공유

3: Moved

작가: ninsies
last update 게시일: 2026-07-04 11:14:54

SELENA

Nakatingin lang ako sa bintana. Sakay ng aircon bus habang ramdam ko ang pagod. Ang daming nangyari sa loob ng dalawang araw.

I was dumped, disowned, and married to a stranger. Something unusual for someone who is from an elite family.

Yup, our family is part of the eight elite families in the country. They're quite famous, except for me. Because people know me as the bad seed in the family, someone who always does the wrong thing in their eyes.

Napapikit ako. Ninanamnam ang kapayapaan sa paligid ko. Pero bago pa man ako makatulog, biglang umikot ang paningin ko.

“Miss, okay ka lang?” tanong ng konduktor, pero hindi ko na siya narinig.

Lahat naging malabo. Pagmulat ko ng mga mata, puting kisame ang bumungad sa akin. Amoy disinfectant, amoy gamot.

“Miss Selena?” sabi ng nurse. “You’re awake.”

Napatingin ako sa kanya, nagtataka. Mahina pa ang boses ko, pero sapat iyon para marinig niya ang isang tanong na bumabagabag sa akin.

"What happened?”

“You fainted on the bus. You’ve been unconscious for five hours.”

“Five hours?” bulong ko. “Why?”

Lumapit ang doktor. May hawak na chart. “We ran some tests. You’re… pregnant.”

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Parang may sumabog sa loob ko.

“What?”

Tama ba ang pagkarinig ko?

Buntis ako?

“Congratulations,” sabi ng doktor na parang normal lang sa kaniya. “You’re about six weeks along.”

Napailing ako.

No. No. No.

“That’s impossible. I’ve never—” Napahinto ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. It's kinda embarrassing. “I’ve never been with anyone.”

Tahimik ang doktor. Mukhang hindi niya inasahan ang sinabi ko.

Sino ba naman ang hindi magtataka kung ang patient mo ay buntis pero hindi nakaranas ng ano.

“Well, the tests are accurate. You are pregnant.”

Napatitig ako sa kisame. Nanginginig ang kalamnan.

Paano?

Hindi ko alam kung alin ang mas nakakagulat, ang kasal sa lalaking hindi ko kilala o ang pagbubuntis na hindi ko maintindihan.

Tumingin ako sa kamay ko, sa daliring may suot na simpleng singsing.

Napapikit ako. Naramdaman ko na naman ang luha na tumulo sa pisngi ko. Pakiramdam ko pinagkakaisahan talaga ako ng mundo.

“What kind of life is this?” bulong ko.

Pero sa kabila ng lahat ng gulo, may isang bagay na malinaw sa akin. Kailangan kong lumayo. Kailangan kong protektahan ang sarili ko at ang batang nasa loob ko.

Kapag nalaman nila ito, lalo na ang pamilya ko, mas lalong bababa ang tingin nila sa akin. Hindi ko pa kayang harapin sila ngayon.

Pinirmahan ko ang discharge papers. Bitbit ang envelope ng pera at ang bagong pasanin sa tiyan ko.

Habang nakasakay ako sa bus papunta sa countryside, pinilit kong ngumiti. Kasi kailangan kong tanggapin ang lahat. Sabi nga nila, unexpected blessings are the best.

Gusto ko iyong paniwalaan, pero paano?

“New life, Selena,” sabi ko sa sarili ko. “No more Cruz. No more pain.”

Habang lumalayo ang bus, hindi ko maiwasang hawakan ang singsing sa daliri ko.

Five years.

Hidden bride.

Pregnant.

At sa unang pagkakataon, hindi ko alam kung saan magsisimula ang katotohanan o kung kailan matatapos ang kasinungalingan.

Pagdating ko sa countryside, para akong nakahinga nang maluwag.

Ang daming taon kong ginugol ang buhay ko sa lungsod na puro ingay, traffic, at stress. Pero dito, ibang-iba.

Tahimik, presko ang hangin, at ramdam ko ang kalayaan.

Nag-rent ako ng maliit na bahay na gawa sa kahoy. May malawak na bakuran na puwede kong pagtaniman.

“Perfect,” bulong ko sa sarili habang nakatanaw sa paligid.

Nagsimula akong magtanim ng gulay—kamatis, talong, okra—at ilang prutas gaya ng papaya at saging. Nag-alaga rin ako ng manok at kambing.

Simple lang ang buhay, pero masaya ako.

