Share

Chapter 4

AODIE

Nakahiga na ako nang isang katok ang pumutol sa aking pagbabalak na matulog.

"Sino kaya ang hayop na gustong masaktan gamit ang mga kamao ko," saad ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa pintuan.

Marahan kong inabot ang hawakan ng pintuan at binuksan iyon.

Bumungad sa akin si Giovani na nakangiti at bahagya pang kumaway.

"Did I wake you up?" tanong nito na parang nahihiya.

Si Giovani Lopez, isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Don Marcelino pagdating dito sa Manila. Dati din siyang katulad ko na ipinambayad sa utang, pinag aral ng Don, tinuruan at inilagay sa posisyon sa grupong binuo nila.

Gwapo ang binatang ito, makisig dahil sa mga training na ginagawa, makinis ang balat pero may mga peklat na paniguradong dulot ng pakikipag laban.

Kung tutuusin, boyfriend material na s'ya dahil masayanin din ito, hindi ko naman maitatangi na may paghanga ako ng unti sa kan'ya. Pero syempre dahil hindi ko naman talaga alam pa ang gustong mangyari sa akin ni Don Marcelino.

Kailangan kong pigilan kung ano itong nararamdaman ko sa ibang tao.

Naputol ang pag iisip ko nang bigla itong tumikhim at ngumiti.

"Sorry! Hindi! Hindi pa naman ako tulog. Bakit pala?" tanong ko dito at bahagyang umiwas ng tingin. Nakarinig lang ako ng tawa sa kan'ya kaya napagtingin ulit ako.

"Pinapatawag ka ng Don," saad nito kaya bigla naman akong mas umayos nang marinig ko ang pangalan ni Don Marcelino.

"I'll just change my clothes, baba na din ako," saad ko dito at akmang isasara ung pinto.

"I'll wait for you then, sabay na tayo pumunta doon," nakangiti n'yang saad kaya naman tinguan ko s'ya habang nakangiti.

Matapos kong mag bihis ng simple itim na t-shirt at maong na hanggang tuhod, lumabas na din ako.

Pinusod ko ung mahaba kong buhok habang sabay kaming naglakad ni Giovani papunta sa private living room ng Don.

Malayo pa lang kami napapansin kong marami ang pumapasok dito.

"Bakit parang hindi lang ako ang ipinatawag?" tanong ko dito.

"Mukhang may mahalagang sasabihim ang Don sa atin," saad n'ya kaya napatango na lang ako.

Ano naman kaya iyon? Sabi ni Don Marcelino, bukas ng umaga ay uuwi na kami pero mukhang taliwas iyon sa mangyayari.

Pagpasok namin, agad kong nakitang nakatingin sa akin si Christine sabay irap. Hindi ko na lang pinansin at nagpaalam na lang ako kay Giovani na lalapit ako sa Don.

"Aodie, ija.. come here," tawag sa akin ni Don Marcelino nang makita n'ya ako.

Agad ko naman itong sinunod at mabilis na lumapit sa kan'ya. Bahagya akong umuko bilang respeto.

"Pinatawag n'yo po ako?" usal ko dito na ikinatango n'ya.

"Yes, hindi matutuloy ang plano nating pag uwi sa lugar natin, Aodie. You need to go with them," saad nito sa akin sabay tingin saga tao sa likod ko. "You people will have a 3 warehouse to raid, Si Cold na ang bahalang mag sabi sa inyo ng ibang details. He will be the one who leads you for this raid! Katulad noon, walang iiwan na kahit na sino lalo na pag nanlaban!" saad nito sa amin na ikinatango naming lahat. Tumingin s'ya kay Cold na tahinik na nakaupo sa isang silya. "I'll leave them to you," bilin nito.

"Don't worry, Sir. I'll take care of them but I don't want a burden in my group," malamig na usal nito at bahagyang tumingin sa akin. "I'm not a babysitter," habol n'ya pa.

Halos umusok ang ilong ko sa sinabi n'ya dahil pakiramdam ko para sa akin iyon! Hindi ako pabigat at lalong hindi ako pababy! Hindi ako alagain!

Napatingin naman ako sa gawi nila Christine nang marinig ko itong tumawa ng mahina.

Para akong tinakasan ng ulirat at agad kinuha ung baril sa tagilaran ko at itinutok iyon kay Cold. Wala akong pakialam kung sino s'ya o nandito si Don Mrcelino. Hindi ko nagustuhan ung sinabi n'ya!

"I'm not a baby for you to babysit!" madiing saad ko sa kan'ya.

