Se connecterTumataginting na karangyaan. Yan ang bumalandra sa bawat headline, pahayagan, at social media feed sa buong mundo sa araw ng kasal nina Jafarr at Elaine. Sa pamamagitan ng nabasa ko at napanood, dahil natural hindi ako imbitado. Bakit nga ba ako iinvite ni Elaine, kung naging matinding karibal ako sa paningin niya.As Jafarr bragged out, siya ang sumalo sa lahat ng gastusin. Ang gown na isinuot ni Elaine? Gawa ng isang sikat na international designer at sumisigaw ng walang katapusang yaman. Mula sa seremonya sa cathedral hanggang sa panggabing reception sa isang five-star luxury hotel, itinuring si Elaine bilang pinakamaganda at pinakamaswerteng babae sa buong mundo.Kabiyak na siya ngayon ng lalaking pinangarap ng lahat, at opisyal nang naging pinakamayamang daughter-in-law sa buong angkan ng Mansouri. Umapaw rin ang mga regalong natanggap niya. Mula sa mga jewelries, luxurious cars, high-end estates, and world tours na regalo ng mga kilalang CEOs at kapwa billionaires.Kung gaano
Kami ni Khamir ang pinakahuling nakarating sa family gathering sa gabing yun. Sa labas pa lamang ng engrandeng mansyon, sunod-sunod nang nagsipasok ang mga eleganteng mukhang sanay na sa ganitong klaseng pagtitipon. Mga luxurious cars pa ang pumaparada sa harap ng entrance. Pero nang makita nila kaming naka-motorsiklo? We became the apple of their eyes."Well, well, well. Look who's here." Agad na lumapit si Jafarr na may nakakalokong ngisi, pinagmamasdan ang motorsiklo ni Khamir bago ibinaba ang tingin sa akin. "Sineryoso niyo naman yata ang pagiging out of place. Wala man lang bang kotse na pwedeng hiramin?"Ilang sandali pa, lumapit din si Elaine. Halatang pinaghandaan niya ang gabing iyon. As usual, naka-gown na naman siya na parang rarampa dahil nawat detalye ay sumisigaw ng karangyaan, na para bang ipinaalam sa lahat na ibang-iba na ang estado niya ngayon. Mapanuri pa niya akong sinipat from head to foot, before she lifted her eyebrow."Anong klaseng pamorma yan, Aria? Nakalimut
"Sinunog mo ang buong mansyon at ang ubasan namin? At ni isang pirasong pundasyon ng gusali ay walang natira?" panimula ko, basag ang boses at nanginginig sa matinding galit. "Pinakialaman mo ang ari-arian na pinaghirapan ng ina ko noong buhay pa siya! Ang sama mo, Khamir! Wala kang puso! How could you do this!"Nakararamdam ako ng matinding panghihinayang at matinding galit habang nakatitig sa screen ng phone ko. Ang bawat titik ng balita ay sumasaksak talaga sa dibdib ko. Hindi man lang din siya kumurap, yung awra niyang walang bahid na anumang pagiging guilty sa ginawa niya. Dahan-dahan siyang tumayo, inilagay ang mga kamay sa loob ng bulsa saka sinalubong ang nagniningas at nag-aapoy kong titig. "Relax, okay? Safe pa rin naman ang papa mo. Tinawagan ko lang ang mga kaibigan ko na burahin ang mansyon. Hindi ko naman inutos na sunugin nila yun. That's what I called, the power of connections." mahinahon ngunit madiin niyang rason, walang kahit kaunting bahid ng pagsisisi sa kanyan
"Dahan-dahan lang, Khamir," pakiusap ko sa kanya, pilit nilalabanan ang pagngiwi sa sakit habang ginagamot niya ang mga sugat ko. "Nasasaktan ako." Matapos ang nangyari kanina, dinala ako ni Khamir sa pinakamalapit niyang resthouse. Maliit at sakto lamang para sa dalawa, pero taglay ang pinakakomportableng luxurious design na tanging mga mayayaman lamang ang nakakapagpundar. Mariin akong nakatitig sa kanya habang maingat niya akong ginagamot. Ramdam ko ang pag-aaruha, kahit para siyang demonyong may taglay na kakaibang gentleman vibe. Pero ang diwa ko? Agad bumalik kay Papa. Ngayong malayo na ako sa tabi niya, hindi ko tuloy alam kung paano ko pa siya ililigtas."Khamir?" tawag ko sa kanya nang may halong pag-aalinlangan. "Thank you for rescuing me. Pero if this is about sa engagement, I won't force you to marry me. Tatlong araw kitang hinintay, and enough na yun para ipamukha sa akin na hindi mo kailangan ng isang babaeng katulad ko. Sapat na sa akin na iniligtas mo ako." At
Napanganga silang lahat sa hitsurang bumulagta sa harapan nila. For a moment, may kung anong pwersang nagpatahimik sa buong paligid. Bumungad kasi ang isang lalaking nag-uumapaw sa karisma at mapanganib na kagwapuhan. Khamir was the epitome of an Arabian beauty, matutulis na jawline, matikas na tindig, hunk physique, at mga matang may devilish intensity na kayang tumagos sa kaluluwa ng sinumang mapatitig sa kanya.Ngunit hindi ang kagwapuhan niya ang higit na nakapagpatahimik sa lahat. It was his presence. Mula sa kinatatayuan niya, matalim niyang sinusuyod ng tingin ang bawat taong naroon. Wala siyang sinasabi, wala ring anumang ekspresyong mababakas sa kanyang mukha, pero sapat na ang malamig niyang titig para maramdaman naming lahat ang bigat ng kanyang awtoridad. Para siyang isang bagyong biglang dumating na patahimik, ngunit nagbabadyang magwasak ng sinumang humarang sa kanyang landas. At ang pinakanakakatakot? Hindi man lang siya nagmukhang nag-aalalang may makakaharap siyang ka
Hindi ako makapagsalita. Nanuyo ang lalamunan ko nang makita ang nag-aapoy sa galit na mga mata ni Papa at punong-puno ito ng pagkadismaya. Gago! Paning-paniwala talaga siya sa mag-ina na yun. At dito na ako bumigay. Sa sobrang sidhi ng frustration at kawalan ng katarungan, sumabog na ako!"Sila naman talaga, Papa! Sila ang may planong sirain tayo! Ang lahat-lahat! Araw-araw kang nilalason ni Mama kasama si Elaine para makuha nila ang ari-arian natin! In the first place, pinakasalan ka lang ni Mama para magkaroon siya ng kapangyarihan. Hindi ka naman niya minahal.""Walang hiya ka!" Nanigas agad ako nang biglang lumagapak ang mabibigat na kamay ni Papa sa aking pisngi. "Nagawa mo pa talaga silang pagbintangan pagkatapos ng ebidensyang ito? Tapos, gumagawa ka pa ng kwento para lang magpalusot? Napaka-hayop! Inutil!"Mabilis sumugod si Elaine, sinabunutan ako nang marahas at hindi tumitigil hangga't hindi ako bumagsak sa sahig. "Hayop ka, Aria! Kami pa ngayon ang pag-aakusahan mo







