Share

My Playboy Boss
My Playboy Boss
Author: Miss A.

Kabanata 1

Author: Miss A.
last update Huling Na-update: 2025-03-08 12:13:20

Aia's POV

Marami pa akong kailangan tapusing gawain sa office kaya naman pagkakain ko ng lunch ay umakyat na agad ako sa opisina ng aking Boss. May 30 Mins pa naman sana ako para magpa hinga, pero dahil kailangan ko ng maipasa ng 1pm ang report saaking amo ay pinili ko ng bumalik na lang agad saaking trabaho.

Sa table ko ako dumiretso at chineck ang files na kailangan ko ng ipasa kay sir Dark. Pinasadahan ko muli iyon ng tingin para siguraduhing walang pagkakamali doon. Para mamaya, pipirmahan na lang ni Boss pagbalik nya galing sa labas.

Ako pa lang ang nasa itaas dahil lahat ng empleyado ay nasa canteen pa at nag lulunch. Dadalahin ko lang ito sa office ng aking boss, then sisimulan ko na gawin yung mga paper works ko. Dahil alam kong wala pa si Boss sa kanyang opisina, kaya naman dire-diretso lang akong pumasok doon. Ganon na lang ang pagka sindak ko! Nabitawan ko ang hawak kong mga folder dahil sa hindi ko inaasahang masasaksihan.

Si Jenny na office staff ay naroon sa loob ng opisina ng Boss ko. Nakalihis ang palda nya habang nakatuwad at binabay* ni Sir Dark.

Natigil ang aking Boss sa kanyang pag bayo at na palingon sa gawi ko. Para naman akong natulos saaking kinatatayuan at hindi makapaniwala saaking naaktohan. Ito ang kauna unahang pagkakataon na naka kita ako ng live scandal.

“Aia” usal ng aking malanding boss na nagulat din ng makita ako. Mabilis nitong hinugot ang kanyang ari. Doon naman ako natauhan kaya nagmamadali akong lumabas ng kanyang opisina.

Kabado bente ako saaking nakita. Kahit kailan talaga ang Boss ko, oo! Wala na talagang pinipiling lugar at babae! Basta inabot ng lib*g kahit saan babayo, daig pa ang aso!

Pumunta ako sa pantry area. Kumuha ako ng malamig na tubig saka uminom. Para akong uhaw na uhaw! Nanunuyot ang aking lalamunan. Ang inosente kong pag iisip ay nabahiran ng kamunduhan. Ipinilig ko ang aking ulo para alisin sa aking isipan ang nasaksihan kong kababuyan.

“Haist! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana sinulit ko na lang sa labas ang 30 mins ko pang break!” inis kong singhal.

Napalingon naman ako sa gawing kaliwa ko ng maramdaman ang taong papalapit saakin. Si Jenny yon na nakaayos na ng suot nyang damit pati ng buhok. Akala mo talaga walang nangyari sakanila ng aking boss.

“Pinapatawag ka ni Sir Dark.” nahihiya nitong sabi saakin. Inirapan ko naman sya saka ako tumayo at nilagpasan sya.

Kakaloka itong babaeng to! Walang delekadesa sa sarili! Alam ko naman na patay na patay sila sa amo kong malandi, pero kailangan ba talagang magpatir* na lang basta? Nowadays ang nga kababaihan hindi na iniisip ang kasagraduhan ng purity at virginity!

Ibang iba na talaga ang mga kabataan ngayon.

Alam ko naman na mas bata ito saakin. 29 years old na ako habang ito ay nasa 22 pa lang yata. Ito namang si Boss ay 33 na! Napaka laki ng agwat! Para nya na ngang kapatid itong si Jenny, sa laki ng Age gap nila pero hindi pa rin pinatawad! Hayyyy!! Mamaya lang talaga pag balik ko sa opisina nya makakatikim sya saakin ng nagbabagang sermon!

Inis akong pumasok sa kanyang opisina. Mas lalo pa akong nainis ng madatnan ko syang hawak na ang folder na ipapasa ko sana sakanya kanina. Parang walang nangyari ah! Ayon ang malandi, busy bisihan kuno!

“Ehem!” tumikim ako para kunin ang kanyang atensyon. Nag angat naman sya ng tingin saakin saka itinabi ang folder na hawak. Naka krus ang dalawa kong kamay saaking dibdib na lumapit sakanya.

“Ano tapos na ba kayong mag bayuh*n?” mataray kong sita sakanya na kinangiti naman ng walang hiya!

“Bakit ba kasi basta basta ka na lang pumapasok sa opisina ko ng hindi man lang kumakatok?” balik tanong nya saakin na tatawa-tawa pa.

“sa pagkaka alam ko kasi sir lunch break ngayon! Malay ko bang iba pala ang gusto mong kainin!” inis kong sabi saka naupo sa harap ng table nya.

Iniabot nito saakin ang folder na dinala ko sakanya. Binuklat ko iyon para icheck kung na pirmahan nya na ba lahat ng kailangang pirmahan.

“this will serves you a lesson. Hindi ka dapat basta basta pumapasok sa opisina ko kung ayaw mong makakita ng live show!”

Marahas kong Ipinilig ang ulo ko at tinakpan ang tenga ko! Ayokong makarinig ng kung ano-anong kalaswaan mag mula sakanya!

“Stop!!! Pwede ba wag mong babuyin ang inosente kong isipan? Nakakadiri ka!”

Tumawa naman ito na lalo kong ikinainis.

