"Sa tingin mo ba, hindi ka magagawang lokohin ng asawa mo?" tanong ni Johnny kay Maximus.
Tumikhim si Maximus bago itinuon ang tingin sa mga sasakyan sa ibaba. Kasalukuyan siyang nakatayo mula sa 15th floor ng malaking gusali na iyon. Pagmamay ari niya ang gusaling iyon. Isa tatlong gusaling naiwan sa kanya ng yumao niyang ama. "Hindi magagawa sa akin iyon ni Clara. Ten years na kaming kasal at sa loob ng mahabang panahong iyon, ni minsan hindi ko siya nahuli o nakitaan man lang ng kahit anong malanding message sa kahit sinong lalaki. Formal na formal siyang makipag-usap sa mga negosyanteng kaibigan namin pati na sa mga lalaking kaibigan niya. Walang halong kung ano. Formal and professional," proud na sambit ni Maximus. Tumango-tango naman ang kanyang kaibigan. "Mabuti naman kung ganoon. At sana nga, hindi niya magawang ipagpalit ka sa kahit sinong lalaki. Alam mo naman sa panahon ngayon, lahat nagloloko. Maganda man o pangit. Mayaman man o mahirap. Kapag may nakita silang kulang sa partner nila at nahanap nila sa iba, magloloko talaga sila." Umarko ang kilay ni Maximus at saka tiningnan ang kaniyang kaibigan. "May gusto ka bang sabihin sa akin, Johnny? May kailanman ba akong malaman? Para kasing may laman ang mga sinasabi mo ngayon. Hindi naman natin ito napag-uusapan noon. Ngayon ka lang nagtanong ng ganiyan sa akin tungkol sa asawa ko." Nagkatitigan silang magkaibigan ng ilang segundo bago unang nag-iwas ng tingin si Johnny. Inilagay niya ang magkabilang kamay niya sa kanyang bulsa bago itinuon ang tingin sa labas. "Hindi pa ako sigurado... hindi pa kumpirmado. At ayoko namang magkamali at makasira ng relasyon niyo. Gusto ko munang kumpirmahin at alamin kung tama ba ang hinala ko..." Umarko ang kilay ni Maximus at saka nilapitan ang kanyang kaibigan. Bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil bigla siyang kinabahan. Sa tagal nilang nagsama ni Clara, panatag siyang hindi siya lolokohin ng kanyang asawa. Sa edad na forty years old, hindi mahahalata iyon kay Maximus. Maganda ang kanyang katawan at postura. Aakalain mong nasa edad twenty to thirty years old lamang siya. Matangkad, malaki ang katawan, matangos ang ilong, makapal ang kilay, mahaba ang pilikmata, mapula ang labi, umiigting ang panga at mayroong malaking alaga na siyang kinababaliwan ng mga babae. "Ano ba ang hinala mo? May nakita ka ba? Ano ang nakita mo? Paano mo nalamang asawa ko iyon? Baka nagkakamali ka lang," sunod-sunod na tanong ni Maximus. Humarap sa kanya si Johnny. "Sana nga nagkakamali lang ako. Pero hindi. Kitang-kita ko ang asawa mong si Clara na niyakap ng isang lalaki. Hindi ko nakita ang lalaki dahil nakasuot ito ng sombrero at facemask. Niyakap niya si Clara ng matagal bago pumasok ang asawa mo sa sasakyan nito at umalis. Iba ang yakap eh. Hindi simpleng yakap lang iyon. Halatang ayaw pa ngang bumitaw ng lalaki sa higpit ng yakap niya sa asawa mo." Nakaramdam ng matinding galit si Maximus. Umigting ang kanyang panga at nangalit ang kanyang mga ngipin. Lumikha ng ingay ang nagkikiskisan niyang ngipin. "Kumalma ka, Maximus. Pilitin mong kumalma. Magpanggap kang wala kang alam. Maigi ng mahuli mo siya sa akto. Huwag kang magpahalata na may alam ka na sa panloloko niya. Maging kaswal ka lang," payo ni Johnny sa kanya bago hinawakan ang kaniyang balikat. Humugot ng malalim na paghinga si Maximus bago tumingala. Ilang segundo siyang nakatingala at saka niya itinuon ang tingin niya sa kanyang kaibigan. "Kung totoo man ang hinala mong ito, hindi ko mapapatawad si Clara. Sinabi ko na sa kanya ito noon pa. Kapag niloko niya ako, kahit anong klaseng panloloko pa iyan, maghihiwalay kaming dalawa. Kaya pinili kong sa ibang bansa kami ikasal para kapag dumating ang araw na kailangan naming maghiwalay, may