Tumayo ito na walang reaksyon, sabay hawak sa dulo ng baril na hawak ko.

"Really? Then shoot me," malamig na pag hahamon nito.

Walang pag dadalawang isip ko namang kinasa ang baril na hawak ko habang nakatutok sa dibdib n'ya. Handa na akong kalabitin ang gatilyo ng baril ko nang magsalita ang Don.

"Enough with that! Aodie, will come with you tomorrow night! She's a good fighter and a shooter, she will never be a burden to you, Cold," saad nito.

Hindi naman natinag ang tinginan namin ni Cold, kahit halos mag yeyelo na ko sa malamig at seryosong tingin n'ya pinilit kong labanan iyon.

"Wag kang mayabang, Aodie! Baka mamaya mamatay ka n'yan sa mission nat-"

Hindi ko pinatapos ang sasabihin ni Christine at agad ko s'yang pinutukan ng baril sa paa nang walang tingin.

Isang impit na d***g ang narinig ko sa kan'ya. Hindi ako nag abalang tignan kung natamaan s'ya dahil base sa d***g n'ya alam kong may natamaan ako.

"Aodie! Put that gun down, ija.." malumanay na utos ni Don Marcelino. "Dahilhin n'yo s'ya sa ibaba para magamot ang paa n'ya," rinig kong utos nito.

Katulad kanina wala pa ding reaksyon ang mukha ni Cold dahilan para mas magngitngit ang kalooban ko!

"Aodie.. put that gun down.. kung ayaw ni Cold na sumama ka sa group n'ya, you can come with our group,"

Agad akong napatingin kay Giovani sa sinabi n'ya pero dahil din doon agad na naagaw ni Cold ung baril na hawak ko at ako na ngayon ang tinutukan n'ya ng baril sa sentido.

Ang kaninang matapang na Aodie ay napalitan ng takot dahil sa malamig na bagay na nakatutok sa ulo ko.

"Rule number 1. don't take your eyes off to your opponent," saad nito 'ska ikinasa ang baril.

OhGhad! Will he shoot me?

Dahil sa kaba, napapikit na lang ako dahil mukhang tutuluyan ako nitong lalaking malamig na ito.

Napadilat ako at sinabahan ng paigtad nang makarinig ako ng putok ng baril.

Hindi n'ya ako binaril pero ipinutok n'ya sa harap ko, sa paanan ko!

Binalingan ko s'ya ng tingin at katulad kanina ganon pa din ang mukha n'ya. Walang ekspresyon!

S'ya mismo ang nagbalik ng baril ko sa tagiliran ko at pag katapos no'n ay muli s'yang umupo na parang walang nangyari.

Agad akong nilapitan ni Giovani at hinila palayo kay Cold.

Nakatulala ako doon at parang nawala sa ulirat. Kung wala lang dito si Don Marcelino, baka binaril na n'ya ako sa ulo.

"Enough with that petty. Pagplanuhan n'yo kung paano kikilos bukas. Mauuna na akong magpahinga. Balitaan n'yo ako," saad ni Don Marcelino bago nag lakad papuntang pintuan at lumabas.

Matagal na katahimikan ang nagkaroon bago mismong si Cold ang nag salita. Tumayo ito at pumunta sa lamesa kung nasaan ang sketch ng lugar na balak naming pasukin bukas.

Hindi ako nagsasalita at nakikinig lang sa malamig at nakakakilabot na boses ni Cold. Wala rin talaga s'yang ekspresyon na ipinapakita. Hindi ko alam pero bigla akong natakot sa kan'ya.

Igrinupo kami at si Giovani na ang nagsabi na sa kan'ya ako sasama. Bago matapos ang maghiwahiwalay nag pahuling bilin si Cold.

"Tomorrow, just don't die," saad nito at isa isa kaming tinignan.

Agad akong nag iwas nang magtama ang paningin namin.

I won't! Papatunayan ko iyon sa'yo! Mr. Cold! Makikita mo!

—-------------

Kinabukasan, maaga akong gumising para mag ehersiyo at mag training sa lahat ng aspeto ng mga nalalaman ko. From close combat, secondary weapon, lethal weapon, far range, close range and even sniper.. lahat sinanay ko para may mapatunayan sa lalaking ang pangalan ay Cold! Hindi ako mamatay ngayon!

Habang nakatutok ang baril kong hawak sa isa sa mga puno na mahigit kumulang sampung metro ang layo sa akin. May nag salita,

"Sobrang seryoso mo naman.. alam mo bang halos madurog ang buto ni Christine dahil sa tama ng baril mo,"

Agad kong nilingon si Benjie na nakatayo sa gilid ko. Tinignan ko s'ya sa mata 'ska kinalabit ang katilyo ng baril na hawak ko.

