Napairap na lang sa hangin si Cianne nang sa muli ay maabutang bukas ang apartment ng matalik na kaibigan na si Shaun. Ilang ulit niya na ito’ng pinagsabihan ngunit palagi naman nakakaligtaan.
Apat na taon na simula nang magkakilala sila sa isang cookware store. Naalala niya pa kung paano sila nag-agawan sa natitirang set ng cookingware na disenyo ng paborito nilang sikat na chef. Nilutas nila ang problema sa pamamagitan ng paghahati ng bayad at pag-jack n’ poy kung sino ang unang gagamit. Sa loob ng isang linggo ay tatlong beses sila magkita para lang iabot ang cookingware sa kung sino ang sunod na gagamit. Huli na nang malaman nila na marami pa’ng stocks sa katabing store ng binilhan nila.
Natatawa pa rin si Cianne kapag naaalala iyon.
Bitbit ang paper bag na naglalaman ng kahon ng brownies, na ginawa n’ya, ay pinapasok n’ya ang sarili sa apartment ng kaibigan.
Pinilit niya ito’ng magluto ng dinner para sa kan’ya bilang padespidida. Tapos na kasi siya sa culinary course na kinuha apat na taon na ang nakaraan kaya kailangan niya nang umuwi sa Pilipinas.
Sa totoo lang ay ayaw niya pa’ng umuwi kaya lang ay kinukulit na siya ng kan’yang Ate Cindy. Ubos na daw ang pera ng negosyo nila para suportahan ang luho n’ya. Alam niyang naman inggit lang ito, palibhasa’y palagi s’yang napagbibigyan ng mga magulang.
Pagpasok sa loob nakita niya kaagad si Shaun na nakaupo sa sofa patalikod sa kan’ya. Huminto siya sa paglapit nang mapagtanto na mayroon ito’ng kausap. Nanlaki ang kan’yang mata nang makita ang kakambal ng kan’yang matalik na kaibigan.
Mabilis niyang tinanggal ang pagkakatali ng itim na buhok. Kung alam niya lang na makikita niya sa wakas sa personal ang kakambal ni Shaun, sana’y nagkulot siya at kinapalan ang kolorete sa mukha.
Madalas niya nang makita si Matt sa tuwing ka-videocall ito ni Shaun, kaya nagkaroon siya ng lihim na paghanga dito.
“Why not me? Handa ako’ng maging nobya mo Matt na magpapanggap na si Shaun.”
Hindi niya na napigilan na magboluntaryo nang marinig ang usapan nito.
Bilang bunso, lahat ng gusto niya ay kan’yang nakukuha. Kaya hindi niya papalagpasin ang pagkakataon na mapalapit sa taong nagugustuhan.
Mabilis ang paghahandang ginawa nila. Sa isang iglap ay nasa airport na sila.
“Matt, take good care of Cia,” habilin ni Shaun nang ihatid sila nito sa airport.
Niyakap niya ng mahigpit ang kaibigan na hindi niya alam kung kailan ulit makakasama.
Para silang may dadayuhin na exam dahil buong byahe silang nag-rereview kung paano nagkakilala, saan nagkakilala at ano ang family background ng bawat isa. Makailang ulit ni Cianne na hinahaluan ng biro ang pag-uusap nila ngunit nanatiling seryoso ni Matt, malayong-malayo sa ugali ni Shaun na kahit walang kwentang bagay ay pinagtatawanan nila.
“Alam mo si Shaun palatawa ‘yon. Ngumiti ka din, hindi ‘yong ang seryoso mo. Mabubuking tayo n’yan,” saway n’ya dito nang makababa sila ng eroplano.
Hindi siya nito pinansin bagkus ay inunahan pa sa paglalakad. Nagkakamot ulo tuloy siyang naghabol dito.
Kagaya nang kanilang inaasahan, pinasundo sila ni Don Felipe.
“Magandang hapon po Sir Shaun. Kumusta po kayo?” Masayang pagbati ng driver na sumundo sa kanila.
