Share

Kabanata 2

Author: Miss A.
last update Huling Na-update: 2025-03-08 12:24:21

AIA'S POV

Lahat ng babaeng madaanan namin dito sa loob ng restaurant ay napapasunod ng tingin sa kasama kong lalaki. Kanda haba na ang leeg ng mga babaihang ito kakahabol ng tingin sa Boss ko na todo alalay naman saakin papunta sa table na u-okupahan namin.

Sa mga ganitong pagkakataon ay hindi naman talaga si Dark ang klase ng tao na mahilig makiulayaw sa ibang tao. Sya ay yung tipo ng lalaking aakalain mong suplado. Oo marami na syang babaeng naka s*x pero lahat ng yon ay hindi naman sya ang nag first move. Hindi ka nya papansinin kapag hindi mo rin sya pinansin, yan ang attitude ng lalaking kaharap ko ngayon na abala na sa pag pili ng kakainin nya sa menu.

"May naorder ka na ba?" baling nya saakin sa malambing na tinig.

“Kumain na ako kanina. Umorder ka na ng pagkain mo, wag mo na akong intindihin.”

Ngumiti na lang ako dito para ipakitang ayos lang ako.

“Umorder ka na kahit dessert lang. Ayoko naman kumain ng nakatanga ka lang sa harap ko.”

Sa 9 years na pagiging secretary ko sakanya, kabisado ko na ang ugali nya. Alam kong kapag inutos nya ay kailangan mong sundin. Napaka bossy! Sabagay, sya nga naman ang boss ko.

Wala akong nagawa kundi mag order na lang ng dessert gaya ng sinabi nya.

Nang dumating ang pagkain namin ay sinimulan na nyang kumain. Hindi ko naman mapigilan pag masdan sya habang kumakain. Gwapo naman talaga itong boss ko kaya hindi nakakapag taka kung ang mga kababaihan ang syang nag aalay ng kanilang sarili sakanya. Bukod sa gwapo ay matikas din ang pangangatawan. Bakas sa suot nitong Suit ang mga muscles nitong humahapit sa kanyang kasuotan.

“Malulusaw na yang ice cream mo.” puna nito saakin na nahuli akong nakamasid sakanya. Para naman akong napahiya kaya naman mabilis kong ibinaling ang atensyon ko sa ice cream sa harapan ko at sinimulang kumain.

"Pinagnanasahan mo din pala ako ng palihim Huh?” nasamid ako sa sinabi nya. Kinuha ko ang table napkin at pinunasan ang aking labi saka sya tinaasan ng isa kong kilay.

“Asa ka!” tumaas naman ang gilid ng labi nito na tila hindi naniniwala sa sinasabi ko.

“Ayaw pang umamin. Hindi naman kita masisi kung pati ikaw ma-attract saakin. Kasalanan ko bang maging gwapo?” bigla naman nagtayuan ang balahibo ko sa katawan sa sobrang taas ng self confidence ng kaharap ko. Oo gwapo naman talaga sya pero hindi nya ba alam ang salitang "be humble?”

“Kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo sir!” tumawa naman ito na mas lalo niyang ikinagwapo. Pero kahit gaano pa sya ka gwapo ay hinding hindi ako mahuhulog sa mokong nato! Ayokong magaya sa mga babaeng pinarausan nya lang at iniwan din.

Wala sa bukabularyo ng isang ito ang salitang settlement. Sa dami ng babaeng binayo nya wala pa akong nakitang sineryoso nya. Ni wala pa syang ipinakilalang girl friend nya. Ang lakas ng loob nyang asarin ako na no boy friend since birth eh sya nga rin, no girl friend since birth Pero di na virgin.

“Bilisan mo ng kumain sir Dark may meeting ka pa ng 2pm Kay Mr. Gonzales.” pag iiba ko na lang ng usapan. Ilang sandali lang ay natapos na rin ito sa pagkain at bumalik na rin kami sa opisina.

“Alam mo kung di lang tayo close iisipin kong may relasyon kayo ni Sir Dark.” ani sakin ni Brenda na isa sa office staffs. Nasa pantry area kami nag cocoffee break.

2:30 pm na. Nakaalis na ang aking boss at umattend ng meeting sa ibang lugar. May mga pagkakataon na hindi nya ako sinasama dahil kaya na daw nya. Mas pabor yon saakin dahil pag wala sya ay nakakapag relax ako dahil walang nag uutos. Kapag nariyan kasi ang amo ko ay halos sa office na nya ako mag lagi dahil hindi na siya nawalan ng ipagagawa saakin.

"Kung ano-anong naiisip mo Brenda!” suway ko sakanya.

"Hindi ka man lang ba na fo-fall kay sir Dark? Halos araw-araw kayong magkasama and iba ang treatment nya sayo kumpara saamin na lagi syang naka singhal. Dami kayang naiinggit sayo kasi close kayo ni Sir."