"Mukha ba akong may pake sa sinabi mo?" tanong ko sa kan'ya na ikinatawa n'ya.

"Sabi ko nga wala e," natatawang saad nito at umakbay sa akin. "Nabalitaan ko, nagkabangga kayo ni Cold kagabi sa pagpupulong?" pag iiba nito sa usapan.

Dahil naman sa kan'yang tinuran, bigla naman nagflashback sa aking isipan ang nangyari lalo na doon sa part na pinutukan n'ya ako ng baril sa paanan ko.

"That jerk! S'ya ang nauna! Paringgan ba naman akong pabigat!" singhal king kwento sa kan'ya na ikinatawa lang nito.

"Ikaw naman! Alam mo naman na hindi iyon totoo, nagpadala ka na naman sa damdamin mo. Hindi ba bilin sa atin ni Don Marcelino na laging wag magpapadala sa bugso ng damdamin.. hayaan mo na lang iyon si Cold. Mabait naman iyon lahit mas malamig pa s'ya sa yelo," biro nito pero hindi ako natawa at naalala lang iying sinabi sa amin ng Don.

May tama nga s'ya, nagpadala na naman ako sa bugso ng damdamin ko.

"Hihingi na lang ako ng paumanhin sa Don pero hindi sa lalaking yelo!" saad ko na ikinatawa n'ya.

"Ayan nga ang dapat mong gawin, pero bago iyon! Maglinis ka na at sabay na tayo kumain ng agahan. Mamili ka na din ng baril at secondary weapon mo mamaya pagkatapos natin, ang iba ang nakapili na pero syempre dahil malakas ka sa akin, tinabi ko ang magagandang klaseng baril para sa inyo ni Cold," saad nito na ikinangiti ko.

Bilin sa akin ng Don na wag masyadong maging malapit sa mga kasama namin dahil hindi maiiwasang mag karoon ng traydoran pero pag dating kay Benjie, he allowed me to be friends with this guy.

Sabay kaming bumaba at sinabi n'yang iintayin na lamang n'ya ako sa dining.

Mabilis akong naligo at nag ayos ng sarili. Suot ang itim na sando, isang maong pants at puting tsinelas, bumaba ako para kumain ng agahan. Magaan ang pakiramdam ko dahil nakapag ensayo ako.

Nakangiti akong pumasok ng dining pero agad ding nag laho nang makita ko ang lalaking yelo! He's simply talking to Benjie na seryoso lang din na naghahanda ng pagkain naming dalawa.

Tumingin sa akin si Benjie nang maramdaman n'ya ung presensya ko.

"Bilis uy! Gutom na ko," saad nito at umupo sa tabi ni Cold.

Naglakad lang naman ako sa kabilang side at doon naupo sa tapat ni Benjie.

Habang nag uusap sila about sa mga gamit na dapat ihanda ni Benjie, mga pabaon kung baga. Ako naman ay tahimik lang na kumakain at umiinom ng kape na s'yang inihanda nitong kaibigan ko.

Halos mamatay naman ako nang ituro ako ni Benjie kay Yelo ay I mean Cold pala.

"Eto si Aodie! Magaling na sniper 'to, s'ya kaya nagamit ng mga ipinadala mong sniper gun dito.. s'ya pinagamit ko kasi maalam s'ya doon, though she's also good at close range at combat battle, mas mapag kakatiwalaan nga lang s'ya sa snipping.. pupusta ko isang daliri n'ya!" saad nito sabay subo ng kaning nasa kutsara n'ya.

Hindi ko naman alintana ang tingin ni Cold sa amin nang batuhin ko ng baso itong si Benjie na natamaan naman sa gusto kong tamaan, pero imbis na magalit ay natawa lamang s'ya.

Sinamaan ko s'ya ng tingin oero parang wala lang talaga sa kan'ya iyon. Tarantado talaga ang hayop na ito! Ibinenta ako!

Bumalik sila sa pag uusap ng seryoso nang matapos naming mag talo ni Benjie gamit ang mga tingin. Habang ako bumalik sa pagkain.

Napatingin naman ako kay Cold nang magsalita ito at alam kong ako ang kinakausap n'ya.

"You will be the sniper later, woman. Prepare yourself. Ayoko ng palpak sa gawin," saad ni Cold bago tumayo at lumabas ng dining.