Blanko ang mukha na tumango lamang si Matt at diretso nang sumakay sa likod ng kotse. Naalarma si Cianne nang makita ang gulat sa mukha ng driver. Inalala niya ang pangalan nito base sa mga larawan na ipinakita sa kanila ni Shaun.
“Magandang hapon din po Kuya Popoy! Masakit lang po ang ulo ni Shaun, pero kung ako po ang kukumustahin n’yo, maayos na maayos po ako.” Naalala n’ya pa’ng sinabi ni Shaun na kasundong-kasundo n’ya ang driver ng kan’yang lolo.
Pumasok na siya sa loob ng kotse habang nilalagay pa ang kanilang mga gamit sa likod.
“Sa harap ka maupo,” pangsisindak niya sa tila walang pakealam na si Matt.
Tamad itong lumipat sa harapan. Mabuti na lang ay naalala n’yang sa tabi ng driver palaging umuupo si Shaun.
Mariin na lang siyang pumikit at itinuon sa kalsada ang atensyon nang magsimula na silang umandar. Mabuti na lang ay may gusto siya kay Matt kahit papaano ay hindi siya tuluyang naiinis sa walang kalatoy-latoy nitong pag-arte. Isa pa lang yata ang nagagawa nitong tama, ang matulog sa byahe para iwasan na makipagkwentuhan sa driver.
Habang papalapit sila sa mansyon ng mga Gonzalvo ay unti-unting tinatablan si Cianne ng kaba. Gabi na nang makarating sila.
Napakalawak ng mansyon. Pinakita na sa kan’ya noon ni Shaun ang itsura nito ngunit higit na litaw ang kagandahan nito sa personal. Kung gaano siya namangha sa itsura ng mansyon ng mga Gonzalvo, ganoon naman kawalang ekspresyon ang mukha ng kasama.
Sabay silang pumasok sa loob. Dalawang maid ang nagbukas ng pintuan sa kanila. Kung maganda na sa labas higit pa sa loob. Mataas ang kisame at kumikinang ang mga chandelier at muwebles.
“Welcome home, Shaun.” Isang matandang lalake ang lumapit kay Matt. Sa tingin niya ay ito si Don Felipe.
Niyakap si Matt ng matanda. Gayundin ang ginawa ng ama at kasama nitong babae.
Habang nagkukumustahan ang pamilya ay dumako ang mata ni Cianne sa hapag-kainan nang makita ang engrandeng pagkakaayos ng pahabang lamesa.
“This is my girlfriend, Cianne,” pagpapakilala sa kan’ya.
Hindi niya alam kung paano aaktong seryoso kagaya nang pinagplanuhan nilang imahe n’ya bago sila umuwi ng Pilipinas. Dapat ay disente at mahinihin siya upang magustuhan ng pamilya Gonzalvo ngunit hindi niya naensayo kung paano iyon gagawin kaya nagpakatotoo na lang s’ya.
“Bongga naman po pala talaga ang pa-welcome n’yo kay Shaun. May pa chef pa kayo,” pagtukoy n’ya sa chef na siyang nag-serve ng main course nila. “Alam n’yo po ba nagtapos ako ng culinary sa ibang bansa, hindi n’yo na kailangan mag-hire ng chef. Mas masarap po ako magluto.”
Halos siya na nga lang ang nagsasalita sa hapag ay hindi pa siya pinansin ng mga kasama, bagkus ay si Matt lang ang tinatanong.
Sa kabila nito ay nagpapasalamat siyang hindi napansin na hindi si Shaun ang kasama n’ya.
“Hi! I’m Romina, Shaun’s stepmother.”
Nakangiti niyang tinanggap ang bote ng wine na iniabot ng babae sa kan’ya. Nasa hardin siya nagpapalipas ng oras habang nasa loob si Shaun kausap ang lolo at ama nito.
“So, paano kayo nagkakilala ng stepson ko?”
Lumawak ang ngiti ni Cianne.
“Buti naman po naitanong n’yo.” Sabik niyang ikwenento ang paulit-ulit na minemoryang kwentong pag-iibigan nila ni Shaun.
