Kinabukasan, paggising ko, agad kong hinanap si ninong sa loob ng bahay. Nakasanayan ko na kasing maaga siyang nagigising at palaging nasa sala, nagkakape habang nagbabasa ng diyaryo o 'di kaya naman ay kausap si Lola tungkol sa kung anong plano niya para sa araw na ‘yon.
Pero nang bumaba ako, wala siya roon. Wala ring nakahandang tasa ng kape o kahit anong senyales na nagdaan siya sa mesa. Naglakad ako palabas, tinignan ang bakuran, pero wala. Nakita ko si Lola na kausap ang kapitbahay namin. Lumapit ako, nagtanong. “La, si ninong? Nasaan?” mahina kong tanong, ramdam ang kaba sa dibdib ko. Tumingin siya sa akin at doon ko nakita ang malumanay niyang ngiti. “Ah, umalis nang maaga. Nagkaroon ng emergency ang pinagtatrabauhan niyang kumpanya. Hindi na nakapagpaalam sa'yo. Nagmamadali eh.” Natigilan ako. Para akong binuhusan ng isang baldeng yelo at nanlamig. Sumikip ang dibdib ko, halos makalimutang huminga. “Ha? Hindi… hindi pwede…” Umiling lang si Lola. “Baka hindi na rin niya naisip, apo. Alam mo na, kapag trabaho.” Tumango ako kahit pakiramdam ko ay mabibiyak ang dibdib ko sa sakit. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para akong iniwan sa ere na parang hindi totoo ang nangyari kagabi. Parang panaginip lang. Kung hindi dahil sa hapdi ng pagitan ko, baka naniwala na akong hindi nga iyon totoo. Tulala akong bumalik sa kwarto ko. Umupo sa kama at doon na napaiyak nang magsink sa akin na umalis na talaga siya... na hindi man lang nagpapaalam sa akin pagkatapos nang nangyari sa amin. Hindi ko alam kung bakit gano’n ang bigat na nararamdaman ko. Alam ko naman na mali, alam ko namang hindi dapat iyon nangyari, pero… hindi ko rin kayang itanggi na naging masaya ako kagabi. Para bang saglit na nakalimutan ko ang lahat ng problema at iniwan lang akong nakalutang sa langit. Pero ngayong wala na siya, parang binawi rin niya lahat. Simula noon, araw-araw akong tulala. Wala akong ganang kumain. Kahit anong luto ni Lola, kahit paborito ko, hindi ko makain ng maayos. Halos sinasabi nila na pumapayat na daw ako, pero hindi ko alam. Ang alam ko lang, wala akong gana. Wala akong sigla. Minsan, kapag nag-iisa ako sa kwarto, naaalala ko ang pinagsaluhan namin no'ng gabing 'yon. Na para bang ako lang ang mundo niya. Pero pagkatapos no’n, iniwan niya ako na parang wala akong halaga. Hindi ko alam kung may balak pa ba siyang bumalik o kung… hanggang doon lang talaga. Lumipas ang mga linggo, buwan. Hindi ko na siya muling nakita. Ni minsan, hindi nagparamdam. Hindi tumawag, walang sulat, walang kahit na ano. Para bang hindi talaga siya dumaan sa buhay ko. Pero ang pinakamasakit pa dito, narinig ko kay Lola na magpapakasal na siya kaya mas lalo akong nasaktan. Baka wala lang talaga sa kanya ang nangyari sa amin. Baka... nagawa lang niya 'yon dahil sa pangangailangan niya bilang isang lalaki, na wala siyang nararamdaman sa akin, at ako lang itong nagpapakatanga, delusional sa lahat nang nangyari sa amin. Sobra akong nasaktan hanggang sa dumating ‘yung araw na nagpasya akong hindi na puwedeng ganito palagi. Hindi puwedeng araw-araw na lang akong umaasa sa wala na babalikan niya ako. Kaya kahit mabigat sa dibdib, sinabi ko kay Lola at Lolo na gusto kong sumubok sa syudad. “Gusto kong makipagsapalaran, 'La...” sabi ko, halos hindi ko matapos dahil baka maiyak na naman ako. Tinapik ni Lola ang balikat ko at tumango. “Kung iyan ang desisyon mo, apo, susuportahan ka namin. Basta alagaan mo ang sarili mo doon.” At iyon nga, ilang araw pa ang lumipas, nag-impake ako at sumama sa pinsan kong nagtatrabaho na sa Maynila. Doon ako pansamantalang nakitira