.

.

.

“Miss Selena,” sabi ng doktor. Medyo nagulat pa siya. “Hindi lang isa ang baby mo… apat sila.”

Parang biglang huminto ang mundo ko. Heto na naman tayo sa surprises ng mundo sa akin. Tinanggap ko na nga na nabuntis ako na hindi alam kung paano. Tapos ngayon, malalaman kong apat?!

“A-apat?!” halos pasigaw kong sagot.

Tumango ang doktor, parang natawa pa siya sa akin. “Quadruplets.”

Napaluha ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. Paano ko bubuhayin ang apat na bata? Paano ko sila palalakihin nang mag-isa?

Halos hindi ako makatulog. Lagi kong iniisip ang future. Habang nagdidilig ako ng halaman, napahinto ako at napatingin sa tiyan ko.

“Mga anak… paano ko kayo bubuhayin?” bulong ko, hawak ang tiyan.

.

.

.

Naglalakad ako sa palengke nang may nakabangga sa akin. Matangkad, maputi, at naka-simpleng polo shirt.

“Sorry, miss,” sabi niya, sabay ngiti.

“No problem,” sagot ko.

“I’m Ethan. Vacation lang ako dito. Gusto ko ng break sa city life.”

"Selena Cr—Alvarez," sabi ko naman at nag-shake hands kami.

Hindi ko inakalang doon magsisimula ang pagkakaibigan na hindi ko inaasahan. Nagkataon na magkalapit lang ang bahay namin. Kaya palagi na kaming magkasama sa pamamalengke, pagtatanim, at tsismisan.

'Di naglaon, naging best friend ko siya.

Habang nagluluto kami ng adobo. Nagtanong siya. Siguro out of curiosity rin. Never din kasi akong nag-share ng buhay ko sa kaniya. Siya lang itong madaldal.

“Selena, paano mo hinahandle ang pregnancy? Quadruplets ‘yun ah.”

Napabuntong-hininga ako. “Honestly, hindi ko alam. Natatakot ako. Pero kailangan kong maging strong para sa kanila.”

Tumingin siya sa akin, seryoso ang mga mata. “Kung gusto mo, I can help. Kahit pansamantala lang. Para hindi ka mag-isa.”

Napangiti ako. “Salamat, Ethan. Hindi mo alam kung gaano kahalaga ‘yan para sa akin.”

Dumating ang araw na ipinanganak ko ang apat. Dalawang lalaki at dalawang babae. Sobrang hirap, pero worth it naman.

Si Ethan ang tumulong sa paghahanda ng lahat. Cribs, bottles, and diapers. Pero hindi naging madali ang lahat sa kaniya.

Ang tatlong anak ko parang allergic kay Ethan. Kapag karga niya sila, umiiyak.

“Selena, parang ayaw nila sa akin,” sabi niya minsan. Medyo malungkot ang tono.

Napatawa ako. “Give them time. Siguro protective lang sila sa akin.”

Pero kakaiba ang bunso ko na si Selene. Siya lang ang sobrang lapit kay Ethan. Kapag karga siya ni Ethan, tahimik lang siya. Kapag naglalaro sila, tawa nang tawa si Selene.

“Dada!” tawag pa niya minsan kay Ethan, kahit bata pa.

Napatingin ako kay Ethan. Nagulat siya, pero ngumiti rin. “Mukhang ako ang favorite niya.”

.

.

.

“Selena, pahinga ka muna. Ako na ang bahala kay Selene,” sabi ni Ethan habang pinapatulog ang anak ko.

“Pero paano ‘yung tatlo?” tanong ko.

“Okay lang. Kahit ayaw nila sa akin, gagawin ko pa rin ang best ko.”

Napaluha ako. Hindi ko akalain na may taong handang tumulong nang ganito.

Isang hapon, habang nagdidilig ako ng halaman, lumapit si Ethan.

“Selena, naisip ko… baka isipin ng mga bata na ako talaga ang tatay nila. Okay lang ba sa’yo?”

Napaisip ako. “Hindi ko alam. Pero kung magiging masaya sila, siguro okay lang. Basta alam nila na mahal ko sila.”

Tumango siya. “Promise, hindi ko sila pababayaan. Kahit temporary lang ako dito, gusto kong maging parte ng buhay nila.”

Lumipas ang mga buwan. Mas lalo kong nakilala si Ethan. Hindi lang siya mabait, kun'di responsable din. Kahit hindi siya ang tunay na ama ng mga anak ko, tumayo pa rin siya.

