LOGINMAAGA nagising ang magkakapatid para pumasok sa school. Nagising na rin si Arisielle dahil kailangan niya rin sumabay sa magkakapatid at mag-eenroll na rin siya sa pinapasukan nila na private school. Sasamahan siya ni Doña Catherina mag- enroll.
Matapos maligo at magbihis ng bestida na kulay pink. Ginamit niya na ang mga damit na binili sa kanya ng bago niyang pamilya. Sinuklay niya ang natural niyang dark- brown hair. Kinuha niya ang school's handbook ng isang marangyang paaralan na kilala at mayayaman lang ang mga nakakapasok. Namangha si Arisielle dahil sa mga picture pa lang ay mukhang pristeryosong paaralan ang Rosewood Heights International School o RHIS. Nakarinig siya ng tatlong katok sa pinto at humahangos na pumasok si Katana sa kanyang silid. "Arisielle!" Tawag nito habang umikot ito para ipakita ang napakagara nitong uniporme. "Look! Cute ka rin siguro kapag suot mo na ang uniform ng school." Ang blazer ay kulay deep midnight blue na may gold piping sa gilid ng kwelyo at sleeves. Sa loob ay blouse na crisp white silk may small ribbon tie na burgundy. Ang skirt ay pleated charcoal gray plaid na may thin gold and blue stripes napaka classy pero hindi loud. May crest pin sa blazer — golden rose emblem ng RHIS. Ngumiting banayad si Arisielle at pumunta sa gawi ni Katana. "Ang cute mo sa uniform mo Katana." Hinawakan ni Katana ang kamay niya at hinigit siya palabas ng silid niya. "Let's go. They're waiting downstair." Pagbaba nila ni Katana mula sa hagdan, napahinto si Arisielle nang masilayan ang tanawin sa sala — nakahanay ang magkakapatid sa maayos na uniporme ng RHIS. Saglit siyang napatulala. Ang mga older boys, sina Kris, Krig, at Knife, ay naka-midnight blue blazer na may ginintuang piping sa gilid ng kwelyo, at charcoal gray slacks na perpektong ang pagkaplantsa. Naka necktie sila na burgandy. Nakapulido ang mga sapatos nila, kumikislap sa ilalim ng liwanag mula sa chandelier. Ang crest ng RHIS, isang gintong rosas na nakapaloob sa bilog na may ukit na motto, ay kumikintab sa kaliwang bulsa ng blazer — “Virtus in Lumine,” na ibig sabihin ay Excellence in Light. ito kasi ang nabasa niya kanina sa handbook. Ang younger boys, sina Kunai at Kleaver, ay parehong naka-shorts na gray at white long sleeves na may maliit na burgundy bow tie. Nakakatuwang tingnan ang dalawa — parang hindi makatiis na magpigil ng ngiti habang nag-aayos. Si Kleaver ay abala sa pag-pihit ng kanyang bow tie, habang si Kunai naman ay ginagaya kung paano magpustura si Kris. Napangiti si Arisielle. “Ang gagwapo niyo namang tingnan,” hindi niya napigilang purihin sila. Si Katana naman ay napahalakhak. “Lalo na ‘yang si Kuya Knife,” sabay turo sa kapatid na tahimik lang na inaayos ang cuff ng blazer. May kakaibang dignidad sa kilos ni Knife — kalmado, disiplinado, parang laging may iniisip na mas malalim kaysa sa mga kapatid niya. Ang mata nito ay kulay abo, malamig ang mga titig; may sariling mundo, may sariling lalim. “Si KuyaKnife, nasa star section,” sabay bulong ni Katana kay Arisielle na may bahid ng pagmamalaki. “Sila ‘yung top students ng buong grade level. Laging unang tinatawag sa recognition day.” Napatingin si Arisielle kay Knife — seryoso ito habang tinitingnan ang relo niya, pero sa isang iglap, tumama ang tingin nila. Saglit lang iyon, ngunit may kung anong kuryente sa dibdib ni Arisielle. Para bang nakikita niya sa likod ng kanyang malamig na titig, may pusong marunong ding magmahal kahit pilit tinatago. Bago pa si Arisielle makasagot kay Katana, tinawag sila ng kanilang ina mula sa dining hall. “Children, breakfast is ready!” At sabay-sabay silang lumakad — ang bawat hakbang ng magkakapatid ay parang sinasabay sa tibok ng bagong mundong papasukan ni Arisielle. Matapos ang agahan, agad na nagpunta sila sa porch ng mansyon at hinihintay ang service nila. Huminto ang isang black na ten seaters na SUV sa tapat nila. "Kids, hop in." Nagmamadaling sabi ni Catherina. "I'll go shot gun!" Untag ni Krig. "No! It's my turn this time!" Sigaw ni Kunai. Tahimik na lumapit si Knife, binuksan ang passenger seat, at naupo doon — kalmado, pero may bahid ng panunudyo sa kanyang smirk. “Knife!” sabay na angil ng dalawa. Wala silang nagawa, kaya umupo