Share

04

Author: Anoushka
last update Last Updated: 2025-06-27 19:02:08

Dalawang linggo na ang lumipas mula nang huli silang nag-usap ni Gavin. Simula noon, araw-araw nang uma-attend si Elira ng acting workshop. Una’y parang panaginip, mga ilaw ng entablado, direktor na sumisigaw ng “Action!”, at mga beteranong artista na parang hindi kailanman nawawalan ng emosyon sa bawat eksena.

Sa unang araw pa lang, muntik na siyang umurong. Pero tiniis niya ang kaba, pinili ang tapang. Sa bawat eksenang kinailangan niyang sumigaw, humikbi, o manginig sa galit, inisip niya ang lahat ng sakit na pinagdaanan niya, mula sa pagkabata hanggang ngayon. Doon siya humuhugot. Kaya bawat luha niya sa eksena, totoo. Bawat sigaw, may ugat.

At sa kabila ng pagod, ramdam niya, she’s growing. As an actress. As a woman. As someone reclaiming her place in the world.

Tahimik siyang lumabas ng rehearsal room, pinupunasan ang pawis sa noo. Dumiretso siya sa CR. Sa wakas, sandali ng katahimikan. Sa loob ng cubicle, sinandal niya ang noo sa malamig na pader. Sandaling pahinga. “Kaya ko ’to. Kaya ko ’to.”

Biglang tumunog ang cellphone niya. Isang unknown number ang tumatawag.

Nagkibit-balikat siya sa una, pero may kung anong kaba sa dibdib niya. May kutob. Dahan-dahan niya itong sinagot.

“Hello?” mahina at parang pagod na boses niya.

May boses sa kabilang linya, malalim, pamilyar. Isa sa mga boses na pilit niyang nilimot.

“Elira… anak.”

Nanlamig ang buong katawan niya. Napaupo siya sa toilet bowl, hindi alintana kung gaano kabigat ang boses na iyon sa dibdib niya.

“Enrico,” malamig niyang sabi. Hindi niya magawang sabihing "Tatay." Hindi na.

“Anak, please, huwag kang magbaba ng tawag. Sandali lang. Gusto ko lang malaman kung okay ka. Nabalitaan kong nasa workshop ka na. I’m proud of you.”

Napahigpit ang hawak ni Elira sa cellphone, parang gusto niyang ipagdiinan iyon sa palad niya. “Don’t do this. Don’t act like you care. You don’t even know me.”

“Alam kong galit ka. Alam kong nasaktan ka sa nangyari noon. Pero… gusto kong bumawi kahit papaano. Kaya nga ako tumawag. May kaibigan akong may-ari ng isang sikat na entertainment company. Ninong mo siya, Elira.”

“I don’t need it, Enrico. Ibigay mo na lang ang suporta mo sa mga anak mo dyan sa babae mo.” Galit ang boses niyang sabi.

“No, anak. Makinig ka muna. Makakatulong ito sa’yo, hindi ba sabi mo pangarap mo ito. This is it, Elira. Ilalapit kita sa kakilala ko, I will call him. Ngayon ko lang din nalaman na siya ang may-ari. And he is your ninong, anak.”

She blinked, trying to register what she just heard. “Ninong?”

“Oo. Si Gavin Cordova. He is the CEO. Matagal na kaming magkaibigan, bago ka pa man ipinanganak. Gusto kitang matulungan. And alam ko, sa oras na malaman niya ang tungkol sa kagustuhan mo, he will help you. Ipapasok ka niya, anak. Hindi ba’t gusto mong sumikat?”

Parang may sumabog sa loob ni Elira. Lahat ng tanong niya kay Gavin, kung bakit siya biglang tinulungan, kung bakit parang kilala na siya nito, unti-unting may sagot na.

Alam niya nang kaibigan ng ama niya si Gavin, pero laking gulat niya nang malaman na ninong niya ito. 

“Wala na tayong dapat pang pag-usapan, hindi ko rin kailangan ng tulong mo. Pangarap ko ito, ako mismo ang gagawa ng paraan para makamit iyon.” Puno ng poot at galit ang boses niya.

“Nandiyan si Gavin hindi lang dahil kaibigan ko siya, ninong mo siya. At ayokong sayangin mo ang pagkakataong ito dahil lang sa galit mo sa akin.”

Hindi siya sumagot. Napuno ng ingay ang tenga niya. Hindi niya alam kung galit ba siya, nalito, o nasaktan muli. Pero isang bagay ang sigurado, kailangan niyang makaharap si Gavin. Ayaw niyang magkaroon ng koneksyon dito dahil sa ama. 

Bigla niyang pinindot ang end call.

Tumayo siya, pinunasan ang luhang di niya namalayang tumulo. Lumabas siya ng banyo na parang may hinahabol. Hindi na siya nagpaalam sa mga kaklase at mentor niya sa workshop. Mabilis ang mga hakbang niya habang tinatahak ang pasilyo papuntang elevator.

Dumating siya sa lobby. Pinindot niya ang elevator button. Naghihintay, habang mabilis ang tibok ng puso. Para siyang sasabog. Sa galit, sa takot, sa pagkabigla.