"Nakita mong kasimpatikuhan ng lalaking yelo na iyon! Argh!!! Nakakainis talaga! Gusto ko s'yang chopchopin tapos isako!" gigil na saad ko na may kasama pang action kaya tawa nang tawa so Benjie.

"Mabait si Cold, mas mabait pa s'ya sa mga taong akala natin mabait.. trust me, Aodie.." natatawang saad n'ya sabay subo sa pagkain n'ya.

Natapos kaming kumain kaya naman nagpunta kami sa under ground kung nasaan nandoon ang sankuwaryo ni Benjie. Ang mga baril at iba pang mga kagamitan na lagi naming ginagamit.

Pumasok kami sa pinkadulo at itim na pintuan matapos n'yang pumindot sa kung saan. Pag pasok namin, hindi na ako nagulat na tumambad sa amin ang mga dekalibremg baril na mukhang kakadating lamang dito sa mansion.

"Pumili ka ng baril na sa tingin mo kayang kaya mo at syempre malakas na parang ikaw," saad nito at inabot sa akin ang isang baging knife. "Kayang gumilit ng leeg kahit dikit lang," saad n'ya na may ngisi sa mga labi.

Kinuha ko iyon at pinagmasdan ang bawat talim ng kutsilyong ibinigay n'ya akin.

Isang ngiti ang sumilay sa akin at tumingin kan'ya.

"Kaya din ba nitong gumilit ng leeg lahit pa yelo ang tao?" tanong ko.

"G*go! Hindi mo pwedeng galawin si Cold! Baka unahan ka no'n.. hindi mo s'ya kilala, Aodie!" natatawang banta nito.

Matapos naming pumili, lumabas na kami. Kasama ang mga pinili kong baril pati ang accessories nito.

"Aods! Bumalik kang buhay," seryosong saad ni Benjie bago kami mag hiwalay ng landas.

Lagi n'yang sinasabi sa akin iyon tuwing may raid kaming ginagawa.

—----------

Dalawang oras bago kami umalis, muli kaming nagpulong. Nakasuot lang ako ng all black! Itim na sando na pinatungan ng isang itim na jacket, black pants at black boots. Ipinusod ko ang buhok ko at may nakatago din akong facemask na black sa bulsa para pangtakim sa aking mukha.

"All of you! Come back alive!" bilin ni Don Marcelino sa amin na s'yang tinanguan namin.

Naghahanda na kami sa pag alis nang tawagin ako ng Don.

"Aodie, go back alive. Nag iintay ang pamilya mo sa iyo," saad nito.

"Makakaasa po kayo, Don Marcelino," saad ko bago yumuko at magpaalam sa kan'ya.

Dalawang puting van ang gamit namin papunta sa warehouse na ireraid namin.

Habang nasa byahe, inihahanda namin ang mga patalim, granada at balang kakailanganin namin.

Miski akong sniper ay nag hahanda ng mga gamit ko.

May kan'ya kan'ya din kaming suot na earpiece para naman marinig namin ang bawat isa lalo na ako dahil isa ako sa nasa taas.

—------------

Nasa isang mataas na puno ako at nakatago habang binabatayan ang bawat kilos ng mga kalaban pati ng mga kasama namin.

"Gio, 3 o'clock! 4 men" banta ko dito kaya naman tumigil sila. "Sa likod kayo nila dumaan, ako bahala sa dalawa," saad ko

Mabilis naman nilang ginawa iyon at katulad nang sinabi ko, agad kong pinatumba ang dalawa at sila naman ang bahala pa sa dalawa.

Nagpatuloy ang mga ito sa paglalakad hanggang sa nakarinig ako ng kaluskos sa gubat kung nasaan ako nakapwesto.

Tahimik akong makiramdam at hindi naman ako nagkamali, may apat na lalaking nandito at nag iikot, mukhang daily routine nila ito kaya naman.

Tumahimik ako at hindi gumawa ng kahit anong ingay.

'Aodie, check if there's an enemy in the perimeter area!'

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan nung narinig ko ung boses ni Cold at binanggit n'ya ung pangalan ko.

Malalim at paos ang boses n'ya.

"I can't. There's an enemy in my posistion, 4 men," bulong kong saad sa earpiece ko.

'Damn it! Don't move!' balik nito.

Segundo lang nakarinig ako ng palitan ng putukan kaya naman ang apat na lalaking armado ay mabilis na tumakbo papuntang warehouse.

As soon as they gone, I position myself again at sinuportahan ang mga kasama ko na nandoon sa warehouse.

'Aodie! Find all of their snipers now!' madiing utos ng lalaking yelo!