divorce doon." "Pag-uwi mo mamaya, huwag mong babaguhin ang pakikitungo mo sa kanya. Iyong katulad pa rin ng normal mong ginagawa kapag umuuwi ka sa bahay ninyo. Iyong wala ka pang alam." Mabagal na tumango si Maximus. Nagpasalamat siya sa kanyang kaibigan dahil sa mga sinabi nito sa kanya. Kaya nang umuwi siya sa kanilang bahay, ganoon nga ang ginawa niya. Ang naging kalmado at kaswal. Sinalubong niya ng halik sa pisngi ang kanyang asawa. Sa pisngi na lang dahil hindi niya maiwasang mainis. Ngunit sa labi niya talaga hinahalikan ang kanyang asawa sa tuwing uuwi siya. "Good evening, honey. Nagluto na ako ng paborito mong ulam. At mukhang makakarami ka na naman ng kain," nakangiting wika ni Clara. Ilang segundo muna ang lumipas bago ngumiti si Maximus. Hindi niya kasi maiwasang isipin na niloloko siya ng asawa niya. "S-Salamat, h-honey. Akyat lang muna ako sa kuwarto para makapagbihis." Bumuga ng hangin si Maximus nang talikuran niya ang kanyang asawa. Mabilis siyang humakbang ng hagdan patungo sa kanilang kuwarto. Muli siyang bumuga ng hangin upang panatilihing kalmado ang kanyang sarili kahit na hindi niya alam kung makakayanan niyang maging kalmado ng matagal sa kabila ng sinabi ni Johnny. "Honey, magpapaalam pala ako sa iyo," wika ni Clara nang magtungo na siya sa kusina. Tiningnan niyang maigi ang kanyang asawa. "Ano iyon?" Matamis na ngumiti si Clara. "Sasama ako sa mga kaibigan ko sa La Union. Mag-bonding kami. Hindi kasama ang mga asawa nila. Kami-kami lang mga babae. Ayos lang ba sa iyo kung sumama ako sa kanila?" Natahimik sandali si Maximus at patagong kinuyom ang kanyang kamao. Lalo siyang napapaisip ng kung anu-ano. Naiisip niyang baka hindi naman iyon totoo ang kabit nito ang kasama niya sa La Union. "S-Sige, h-honey. Ayos lang na s-sumama ka sa kanila. E-Enjoy ka doon, ha?" pilit niyang pinalambing ang kanyang tinig kahit na gusto na niyang sigawan ang asawa niya at magtanong ng kung anu-ano. "Thank you so much, honey! I love you!" magiliw na wika ni Clara bago siya nito niyakap. Napasinghap si Maximus bago dahang-dahang iginalaw ang kanyang kamay upang gumanti ng yakap sa kanyang asawa. Hindi niya tinugunan ang pagsabi nito sa kanya ng 'I love you' dahil magulo ang isip niya at binabalot siya ng matinding galit. Ngunit sa loob-loob niya, hiling niya na mali sana silang dalawa ni Johnny. Sana nga hindi talaga nagloloko si Clara.SUNSHINE Sumunod na pang mga araw, tila lalong hindi nagiging maganda ang lahat ng ina ni Sunshine. Kapansin-pansin din ang paglaki ng kaniyang tiyan. Labis na nag-aalala na si Sunshine. "Mama, dalhin na po kita sa ospital. Sobra na po akong nag-alala sa kalagayan niyo. Hindi na po normal ang paglaki ng tiyan ninyo. Kakaiba na po ito. Dalhin na po kita sa ospital, mama," kinakabahang wika ni Sunshine. "Sige, anak... sobrang sakit na rin ng tiyan ko at tagiliran. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Ayoko pang mawala sa mundong ito. Maliliit pa ang mga kapatid mo. Gusto ko pa kayong makasama ng matagal. Gusto ko pa kayong makita," naluluhang wika ng kanyang ina. "Huwag po kayong magsalita ng ganiyan, mama. Hahaba pa po ang buhay ninyo. Halika na po. Pupunta na tayo sa ospital," wika ni Sunshine bago inalalayan ang kanyang ina. Inarkila na lang niya ang traysikel ng kanilang kapitbahay patungo sa ospital dahil malapit lang ang ospital sa kanila. Pagkarating nila doon
