Share

K-85

Author: LonelyPen
last update Huling Na-update: 2025-05-02 23:25:30

CONRAD

"Ibang klase talaga ang pagkabaliw mo kay Carla, 'no? Talagang inalok mo pa siyang pakasalan ka, at sa loob ng isang taon niyo bilang mag-asawa, kailangan mong paibigin siya kapalit ng malaking halaga? Bakit hindi ka na lang humanap ng babaeng hindi mo na kailangang bayaran?" natatawang tanong ni Mark.

Bumuntong hininga si Conrad. "Ano ba ang pakialam mo? Hindi mo naman pera ang ginamit ko. Hindi naman ako nagpakayaman ng husto para itabi ko lang ang perang iyan. Gagamitin ko ang pera ko sa mga bagay na gusto kong pagkagastusan."

Natatawang iginalaw ni Mark ang ulo niya. "Okay fine, nagagalit ka na eh. Pero kumusta naman kayong dalawa?"

"Maayos naman kami. Medyo mahirap pa rin makuha ang loob ni Carla pero gagawin ko ang makakaya ko para makuha ang loob niya. Para matutunan niya akong mahalin. Alam kong magagawa kong makuha ang puso niya. Nahihirapan lang siyang magtiwala sa akin dahil naiisip niyang katulad pa rin ako noon, na isang babaero."

"Sigurado ka ba na hindi ka n
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Shiela Joy Dahay Bermejo
next update plz
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • My Ninong's Contract Wife   K-98

    CARLA Binisita ni Carla ang kaibigan niyang si Isabella. Blooming na blooming ang kanyang kaibigan na para bang hindi nanganak. "Wow! Ang ganda mo naman talaga kahit kailan! Parang hindi ka nanganak!" bulalas niya sabay kurot sa braso ni Isabella. "Ganoon talaga kapag nasa tamang tao. Magaling kasing mag-alaga ang asawa ko. Pakiramdam ko nga rin, basta lang ako nagsilang. Walang stress na naganap. Sobrang happy ng aking buhay mag-asawa. Ikaw ba? Kumusta ka naman? Bakit ayaw mo pang bumalik sa inyo? Baka nababaliw na ang asawa mo. Buntis ka pa naman," nangangambang wika ni Isabella.Mapait na ngumiti si Carla. "Hindi ko pa naman sinasabi sa kanya na buntis ako. Sa susunod na lang kapag umuwi na ako. Masama pa rin kasi talaga ang loob ko sa kanya. Parang wala na akong balak na paniwalaan pa siya sa mga sinasabi niya."Bumuntong hininga si Isabella at saka siya hinawakan sa kamay. "Hindi naman sa kinakampihan ko siya pero baka nga totoo ang sinasabi niya. Ang dapat mong kausapin, iyo

  • My Ninong's Contract Wife   K-97

    CONRAD "Gusto ko munang humingi ng tawad sa iyo, Conrad. Dahil namatay na lang si daddy nang hindi tayo nagkakaayos. Pero maniwala ka man o hindi, mahal kita. Ikaw na lang ang mayroon ako ngayon. Ikaw lang ang nag-iisa kong kapatid..." Napalunok ng laway si Conrad bago nag-iwas ng tingin sa kanyang kuya. Hindi niya alam kung bakit parang tila tumagos sa puso niya ang sinabing iyon ni Carlos. "Mangako ka sa akin na hindi ka manggugulo kay Carla at hindi mo ipapaalam na sinabi ko ito sa iyo." Muling pinukol ni Conrad ang tingin niya sa kanyang kapatid. "Pangako. Hindi ko sasabihin sa kanya. Nasaan ba siya ngayon?"Bumuntong hininga si Carlos. "Nasa bahay ko siya ngayon. Nandoon siya nagpapahinga. Mabuti na lang, sa akin din siya lumapit kaya namo-monitor ko siya. Conrad, alam kong mas mainam na si Carla ang magsabi sa iyo nito pero gusto ko na ring malaman mo para maintindihan mo siya. Para maunawaan mo ang mga reaksyon niya. Buntis ang asawa mo, Conrad. Magkakaanak na kayo."Labi

