LOGINSELENA
"Mommy, masakit…" bulong ni Silas habang nakahiga sa sofa. Maputla ang mukha niya at halos wala nang lakas. Ang pangatlo kong anak ay palaging masigla at palaging may kalokohan. Pero ngayon, parang naubos ang lahat ng sigla niya. Kinabahan ako. Namumutla na siya. Hindi ito simpleng lagnat lang. Parang may kakaiba sa nararamdaman niya. "Silas, tahan na... We'll go to the doctor," sabi ko, pilit na pinapakalma ang sarili. Pero sa loob-loob ko, nanginginig na ako. Gaya ng sinabi ko kay Silas, isinugod ko siya sa ospital. Matapos ang ilang test, napag-alaman ng doktor na may neuroblastoma ang anak ko. Halos mawalan ako ng lakas nang banggitin niya iyon. Masyado pang bata si Silas para danasin iyon. He's just five years old for bad luck's sake! Hindi ba puwedeng ma-enjoy ng bata ang childhood niya? "Sigurado ba kayo, Dok, na iyon talaga ang sakit niya?" tanong ko. "Iyon ang lumabas sa tests, misis. Pero puwede kang mag-second opinion." "At kapag pareho pa rin ang result?" "Kailangan mo siyang dalhin sa mas advanced na ospital, misis. Hindi kakayanin dito ang treatment niya." Ibig sabihin, kailangan naming lumuwas sa city. Wala nang ibang choice. Kinuwento ko kay Ethan ang lahat. Nagkataon naman na pabalik na rin siya sa city, kaya isasabay niya raw kami sa kaniya. Nagpasalamat ako kahit may halong guilt. Lagi na lang siyang nandiyan, parang guardian angel ko. Pero alam kong may sariling buhay rin siya. Binenta ko lahat ng gamit na mayroon ako, pati ang mga tanim ko at ang mga hayop. Mabuti na lang din at nakapag-ipon ako nang marami galing sa sahod ko sa mystery husband ko. Matatapos na nga pala ang kontrata namin next week. Siguro naman sapat na ang perang mayroon ako para sa treatment ni Silas. Habang nasa biyahe, tahimik lang ako. Si Silas naman ay nakahiga sa kandungan ko. Mahina ang paghinga niya. Tinatapik ko lang ang balikat niya para kumalma siya. Si Seraph naman, ang panganay sa quadruplets, ay nakatingin lang sa bintana. Seryoso ang mukha niya. Hindi siya nagsasalita, pero ramdam ko ang bigat ng iniisip ng anak ko. Matapos ang ilang oras ng pagbiyahe, nakarating na rin kami sa city. Binaba kami ni Ethan sa private hospital. "I'll come back for you," sabi ni Ethan, hawak ang balikat ko. Pero bago pa ako makasagot, sumingit si Seraph sa usapan namin. "No need, Tito Ethan. We'll be fine. Thanks." Nagulat ako sa tapang at lamig ng boses ng anak ko. Parang may sariling mundo na siya; may sariling desisyon. Tumango na lang si Ethan, kahit halatang nag-aalala. "Okay. But call me if you need anything." "Bye, dada!" pahabol na sabi ni Selene. Napangiti na lang si Ethan. Kahit papaano, nawala ang lungkot sa mga mata niya. Pagpasok namin sa hospital, agad na inasikaso si Silas. Blood tests, scans, lahat ng kailangan. Nakaupo lang ako sa gilid, hawak ang kamay ng anak ko, pilit na pinapakalma ang sarili. Maya-maya, lumabas ang doktor. Lalo akong kinabahan. Hindi pa ako handang malaman ang resulta ng test niya. "Mrs. Alvarez," sabi niya na maingat ang tono. "Your son has neuroblastoma. It's a type of cancer. We need to start treatment immediately."Hindi nga nagkamali ang test sa probinsya. May cancer ang anak ko. Parang may sumabog sa loob ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba. Pero kailangan kong maging matatag. "Mommy…" mahinang bulong ni Silas. Parang nararamdaman niya ang bigat ng sitwasyon. "Shh, anak. Mommy's here. We'll fight this. You'll be okay." H******n ko siya sa noo at muling hinarap ko ang doktor. "Dok, magkano ang kakailanganin sa treatment niya?" "Gusto kong magtapat sa iyo, Mrs. Alvarez. Ang perang magagastos ay hindi biro. Chemotherapy sessions alone can cost anywhere from P12, 000 to P125,000 each, at kung pagsasama-samahin ang tests, hospital stay, radiation at surgery, puwedeng umabot ng P500,000 hanggang lampas P1.5 million ang buong gamutan." Parang gustong bumigay ang mga tuhod ko. Feeling ko maguguho ang mundo ko.Saan ako kukuha ng 1.5 million? Eh, hindi nga yata aabot sa isang milyon ang ipon ko. Sabihin na nating malaki ang sahod ko sa mystery husband ko, pero apat ang binubuhay ko. Tapos ngayon, kailangan pa ni Silas ang treatment na ito para mabuhay siya nang matagal. "Hindi ba puwedeng treatment first muna bago ang payment?" tanong ko, nagbabakasakaling pumayag ang doktor. "I'm sorry, but policy is policy. Payment first." Nang makaalis ang doktor, doon lang ako napaupo sa sahig. Gusto kong umiyak, pero ayokong makita ng mga anak ko na nahihirapan ako. Ayokong mag-alala rin sila. "Mommy, are you okay?" tanong ni Sienna. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. Ngumiti ako sa kaniya at tumayo. "Yes, baby. Mommy's okay. Don't worry." "No. Mommy is not okay," biglang singit ni Seraph. Kumunot ang noo ko at tumingin sa kaniya.Naiintindihan na ba ni Seraph ang nangyayari? "What do you mean, mommy's not okay?" singit naman ni Selene. Binaba niya ang nilalarong manika at humarap sa akin. "Mommy will be okay. Silas will gonna be okay. We will be okay." "Because?" ani Seraph. "Because Dada Ethan is here. He will help us," sagot ni Selene, kaya napanganga ako. Hindi ako makapaniwalang naririnig ko ito ngayon sa anak ko. Kumunot ang noo nina Silas at Sienna, habang tumalim naman ang tingin ni Seraph. "Selene, hindi mo alam ang sinasabi mo. Tito Ethan is not rich, so he cannot help Silas. Besides, don't call him Dada. He's not our real daddy," ani Seraph. Sobrang seryoso ang panganay ko. He's confident, too. Parang alam na alam niya ang sinasabi niya. "No! He's our Dada. Hindi lang sinasabi ni Mommy. Baka nagkatampuhan sila noon tapos hindi na nagkaayos," sagot naman ni Selene. "He's our daddy because nandiyan na siya noong maliit pa tayo." "Selene, we're still maliit pa rin. Pero can you stop calling Tito Ethan Dada? Our real daddy will get mad if he finds out that we replaced him," singit naman ni Sienna sa boses conyo. "Guys, stop arguing, please. Why don't we look for our real daddy so that mommy will be happy, okay?" sabi naman ni Silas. Napatampal ako sa noo ko. Hindi ako makapaniwalang pinag-uusapan nila ito ngayon, tapos nasa harapan pa nila ako. Tell me, they're not looking for their father. Because even I can't answer my own question. "Deal. But I must be the one who will check if he is our real daddy." "No. I should be the one. I don't trust your instincts." "No, sis. I'm good at it." "The three of you should give it up. I must be the one who will check it." Hinayaan ko na lang silang mag-argue. Sumasakit ang ulo ko sa topic nila. Bakit pa kasi nila hinahanap ang tatay nila, eh hindi ko nga alam kung sino at saan siya hahanapin?SELENA's POV"Hindi iyan totoo. Hindi ko iyan ginawa," depensa ko sa sarili ko, sabay tingin kay Sebastian. "Hindi ko siya tinulak, Sebastian."Hinila ako ni Sebastian papunta sa likuran niya. Napayuko ako dahil sa bulungan ng ibang bisita. Naririnig ko silang pinagtatanggol ang pangalan ni Victoria.Naniniwala silang nagsasabi ng totoo ang dalawa at ako ang nagsisinungaling sa amin. Kahit naman na ipagtanggol ko ang sarili ko, hindi pa rin sila maniniwala sa hamak na gaya ko."Selena, why are you like this? Tinanggap ko ang pambu-bully sa akin ng mga anak mo. Akala mo ba hindi ko malalaman na sila ang nanakit sa akin sa labas ng ospital namin?" saad ni Victoria, mangiyak-ngiyak ang mga mata at malungkot ang boses. "Selena, hindi na ako magtataka kung bakit ganoon ang mga bata dahil ikaw ang nagpalaki.""Victoria, bakit mo binabaliktad si Selen? Hindi ba't ikaw ang totoong nanakit kina Silas? You sprayed a disinfectant on Seraph's eyes. You hurt Silas, too," saad din ni Sebastian.Dah
SELENA's POVHabang tinitingnan ko si Victoria, lalo akong pinapatay ng mga titig niya. Walang alam si Sebastian. Busy siya sa pagbati at pagngiti sa mga bisita niya habang dumadaan kami sa table nila.Hindi ko kayang umiwas. Pakiramdam ko, kapag umiwas ako ng tingin, sasaksakin niya pa rin ako nang patalikod.Malamig dito sa venue, pero pinagpapawisan ako. Panay rin ang paglunok ko dahil hindi ko kinakaya ang lahat. Nakaka-pressure."Are you okay, Selen? Kinakabahan ka ba?" tanong ni Sebastian, na puno ng pag-aalala. Malamang napansin niya rin.Pero masisisi ba niya ako? Hindi ako sanay sa ganito."Medyo. Maraming nakatingin," maikli kong sagot, habang mahigpit na nakakapit ang kamay ko sa braso niya."Chill, mommy of four. Hindi sila nangangain; nangangagat lang," biro pa niya, kaya kinurot ko siya sa braso niya."Ouch! Ang sakit nun, Selen!" pasigaw niyang bulong, pero tinawanan ko lang siya. Kahit papaano, nabawasan ang pressure na nararamdaman ko kanina."Mr. Montoya! It's nice t