na lang sa likod habang huling sumakay ang ina nila. Inayos ni Doña Catherina ang seatbelt ni Kleaver na nasa toddler car seat. Pagdating sa Rosewood Heights International School, halos mapanganga si Arisielle sa tanawing bumungad sa kanya. Habang lulan ng sasakyan halos malula ang mga mata niya sa ganda ng tanawin ng school. Ang paaralan ay tila isang palasyo sa gitna ng luntiang kagubatan. Ang main building ay gawa sa ivory marble at may malalawak na arko na pinalilibutan ng mga puno ng oak tree at bougainvilliea. Sa gitna ng campus ay may fountain na hugis rosas — mula rito umaagos ang malinaw na tubig na kumikislap sa ilalim ng araw. Ang paligid ay puno ng mga estudyanteng naka-uniporme — may mga mayayamang angkan, anak ng diplomats, at mga foreign students na halatang elite. May mga luxury cars sa driveway, at mga guwardiyang naka-formal uniform na nagbabantay sa bawat entrance. Ang mga bintana ng gusali ay gawa sa stained glass na may disenyong bulaklak ng rosas — sumasagisag sa beauty with intellect. Sa likod ng paaralan ay makikita ang Rosewood Clock Tower, ang pinakamatandang bahagi ng campus. “Wow... parang kastilyo,” mahinang sabi ni Arisielle, halos hindi makapaniwala. Nang bumaba na sila ng sasakyan, parang mababali na ang leeg ni Arisielle sa kakalinga sa paligid. Hindi niya kasi maiwasan hindi pukawin ng mga mata niya ang ganda ng paaralan. Dati kasi nadadaanan niya lang ang skwelahang ito tuwing pinapasyal sila ng mga madre sa ampunan. May malapit kasing museum, malaking park at malls sa naturang lugar. Ngumiti si Katana. “You’ll get used to it." Sabay bulong si Katana sa kanya. "Pero careful — kasi may mga student ditong entitled.” "Entitled? Tanong ni Arisielle. Though alam niya ang meaning nito pero wala siyang idea kung bakit nasabi iyon ni Katana. Napatingin si Arisielle sa mga estudyanteng nakatambay sa marble benches — may mga tinging mapanuri, may mga ngiting may lihim. At sa isang sandali, naramdaman niyang tumama ulit sa kanya ang malamig na tingin ni Knife. Tahimik ito, ngunit may bahid ng babala — o baka pag-aalala. “Welcome to Rosewood Heights, Arisielle,” sabi nito sa mababang tinig. “Huwag kang makampante, dito talino ang pinapairal... Kung wala ka nito, bumalik ka na lang sa pinanggalingan mo.” Sinimangutan niya sa Knife dahil sa pananalita nito sa kanya. Medyo below the belt kasi. Hindi niya naman pinilit ang sarili niya na ampunin siya. At hindi mahina ang utak niya. At doon naramdaman niya na dito na magsisimula ang unang kabanata ng bagong yugto ng buhay niya, at mukhang hindi iyon magiging maganda.LUMIPAS ang ilang kanta, tawanan, at masasayang pag kuha ng mga pictures para sa memories. May sumigaw mula sa gilid. “POOL!” sigaw ni Krig iyon na parang may rally. “Night swim tayo!”“YES!” sabay-sabay na sigaw nina Rico, Ken at Bella.Nagtinginan ang magkakapatid. Ngumiti si Katana kay Arisielle. “Game ka ba, birthday girl?”Nag-atubili sandali si Arisielle bago tumango ng, “game.” Ngumiti siyang malapad.Mabilis na naglipatan ang ilan sa pool area sa likod ng mansion. Ang mga ilaw sa paligid ng pool ay naka-warm white, kumikislap sa tubig na parang maliliit na bituin. Ang kaninang tahimik na gabi ay napalitan ng mga binata at dalaga na naghaharutan. Malamig ang hangin pero may heater naman ang pool ng mga Huangcho. Tumugtog ulit ang portable speaker ng party club mix.Nagpalit na sila ng pang-swimming. Simple lang ang suot ni Arisielle. Isang pink na one-piece na may manipis na cover-up. Nagtinginan naman sa kanya ang mga kapatid niyang la
NANDOON siya. Naka- black strapless balloon mini skirt dress pa ito. Lumakad siya suot ang high heels gladiator shoes. Nang makita niya si Knife pumunta siya doon at pumulupot agad siya sa braso nito.May kirot na naramdam si Arisielle nang makita niya si Agatha na nakayakap sa isang braso ni Knife. Parang gusto niya mag- walk out, pero party niya iyon. Siya dapat ang bida. At siya dapat ang prinsesa ng araw na iyon. Hindi naman nakatiis si Katana at kinompronta si Agatha."Who invited you here?" Naka crossed arms pa ito."Kat, okay lang." Sabi ni Arisielle. Para hindi na lumaki ang gulo. Sa isip ni Arisielle, para makapag- start na rin sila."No Arisielle." Masungit na tiningnan niya ang kapatid, sabay baling ng tinging nakamamatay kay Agatha. "Hindi ka invited dito and get away from my brother!" Bulyaw ni Katana sa uninvited guest.Inikutan niya ng mata si Katana at nakangisi pa ito na parang isang kontrabida sa pelikula. "Tit