“Really? You don’t seem to be very inlove. Kung ako sa’yo, I’ll look for a guy with the same life status as mine. Nakatakda nang ikasal si Shaun sa iba. Walang sinuman ang makakahadlang dito, not even you.”
Ang akala niya’y mabait na madrasta ay kaugali din pala ng madrasta ni Cinderella.
Mabilis siyang nag-isip kung paano mapipigilan ang sinasabi nitong arranged marriage. Hindi pwedeng ma-disappoint sa kan’ya ang matalik na kaibigan, lalo pa’t nagboluntaryo siyang magpanggap din para dito at s’yempre para sa gustong si Matt.
“Hindi naman po pwede’ng magpakasal ulit ang lalaking kasal na.” Bahala na basta’t sasabihin n’ya ang nasa isip n’ya.
“What do you mean?” Kumunot ang noo ng madrasta na mukhang palaging may schedule sa derma dahil sa kulubot-free nitong kutis.
“Misis na po ako ni Shaun!” sagot n’ya.
“Wear your smile young gentlemen,” saad ni Christine sa kambal nang magsimula nang magpaso ang mga ito.Ilang minuto pa ang lumipas. Dali-dali nang nilapitan ng organizer ang puting kotseng may bulaklak sa harapan. Kumatok siya sa bintana.Ang kinakabahang si Cianne ang lulan nito. Gayunpaman, hindi mapapansin sa kan’yang mukha ang kaba dahil natatakpan iyon ng puting belo.“Let’s go.”Sa hudyat ng organizer ay bumaba na siya. Huminto siya sa tapat ng nakasarang pintuan. May ilang tao sa paligid niya. Ang iba ay nag-aayos ng kan’yang suot na puting gown, habang ang ilan naman ay kumukuha ng litrato. Panay ang salita ng organizer, subalit wala siyang maintindihan. Panay na lang ang kan’yang pagtango at pagngiti.Samu’t-saring emosyon ang nararamdaman niya. Masaya, kinakabahan, nasasabik, hindi niya na mabatid. Subalit isa lang ang sigurado, panatag ang puso niya.Dahan-dahan na bumukas ang pintuan. Tumambad sa kan’ya ang kulay asul na bulaklak na disenyo sa gitna ng simbahan.“This is
“The kids are fighter! Hindi ko inaasahan na dalawang session pa lang ay bumabalik na ang sigla nila. They still have trauma pero with your guidance, napalaki ng chance na makalimutan nila ang nangyari,” balita ng psychiatrist kay Shaun nang lumabas na ang mga bata sa opisina nito matapos ang counseling.Nang araw ng sana’y kasal nila ni Cianne ay nagising siya sa magandang balita mula sa pribadong imbestigador. Natunton na nito ang kinaroroonan ng mga bata at kasalukuyan nang ni-re-rescue ang kambal. Tandang-tanda niya pa ang galak n’ya ng araw na iyon nang lumabas siya ng kwarto upang ibalita iyon sa kan’yang asawa, subalit ang sayang kan’yang nadama ay mabilis na napalitan ng takot nang mabasa ang note na iniwan nito.Nangako ito’ng babalik kasama ang mga bata.Kinutuban siya nang masama lalo pa nang ibalita ng pribadong imbestigador na hindi nila nakita si Cianne sa lugar kung nasaan ang kan’yang mga anak.Sa tulong ng mga cctv footages ay nasundan niya, kasama ang mga otoridad, a