SELENA's POV"Good evening, Miss Santiago... this way, please."Sinundan ko ng tingin ang babaeng sinamahan ng isa sa mga nakabantay sa entrance. Maganda siya. Fashionista ang dating. Agaw-pansin ang suot niyang gown dahil nagmumukha siyang model sa paningin ng mga bisita… naming lahat.Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nagtama ang mga mata namin. Natigilan ako nang magkatitigan kami. Napatingin din sa akin ang receptionist at mga guard; nagtataka sa nangyayari."Do you know her, Miss Santiago? Isa ba siya sa mga gatecrasher na ilang beses ginulo ang party ng mga elites?"Umiling ako. Nakatuon pa rin sa kaniya ang tingin ko. Habang ang babaeng tinatawag nilang Miss Santiago ay matalim nang nakatitig sa akin.Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang pinaparamdam niya sa akin. Did I do something wrong? Pero wala naman akong naging kasalanan sa kaniya."Yeah, she was one of those. Drag her out," narinig kong sabi niya.Muli akong umiling. Pero tuloy-tuloy sa paglapit sa akin ang
SELENA's POV"Think whatever you think, Victoria. No one gets to bully Silas and his siblings, understand?"Naitikom ni Victoria ang bibig niya habang nanggigigil. Masama pa rin ang tingin niya sa akin at sa mga anak ko. Hinayaan ko na lang dahil baka lumala ang sitwasyon.Nagpapasalamat na lang ako na dumating si Sebastian. Kung wala siya, baka tuluyan kaming napaalis sa ospital."Fine. I let them pass this time... only this time," sagot ni Victoria na halatang napipilitan. Ramdam ko ang inis niya at ang gigil. Pero wala siyang magawa sa ngayon. "If these bastards cross the line again, I swear I will give them no respect. Kahit bata pa sila, papatulan ko sila."Matapos sabihin iyon ni Victoria, lumabas siya ng building habang inaalis ang harina sa buhok niya. Nakahinga ako nang maluwag, maging ang mga anak ko. Kahit papaano, hindi natuloy ang binabalak ni Victoria sa amin kung ano man iyon."The show ends here. Go back to your businesses, people," pagtataboy ni Sebastian sa mga taong
SELENA's POV Saglit na natahimik ang lahat. Maging si Victoria ay natameme. Magsasalita sana ako para tumigil ang mga anak ko, pero bumunghalit ng tawa si Victoria na sinundan ng tawanan ng mga tao. Nagulat ang mga anak ko sa reaksyon nila, maliban kay Seraph na walang pakialam. Dala-dala na naman niya ang awra na kahit sa akin ay nagbibigay ng kaba. Ngumiti na lang ako nang tipid saka hinarap ang tatlo kong anak. Binaba ko rin muna si Silas sa tabi nila. Hingal na hingal sila. Halatang kagagaling lang sa pagtakbo. Hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa nila iyon kay Victoria. Ayokong mamulat sila sa mundong ito na ayos lang maghiganti. Hindi iyon ang gusto ko para sa kanila. "Kids, Mommy forgave you all. But don't do it again, okay?" sabi ko sa kanila sa mahinang boses. Tumango naman sina Sienna at Selene. Pero si Seraph, nakatingin lang siya sa akin. "Seraph, mommy is not mad, okay? She was just worried." "Single mom... oh, wait. I think I recognize you now," ani Victoria. Ni
SELENA's POV Kinuyom ko ang mga kamay ko sa galit. Sumusobra na talaga si Victoria. Una, sinaktan niya si Seraph. Ngayon naman, si Silas. Balak pa niyang patigilin ang treatment ng anak ko. Wala ba siyang puso? Hindi ba siya nakokonsensya? "Mom, hayaan niyo na po siya. May dahilan po kaya siya nagalit," bulong ni Silas. Kumunot ang noo ko. Hinawakan lang niya ang mga kamay ko at muling bumulong. "Bumili sina Seraph ng itlog at harina, Mom." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Napakurap pa ako dahil imposible talaga. Saan naman sila kukuha ng pambili? Eh, hindi ko nga sila binibigyan ng pera, eh. Paano sila nakabili? At bakit nila iyon ginawa kay Victoria? Lumuhod ako at hinawakan ko siya sa mga balikat. "Silas, sabihin mo sa akin. Bakit nila iyon ginawa?" tanong ko, mahina lang sapat para marinig ng anak ko. "Seraph is mad." Napahawak ako sa noo ko dahil sa dismaya. Ang akala ko pa naman ay nakinig sa akin si Seraph. Nagawa pa rin niyang maghiganti. "This is all my fa