Bagama't nasasanay na sila na nariyan si Ethan, ramdam ko pa rin ang tension. Ang tatlong anak ko, parang may sariling mundo. Hindi pa rin nila matanggap si Ethan.

“Ayoko kay Tito Ethan,” sabi ng panganay ko.

“Me too,” sagot ng pangalawa.

“Pero si Selene gusto siya,” dagdag pa ng pangatlo.

Napabuntong-hininga ako. “Mga anak, give him a chance. He’s helping us.”

.

.

.

“Selena, hanggang kailan ako dito? Vacation lang dapat ako, pero parang ayaw ko nang umalis.”

Napatingin ako sa kanya. “Ethan, hindi ko alam. Pero kung gusto mong manatili, hindi kita pipigilan.”

Ngumiti siya. “Maybe this is where I belong.”

Habang nakatingin ako sa mga anak kong natutulog, ramdam ko ang bigat ng responsibilidad. Pero ramdam ko rin ang saya. Kahit mahirap, kahit mag-isa, kahit uncertain ang future… may kasama ako.

At kahit hindi pa sigurado kung hanggang kailan, alam kong sa ngayon, hindi ako nag-iisa.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • My Quadruplets' Baby Daddy is a Billionaire   23: Backer

    SELENA's POVSaglit na natahimik ang lahat. Maging si Victoria ay natameme. Magsasalita sana ako para tumigil ang mga anak ko, pero bumunghalit ng tawa si Victoria na sinundan ng tawanan ng mga tao. Nagulat ang mga anak ko sa reaksyon nila, maliban kay Seraph na walang pakialam. Dala-dala na naman niya ang awra na kahit sa akin ay nagbibigay ng kaba.Ngumiti na lang ako nang tipid saka hinarap ang tatlo kong anak. Binaba ko rin muna si Silas katabi nila. Hingal na hingal sila. Halatang kagagaling lang sa pagtakbo. Hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa nila iyon kay Victoria. Ayokong mamulat sila sa mundong ito na ayos lang maghiganti. Hindi iyon ang gusto ko para sa kanila."Kids, mommy forgave you all. But don't do it again, okay?" sabi ko sa kanila sa mahinang boses. Tumango naman sina Sienna at Selene. Pero si Seraph, nakatingin lang siya sa akin. "Seraph, mommy is not mad, okay? She was just worried.""Single mom... oh, wait. I think I recognize you now," ani Victoria. Nilingon k

  • My Quadruplets' Baby Daddy is a Billionaire   22: S4

    SELENA's POVKinuyom ko ang mga kamay ko sa galit. Sumusobra na talaga si Victoria. Una, sinaktan niya si Seraph. Ngayon naman, si Silas. Balak pa niyang patigilin ang treatment ng anak ko. Wala ba siyang puso? Hindi ba siya nakokonsensya?"Mom, hayaan niyo na po siya. May dahilan po kaya siya nagalit," bulong ni Silas. Kumunot ang noo ko. Hinawakan lang niya ang mga kamay ko at muling bumulong. "Bumili sina Seraph ng itlog at harina, Mom."Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Napakurap pa ako dahil imposible talaga. Saan naman sila kukuha ng pambili? Eh, hindi ko nga sila binibigyan ng pera, eh. Paano sila nakabili? At bakit nila iyon ginawa kay Victoria?Lumuhod ako at hinawakan ko siya sa mga balikat. "Silas, sabihin mo sa akin. Bakit nila iyon ginawa?" tanong ko, mahina lang sapat para marinig ng anak ko."Seraph is mad."Napahawak ako sa noo ko dahil sa dismaya. Ang akala ko pa naman ay nakinig sa akin si Seraph. Nagawa pa rin niyang maghiganti."This is all my fault. Hindi ko