DUMATING ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang birthday ni Arisielle. She's now turning 18. Mauuna si Arisielle mag- birthday bago si Katana. Ilang buwan lang naman ay mag- birthday na rin si Katana. Malakas naman ang speaker na naka- connect doon ang iPod ni Arisielle gamit ang jack. Tumutugtog sa background ang paborito nilang K-pop group na sikat ng panahon na 'yon. Isang all girl group na may walong miyembro. Kasalukuyang naroon sila sa kuwarto ni Katana."I can't believe it that you turn down Mom's offer for a cotillon." Sabi ni Katana habang ni- braid ang buhok ni Arisielle. "It's a debut sis, once in a lifetime ka lang mag- eighteen."Bahagyang natawa si Arisielle habang naglalagay ng cherry flavored liptint. "Madami nang binigay ang family niyo sa akin, Kat- kat, kaya okay na sa akin ang simpleng celebration. Close family and friends lang ang invited."Ngumiti si Katana sa tapat ng repleksyon nila at matapos ayusin ang buhok ni Arisielle ay niyakap ang kapatid mula sa liko
NASA living room ang Huangcho siblings nang humahangos si Knife na dumaan sa kanila. Walang 'hi' o 'hello, I'm home' na usual na bati ng magkakapatid tuwing umuuwi ng bahay. Tumigil si Kleaver na nag- practice mag- piano. Sinara naman ni Kris ang librong binabasa niya. Maging si Katana ay napatigil sa pagpipinta niya. Si Krig at Kunai ay tumigil sa paghaharutan nila na wrestling. Takang- taka ang lahat sa kilos ng kapatid nila, nagkatinginan pa silang magkakapatid na naroon sa salas. Dumeretso si Knife sa kitchen, binuksan niya ang fridge at kumuha ng bottled water saka tinungga iyon. Sobrang inis na inis sa pangyayari kanina sa cafè. Nang maubos ang bottled water, inis niyang piniga at nilapirot iyon gamit lamang ang isang kamay niya saka itinapon iyon ng pabalibag sa basurahan. "Damn it!" Bulalas niya at umigtig ang mga panga niya. Ilang minuto lang ay sumunod naman si Arisielle na parang wala sa sarili pero parang may h
ARISIELLE will turn eighteen anytime soon. Hindi siya humiling ng debut party. Kahit gustong- gusto ni mommy Catherina niya na ipagparty siya. Hiling lang ni Arisielle ay simpleng party. Busy na rin kasi siya na mag- work sa isang cafe na ang may- ari ay parents ni Ken. Kahit hindi pa siya eighteen ay tinanggap siya doon na mag part- time work for the entire summer lang naman. Kasama naman sina Ken, Bella at Rico kaya hindi ganoon kahirap ang trabaho. Saka nag-eenjoy siya dahil kasama niya ang mga kaklase niya. Gusto rin sana ni Katana pero hindi siya pinayagan ng daddy nila maging sila kuya Kris and Krig niya. Inilapag ni Arisielle ang classic tiramisu cake at black hot coffee sa may mesa kung nasaan nakaupo si Knife habang nagbabasa ng libro at sa kabilang kamay niya ay may rubik's cube na iniikot-ikot niya lang at kahit hindi nakatingin at nabubuo rin agad ito. "Binabantayan mo ba ako kuya?" Tanong ni Arisielle. Dahan- dahang umangat ng ulo niya si Knife at matalim na tiningn
PARANG naging normal muli sa pamilyang Huangcho dahil kumpleto na ang mga kapatid na lalaki ni Katana. May mga tawanan at kulitan muli at kaunting bangayan sa pagitan nina Katana at Kunai na nasanay na ang lahat sa bangayan at kulitan ng dalawa. Masaya ang magasawang Don Arsenio at Doña Catherina Huangcho na nakikita ang mga anak na kumpleto."Mabuti at nakauwi kayong dalawa, Kris and Krig. How's Manila? Nakapag- adjust ba kayo kaagad sa mga University na napili niyo?" Tanong ng ilaw ng tahanan na si Doña Catherina.Si Kris ang sumagot pagtapos hawiin ang bangs na bahagyang tumabing sa mata niya. "Ayos naman mom, masaya po. Pero mas masaya si Krig, dahil oras pa lang tinatagal namin sa campus ay nagpaiyak agad ng babae." Nakangisi at bahagyang siniko ang kapatid saka tumango ng may panunukso.Umiling si Krig at kumuha ng garlic stick sa plato niya. "No mom, not true. Pero totoo ang fact na ako ang pinakaguwapo sa Huangcho brothers." Swabeng sagot nito saka kumagat ng garlic breadstic







