Share

Chapter 58: Patid

last update publish date: 2026-09-27 22:06:05

“Yohan, thank you sa food!”

Umikot ang mata ni Crayne sa irita. Kulang na lang hilahin niya si Ayla palabas ng rest house. Kundi niya lang naalala na pag-aari ng kapatid nito ang rest house na iyon ay baka nasa labas na ito ngayon.

Kanina pa siya nabubuwisit sa babae. Ang aga nitong nambulabog sa kanila para lang makikain ng agahan.

“Walang anuman, Halle, nabusog ka ba?”

“Of course! Ang sarap pa rin ng luto mo. Walang pinagbago.” Masayang tugon ni Ayla na may pahawak pang nalalaman sa braso n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My One Night Stand Agriculturist Billionaire    Chapter 60: Inis

    “You messed with the wrong person!” Tumilapon sa dagat si Ayla at Yohan matapos banggain ni Crayne ang sinasakyang Jetski ng dalawa. Huminto siya sa gilid ni Ayla at nginisihan niya ang babae. Asar na asar talaga siya sa pagmumukha nito.Akala mo kung sinong mabait pero nasa loob din pala ang kulo.“Ano? Masarap bang tumilapon?” matalim ang tinging ipinukol niya sa babae.“What the héll is your problem?!” galit na sigaw nito.“Gagá! Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko niyan? Ano ba ang problema mo sa akin?! Kanina ka pa sa rest house, ah!” nagpipigil ng galit na tanong niya. “Wala akong ginagawa sa ‘yo pero sinasagad mo ang pasensiya ko! Tapos kapag gagantihan ka, magagalit ka? Hanggang saan ba iyang kabóbóhan mo?!” nanlilisik ang mga matang sigaw niya.Hindi na niya mapigilang magalit. Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya ay nagiging emotional talaga siya this past few days.Tapos may tángâ pang mang-iinis sa kaniya.Umiikli ang pasensiya niya tuwing nakikita ang babae.

  • My One Night Stand Agriculturist Billionaire    Chapter 59: Jetski

    “Bakit hindi mo sinabi na dito ka pala pupunta?” Tanong ni Yohan nang makaupo sa gitna nina Crayne at Hans, bahagyang makasalubong ang kulay nito. Imbes na sagutin, inilihis ni Crayne ang kaniyang ulo upang makita si Hans na nakalahad pa rin ang kamay.“Nice seeing you here, Hans.” Inabot niya ang kamay ni Hans upang tuluyang makipag shake hands dito.“Me, too. Ngayon lang kita nakita rito. Bago ka lang ba?” nakangiting tanong pa ni Hans.Ang gwapo nito kapag nakangiti.“Ah, hindi naman. Halos dalawang linggo na rin ako rito.” Tugon niya sa tanong nito at medyo nainis siya nang mapansing sinasadya ni Yohan na harapan ito kaya hindi niya masyadong makita si Hans.“Stop talking to him.” Halata ang irita sa mukhang pigil ni Yohan sa kaniya.Sinamaan niya ito ng tingin. “Bakit ba? Pinigilan ba kitang makipag-usap sa Ex mo? Hindi naman ‘di ba?” ganting asik niya.Napahinga nang malalim si Yohan, tila pinapakalma ang sarili. “Crayne—” “Yohan! Mag-jetski tayo!” hindi natapos ni Yohan ang

  • My One Night Stand Agriculturist Billionaire    Chapter 58: Patid

    “Yohan, thank you sa food!” Umikot ang mata ni Crayne sa irita. Kulang na lang hilahin niya si Ayla palabas ng rest house. Kundi niya lang naalala na pag-aari ng kapatid nito ang rest house na iyon ay baka nasa labas na ito ngayon.Kanina pa siya nabubuwisit sa babae. Ang aga nitong nambulabog sa kanila para lang makikain ng agahan.“Walang anuman, Halle, nabusog ka ba?” “Of course! Ang sarap pa rin ng luto mo. Walang pinagbago.” Masayang tugon ni Ayla na may pahawak pang nalalaman sa braso ni Yohan.Sa inis niya, sinamaan niya ng tingin ang dalawa.“Aalisin mo ‘yang kamay mo sa braso ng ASAWA ko o putúlin ko ‘yang kamay mo?” hindi na nakapagtimping ani ni Cryane.Parehong natigilan ang dalawa at sabay na tumingin sa kaniya. Si Yohan ay napanganga na lang at hindi nakapagsalita.Si Ayla na nanlaki ang mga mata. Tila may narinig ito na hindi inaasahan. Nagpabalik-balik pa ang mga mata nito sa kanilang dalawa ni Yohan.“Asawa?” naguguluhang tanong ni Ayla.“Oo. Asawa. May problema ka

