Share

Chapter 5

Penulis: Janey Does
last update Tanggal publikasi: 2026-11-02 07:28:06

​Hindi ako makapagsalita. Nanuyo ang lalamunan ko nang makita ang nag-aapoy sa galit na mga mata ni Papa at punong-puno ito ng pagkadismaya. Gago! Paning-paniwala talaga siya sa mag-ina na yun. ​At dito na ako bumigay. Sa sobrang sidhi ng frustration at kawalan ng katarungan, sumabog na ako!

​"Sila naman talaga, Papa! Sila ang may planong sirain tayo! Ang lahat-lahat! Araw-araw kang nilalason ni Mama kasama si Elaine para makuha nila ang ari-arian natin! In the first place, pinakasalan ka lang ni Mama para magkaroon siya ng kapangyarihan. Hindi ka naman niya minahal."

"Walang hiya ka!" Nanigas agad ako nang biglang lumagapak ang mabibigat na kamay ni Papa sa aking pisngi. ​"Nagawa mo pa talaga silang pagbintangan pagkatapos ng ebidensyang ito? Tapos, gumagawa ka pa ng kwento para lang magpalusot? Napaka-hayop! Inutil!"

​Mabilis sumugod si Elaine, sinabunutan ako nang marahas at hindi tumitigil hangga't hindi ako bumagsak sa sahig. ​"Hayop ka, Aria! Kami pa ngayon ang pag-aakusahan mo nang ganyan? Ang sama-sama mo! Kahit kailan talaga, inggit na inggit ka sa amin! You're a monster!"

"Maswerte akong hindi ikaw ang mapapangasawa ko!" sambat pa Jafarr nung siya ay pumagitna. "You tarnished the name of your family Moretti, at ang babaeng katulad mo ay dapat parusahan! Tinangka mong lasunin ang future mother-in-law ko! You think I'll let that slide? No, girl! Hindi ko ito palalampasin. Makakatikim ka ng impyerno sa labas ng mundong ito! Mark my words."

Sa kabila ng sakit, napilitan akong lumuhod at abutin ang laylayan ng pantalon ni Papa. Kailangan ko siyang maabot. Kailangan niyang marinig ang buong katotohanan bago tuluyang maging huli ang lahat para sa aming dalawa.

​"Papa, please. Makinig naman po kayo sa akin kahit ngayon lang," umiiyak na pakiusap ko, basag na basag ang boses habang pilit siyang kinukumbinsi. "Hindi po ako nagsisinungaling. Maniwala po kayo, Papa. Sila ang may gustong burahin tayo. Gusto lang nila makuha ang mga ari-arian mo."

​Napakurap si Papa nang ilang beses, na parang natigilan sa sinabi ko. Pero mabilis ding binalot ng galit ang mukha niya nang sumingit si Mama na kunwaring nag-aagaw buhay pa rin sa pag-iyak sa tabi.

​"Victor, nakikita mo ba ang anak mo?" nanginginig na sumbong ni Mama, hinahawakan ang dibdib habang nag-aakto na parang biktima. "Hanggang ngayon, pinapalabas niya pang ako ang masama. Kung ano-ano ang iniimbento niya laban sa akin. Ayokong makasama ang babae na yan dito, Victor. Paalisin mo siya."

Dito na tuluyang nagdilim ang paningin ni Papa. Dahil ayaw niya mapahiya lalo sa harap ng isang Mansouri, ang huling natitirang butil ng pagmamahal niya sa akin bilang ama ay tuluyan nang nilamon ng galit. Marahas niya akong hinawakan sa braso at dali-daling kinaladkad palabas ng mansyon. Napasulyap pa ako kay Mama. As usual, nakangiti siyang pinagmamasdan akong pinagtutulungan ng lahat. Para bang sinasabi niya sa akin na kahit anong gawin ko, tuloy pa rin ang kanilang mga plano.

​"Lumayas ka!" sigaw ni Papa habang hinihila niya ako pababa ng hagdan, hanggang sa marating namin ang malawak na labas ng mansyon. "Baka mas masahol pa ang gawin mo kapag nanatili ka pa! Mula ngayon, kalimutan mo nang may pamilya kang babalikan!"

