Kinabukasan ay maaga akong nagising, handa na ang suite na aking susuotin pamasok dahil hotel na mismo ang nag ayos nito para sa akin. Pinadalhan din nila ako ng breakfast kaya kumain na muna ako bago ako umalis upang sunduin na si Kiara sa aking bahay para pumasok.“Hello Manong, no need to pick me up. Ako na ang magda-drive para sa sarili ko ngayong araw. Pakitawagan na lang ang bodyguards ko para pasunurin dito sa hotel kung nasaan ako ngayon. Salamat po!” Tinawagan ko ang aking driver para bilinan.“Ok po Boss L, basta kung kakailanganin nyo po ako, tawagan nyo lang po ako. Tatawagan ko na po sila. Salamat po!” Sagot ni Manong sa kabilang linya.Ibinaba ko na ang tawag ng walang paalam at nag simula nang kumain habang nag babasa ng news paper na nakita kong nasa tabi ng hinanda nilang pagkain.Maya maya pa ay may kumatok na sa akin. Dumating na ang mga bodyguards ko kaya agad na lumugar na sila sa kanya-kanyang pwesto.7:00 AM...Nag drive na ako papunta sa aking bahay kung saan k
Boss L POV:Kasalukuyang nagmamaneho ako papunta sa isang hotel para doon na lamang muna magpa lipas ng gabi, mahirap na at baka hindi ko magawang makapag pigil kay Kiara kung sakali man. Napapangiting napahawak ako sa aking labi nang bumalik sa alaala ko ang tagpo sa pagitan namin ni Kiara kanina. ... .............. .......... .............. ................ ......... ....... .Flashback...“I-ikaw... Nung l-lasing ako?!”. Turo nito sa aking dibdib habang nagsa salita, malamang at naalala na nito ang mainit na tagpo sa pagitan namin nung gabing sobrang nalasing ito.“So, you remember now hmm? Good. I want you to remember everything! Because what we're going to do now is more intense than what happened before. If only you knew how much you teased me and left me wanting with what you did that time." Hinawakan ko ang pisngi nito at marahang hinaplos iyon.Natutulalang napatanga lamang ito sa akin. Nahihipnotismong mabilis na sinakop kong muli ang kanyang mga labi at mapusok na inangk
Kiara’s Flashback (Bar Night bonding) Chapter 17:Ramdam ko ang init sa aking katawan na gusto ko nang ilabas ngunit hindi ko alam kung sa paanong paraan... Hilong hilo din ako dahil sa sobrang pagka lasing. Alam kong may bumuhat sa akin at nabigla ako nang bitawan ako nito kaya agad na kinapa ko ang paligid ko, kinabahan ako dahil sa akala ko ay malulunod ako dahil alam kong nakalublob ako ngayon sa tubig, inangat ko ang aking kamay at may nahagip akong pantalon, buong puwersa kong hinila iyon. Naramdaman kong may mabigat na pumatong sa akin at para akong malulunod kaya agad na kumuha ako ng suporta mula dito sa pamamagitan ng pag hawak sa leeg nito.“P*ta”. Narinig kong mura nang taong nasa ibabaw ko, pilit kong iminumulat ang aking mga mata ngunit kusa iyong bumabagsak dahil sa kalasingan.Buong lakas kong hinila ang leeg nito at walang sabing hinalikan ko iyon. Dahil sa malakas na tama ng alak ay ramdam ko ang matinding atraksyon sa pamamagitan ng paghalik dito.Pilit kong hinali
“Nasaan po tayo Boss?”. Litong tanong ko pag baba ng sasakyan ni Boss L.“In Ayala Alabang.” Tipid na sagot nito sa akin.“Ano pong meron dito?” Dugtong na tanong ko.“This is the house where your family will live.” Seryosong sagot nito na nakatingin sa isang malaking bahay sa tapat namin kung saan nya itinigil ang sasakyan at pinababa ako habang nakahalukipkip ito at naka sandal sa hood ng kanyang sasakyan.“H-huh? I-ito po?” Manghang turo ko sa bahay na nasa tapat namin.“Yes.” Sabi nito na inilabas ang isang susi mula sa bulsa ng kanyang pantalon at itinapat nito ang iyon sa aking mukha.“You don’t like it?” Dugtong na tanong nito dahil hindi ako agad na nakasagot at nakapag react sa sobrang pagka mangha.Iwinasiwas ni Boss L sa aking mukha ang susi bilang pange engganyo nito sa akin na kuhain iyon.“G-gusto po!” Sagot ko na bagsak ang pangang kinuha ang susi mula sa kamay nito na iwinawasiwas sa mukha ko.“Good.” Bahagya itong ngumiti at naunang naglakad patungo sa bahay na sinasa
Sa ospital natulog sila Itay at Mike tutal meron naman silid doon para sa gustong mag paiwan para mag bantay.Nung makita kong ayos na ang aking pamilya ay niyaya ko nang umalis si Manong na driver ni Boss L na matyagang nag hihintay sa akin dahil sinundo ako nito.“Ma’am, ang sabi ni Boss L ay dalhin daw po na muna kita sa bahay nya at mag uusap daw po kayo.” Biglang salita ni Manong habang nasa daan kami.“Ah ganun po ba... Pasensya na po at naabala pa kayo Manong. Sana sinabihan nyo na lang po ako para hindi nyo na po sana ako sinundo pa at nakakahiya naman po. Sobrang laki na ng abalang naibigay ko sa inyo ngayong araw.” Nahihiyang sabi ko dito.“Ay nako Ma’am Kiara, wala kang dapat na ikahiya at trabaho ko po ito. Ipinag utos naman po ito ni Boss L.” Magalang at nakakaunawang nakangiting sagot nito sa akin.Pag dating namin sa mansion ni Boss L ay agad naman itong umalis at nagpaalam na.Pag pasok ko sa Mansion ay malawak ang ngiting binati ako ni Manang na may kasamang isang kas
Pagkatapos mag impake ay bumalik na kami sa ospital kasama si Boss L. Ang magiging plano ay: Si Inay at Itay ay sa air ambulance sasakay kasama ang mga Doctor at mga Nurse. Sa private chopper ni Boss L naman ay kami ni Mike ang kasama, isang bodyguard at ang dalawang piloto nito. Unang pinasakay si Mike, inalalayan ito ng bodyguard ni Boss L at pagkatapos ay hinawakan ni Boss L ang kamay ko at sya naman ang nag asikaso sa akin para i-secure ako sa aking pwesto sa chopper nito. Magka tabi kami ni Boss L, habang si Mike naman ay nasa likod namin na katabi ang bodyguard. May isinuot syang headphone sa akin ang sabi nya ay para daw magka rinigan kami habang nasa ere. Nakita kong unang lumipad ang air ambulance at saka sumunod ang chopper kung saan kami nakasakay.Napapikit ako ng mariin nung maramdaman ko ang pag angat ng chopper mula sa lupa. Nakaramdam din ako ng hilo at pagka lula kaya mahigpit na napakuyom ako ng aking mga kamao na nakapatong sa aking hita. Nagulat ako nang hawakan