  • My Ninong's Contract Wife   K-96

    CARLA "Teka nga, kanina ka pa ba naduduwal? Nahihilo ka ba?" bakas sa tinig ni Carlos ang pag-aalala. Humawak si Carla sa kanyang ulo. "Kahapon pa ito eh. Kaya tamad na tamad akong kumilos. Hindi ko alam kung bakit. Pasensya ka na. Nakaabala pa ako dito sa bahay mo." Lumapit sa kanya si Carlos. "Naku! Mukhang magkakaroon na ako ng pamangkin!" Nanlaki ang mga mata ni Carla. "Ha? Ano ang pinagsasabi mo?" Malawak na ngumiti si Carlos. "Senyales iyan ng pagbubuntis! Siguradong matutuwa ang kapatid ko kapag nalaman niyang buntis ka!" Napalunok ng laway si Carla bago hinawakan ang kanyang tiyan. "Huwag mong sasabihin sa kanya kung sakali mang buntis ako. Ayokong malaman niya na buntis ako. Sa susunod ko na sasabihin kapag naging okay na kami. Gusto ko muna siyang turuan ng leksyon." Sumeryoso ang mukha ni Carlos at saka tumango. "Sige. Kung iyan ang gusto mo. Halika na. Umalis na muna tayo. Kailngan mong magpa-check up sa OB." Lumunok ng laway si Carla at saka sumunod na ka

  • My Ninong's Contract Wife   K-95

    CARLA "Umalis ka na muna sa harapan ko. Ayoko munang makausap ka, Conrad. Kung nagagawa mo ng magsinungaling sa akin ngayon pa lang, magagawa mo iyan ng paulit-ulit..." lumuluhang sabi ni Carla. Hinawakan ni Conrad ang kanyang. "Wala na akong balak na magsinungaling pa sa iyo at maglihim. At mayroon pa akong aaminin sa iyo..." Kumabog ang dibdib ni Carla. Hindi niya alam kung makakayanan pa ba niyang marinig ang sasabihin ni Conrad sa kanya."A-Anong.... anong sa-sasabihin mo?" nauutal niyang sabi.Humugot ng malalim na paghinga si Conrad. "Iyong... iyong bahay mo kaya nasunog ito.. ako pala ang dahilan."Napanganga si Carla kasabay ng pag-agos ng luha niya. "Ano?""Nagpatulong ako sa kaibigan ko na paglapitin pa tayong dalawa. Hindi ko akalain na nagpatulong din siya sa iba. At ang taong inutusan niya, naisipang sunugin ang bahay mo para sa akin ka lumapit. Para sa akin ka sumandal. Maniwala ka, Carla.. galit na galit ako sa kaibigan kong iyon dahil hindi ko naman lubos akalain n

  • My Ninong's Contract Wife   K-94

    CONRAD "Hindi na pala ako ulit sasama sa iyo sa club. Ayokong mag-away pa kami ng asawa ko. Ayokong mawala ng tuluyan ang tiwala niya sa akin," sabi niya sa kaibigan niyang si Mark."Ayos lang. Walang problema. Ikaw naman ang nagyaya sa akin na pumunta doon. Gagó ka rin kasi eh, may asawa ka na tapos sinamahan mo pa iyong first love mo para pakinggan ang problema niya tapos nagsinungaling ka pa. Bakit hindi mo sinabing may asawa ka na? Anong intensyon mo? Balak mo siyang agawin sa asawa niya? Mahal mo pa rin hanggang ngayon si Mia?" mabilis na sabi ni Mark.Umiling si Conrad kasabay ng pagtiim ng kanyang bagang. "Ang laking pagkakamali ng nagawa kong iyon. Maling-mali ang pagsisinungaling ko. Hindi ko na siya mahal. Wala na akong nararamdamang pagmamahal sa kanya. Siguro, nabigla lang ako nang makita ko siya kaya ko nasabi iyon. Pero na-realized kong maling-mali pala ang ginawa kong iyon. Siguradong masasaktan ko ang asawa ko kapag nalaman niya ang tungkol dito."Tinawanan siya ng ka

  • My Ninong's Contract Wife   K-93

    CARLOS "Hindi ko akalain na magkikita tayo dito. Bakit kayong dalawa lang ng anak mo ang nandito? Nasaan ang asawa mo?" tanong ni Carlos kay Mia. Mapait siyang nginitian ng babae. "Wala eh. Cool off muna kami ngayon. Pinaalis ko muna sa bahay. Nai-stress ako sa kanya eh. Pahinga ko muna utak ko kaiisip sa kanya. Gumala kami ng anak ko ngayon para maglibang. Para mawala muna siya sa isipan mo," mabilis na wika ni Mia. Kumunot ang noo ni Carlos. Kasalukuyan silang nasa mall kung saan nakasalubong niya si Mia. Muntik pa nga niyang mabangga ito, mabuti na lang naiwasan siya at nagulat nang makita si Mia. "Nandito ka lang pala nakatira sa lugar na ito pero ngayon lang kita nakasalubong sa mall na ito. Madalas akong nandito eh." Pumiksi si Mia. "Ngayon lang kasi ako ulit lumabas. Madalas lang kasi akong nasa bahay. May trabaho ako at nasa bahay lang din kaya hindi na ako halos lumalabas. Pero dahil gusto kong maglibang, lumabas na muna ako sa lungga ko." Tumango-tango si Carlos. "Tama