Ang harsh! Ang lala! Hindi ko lubos ma-imagine na humantong talaga sa putulan ng family ties ang sitwasyon. Sunod-sunod na inihagis ng mga kasambahay ang mga gamit ko, para bang isang basurang walang halaga. No! This could not be happening!​ Akala ko masusupil ko na sila, pero mas pinili ni Papa ang maging bulag sa sarili niyang tahanan. Paano nila nagawang baligtarin ang lahat? Alam ko ang totoo! Alam kong papatayin din nila kami! Paano na si Papa? Kung tuluyan akong mapapalabas dito, sino na ang magliligtas sa kanya mula sa mga kamay ng mga impakta? Hindi pwede! Hindi ako pwedeng mabigo ulit sa pagkakataong ito.

​"Oh, poor Aria. What a pathetic loser." panlalait ni Elaine nang sumunod sa amin, tawa nang tawa habang nakasandal kay Jafarr. "Hindi ka na nga sinipot ng mapapangasawa mo, pinalayas ka pa ni Papa. Deserve! Nababagay lang sa'yo yan! Simula ngayon, kalimutan mo nang magkapatid tayo! Goodbye, Aria. And good luck surviving out there with nothing!"

Hindi pa nakuntento si Elaine sa panlalait. Bago pa man ako tuluyang makagalaw sa sementong kinasasadlakan ko, padabog siyang lumapit at mariing tinadyakan ang aking tagiliran bilang ganti raw sa ginawa ko kay Mama. Sumunod din si Papa, na sa kabila ng aking pagmamakaawa ay hinayaan pa akong saktan. Maging si Jafarr ay sumali, sinipa ang mga gamit ko at binigyan ako ng mariing parusa para sa huwad na pagtatangka kong pagpatay sa kanyang future mother-in-law.

​Wala na akong natitirang lakas. Nawalan na ako ng pag-asa. Hindi ko akalain na mabibigo na naman ako sa ikalawang pagkakataon. Ang nais ko lang naman ay iligtas si Papa, pero hindi nagtagumpay ang plano ko. Kung mabibigyan lang din sana ako ulit ng isa pang chance na mabuhay? Sana nga meron pa! Aayusin ko na talaga ang lahat para ako naman ang magtagumpay sa kapalaran. Ang bobo ko! Bakit ko pa kasi naisipang piliin si Khamir? Nasaan siya ngayon? Wala. Walang balak na iligtas ako. 

Habang nakasalampak ako sa malamig na semento, halos hindi na makagalaw sa sakit at panghihina, unti-unti ko nang tinatanggap ang katotohanang wala na akong laban. Wala na akong kakampi. Wala nang magliligtas sa akin. Muli na naman akong nabigo, at sa pagkakataong ito, maaaring wala na akong chance pang mabuhay ulit.

Pero bago pa tuluyang manaig ang katahimikan sa paligid, isang nakakabinging ugong ng makina ang biglang umalingawngaw mula sa kabilang kalsada. Napalingon kaming lahat! Isang itim na motorsiklo ang humaharurot papalapit sa mansyon, mabilis at walang pag-aalinlangan. Ang tunog ng makina nito ay nagbabadya ng isang bagay na hindi namin inaasahan. Sa isang iglap, marahas itong pumreno sa mismong harapan ng gate, dahilan para kumalat ang alikabok sa paligid.

"Who the hell is that?" iritadong bulalas ni Jafarr.

Hindi sumagot ang lalaking sakay nito. Sa halip, mabilis siyang bumaba ng motorsiklo at walang sinayang na segundo bago tuluyang lumapit sa amin. Nakasuot siya ng itim na jacket, dark jeans, at isang full-face helmet na lalong nagbigay ng misteryo sa kanyang pagkatao. Diretso ang kanyang mga hakbang sa kinaroroonan namin.

"Hoy! Sino ka?" sigaw ni Papa, agad na humarang sa kanyang daraanan. "This is private property!"