Higit isang oras pa lang si Cianne na nakahiga sa kama ay dahan-dahan na s’yang bumangon. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa labas. Dapat sana’y hindi siya nakakatulog sa kasabikan ng kasal, hindi dahil sa labis na pag-aalala sa kambal.“Saan ka pupunta?” paos na tanong ni Shaun sa kan’ya na kagaya niya ay hirap din makatulog.Ang totoo’y ayaw pa sana nitong umuwi, pinilit niya lang para magawa niya ang plano.“Magpapahangin lang ako sandali sa labas,” pagsisinungaling niya.Kapag ganoon kasi ang sinasabi niya, alam na kaagad ni Shaun na gusto niyang mapag-isa kahit sandali lang.Mabilis ang ginawa n’yang pagkilos, gayunpaman, hindi niya nakalimutan ang mag-iwan ng note. Anuman ang mangyari, pinapangako n’yang ililigtas niya ang mga anak.Nang makalabas ay agad siyang sumakay sa kotseng kan’yang nabook. Nagpahatid siya sa malapit na pier. Nagpasalamat siyang naabutan niya pa ang unang byahe.Ayaw niyang mag-aksaya kahit kaunting panahon, kaya ang isang oras na byahe ng barko ay napa
“Hindi ba p’wedeng sabay na lang tayong pumunta sa simbahan bukas?” tanong ni Shaun kay Cianne habang inaayos ng huli ang gagamitin ng mga bata bukas sa kasal.Inabot niya kay Manang Alice ang mga sapatos at matapos magbilin ay hinarap niya ang parang batang si Shaun na naghihintay ng atensyon niya.“Hindi nga p’wede. Gusto mo ba’ng tumutol pa bukas si ate sa kasal dahil hindi natin sinunod ang pamahiin ng mga magulang namin noong nabubuhay pa sila?” pagtataray niya. Paano’y kagabi pa ito nangungulit sa kan’ya.Ngumuso ito pagkatapos ay lumapit at niyakap siya mula sa tagiliran.Inamoy nito ang leeg niya at dumampi ng isang mabilis na halik doon. Sa gulat ay siniko niya ang tiyan nito, dahilan para dumaing ito at lumayo.“I-reserve mo nga ‘yang landi mo pagkatapos ng kasal bukas.”Imbes na sumeryoso ay tumawa pa si Shaun. Tila natutuwa pa ito na naaasar siya.Maya pa’y dalawang sunod na busina ang narinig nila sa labas. Tinanaw nila iyon mula sa bintana.Kinuha niya ang kan’yang bag n
“Mommy, I got three stars!” masayang balita ni Sean habang nakataas ang kamay na may tatlong tatak ng stars.“Me too, mommy!” Tinaas din ni Kean ang sa kan’ya.Nakangiting ginulo ni Cianne ang buhok ng dalawang bata. Kahit anong pagod niya talaga sa trabaho ay nawawala sa tuwing sinasalubong siya ng kambal.“Don’t erase it yet. Daddy will be home soon. Show it to him.”Masayang bumalik sa kwarto ang mga ito habang sinusundan n’ya ng tingin. Karaniwan nang sabay nilang sinusundo ni Shaun sa paaralan ang dalawa ngunit naging abala ang huli sa kompanya. Hinahabol din nitong matapos ang mga mahahalagang bagay bago ang araw ng kanilang kasal.“I forgot the papers,” saad niya sa sarili nang makalimutan sa kotse ang mga papeles na kan’yang inuwi upang pirmahan.Nagtungo siya sa garahe upang kunin ang naiwang dokumento nang mapansin ang kotseng nakaparada sa tapat ng kanilang bahay.Naglakad siya palapit sa gate. Takip-silim na ngunit naaaninag niya pa din ang sasakyan, kaya nasabi niyang pa
“Daddy, when are you going home?” nakalabing tanong ng kambal kay Shaun nang tumawag ito kinagabihan.Unang araw nito sa business trip na pinaalam kay Cianne nang nakaraan.“The day after tomorrow my twins,” nakalabing sagot din nito.Natawa si Cianne sa itsura ng asawa. Para itong batang iniwan sa paaralan at gusto nang umuwi.“Akala ko ba isang araw ka lang d’yan?” Sumingit siya sa usapan at seryosong nagtanong. Kunot ang kan’yang noo na tila tutol na um-extend pa ito ng isang araw doon.Gusto n’ya lang takutin ang asawa.Mukhang tagumpay dahil mabilis na naglaho ang ngiti nito sa labi at animo’y naalarma.“Mahal, kasi may event sa kabilang resort. I was invited, I couldn’t say no dahil nandoon din si Alvaro, ‘yong investor na matagal na namin gusto kunin ni dad, remember? But if you want me now beside you, as much as I want you here, I’ll book a ticket now going home.” Tumayo pa ito at nilalagay na ang ilang gamit sa bag.Parang mas nagmukha pa tuloy ito’ng sabik na bumalik sa kani