CARLA Walang ibang ginawa si Carla kundi matulog at magpahinga. Ang asawa niyang si Conrad ang siyang nag-aalaga sa kanilang dalawa ng baby niya. Kapag magpapahinga siya, ang yaya naman ng baby nila ang mag-aalaga. Ngunit kapag gising siya, kinukuha niya sa yaya ang baby nila at siya ang nag-aalaga. Sa loob ng dalawang buwan, ganoon lang ang ginawa ni Carla. Napahanga siya sa pagmamahal sa kanya ni Conrad. Lalong lumalim ang pagmamahal niya sa kanyang asawa. Mas naging matibay ang pagsasama nila. "Grabe naman! Napakaganda mo namang babae talaga! Iba talaga kapag nasa tamang lalaki na! Napakagandang pudáy naman talaga iyan!" bulalas ni Isabella nang magkita sila. "Letse! Ikaw ang pinakamagandang pudáy dahil buntis ka na namang gaga ka! Ang bilis mo namang magbuntis! Parang kailan lang, nanganak ka sa pangalawa mo tapos ngayon, buntis ka na naman? Nagmamadali ka ba?" tumatawang sabi niya sa kaibigan. Ngumisi si Isabella. "Hay naku, Carla... parang ganoon na nga. Medyo nagmam
CARLA Ilang buwan ang lumipas simula nang magkaayos sina Carla at Conrad, ang bahay ni Carla ay ginawa niyang staycation para kumita ito. Pinaganda niya ito ng husto at saka nilagyan pool. At ang negosyo niya, unti-unti na itong lumalagong muli sa tulong ng kanyang asawa. Kahit malapit ng manganak si Carla, patuloy pa rin ang pagbisita niya sa kanyang munting negosyo. "Ang dami nating nagawang mga damit ngayon! Nakakatuwa! Ang daming orders! Good job guys!" papuri niya sa mga empleyado niya. Ilang sandali pa ang lumipas, biglang nakaramdam ng kakaibang sakit sa kanyang balakang si Carla. Napahawak siya sa kanyang tiyan dahil humihilab ito. Napansin siya ng isa niyang empleyado. "Hala ka, ma'am! Manganganak ka na yata!" sigaw nito. Napanganga si Carla habang hindi maipaliwanag na sakit paikot sa kanyang balakang ang nararamdaman niya. "Parang ta-tama ka.. tawagin mo si manong driver! Dalhin na ako sa ospital!" sigaw niya habang nakahawak sa kanyang tiyan. Binuhat na si C
CARLA "Dahan-dahan lang sa pagbayo baka duguin ako," paalala ni Carla sa kanyang asawa. "Opo, dahan-dahan lang pero sagad hanggang dulo," malanding sabi ni Conrad. Pagkarating nila sa bahay, nagmamadali silang bumaba ng sasakyan. Binuhat siya ni Conrad paakyat ng hagdan, patungo sa kanilang kuwarto. Mabilis na ini-lock ni Conrad ang pinto at saka siya nito inihiga sa kama. Kita niya sa mukha ng kanyang asawa ang matinding gigil lalo na nang siilin siya nito ng halik. Agresibo. Gigil na gigil. Kinakagat at sinisipsíp pa ni Conrad ang kanyang labi habang hinahalikan siya nito. Ngunit ramdam niya pa rin ang pag-iingat ni Conrad lalo na sa parte ng kanyang tiyan. Nasa ibabaw niya si Conrad ngunit hindi ito nakadagan sa kanya. Patuloy ang pag-angkin ni Conrad sa kanyang labi habang ang mga kamay ng kanyanga asawa ay abala sa pag-alis ng kanyang damit. Hindi niya napansin sa isang iglap, wala na siyang damit pang itaas. Bumaba ang halik ni Conrad patungo sa kanyang leeg at s
CARLA "Nandito na ba ang lahat ng gamit mo?" tanong sa kanya ni Carlos. Humugot siya ng malalim na hininga bago tumango. "Yes. Nandiyan na lahat. Uuwi na ako sa bahay ng pasaway mong kapatid." Tumawa si Carlos. "Nagbabago na iyon at magiging mabait na aso na. Este asawa." "Talagang gagawin ko na iyong aso kapag hindi pa nagtino. Tatalian ko siya sa leeg. Bwisit siya," gigil na sabi ni Carla. Pumasok na siya sa loob ng sasakyan ni Carlos. Uuwi na siya. Miss na rin niya si Conrad. Hiling niya na sana pagbalik niya sa kanilang bahay, maging maayos na ang lahat sa kanilang dalawa. Magsisimula silang muli ng maayos. "Kapag hindi pa nagtino si Conrad, sabihin mo sa akin. Babatukan ko na talaga iyon," tumatawang sabi ni Carlos habang nagmamaneho. Humaba ang nguso ni Carla. "Sus! Ikaw din! Magtino ka! Ano? Nag-message ka na ba kay Sunshine? Sumagot ba siya sa message mo?" Tumango si Carlos bago dinilaan ang kanyang labi. "Oo pero sobrang busy yata niya. Promoter pala siya sa m