Pero hindi man lang siya natinag sa pagbabanta ni Papa. Sa halip, huminto siya ilang hakbang mula sa amin at dahan-dahang ibinaling ang kanyang ulo sa direksyon ko. Then, without saying a word, he reached for the strap of his helmet and slowly took it off. Biglang tumigil ang oras, hindi sa tunay niyang presensya kundi ang pagkakakilala namin sa kanya.

"Khamir?"

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Rebirth, Their Biggest Regret   Chapter 7

    ​"Dahan-dahan lang, Khamir," pakiusap ko sa kanya, pilit nilalabanan ang pagngiwi sa sakit habang ginagamot niya ang mga sugat ko. "Nasasaktan ako." ​Matapos ang nangyari kanina, dinala ako ni Khamir sa pinakamalapit niyang resthouse. Maliit at sakto lamang para sa dalawa, pero taglay ang pinakakomportableng luxurious design na tanging mga mayayaman lamang ang nakakapagpundar. ​Mariin akong nakatitig sa kanya habang maingat niya akong ginagamot. Ramdam ko ang pag-aaruha, kahit para siyang demonyong may taglay na kakaibang gentleman vibe. Pero ang diwa ko? Agad bumalik kay Papa. Ngayong malayo na ako sa tabi niya, hindi ko tuloy alam kung paano ko pa siya ililigtas.​"Khamir?" tawag ko sa kanya nang may halong pag-aalinlangan. "Thank you for rescuing me. Pero if this is about sa engagement, I won't force you to marry me. Tatlong araw kitang hinintay, and enough na yun para ipamukha sa akin na hindi mo kailangan ng isang babaeng katulad ko. Sapat na sa akin na iniligtas mo ako." ​At

  • My Rebirth, Their Biggest Regret   Chapter 6

    Napanganga silang lahat sa hitsurang bumulagta sa harapan nila. For a moment, may kung anong pwersang nagpatahimik sa buong paligid. Bumungad kasi ang isang lalaking nag-uumapaw sa karisma at mapanganib na kagwapuhan. Khamir was the epitome of an Arabian beauty, matutulis na jawline, matikas na tindig, hunk physique, at mga matang may devilish intensity na kayang tumagos sa kaluluwa ng sinumang mapatitig sa kanya.Ngunit hindi ang kagwapuhan niya ang higit na nakapagpatahimik sa lahat. It was his presence. Mula sa kinatatayuan niya, matalim niyang sinusuyod ng tingin ang bawat taong naroon. Wala siyang sinasabi, wala ring anumang ekspresyong mababakas sa kanyang mukha, pero sapat na ang malamig niyang titig para maramdaman naming lahat ang bigat ng kanyang awtoridad. Para siyang isang bagyong biglang dumating na patahimik, ngunit nagbabadyang magwasak ng sinumang humarang sa kanyang landas. At ang pinakanakakatakot? Hindi man lang siya nagmukhang nag-aalalang may makakaharap siyang ka

  • My Rebirth, Their Biggest Regret   Chapter 5

    ​Hindi ako makapagsalita. Nanuyo ang lalamunan ko nang makita ang nag-aapoy sa galit na mga mata ni Papa at punong-puno ito ng pagkadismaya. Gago! Paning-paniwala talaga siya sa mag-ina na yun. ​At dito na ako bumigay. Sa sobrang sidhi ng frustration at kawalan ng katarungan, sumabog na ako!​"Sila naman talaga, Papa! Sila ang may planong sirain tayo! Ang lahat-lahat! Araw-araw kang nilalason ni Mama kasama si Elaine para makuha nila ang ari-arian natin! In the first place, pinakasalan ka lang ni Mama para magkaroon siya ng kapangyarihan. Hindi ka naman niya minahal.""Walang hiya ka!" Nanigas agad ako nang biglang lumagapak ang mabibigat na kamay ni Papa sa aking pisngi. ​"Nagawa mo pa talaga silang pagbintangan pagkatapos ng ebidensyang ito? Tapos, gumagawa ka pa ng kwento para lang magpalusot? Napaka-hayop! Inutil!"​Mabilis sumugod si Elaine, sinabunutan ako nang marahas at hindi tumitigil hangga't hindi ako bumagsak sa sahig. ​"Hayop ka, Aria! Kami pa ngayon ang pag-aakusahan mo