“ilang taon ka na ba? If I am not mistaken 29 ka na! Hindi ka na menor de edad Aia!” sahalip na sya ang pangaralan ko, mukhang ako pa ngayon ang na hot seat!

“Sir wag mo akong ipares sa mga babae mong kaladkarin.” Pagalit ko sakanya.

Pinag krus naman nito ang mga braso sa dibdib niya at mataman akong tiningnan.

“I know, kaya nga until now no boy friend since birth ka parin. Walang experience sa s*x!” pang insulto niya sakin.

Malakas talaga itong mang asar! Kuhang kuha ang pikon ko!

“Syempre naman sir! Ibibigay ko lang ang sarili ko sa taong mapapangasawa ko. Atleast maipagmamalaki ko sakanya na sya ang nakauna saakin. Hindi kagaya ng ibang babae dyan na nilaspag na ng kung sino-sino bago maikasal.”

“Eh, nasan na ba yang ipinagmamalaki mong lalaki na pag aalayan mo ng virginity mo? Your incoming 30 hindi ka pa rin ikinakasal.” tatawa tawa na naman nitong saad.

“Eh sa hindi ko pa natatagpuan. Pakealam mo ba?”

“Haha makunat na yan bago pa mapakinabangan.” patuloy pa rin nitong pang aasar kaya hindi ko napigilan ihampas sa kanya ang hawak kong folder.

Nawala ang ngiti nito sa labi. Seryoso nya akong tiningnan.

“Ikaw lang ang nakagawa saakin nyan Aia. No one dares to do that to me.” Seryoso na ang mga titig nya saakin.

Nakagat ko naman ang ibabang labi ko. Saka ko na realize na amo ko nga pala ang nasa harapan ko. Totoo rin ang sinabi niya na walang kahit na sino ang nag lakas ng loob na hampasin sya. Lahat ng empleyado ay takot sakanya dahil kahit palikero siya ay seryoso ito kapag nasa trabaho na.

“S-sorry ikaw naman kasi lakas mong mang asar.” nahihiya akong nag yuko ng aking ulo.

Naramdaman kong tumayo siya pero hindi pa rin ako nag angat ng aking ulo. Naramdaman ko na lang na hawak na niya ang aking kamay at hinila ako palabas ng kanyang opisina.

“T-teka? Saan mo ako dadalhin?” pa palayasin nya na ba ako? Hindi ko naman sadya eh! Sya naman kasi ang lakas mang asar!

“Samahan mo ako, kakain tayo. Hindi pa ako nag lulunch.” napatanga naman ako sa sinabi niya. Wala na ang dominanteng imahe nito kanina. Ang bilis magbago ng mood. Akala ko talaga itatapon nya na ako palabas ng opisina nya e.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (42)
goodnovel comment avatar
Mina Mupak Samaon
Sana my wakas yung iba wala makainis
goodnovel comment avatar
Janel Somo
Nice story
goodnovel comment avatar
Janel Somo
Ganda ng story
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • My Playboy Boss   Kabanata 735

    “Ano, okay ba sainyo ang mga suits nyo?” tanong ni Aia sakanila. “Okay na sana, ang kulit kasi ni Troy, napunit tuloy yung tahi sa may bandang pwetan ng pants ko!” sumbong ni James. Tinapunan ng masamang tingin ni Miracle si Troy. “Ano na namang ginawa mo?” nakapamewang na sita ni Miracle sa a

  • My Playboy Boss   Kabanata 734

    3RD PERSON'S POV “Boys, Ito na yung isusuot nyong tuxedo! Suot nyo na dali.. Kapag hindi maganda ang sukat sainyo at may nais kayong ipabago, sabihan nyo lang ako.” ani Beatrice sa mga kaibigan ni Dark. Ang mga babae naman ay nasa kabilang silid at nagsusukat din ng kani-kanilang gown na isusuot

  • My Playboy Boss   Kabanata 733

    Mabilis siyang bumitaw kay Bea at dahan-dahang napalingon kay Selena. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at sunod-sunod na napalunok ng makita ang mataray na anyo ng asawa habang nakataas ang isang kilay sakanilang dalawa. “B-Babe, relax. Tropa namin ni Dark tong si Bea noong high school.”

  • My Playboy Boss   Kabanata 732

    3RD PERSON'S POV “Aia, take a look at this gown. Ang ganda diba? Ugh, bagay na bagay to sayo! For sure maglalaway sayo si Dark kapag nakita ka!” ani Beatrice na ipinakita sakaniya ang magazines na may isang larawan ng modelo na nakasuot ng Boho wedding gown dress. Ang lace at tulle na damit pang

  • My Playboy Boss   Kabanata 731

    Naglaglaglagan ang mga luha ni Brenda. Tumago-tango siya at nag angat ng tingin saakin. “Oo, Aia. I'm sorry. Promise, magbabago na ako.” Ngumiti ako sakaniya. “Mabuti naman kung gayon. At ikaw naman Klea, sana matuto ka din tanggapin ang pagkasawi mo. Marami pang ibang lalaki dyan. Wag kang ma

  • My Playboy Boss   Kabanata 730

    AIA'S POV “G-Good Morning po, Ma'am Aia.” inabutan ko si Klea at Brenda sa pantry area. Nang mapalingon sila sa pagpasok ko ay agad silang nagkumahog sa pagtayo at bumati saakin. Tumango lang ako sakanila bilang tugon at dumiretso na sa counter para gumawa ng kape ni Dark. Naramdaman kong ma

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status