Wala sa isipan ni Cianne ang engrandeng kasal. Nang sinabi nga ni Shaun na nais nitong ibigay ang pangarap niyang kasal, ay wala siyang ibang maisip kundi isang simpleng seremonya sa simbahan. Ganoon siguro kapag kontento ka na sa buhay. Sapat na sa kan’ya na umuwi sa bahay kasama ang mga anak at asawa pagkatapos nang nakakapagod na araw.Kagaya nang kan’yang nais, simpleng pag-iisang dibdib sa simbahan ay pinaplano niya kasama ang wedding organizer na kinuha ni Shaun.Kahit anong busy ng lalaki ay nagagawa pa din siyang samahan nito sa mga paghahanda.“Hindi kaya maumay nito kaagad ang mga bisita? What do you think, mahal?” tanong sa kan’ya ni Shaun nang mag-food tasting sila.Tumango siya bilang pag-sang-ayon. Nakakailang desert na sila ngunit wala pa din pumapasa sa panlasa ng lalaki.“Okay na ‘to,” saad ni Shaun sa panghuling desert na tinikman nila.Hindi iyon gaanong swak sa panlasa niya kaya bahagya siyang umiling sa asawa.Lumapit ito sa kan’yang tainga ay bumulong.“The visit
Paulit-ulit na nilalagay ni Shaun sa kan’yang isipan ang sinapit ng kan’yang kakambal an si Matt habang pinagmamasdan ang hinang-hina nang si Don Felipe. Tila ba pilit niyang pinapaalala sa sarili na dahil sa nakaratay na matanda ay nawala ang mga mahal niya sa buhay. Subalit tila wala iyong epekto nang tuluyan nang pumatak ang luha mula sa kan’yang mga mata. Unti-unti ay napalitan ang galit ng awa.“Salamat dahil pumunta ka.”Mabilis niyang pinunasan ang luha. Pinapatigas niya ang eskpresyon kahit pa nanlalambot ang kan’yang puso.“Patawarin mo ako sa mga nagawa ko, lalo na kay Matt. Alam kong hindi maiibsan ng paghingi kong ito ng tawad ang sakit na naidulot saiyo nang nangyari pero gusto kong malaman mo na labis akong nagsisisi.” Hindi malinaw ang pananalita nito ngunit dama niya ang sinseridad sa boses nito.Ano pa nga ba ang magiging rason nito para maging masama gayong pisikal na ito’ng nasasaktan dahil sa karamdaman?“Saiyo din Cianne. Patawad kung muntik ko nang mapahamak ang
“Ang kukulit ng mga apo ko, Shaun,” nakangiting reklamo ng ama ni Shaun nang ihatid nito ang mga bata mula sa eskwela.Pinagmasdan niya ang ama na maupo sa sofa habang marahan na hinihilot ang tagiliran. Hindi niya mapigilan ang mas lalong paglawak ng ngiti. Natutuwa siyang makita na kahit papaano ay umaaliwalas na ang mukha ng ama. Paano’y abswelto na ito sa kasong korapsyon. Tanging ang madrasta at lolo niya na lamang ang iniimbestigahan.“Napapayag mo ba si Mr. Chen na mag-invest sa negosyong pinaplano mo?” tanong nito pagkalaon.Tumango siya. “Yes dad, and please say negosyo natin. You’re part of it.”Kagaya ng relasyon nila ni Cianne ay nagsisimula na din siyang buuin ang kan’yang career. Head chef pa din naman siya ng kan’yang nobya, ngunit tuwing sabado o kung may espesyal na okasyon na lamang iyon. Paano’y gumagawa na siya ng pangalan sa larangan ng culinary, dahilan upang maging mas abala siya.Marami na siyang produktong pagkain na naimbento, karaniwang mga ready to eat na p