Pagkapasok sa elevator, pinindot niya ang top floor, ang opisina ni Gavin.

“He lied to me… or at least, he kept it from me. Bakit? Bakit hindi niya sinabi? Yeah, alam kong magkakilala sila ng kinamumuhian kong tatay pero bakit hindi niya sinabi sa akin na mas higit pa pala roon ang koneksyon namin?”

Habang paakyat ang elevator, isang bagay lang ang malinaw sa kanya, gusto niyang malaman kung ano ang dahilan ni Gavin kung bakit siya tinutulongan nito.

Pagbukas ng elevator sa top floor, agad na naglakad si Elira patungo sa opisina ni Gavin. Hindi na siya nag-abalang kumatok. Dire-diretso siyang pumasok sa opisina ni Gavin, puno ng galit ang kanyang dibdib, at hindi na niya napansin ang mga sekretarya na sumisigaw ng, “Miss! Sandali lang po!”

Pagbukas ng pinto, agad siyang napatigil sa kinatatayuan.

Si Gavin... may kasamang babae.

Naka-upo ito sa kandungan niya, at mukhang kanina pa sila nagbubulungan. Napaatras ang babae sa gulat, agad na umayos ng upo at inayos ang buhok habang nakayuko. Si Gavin naman, nanlaki ang mga mata, parang binuhusan ng malamig na tubig.

“Elira…” mahina ngunit gulat na gulat niyang sambit.

Napako ang mga mata ni Elira sa kanila. Hindi siya umiiyak, pero mas matalim pa sa luha ang titig niya..

“Tamang-tama pala ang dating ko,” matigas ang boses ni Elira. “Gusto lang kitang tanungin, Sir Gavin, ilang bagay pa ba ang tinatago mo sa akin?”

“Elira, this is not what it looks like,” nagmamadaling sabi ni Gavin, agad na tumayo na para bang kailangan niyang magpaliwanag kay Elira na wala lang iyon kanina kasama ang babae.

Ngunit hindi siya pinakinggan ni Elira. “Hindi ba? Hindi ba ninong pala kita?” Tumawa siya ng mapait, at lumingon sa babae. “Excuse me, Miss. Baka puwedeng kami muna. Mukhang marami kaming kailangang pag-usapan ng… ninong ko.”

Nag-angat ng tingin ang babae, mukhang naasiwa, saka tumayo at lumabas na hindi na lumilingon.

Pagkaalis ng babae, naglakad si Elira papasok, hanggang sa mapatapat siya mismo sa harap ng desk.

“Bakit hindi mo sinabi sa akin?” singhal ni Elira, nanginginig ang boses, punong-puno ng hinanakit. “Alam mong galit ako sa ama ko. Alam mong ayokong may kinalaman siya sa kahit anong ginagawa ko ngayon. Yeah, I get it. Magkaibigan kayo, pero bakit hindi mo sinabi sa akin na mas higit pa pala ro’n ang relasyon natin?”

Napayuko si Gavin, hindi makasagot. Kita sa mukha nito ang mabigat na konsensya, parang binigla rin ng sarili niyang mga desisyon.

Hindi na napigilan ni Elira ang mapait na tawa. “You’re my father’s friend, after all,” aniya, bakas ang panlulumo sa mga mata. “And I don’t want anything connected with him. Aalis ako sa kumpanya mo—”

Pero bago siya makatayo, mabilis na sumabat si Gavin. “Galit ka ba dahil tinago ko?” tanong nito, mababa ang boses, nanginginig ang tono, “o galit ka kasi bawal…” huminga siya nang malalim, tumitig sa mga mata ni Elira, “dahil ninong mo ako?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Ninong’s Secret Desire   05

    Napatigil si Elira. Parang may umalingawngaw sa tenga niya. Ramdam niya ang biglang pagbigat ng hangin sa pagitan nila. Hindi niya alam kung paano sasagutin iyon at kung paano kikilalanin ang buhol-buhol na damdaming nararamdaman niya ngayon.Gusto niyang sabihing galit siya dahil sinaktan siya ng ama niya. Gusto rin niyang isumbat kay Gavin na niloko siya nito sa loob ng dalawang linggo, pinaniwala siyang walang ibang agenda kundi tulungan siya. Pero mas gusto niyang takasan ang katotohanang sa loob ng maikling panahon na iyon, naging mahalaga na sa kanya si Gavin, higit pa sa dapat, higit pa sa tama. Minsan niya nang nakalimutan na may konenksyon si Gavin sa ama niya, dahil natabunan ito sa pagtulong ni Gavin sa kanya.At ngayon, sa isang iglap, parang giniba ang pader na itinayo niya para protektahan ang puso niya. Naisip niya na kasabwat ni Gavin ang ama at gustong bumalik ni Enrico sa buhay niya, sa buhay nila ng ina niya.Napakagat siya sa labi, pilit pinipigil ang luhang nagbab