“Ano bang pinag sasabi mo? Alam mo hinding hindi ako ma iinlove sa palikero. Sisirain ko lang ang buhay ko. Kami ni Sir ay parang magkaibigan lang. Mabait naman kasi si Sir eh. Ayaw nya lang sa mga abusadong tao at mapag samantala.” titig na titig naman saakin si Brenda na tila inaaral ang mga sinasabi ko. Halatang hindi ito kumbinsido.

“29 ka na. Wala ka bang balak mag Boy friend na?” pag iiba nito ng usapan.

Haist! Heto na naman sila.. Lahat na lang sila pino problema ang edad ko. Ano bang masama sa edad ko? Eh sa hindi ko pa nakikita ang Mr. Right ko! Bakit ba masyado silang na pe-pressured sa kaalamang 29 na ako? Nakakairita!

“Alam mo Brenda, sahalip na problemahin mo ang love life ko, bumalik na tayo sa gawain natin at tapusin mo na yung ginagawa mo, dahil kailangan ko na yan maipasa kay Sir bukas na bukas.” tumayo na ako at iniwan na sya sa pantry.

Walang katuturan ang magpaliwanag ng magpaliwanag sakanila kung bat hanggang ngayon ay wala pa akong jowa.

Bumalik na ako saaking cubicle at ginawa ang aking trabaho. 5am na ng makabalik ang boss ko. Dumaan ito sa table ko at naglapag ng paper bag ng joll***e sa lamesa ko saka nag tuloy na sa kanyang opisina. Binuksan ko naman ang paper bag at napa ngiti naman ako ng malawak ng makitang iyon ang favorite kong fries at coke float. Hindi nya talaga nakakalimutan pasalubungan ako sa tuwing babalik sya galing sa meeting.

Nag text na lang ako sakanya ng Thank you message bilang pasasalamat na agad nya namang nireplayan ng U'r welcome.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (25)
goodnovel comment avatar
Mary Rose Villarin Janda
ganda ng story
goodnovel comment avatar
Savannah Jean Orilla
yes nakakakilig
goodnovel comment avatar
8514anysia
my ktpat dn nmn ang Playboy ei🫶🫶🫶🫶🫶
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • My Playboy Boss   Kabanata 735

    “Ano, okay ba sainyo ang mga suits nyo?” tanong ni Aia sakanila. “Okay na sana, ang kulit kasi ni Troy, napunit tuloy yung tahi sa may bandang pwetan ng pants ko!” sumbong ni James. Tinapunan ng masamang tingin ni Miracle si Troy. “Ano na namang ginawa mo?” nakapamewang na sita ni Miracle sa a

  • My Playboy Boss   Kabanata 734

    3RD PERSON'S POV “Boys, Ito na yung isusuot nyong tuxedo! Suot nyo na dali.. Kapag hindi maganda ang sukat sainyo at may nais kayong ipabago, sabihan nyo lang ako.” ani Beatrice sa mga kaibigan ni Dark. Ang mga babae naman ay nasa kabilang silid at nagsusukat din ng kani-kanilang gown na isusuot

  • My Playboy Boss   Kabanata 733

    Mabilis siyang bumitaw kay Bea at dahan-dahang napalingon kay Selena. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at sunod-sunod na napalunok ng makita ang mataray na anyo ng asawa habang nakataas ang isang kilay sakanilang dalawa. “B-Babe, relax. Tropa namin ni Dark tong si Bea noong high school.”

  • My Playboy Boss   Kabanata 732

    3RD PERSON'S POV “Aia, take a look at this gown. Ang ganda diba? Ugh, bagay na bagay to sayo! For sure maglalaway sayo si Dark kapag nakita ka!” ani Beatrice na ipinakita sakaniya ang magazines na may isang larawan ng modelo na nakasuot ng Boho wedding gown dress. Ang lace at tulle na damit pang

  • My Playboy Boss   Kabanata 731

    Naglaglaglagan ang mga luha ni Brenda. Tumago-tango siya at nag angat ng tingin saakin. “Oo, Aia. I'm sorry. Promise, magbabago na ako.” Ngumiti ako sakaniya. “Mabuti naman kung gayon. At ikaw naman Klea, sana matuto ka din tanggapin ang pagkasawi mo. Marami pang ibang lalaki dyan. Wag kang ma

  • My Playboy Boss   Kabanata 730

    AIA'S POV “G-Good Morning po, Ma'am Aia.” inabutan ko si Klea at Brenda sa pantry area. Nang mapalingon sila sa pagpasok ko ay agad silang nagkumahog sa pagtayo at bumati saakin. Tumango lang ako sakanila bilang tugon at dumiretso na sa counter para gumawa ng kape ni Dark. Naramdaman kong ma

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status