  • My One Night Stand Agriculturist Billionaire    Chapter 57: Banyo

    Warning: The following scene contains bedscene and explicit words. Read at your own risk.“Kainin mo na lang ako.” Natatawang tugong biro ni Crayne sa tanong ni Yohan. Wala kasi siyang ganang bumangon upang kumain. Mas gusto na lang niyang bumalik sa pagtulog.“Sure ka? Kakainin kita?” nakangising tanong ni Yohan sa kaniya at mabilis sumampa sa kama na ikinagulat niya.“U-uy!” napapalunok na anas niya nang dumukwang ito sa kaniya.“Oh? Akala ko ba kakainin kita?” malokong tanong niya.“Nagbibiro lang ako—” hindi niya natapos ang gusto niyang sabihin nang siilin siya nito ng halik sa labi.“Eh kaso ayaw ko ng ganiyang biro kasi…tinutotoo ko.” Malamlam ang mga matang bulong nito sa kaniya.Napakagat-labi siya habang nakatingin sa mga mata ni Yohan. Kitang-kita niya ang kagustuhan sa mga nata nito.Aaminin niyang gusto rin naman niyang kainin siya ng asawa.“Maliligo lang ako,” nakaiwas tinging aniya rito.Yohan smiled. “Tara?” Bumaba ito ng kama at hinila siya patayo.“A-anong ginagawa

  • My One Night Stand Agriculturist Billionaire    Chapter 56: Magkapatid

    “Hi! I’m Ayla Halle,” nakangiting pakilala ng babae. Napatingin siya sa kamay ng babae kaya nakipag-shake hand siya rito. Napatingin siya kay Yohan na tahimik na nakatingin sa kaniya. Parang may malalim na iniisip ang asawa.“Crayne,” makiling pakilala niya sa sarili.Nilakihan niya nang bukas ang pinto upang makadaan ang dalawa.“Thank you!” pasalamat ni Ayla at hinila ang kamay ni Yohan papasok.Nakasunod lang ang tingin niya sa dalawa. Hindi niya alam kung ano ang maramdaman niya ngayong nakita niya sa wakas ang Ex-girlfriend ng asawa.Maganda ito, sexy, at halatang spoiled. Halata ring parang maarte. “Oh my! Nandito pa rin ‘to?” gulat man ay natutuwang tanong ni Ayla kay Yohan sabay pakita nung handmade shells na nakasabit sa dingding nitong sala.“Yeah.” Maikling sagot ni Yohan sa babae.“Ang tagal na nito. Ito yung ginawa natin noong nasa college pa tayo!” masayang sabi ni Ayla.Pinagmamasdan niya ang dalawa. Masasabi niyang bagay nga naman ang dalawa. Tinitigan niya si Ayla,

  • My One Night Stand Agriculturist Billionaire    Chapter 55: Ex-girlfriend

    “Ito ang inasikaso mo kanina?” Hindi makapaniwalang tanong ni Crayne habang gulat na gulat na nakatingin sa event hall ng hotel. Pasado alas-syete pa lang ng gabi at doon siya dinala ng binata matapos nilang panoorin ang paglubog ng araw kanina.“Yes, Wife.” Tangong sagot ni Yohan habang nakikipag-kamay sa mga bisita.Well, hinandaan pala ni Yohan ng selebrasyon ang kasal nila. Halos mga nandun is mga guest ng resort at kilala nila ng kaibigan ni Yohan na si Greg.Nilibot niya ang paningin sa buong hall. Maganda ang mga disenyo kahit simple lang marahil ay wala ng oras.Napangiti siya nang makita ang ‘di kalahigang tarpaulin kung saan ang picture nila kanina sa court room ang nandun.“Nagustuhan mo ba?” tanong ni Yohan sa kaniya.“Oo. Paano mo naihanda ‘to?” takang tanong ko.Panay pa rin ang tingin ko sa buong paligid. May buffet kaya ang mga bisita na mukhang gutom na ay nagsikuha na ng pagkain kahit kakapasok pa lang nila.Open for everyone ang selebrasyon kaya kahit sino ang puma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status