  • My Ninong’s Secret Desire   04

    Dalawang linggo na ang lumipas mula nang huli silang nag-usap ni Gavin. Simula noon, araw-araw nang uma-attend si Elira ng acting workshop. Una’y parang panaginip, mga ilaw ng entablado, direktor na sumisigaw ng “Action!”, at mga beteranong artista na parang hindi kailanman nawawalan ng emosyon sa bawat eksena.Sa unang araw pa lang, muntik na siyang umurong. Pero tiniis niya ang kaba, pinili ang tapang. Sa bawat eksenang kinailangan niyang sumigaw, humikbi, o manginig sa galit, inisip niya ang lahat ng sakit na pinagdaanan niya, mula sa pagkabata hanggang ngayon. Doon siya humuhugot. Kaya bawat luha niya sa eksena, totoo. Bawat sigaw, may ugat.At sa kabila ng pagod, ramdam niya, she’s growing. As an actress. As a woman. As someone reclaiming her place in the world.Tahimik siyang lumabas ng rehearsal room, pinupunasan ang pawis sa noo. Dumiretso siya sa CR. Sa wakas, sandali ng katahimikan. Sa loob ng cubicle, sinandal niya ang noo sa malamig na pader. Sandaling pahinga. “Kaya ko ’t

  • My Ninong’s Secret Desire   03

    Tahimik sa loob ng sasakyan. Tanging tunog ng ulan at mahinang ugong ng makina ang bumabasag sa katahimikan. Nakatitig si Elira sa harapan, mahigpit ang pagkakahawak sa maliit niyang clutch bag. Ramdam niya ang lamig ng aircon sa balat ng kanyang mga braso, pero mas malamig ang presensya ng lalaking katabi niya.Ngunit sa kabila ng tila malamig na kilos ng lalaki, may init sa mga mata nito, parang may sinusuri. Hindi lang basta panlabas na anyo. Parang binabasa nito ang buong pagkatao niya.“Ano’ng pangalan mo ulit?” tanong nito habang nakatingin sa daan. Hindi niya nakalimutan ang pangalan ni Elira, ngunit tila sinadya para magbukas ng usapan. “Elira po,” sagot niya, mabilis, mahina, pero malinaw.Tumango ang lalaki. “Ilang taon ka na?”“Twenty-one,” halos pabulong ang sagot niya, sabay iwas ng tingin.Napalingon ang lalaki. Matagal. Mapagmatyag. “Twenty-one?” ulit nito.Tumango si Elira. Kumakabog ang dibdib. May kung anong bumibigat sa pagitan ng mga tanong nito, parang may hinaha

  • My Ninong’s Secret Desire   02

    Bago pa man bumukas nang tuluyan ang gate ng kanilang barung-barong na bahay sa Tondo, mabilis nang sumingaw ang amoy ng luma, ng kahoy na basa. Pamilyar. Bahay nga nila. Kahit gaano kasimple, ito pa rin ang pinakaiingatang mundo ni Elira. Isang lugar na kahit bitak-bitak, ay punô ng alaala, masaya man o masakit.Bitbit ang maliit na paper bag mula sa botika, maingat siyang pumasok, iniiwasang gumawa ng ingay.“Ma?” tawag niya, mahina at may pag-aalala.Nagulat siya nang makita ang ina na halos nakatayo na mula sa pagkakahiga sa lumang sofa, pilit inaabot ang baso ng tubig sa mesa. Namimilipit ang katawan nito, nanginginig ang mga kamay.“Ma!” Nilapag agad ni Elira ang dala at mabilis na lumapit, agad inalalayan ang ina. “Ano ba? Sabi ko ‘di ba, magpahinga ka lang?”“Anak, kailangan ko lang naman uminom ng tubig. Ayoko namang parang inutil na lang ako dito,” sagot ng ina, pilit na ngumiti, pero halata sa mata ang hirap at pagod. Sa bawat salita nito ay parang may kasamang paghingal.H

  • My Ninong’s Secret Desire   01

    Mainit ang ilaw sa studio, pero mas mainit ang kabog ng dibdib ni Elira habang nakaupo siya sa bench, kasabay ng halos dalawampung babaeng kagaya niya; magaganda, payat, bihis na bihis, at gutom na gutom sa tagumpay.“Number 17, Elira Santillan,” tawag ng assistant director.Tumayo siya, agad nag-angat ng baba, sinimot ang kumpiyansa sa katawan, at pumasok sa loob ng audition room na tila courtroom, puno ng mga matang huhusga sa kanya.Sa gitna ng mahabang mesa, nakaupo ang isang lalaki. Naka-itim na polo shirt, simple lang, pero lutang ang awtoridad. Tahimik siyang nakatitig, walang sinasabi, pero sapat na ang presensya niya para mapanginig ang tuhod ng kahit sinong gustong sumikat.“He’s the CEO,” bulong ng isang staff sa likod habang sinasara ang pinto.‘CEO? Ng Golden Sun Entertainment?’ sa isip niya.Ang kumpanya kung saan halos lahat ng sikat na artista ngayon ay dito nanggagaling. Elira’s throat tightened.“Name?” tanong ng lalaking nasa gilid, pero hindi ang CEO.“Elira Santil

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status