  • My Quadruplets' Baby Daddy is a Billionaire   21: Doomed

    SILAS' POV"Ano na kayang nangyari sa kanilang tatlo? Bakit hindi pa rin sila bumabalik?" tanong ko sa sarili. Huminga ako nang malalim at nilingon ko ang tablet na nasa katabing mesa. Inabot ko ito at nag-type ng message sa group chat namin. They have their smartwatch, so I can contact them right now. "Kapag hindi pa sila nakabalik within 15 minutes, darating si Mommy at malalaman niyang pumuslit na naman sa labas ang mga kapatid ko. She will be mad at us."Nakailang send ako ng message pero walang nagre-respond kahit isa sa kanila. Pinindot ko na lang ang call button at naghintay na sagutin nila. Pero panay ring lang sa kabilang linya. This is bad. Baka pumalpak ang plano nila."Nasaan na ba kasi kayo?"'Message!'Napatingin ako sa tablet at nanlaki ang mga mata. We are so doomed. Papunta na si mommy! Kailangan na nilang bumalik or else lagot kaming lahat."Kailangan ko silang mahanap."Nagmadali akong bumaba ng kama at lumabas ng kwarto habang bitbit ang IV ko. Kahit nanghihina ang

  • My Quadruplets' Baby Daddy is a Billionaire   20: Payback

    SIENNA's POV"Are you really sure it will work?" tanong ko kay Seraph habang pinagmamasdan ang mga taong labas-masok sa hospital.Nakatago lang kami sa garden. Sa sobrang dami ng mga tanim halos hindi na kami mapansin dito. Iyon naman talaga ang plano namin, ang magtago."Kuya Seraph, what if Miss Alcaraz finds out about this? We will be screwed. Worse, she might discover that we have a family confined here." Sumandal si Selene sa tanim na santan. Nakataas ang mga tuhod niya. Ang mga kamay naman ay nakapatong dito. She looks worried.I get her. Once Miss Alcaraz knew about this, we are all screwed. But who cares? I mean, she will never know unless we tell it. Besides, I think we will having fun on this one.Ang huling beses na ginawa namin ito, muntikan na kaming mapaalis sa tinitirahan namin. Mabuti na lang at magaling magsinungaling si Silas. Though we felt bad about it kasi sabi ni mommy masama ang magsinungaling. Pero may good purpose naman kung bakit namin iyon ginawa.Back home

  • My Quadruplets' Baby Daddy is a Billionaire   19: Asked

    SELENA's POV "Mom, saan ka po nanggaling?" tanong sa akin ni Silas nang dumating ako sa room niya. Sinuri ko kaagad ng tingin ang buong kwarto dahil may kakaiba. "It's a business, Silas. Nasaan pala sina Seraph at Sienna?" tanong ko, saka binaba ang tingin kay Selene na nakahiga sa sofa. Tutok na tutok siya sa tablet. Mukhang hindi pa ako napansin. Kumunot ang noo ko nang mapansing may kinakausap siya. Nilapitan ko siya para abutin ang tablet na hawak. "Mom! Ang sakit ng ulo ko!" narinig kong sabi ni Silas. Hawak-hawak niya ang ulo niya habang namimilipit sa sakit. Kaagad akong lumapit sa kaniya at chineck siya. Wala namang kakaiba sa kaniya, pero nakakaramdam siya ng sakit. "Silas, what's wrong? Sobrang sakit ba? Sandali, tatawag ako ng doctor," sabi ko at tumayo. Nang biglang bumukas ang p***o at niluwa nito ang dalawa kong anak. Mukhang kagagaling lang nila sa pagtakbo dahil pareho silang hinihingal. "Seraph? Saan kayo nanggaling?" tanong ko, saka bumaling kay Sienna na panay a

  • My Quadruplets' Baby Daddy is a Billionaire   18: Postponed

    SELENA's POV"Husband, you have nothing to do with my children. They're mine... only mine."Kinuyom ko ang kamay ko, sinusubukang pakalmahin ang sarili. I gritted my teeth so hard just to control my outburst. Hindi ko alam kung saan kumukuha ng lakas ng loob ang lalaking ito para angkinin ang mga anak ko. At ano ang motibo niya ngayon?Narinig ko siyang tumawa dahilan para lalo akong mainis. Mukhang pinaglalaruan ako ng mystery husband ko. Pero kahit ano pa man ang binabalak niya, hindi niya maaagaw sa akin ang mga bata.First of all, he's not the biological father of my quadruplets. Apelyido lang ang habol niya at puwedeng-puwede kong palitan iyon. Kung hindi lang dahil sa family program na mayroon sa probinsya, hindi sana Alvarez ang apelyido ng mga bata. Kinailangan namin ang benefits na makukuha sa nasabing program at kailangan iyon ng marriage contract at ang patunay na anak naming mag-asawa ang mga bata.Kaya wala akong choice noon.'Wife, relax. You're being defensive.'"Defens

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status