CARLA "Oh my gulay! Ang ganda-ganda mo, Sunshine!" sambit ni Carla nang makita ang dati nilang kaklase. Nginitian siya ni Sunshine. "Ang ganda mo rin. Blooming ka. Babae siguro ang anak mo." "Baka nga babae. Kasi ako babae ang anak ko ngayon. Eh ang sabi nila ang ganda ko raw magbuntis," saad ni Isabella. "Siya nga pala, single ka pa raw? May balak sana kaming ireto sa iyo. Pero ang tanong, bakit ka pa rin single eh ang ganda-ganda mo?" tanong niya kay Sunshine. Kumibot ang labi ni Sunshine bago alanganing natawa. "Eh kasi ... ano eh... ayoko pa makipag-ano... tusukan gano'n." Nagsitanguhan sina Carla at Samarah. "Ah okay. So ang mga naging boyfriend mo, mga kupal pala? Mga malalanding lalaki?" taas kilay na sabi ni Samarah. Tumango si Sunshine. "Yes. Dalawa pa lang ang nagiging boyfriend ko. At parehas sila sa una lang magaling. Sabi nila, handa silang maghintay kahit ilang taon pa ang abutin. At sa mismong kasal nila ako gagalawin pero pagkalipas ng ilang buwan, gusto n
CARLA Binisita ni Carla ang kaibigan niyang si Isabella. Blooming na blooming ang kanyang kaibigan na para bang hindi nanganak. "Wow! Ang ganda mo naman talaga kahit kailan! Parang hindi ka nanganak!" bulalas niya sabay kurot sa braso ni Isabella. "Ganoon talaga kapag nasa tamang tao. Magaling kasing mag-alaga ang asawa ko. Pakiramdam ko nga rin, basta lang ako nagsilang. Walang stress na naganap. Sobrang happy ng aking buhay mag-asawa. Ikaw ba? Kumusta ka naman? Bakit ayaw mo pang bumalik sa inyo? Baka nababaliw na ang asawa mo. Buntis ka pa naman," nangangambang wika ni Isabella. Mapait na ngumiti si Carla. "Hindi ko pa naman sinasabi sa kanya na buntis ako. Sa susunod na lang kapag umuwi na ako. Masama pa rin kasi talaga ang loob ko sa kanya. Parang wala na akong balak na paniwalaan pa siya sa mga sinasabi niya." Bumuntong hininga si Isabella at saka siya hinawakan sa kamay. "Hindi naman sa kinakampihan ko siya pero baka nga totoo ang sinasabi niya. Ang dapat mong kausapin,
CONRAD "Gusto ko munang humingi ng tawad sa iyo, Conrad. Dahil namatay na lang si daddy nang hindi tayo nagkakaayos. Pero maniwala ka man o hindi, mahal kita. Ikaw na lang ang mayroon ako ngayon. Ikaw lang ang nag-iisa kong kapatid..." Napalunok ng laway si Conrad bago nag-iwas ng tingin sa kanyang kuya. Hindi niya alam kung bakit parang tila tumagos sa puso niya ang sinabing iyon ni Carlos. "Mangako ka sa akin na hindi ka manggugulo kay Carla at hindi mo ipapaalam na sinabi ko ito sa iyo." Muling pinukol ni Conrad ang tingin niya sa kanyang kapatid. "Pangako. Hindi ko sasabihin sa kanya. Nasaan ba siya ngayon?"Bumuntong hininga si Carlos. "Nasa bahay ko siya ngayon. Nandoon siya nagpapahinga. Mabuti na lang, sa akin din siya lumapit kaya namo-monitor ko siya. Conrad, alam kong mas mainam na si Carla ang magsabi sa iyo nito pero gusto ko na ring malaman mo para maintindihan mo siya. Para maunawaan mo ang mga reaksyon niya. Buntis ang asawa mo, Conrad. Magkakaanak na kayo."Labi
CARLA "Teka nga, kanina ka pa ba naduduwal? Nahihilo ka ba?" bakas sa tinig ni Carlos ang pag-aalala. Humawak si Carla sa kanyang ulo. "Kahapon pa ito eh. Kaya tamad na tamad akong kumilos. Hindi ko alam kung bakit. Pasensya ka na. Nakaabala pa ako dito sa bahay mo." Lumapit sa kanya si Carlos. "Naku! Mukhang magkakaroon na ako ng pamangkin!" Nanlaki ang mga mata ni Carla. "Ha? Ano ang pinagsasabi mo?" Malawak na ngumiti si Carlos. "Senyales iyan ng pagbubuntis! Siguradong matutuwa ang kapatid ko kapag nalaman niyang buntis ka!" Napalunok ng laway si Carla bago hinawakan ang kanyang tiyan. "Huwag mong sasabihin sa kanya kung sakali mang buntis ako. Ayokong malaman niya na buntis ako. Sa susunod ko na sasabihin kapag naging okay na kami. Gusto ko muna siyang turuan ng leksyon." Sumeryoso ang mukha ni Carlos at saka tumango. "Sige. Kung iyan ang gusto mo. Halika na. Umalis na muna tayo. Kailngan mong magpa-check up sa OB." Lumunok ng laway si Carla at saka sumunod na ka