INICIAR SESIÓNNatapos ang shoot sa araw na iyon at walang gana si Elira. Hindi niya rin magawang makipag-usap sa kahit na sino dahil ang isipan niya ay napunta sa balitang lumalabas. Hindi niya inasahan na ganoon kabilis kakalat ang issue. Kaya nang pauwi na siya, kahit si Amelie na kanyang Personal Assistant ay hindi rin magawang magsalita. Natatakot siya na baka mas lalong bumigay si Elira, hindi iyon pwede dahil marami pa itong dapat gawin buong linggo. Kung makakasira sa kanya ang isyu na iyon, mas mahihirapan silang makagawa ng panibagong schedule para kay Elira. Pagkababa ni Elira mula sa sasakyan, ramdam pa rin niya ang bigat ng araw. Parang wala siyang lakas bumaba, pero pinilit niyang itapak ang paa sa sementadong driveway. Tahimik ang paligid ng bahay nila, pero kakaibang lamig ang bumalot sa hangin, hindi iyon galing sa aircon o sa gabi, kundi sa presensyang alam niyang naghihintay sa loob.‘Alam ko nakita niya narin iyon.’ isip niya.Pagbukas pa lang ng pinto, sinalubong siya agad ng
Buong gabi, hindi mapakali si Elira. Pagkatapos ng nangyari sa restobar sa Antipolo, parang paulit-ulit lang na bumabalik sa isip niya ang bawat eksena, ang halik ni Marco, ang biglang pagdating ni Gavin, at ang malamig pero sugatang tingin nito bago siya umalis.Tahimik lang sila ni Marco sa biyahe pauwi. Walang nagsalita. Ang tanging maririnig ay ang mahinang ugong ng makina at ang ugong ng hangin sa labas ng kotse. Gusto sana niyang magsalita, ipaliwanag man lang kay Marco na hindi niya ginusto ang nangyari, at gusto niyang ipagtanggol si Gavin laban sa mga iniisip nito, pero tila natuyo ang lalamunan niya.Pagdating sa bahay, marahang binuksan ni Marco ang pinto ng kotse para sa kanya.“Salamat sa paghatid,” mahina niyang sabi.“Good night,” sagot ni Marco, pero walang gaanong emosyon sa boses. Parang pareho silang pagod, hindi lang sa gabi, kundi sa mga emosyong hindi nila alam kung saan ilalagay.Pagpasok ni Elira sa bahay, sinalubong siya ng malamig na hangin mula sa aircon. Ta
Dinala ni Marco si Elira sa isang restobar sa may Sumulong Highway, Antipolo, kilala sa magandang tanawin ng buong Metro Manila sa gabi. Ang mga ilaw mula sa siyudad ay kumikislap sa ibaba, parang mga bituin na nahulog sa lupa. Ang hangin ay malamig, may halong amoy ng kapeng barako at bagong ihaw na pagkain mula sa mga kainan sa paligid.Pagkapasok nila, sinalubong sila ng crew na halatang handa na. May nakahandang mesa sa open terrace, may kandila sa gitna, at sa likod nila, mga hanging tanim at ilaw na bumbilya na nakasabit. Simple pero romantic.‘Too perfect.’ naisip ni Elira. Masyadong maayos para sa “spontaneous bonding” daw ng management.“Ang ganda rito,” bulong niya, habang pinagmamasdan ang tanawin.“Bagay sa’yo,” sagot ni Marco, sabay kindat.Napailing siya, pero bahagyang natawa. “Ang bilis mo namang bumalik sa cheesy mode.”“Part ng trabaho,” biro ni Marco. “Sabi ng management, kailangan daw may chemistry kahit off-cam.”Pero habang tinitigan ni Marco si Elira, ramdam niy
Maagang nagising si Elira kinabukasan. Ang sinag ng araw ay sumilip sa puting kurtina ng kwarto, at ang lamig ng hangin mula sa aircon ay tila paalala na may isa na naman siyang mahabang araw sa harap ng kamera. Pagmulat pa lang niya, tumunog na ang cellphone, notification mula sa production team.[Call time: 7:30 A.M. / Pick-up: 6:00 A.M.]Napabuntong-hininga siya, saka marahang bumangon. Isang tingin sa salamin, isang pilit na ngiti. “Good morning, Elira,” mahina niyang sabi sa sarili, at naalala ang sinabi ni Gavin sa kanya kagabi, bago naglakad papunta sa banyo.Pagkaligo at bihis, bumaba siya ng bahay bitbit ang shoulder bag at isang tumbler ng kape. Sa kusina, naabutan pa niya si Josephine, na nag-aayos ng almusal.“Ang aga mo, anak,” bati ng ina, may bahid ng pag-aalala sa tono. “Kahapon pa kita hindi halos nakausap. Puro trabaho ka na lang.”Ngumiti si Elira, lumapit at hinalikan sa pisngi ang ina. “Pasensya na, Ma. Medyo sunod-sunod lang talaga ang schedule ngayon. Pero ayos
Matapos silang uminom ng tsaa sa main living room, tumayo si Gavin at tinapik ang kamay ni Elira. “Halika,” sabi niya, may banayad na ngiti. “May ipapakita pa ako sa’yo.”“Akala ko tapos na ang tour?” tugon ni Elira, tumatawa habang sinusundan siya.“Hindi pa,” sagot ni Gavin. “’Yong pinakamaganda, nasa taas.”Dumaan sila sa isang mahabang hallway, dinaanan ang ilang silid, guest rooms, isang maliit na library, at isang art room na may mga unfinished sketches. Mapapansin kay Gavin na bihira siyang magpaliwanag, tahimik lang siya, pero bawat hakbang niya ay mahinahon at puno ng kumpiyansa. Si Elira naman ay parang batang first time makakita ng ganitong kaluwagan.Pag-akyat nila sa hagdang bakal na paikot, bumungad sa kanya ang isang malawak na rooftop garden. Ang paligid ay may mga halaman sa gilid, may mga fairy lights na nakasabit sa bawat poste, at sa gitna ay isang glass table na may dalawang upuang gawa sa rattan. Mula roon, tanaw ang buong lungsod, mga ilaw ng gusali, mga sasakya
“Wow… ang ganda rito,” halos mapabulong si Elira nang bumaba siya ng sasakyan. Saglit pa siyang napatitig sa paligid, parang hindi makapaniwala sa nakikita. “Nasa Metro Manila pa naman tayo, hindi ba?” tanong niya, sabay lingon kay Gavin na ngayon ay abala sa pagbubukas ng gate para tulungan siyang makababa.Ngumiti si Gavin at tumango. “Yes, nasa Metro Manila pa rin tayo. Pero bihira lang ang nakakapasok sa parteng ito ng lungsod,” aniya, mababa at kalmadong tono ng boses. “I call this my world garden… and this is my real house. Nasa garden pa lang tayo, nasa loob pa ang bahay ko talaga.”Habang sinasabi iyon ni Gavin, hindi maiwasan ni Elira ang mamangha. Parang ibang mundo ang kinatatayuan nila. Sa paligid ay puro luntiang halaman, malalaking puno ng acacia na animo’y nagbabantay, at mga ilaw na nakatago sa damuhan, nagbibigay ng malamlam na liwanag na tila kumikindat sa dilim. Ang simoy ng hangin ay malamig, mabango, at may halong amoy ng mga bulaklak na hindi niya alam kung saan