habang nagsimula akong mag-apply ng trabaho. Hindi naging madali. Sa unang linggo ko pa lang, nakailang apply na ako pero puro “We’ll call you back” ang sagot. May mga pagkakataon pa na halos mapagod na ako sa kakapila, kakabyahe, at kaka-asa. Pero hindi ako tumigil. Siguro nga dahil kailangan ko ring may mapagtuunan ng pansin, para hindi ko siya lagi iniisip. Hanggang sa dumating ang araw na nag-apply ako sa isang malaking kumpanya sa Ortigas. Isa ‘yun sa huling lugar na pinasahan ko ng resumé kasi halos ubos na rin ang pamasahe at baon ko. Pero sabi ko, susubukan ko na lang, wala namang mawawala. Interview day. Kinabahan ako nang sobra. Nanginginig ang kamay ko habang kausap ko ang HR. Tinanong ako tungkol sa skills, sa background ko, at sa mga dati kong nagawa. Sinabi ko na lang lahat ng kaya kong sabihin para makuha ang loob nila. At sa hindi inaasahan, doon ako natanggap, sa pinakamalaking kumpanya—LEIGH Group of Companies. Halos maiyak ako sa tuwa. Sa wakas, makakapagsimula na rin ako. Mag bago nang simula. Unang araw ng trabaho. Nag-ayos ako ng maayos, suot ang simpleng blouse at slacks, dala ang envelope ng mga kinakailangang dokumento. Excited ako pero kabado. Lahat bago, nakakapanibago. Pagdating ko sa opisina, sinalubong ako ng mga kasama sa department. Mabait naman sila, tinuruan ako ng mga gagawin. Pero bago tuluyang matapos ang araw, sinabi ng supervisor ko na kailangan kong ipasa nang personal ang ilang papeles sa opisina ng mismong boss ng kumpanya. Kinabahan ako pero wala nang atrasan 'to. Naglakad ako papunta sa dulo ng hallway, kung saan naroon ang malaking office. Kumakatok ako, ramdam ang bilis ng tibók ng puso ko. Pagbukas ng pinto, agad akong pumasok. Nakayuko ako, hawak-hawak ang envelope. “Good morning, Sir, here are the documents from—” Natigilan ako. Halos mawalan ng hininga. Nakatayo siya, nakatupi ang manggas ng sleeve hanggang siko, nakasalamin habang seryosong nakatingin sa mga papel na hawak niya. Nang sandaling i-angat niya ang tingin sa akin, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. “Ninong?” nanginginig kong usal, gulat na gulat. Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. Huwag mong sabihing... siya ang boss ko? "B-Bea?"Kinabukasan, paggising ko, agad kong hinanap si ninong sa loob ng bahay. Nakasanayan ko na kasing maaga siyang nagigising at palaging nasa sala, nagkakape habang nagbabasa ng diyaryo o 'di kaya naman ay kausap si Lola tungkol sa kung anong plano niya para sa araw na ‘yon. Pero nang bumaba ako, wala siya roon. Wala ring nakahandang tasa ng kape o kahit anong senyales na nagdaan siya sa mesa. Naglakad ako palabas, tinignan ang bakuran, pero wala. Nakita ko si Lola na kausap ang kapitbahay namin. Lumapit ako, nagtanong. “La, si ninong? Nasaan?” mahina kong tanong, ramdam ang kaba sa dibdib ko. Tumingin siya sa akin at doon ko nakita ang malumanay niyang ngiti. “Ah, umalis nang maaga. Nagkaroon ng emergency ang pinagtatrabauhan niyang kumpanya. Hindi na nakapagpaalam sa'yo. Nagmamadali eh.” Natigilan ako. Para akong binuhusan ng isang baldeng yelo at nanlamig. Sumikip ang dibdib ko, halos makalimutang huminga. “Ha? Hindi… hindi pwede…” Umiling lang si Lola. “Baka hindi na rin niya
Hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus tumalikod siya at diretsong naglakad pauwi, dala-dala ang bayong. Pagdating sa bahay, dire-diretso siyang umakyat sa taas, sa attic kung saan siya naka-kwarto. Napakagat labi ako. Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng panlalamig at hindi ko alam bakit parang nasasaktan ako. Ang bigat sa dibdib. Lumipas ang mga araw, napansin kong iniiwasan niya ako. Wala imik. Kumakain kami nang magkakasama pero walang pansinan, hindi katulad ng dati. Kapag lumalabas ako, sumusunod naman siya, nakabantay, pero malamig pa rin. At sa bawat gabi, habang nakahiga ako, hindi ko maiwasang umiyak. Hindi ko alam kung bakit ang bigat-bigat sa dibdib. Nasanay ako na lagi siyang nasa tabi ko, kahit strikto, kahit nakakasakal minsan. Ngayon na nanlalamig siya sa akin, pakiramdam ko nawawasak ako. Isang gabi habang kumakain kami, bigla siyang nagsalita. “I need to go back to the city,” malamig niyang anunsyo. “May trabaho akong naiwan. Hindi ko na pwedeng ipagpaliba
Naiwan akong nakatayo sa gilid ng bukid, hawak ang payong, pinagmamasdan sila Lolo at Jun na abala sa pagpapalay. Nandoon din si ninong na madali lang nakasabay sa kanila. Pansin ko nga na parang sanay na sanay siya. Hindi ko maiwasang mapatingin paminsan-minsan, pero agad ko ring iniiwas ang mata ko kapag nahuhuli kong napapatingin din siya sa akin. "Bea, halika rito saglit!" tawag ni Lola habang inaayos ang banig sa tabi niya. "Mainit dyan." Lumapit ako agad. Nang ilapag ko ang bayong sa lapag, napansin kong may ilang kabataang lalaki sa lilim ng puno malapit lang. Isa sa kanila, ngumiti pa at kumaway. Kumunot ang noo ko, pero bago pa ako maka-kaway pabalik, eksaktong tumigil si ninong sa ginagawa niya at napatingin sa direksyon namin. Napalunok ako nang mapansin ko ang mabigat niyang titig na para bang nagbabanta. "Kuya Rad, saan ka?!" sigaw na tanong ni Jun. "Iinom lang!" sigaw nito pabalik. Lumapit siya sa amin, kinuha ang kamay ko, at sinamaan ng tingin ang mga binatily
Napalunok ako nang magtama ang tingin namin. Ang bigat ng mga mata niya, walang bahid na emosyon. “W-Wala po,” sagot ko, nagkanda-utal. “Good. Bawal pa.” B-Bawal? Eh twenty-three years old na ako. Bawal pa rin ‘yon? Tumabi sa akin si Jun, inakbayan ako sabay gulo sa buhok ko. "Jun naman, eh!" Tiningala ko siya at sinamaan ng tingin. "Kaka-ayos ko lang sa buhok ko kanina tapos ginulo mo na naman." Tumawa siya bago inabot ulit ang tasa. "Parang buhok lang, eh. Bakit 'di mo kasi gupitan? Ang haba na. Saka Kuya Rad, bawal pa talaga ‘to magka-boyfriend. Takot lang nila sa akin!” Mas sumama ang timpla ng mukha ko. "Ewan ko sa’yo! Inaalagaan ko nga 'to! Alis!" Tinulak ko siya pero tinawanan lang ako. “S-Saka h-hindi naman ako interesado magka-boyfriend.” Napayuko ako. "Huwag mong gupitan. Sayang. Maganda pa naman," singit ni ninong na nagpakabog ng matindi sa dibdib ko. “And having a boyfriend is no good to you," strikto at mariin niyang dagdag. Hindi ko dapat nararamdaman 'to dahil
Bea's POV Alas singko pa lang ng umaga ay gising na ako para magsaing. Maaga na naman kasing tutulak sina Lola at Lolo sa bukid para magtanim kasabay ng pinsan kong lalaki na nagpapalay kaya kailangan kong maghatid ng pagkain sa kanila. Maigi na rin iyong maaga dahil natatapos ko agad ang gawaing bahay, nakakapagfocus pa ako sa paghahanap ng trabaho sa online. Habang hinihintay maluto ang sinaing, nagwalis muna ako sa harap ng bahay, nagdilig ng mga halaman at binuksan ang maliit na tindahan na kahit papaano ay may kinikita para sa gamutan nila Lola at Lolo. Sabi nila sanggol pa lang daw ako no'ng iwan ako ng nanay ko sa kanila at hanggang ngayon wala pa ring balita sa kanya maski sa tatay ko. Pero masaya na ako kung anong meron ako ngayon. Hindi ko na sila ganun iniisip. Punong-puno naman ako ng pagmamahal dahil sa Lola at Lolo ko. Walang kapantay na pagmamahal ang binigay nila sa akin. Bandang alas sais ng umaga, nagtimpla na ako ng kape nila, bumili na rin ng tinapay sa kala