  • My Ninong's Contract Wife   K-92

    CARLAHindi nakatulog ng maayos si Carla nang gabing iyon. Umaalingawngaw sa isipan niya ang sinabi sa kanya ni Conrad. Kumukulo tuloy ang dugo niya sa inis.'Ang kapal yata ng pagmumukha ng lalaking iyon? Ang lakas ng loob niyang sabihin sa akin iyon! Humanda siya sa akin!' sigaw ni Carla sa isipan.Dalawang oras lang nakatulog si Carla. At dahil nga iyon sa sinabi ni Conrad na talagang hindi niya inasahan. Lumabas na siya ng kanyang kuwarto at saka naghanda ng almusal. Kalmado lang ang itsura niya. Hinintay niyang bumaba ng kuwarto si Conrad dahil hindi niya ito tinabihan. Inis na inis kasi siya. Pero hindi niya ito kinompronta dahil nakainom ito."Good morning mahal kong asawa," nakangiting wika ni Conrad nang magtungo ito sa kusina.Asar na ngumiti si Carla nang harapin niya ang kanyang asawa. Akmang yayakapin pa siya ni Conrad nang bigla niya itong sampalin ng malakas. Nanlaki ang mga mata ni Conrad dahil sa matinding gulat. "Ano? Gising na gising ka na ba? Wala na ba ang tama n

  • My Ninong's Contract Wife   K-91

    CONRAD 'I'm sorry, Carla.... kailangan ko munang samahan si Mia ngayon dahil may problema siya. Pero hindi kita lolokohin. Wala akong gagawing masama,' wika ni Conrad sa kanyang isipan bago pinatay ang kanyang cellphone at saka nagtungo sa kinaroroonan ni Mia. Sa mga oras na iyon, tila nakalimutan ni Conrad na mayroon siyang asawang naghihintay sa kanilang bahay. Para sa kanya, wala naman siyang gagawing masama. Hindi naman niya lolokohin ang kanyang asawang si Carla. Sadyang hindi niya lang matiis si Mia na makitang malungkot at gusto niyang samahan ito. Gusto niyang mapakingan ang hinaing ng babaeng una niyang minahal."Bakit nandito ka pa? Umuwi ka na. Dadating na ang kasama ko... iyong kaibigan ko," wika ni Mia bago nagsalin ng alak sa kanyang baso."Aalis na lang ako kapag dumating na ang kasama mo. Gusto muna kitang samahan dito. Baka mamaya mabastos ka pa ng kung sinong lalaki dito. Babasagin ko talaga ang pagmumukha ng lalaking iyon," gigil na wika ni Conrad.Tinawanan siya

  • My Ninong's Contract Wife   K-90

    CONRAD "M-Mia?" nauutal niyang sabi kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso niya. Hindi niya inasahang muling magtatagpo ang landas nilang dalawa ng unang babaeng kanyang minahal. Hindi pa rin nagbago ang itsura ni Mia. Napakaganda pa rin nito mula noong una niyang masilayan ang dalaga. Parang pinagtatambol ang puso ni Conrad habang nakatingin kay Mia. Para nga siyang mauubusan ng hangin sa katawan habang nakatingin sa babaeng kinabaliwan niya noon. Ang babaeng palagi niyang iniisip. Ang babaeng nagpaamo sa kanya at nagpatigil ng mga kalokohan niya. At ang unang babaeng dumurog ng kanyang puso. Pangalawa lamang si Isabella. Pilit niya kasing inaalis sa isipan niya si Mia at sinasabing hindi niya ito nakilala. Na hindi pumasok sa buhay niya si Mia. "Conrad? Uy! Long time no see! Kumusta ka naman?" masiglang tanong sa kanya ni Mia. Napakurap si Conrad at saka ngumiti ng alanganin. "Ito ayos lang naman ako. Ikaw ba?" Bumuntong hininga si Mia. "Ayos lang din naman. Patuloy pa

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status