  • My Rebirth, Their Biggest Regret   Chapter 4

    "Mama, gumising ka. Huwag mo naman akong iwan na ganito. Paano na ngayon ang mga pangarap natin? Wake up, please!" hagulgol ni Elaine sa pag-iyak, na parang guguho talaga ang mundo niya sa sobrang takot at pag-aalala.Mariing nakahawak sa balikat niya si Jafarr, puno ng awtoridad at galit ang mukha. ​Sa kabilang dako ng pintuan naman, palakad-lakad si Papa. Kitang-kita ko ang pagiging balisa niya habang paulit-ulit na hinahaplos ang sarili. ​Samantalang ako? Tahimik lang, walang kaabog-abog na pinagmamasdan ang bawat isa sa kanila na may matamis na tagumpay sa loob ng aking dibdib.Ano ka ngayon, Mama? Sa sobrang atat mong paslangin si Papa, ikaw tuloy itong napahamak. Pero don't worry, higit pa riyan ang mararanasan mo kapag kikilos na ako. Ipapadama ko talaga sa inyong dalawa ni Elaine kung anong klaseng halimaw na si Aria ngayon.​Agad nabaling ang atensyon naming lahat nang hinarap kami ng doktor, katatapos lang nitong suriin ang kalagayan ni Mama. Bago pa man makapagsalita si Pap

  • My Rebirth, Their Biggest Regret   Chapter 3

    "You idiot! Ano ba talaga ang iniisip mo, ha? Everyone thinks you've lost your mind, Aria!" galit na bulyaw ni Papa sa hapagkainan, halos manginig ang mga kubyertos sa tindi ng pagkakabagsak ng kanyang palad sa mesa. "Pinagtatawanan ka ngayon ng buong angkan! Ikaw pa naman ang pinagmamalaki at inaasahan ko, pero what happened? You deliberately chose the man everyone fears! Khamir Mansouri? Seriously, Aria?"Napahinto ako sa pagsubo. Hindi ko in-expect na muling bubungad sa akin ang ganitong klaseng sermon mula kay Papa. Until now, hindi pa rin siya maka-move on sa desisyon ko."And where is he now?" mapanuyang dagdag niya. "Ni hindi man lang siya nagpakita sa araw ng inyong kasunduan! Three days, Aria! Tatlong araw na ang lumipas, pero ni anino ng bilyonaryong yun ay hindi natin nakita! Duwag siya!""Victor, please calm down." mahinahong awat ni Mama, saka marahang inilapag ang hawak niyang baso. "You're making a big deal out of something that has already been decided. Masaya naman si

  • My Rebirth, Their Biggest Regret   Chapter 2

    ​"Aria! Is this true? Am I dreaming? Si Jafarr talaga ang mapapangasawa ko?" tili ni Elaine sabay yakap sa akin, habang panay ang hagod sa likod ko na kunwari ay puno ng pagmamahal. Kung hindi ko lang alam ang totoong kulay ng babaeng ito, baka naniwala na akong mahal niya talaga ako bilang kapatid. "Thank you! Thank you so much! Ang bait-bait mo talaga!"​"Kung iyan ang desisyon mo, anak. Irerespeto ko." seryosong wika ni Papa sabay iniabot sa amin ang opisyal na kasulatan na katatapos lang namin lagdaan ni Lalaine. Halata pa rin sa mukha niya ang pagtataka kung bakit parang hindi ko pinag-iisipan nang mabuti ang desisyon ko. "Tandaan mo, si Lord Khamir ay kilala sa kanyang mabagsik na reputasyon. At hindi siya basta-basta."​"I am well aware of that, Papa," seryoso kong sagot, sumusulyap nang diretso sa mga mata niya na may banta, na mas kilala ko pa ang mga ahas na kasama namin sa mansyong ito.​"Magnificent choice, my dear Aria!" nakangiting singit ni Mama, but her eyes screamed a

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status