"Kopya!" madiing saad ko din sa kan'ya.

Ganoon ang ginawa ko at ilang mga snipers ang nabaril ko at tinapos ang buhay para sa mga kasama ko.

Sa sobrang focus ko sa hindi ko namalayan na may kasama na pala akong nakabantay sa galaw ko. Huli na para lumaban dahil naramdaman ko na ang malamig bagay sa akin sentido.

"Don't move, Ms. Sniper. Kung ayaw mong kumalat ang utak mo sa punong ito." banta ng nasa kaliwa ko na nakatutok sa sentido ko ang dulo ng baril na hawak nito.

'Aods! Don't do anything.. papunta na ako,' rinig kong saad ni Gio pero hindi ako sumagot dahil alam kong pag ginawa ko iyon ay katapusan ko na.

Nakatutok ang baril nilang dalawa sa akin habang pababa kami ng puno. Bitbit ng isang kasama nito ang baril ko habang naglalakad kami papuntang warehouse nila.

Nasa gitna kami ng gubat nang biglang bumagsak ang lalaking hawak sa akin. Gulat man ako sa nangyari naging oportunidad iyon para makuha ko ang kutsilyong ibinigay sa akin ni Benjie kanina. Pinaikutan ko ito at sinakal sa leeg, itinutok ko ang kutsilyong hawak ko at katulad ng sinabi ni Benjie, idinikit ko lang sa litid na nakakonekta sa pulso nito at wala pang isang minuto.

Naramdaman ko na ang pagkawala nito ng buhay pati ang dugo nitong umaagos sa kamay ko pati sa katawan n'ya.

Binitawan ko ito at hinayaang bumagsak sa gubat. Tinignan ki ang kaninang may hawak sa akin at nakita kong solid ang tama nito sa sentido. Naliligi na din ito sa sarili n'yang dugo.

Inilibot ko ang paningin ko pero wala kaong nakitang ibang tao. Sinong may gawa nito?

Naputol ang pag iisip ko nang marinig ko ang boses ni Gio, kasunod ng mga kasama namin, agad nilang tinignan ang dalawang lalaking nakahandusay sa lapag na naliligo sa dugo nila.

Magsasalita pa sana s'ya pero hindi na natuloy dahil nag salita si Cold.

"Let's go! Our mission here is done," expressionless na saad nito at nauna pang mag lakad sa amin.

Buong byahe akong tahimik at nag iisip sa nangyari. Bakit pakiramdam ko, masyadong alam ang pwesto ko? Pakiramdam ko.. may nanlaglag sa pwesto ko kaya nalaman nila iyon. At sinong bumaril sa lalaking nakahawak sa akin.

Nakarating kami ng mansion at hindi man lahat dahil may mga nawala sa main pero bilang lang sa daliri.

Sinalubong ako ni Benjie na nag tataka sa itsura ko. Kita ko naman ang kaba sa mukha n'ya nang makita n'ya na may dugo ang kamay ko.

"May tama ka?" nag aalalang tanong nito.

Umiling lang ako at tumingin sa mga kasama ko kanina. Napadaan ang tingin ko kay Cold na hindi man lang mababakasan ng pagkapagod o pagkabalisa sa nangyari.

Ako kasi kahit halos lagi na namin itong ginagawa, nababalisa pa din ako lalo na at alam kong nakakapatay ako ng tao.

Mabilis akong lumapit dito at hinawakan ito sa braso.

Niligon n'ya ako na nakataas ang kilay.. ang ganda talaga ng mata n'yang abo..

"What?!" malamig na tanong nito kaya naputol ang pag titig ko kasabay ng pagbitaw ko sa braso n'ya.

"Salamat," saad ko dito.

Hindi ko alam pero malakas ang kutob kong s'ya ang may gawa no'n.

Hindi ito nag salita at umalis na lang sa harap ko, pero huminto ito saglit at nagsalita.

"Rule Number 2. Don't trust those people around you. Rule Number 3. Don't let your guard down," mahinang saad nito pero malinaw sa pandinig ko lahat. "Tomorrow, 5:30am. Underground Combat Training Room, I'll wait for you there. 10 laps per 1 minute late," dagdag nito habang naglalakad na.

Ano daw?!

"Umpisa na ng training mo kay Cold.. goodluck! Maligo ka na! Kadiri ung amoy mo!" bilang saad ni Benjie sa gilid ko.

Training ko kay Cold?! Dapat ba akong kabahan?

--------------

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Ms.Dimples Ghurl❤
OMG.........bakit kinikilig ako sa kanila Ms.A............
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status