ng bigat ng emosyon niya.“A-Anong ibig mong sabihin?” halos bulong kong tanong habang marahang kumunot ang noo ko. Ramdam ko ang kakaibang kaba na unti-unting gumagapang sa akin.Umiwas ng tingin si Annie, parang hindi sigurado kung dapat ba niyang ituloy ang sinimulan. “Ayaw kong magkwento tungkol sa bagay na ‘yon. Sensitive issue siya… at kung sa
XimenaDumating na ang order namin ni Annie, pumuno agad ng amoy ng creamy pasta at garlic bread ang mesa namin. Hinintay muna naming makalayo ang waiter bago namin piniling simulan ang pagkain. Habang kumukuha ako ng carbonara gamit ang tinidor, ramdam kong mas panatag na ako ngayon. Wala na talagang chance na may relasyon si Annie kay Azael. Lumuwag ang dibdib ko kahit papaano.“How about the third girlfriend?” tanong ko pagkatapos kong sumubo, medyo pa-casual ang tono pero hindi ko maitago ang kuryosidad ko. In fairness, steady lang ang titig ko sa kanya, parang detective na naghihintay ng susunod na clue.Napangisi si Annie bago uminom ng tubig. “Ah, ‘yung pangatlo? College days na niya ‘yon. Tapos hindi na siya chubby sa panahon na ‘yon kaya grabe, sandamakmak na babae ang nagkakandarapa sa kanya.” Medyo tumaas pa ang kilay niya na parang sinasabi, gets mo na, girl?Doon ako tuluyang napatango at napaniwala. Walang halong exaggeration ang dating ni Annie, at sino ba naman ang mag
Ximena“Si Azael ay nagkaroon ng apat na girlfriend… panglima ka.”“Panglima talaga?!” halos mapasigaw ako sa sobrang gulat. Pakiramdam ko ay nanlaki ang mga mata ko. Wait lang… apat? Tapos ako yung susunod? Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. Akalain mo ‘yon, parang may record book siya ng mga ex!Natawa si Annie, halatang naaliw sa reaksyon ko. “Grabe, hindi mo ba alam? Seryoso ‘yung apat na nauna na ‘yon.”“Legit? As in seryoso talaga? Hindi fling-fling lang?” mabilis kong balik-tanong habang nanlilisik ang mata. Yes, gwapo, mayaman, maganda ang katawan, at higit sa lahat ay masarap siya, charot.. Sa mga katangian na 'yon ay hindi katakataka na magkaroon nga siya ng maraming girlfriend.“Yes,” nakangiti niyang sagot, parang proud pa siya. “Pero ang sabi ko naman sa’yo, hindi siya yung typical na playboy.”“Hindi playboy? Eh, hello? Gusto kong maniwala sa’yo, Annie, pero alam mo ba na tumatanggap siya ng mga babaeng regalo mula sa ibang businessmen?” taas-kilay kong tanong