author-banner
Janey Does
Janey Does
Author

Nobela ni Janey Does

My Rebirth, Their Biggest Regret

My Rebirth, Their Biggest Regret

‎Pinatay nila ako dahil sa masama nilang hangarin. Ngunit, binuhay ako muli ng tadhana para makapaghiganti. ‎ ‎***** ‎ ‎Isang gabi ng tradisyunal na pagpili ng mapapangasawa ang nagtapos sa buhay ni Aria matapos siyang pagtangkaan ng kanyang sariling stepmother at half-sister. Ngunit bago pa man siya tuluyang napaslang, nalaman niyang nilalason pala ng madrasta ang kanyang ama araw-araw para lang makuha ang lahat ng kanilang mga ari-arian. ‎ ‎​Sa hindi inaasahang pagkakataon, binigyan si Aria ng pangalawang buhay at ibinalik sa sandali ng pagpili. Ngayong may alam na siya sa masamang hangarin ng mapanlinlang na mag-ina, dito na niya binago ang tadhana para makapaghiganti. Sadya niyang pinili ang kinakatakutang bilyonaryo na si Khamir bilang mapapangasawa, hindi lang para sa pag-ibig kundi para sa isang kapangyarihang magpapabagsak sa kanila. ‎​
Basahin
Chapter: Chapter 7
​"Dahan-dahan lang, Khamir," pakiusap ko sa kanya, pilit nilalabanan ang pagngiwi sa sakit habang ginagamot niya ang mga sugat ko. "Nasasaktan ako." ​Matapos ang nangyari kanina, dinala ako ni Khamir sa pinakamalapit niyang resthouse. Maliit at sakto lamang para sa dalawa, pero taglay ang pinakakomportableng luxurious design na tanging mga mayayaman lamang ang nakakapagpundar. ​Mariin akong nakatitig sa kanya habang maingat niya akong ginagamot. Ramdam ko ang pag-aaruha, kahit para siyang demonyong may taglay na kakaibang gentleman vibe. Pero ang diwa ko? Agad bumalik kay Papa. Ngayong malayo na ako sa tabi niya, hindi ko tuloy alam kung paano ko pa siya ililigtas.​"Khamir?" tawag ko sa kanya nang may halong pag-aalinlangan. "Thank you for rescuing me. Pero if this is about sa engagement, I won't force you to marry me. Tatlong araw kitang hinintay, and enough na yun para ipamukha sa akin na hindi mo kailangan ng isang babaeng katulad ko. Sapat na sa akin na iniligtas mo ako." ​At
Huling Na-update: 2026-11-03
Chapter: Chapter 6
Napanganga silang lahat sa hitsurang bumulagta sa harapan nila. For a moment, may kung anong pwersang nagpatahimik sa buong paligid. Bumungad kasi ang isang lalaking nag-uumapaw sa karisma at mapanganib na kagwapuhan. Khamir was the epitome of an Arabian beauty, matutulis na jawline, matikas na tindig, hunk physique, at mga matang may devilish intensity na kayang tumagos sa kaluluwa ng sinumang mapatitig sa kanya.Ngunit hindi ang kagwapuhan niya ang higit na nakapagpatahimik sa lahat. It was his presence. Mula sa kinatatayuan niya, matalim niyang sinusuyod ng tingin ang bawat taong naroon. Wala siyang sinasabi, wala ring anumang ekspresyong mababakas sa kanyang mukha, pero sapat na ang malamig niyang titig para maramdaman naming lahat ang bigat ng kanyang awtoridad. Para siyang isang bagyong biglang dumating na patahimik, ngunit nagbabadyang magwasak ng sinumang humarang sa kanyang landas. At ang pinakanakakatakot? Hindi man lang siya nagmukhang nag-aalalang may makakaharap siyang ka
Huling Na-update: 2026-11-02
Chapter: Chapter 5
​Hindi ako makapagsalita. Nanuyo ang lalamunan ko nang makita ang nag-aapoy sa galit na mga mata ni Papa at punong-puno ito ng pagkadismaya. Gago! Paning-paniwala talaga siya sa mag-ina na yun. ​At dito na ako bumigay. Sa sobrang sidhi ng frustration at kawalan ng katarungan, sumabog na ako!​"Sila naman talaga, Papa! Sila ang may planong sirain tayo! Ang lahat-lahat! Araw-araw kang nilalason ni Mama kasama si Elaine para makuha nila ang ari-arian natin! In the first place, pinakasalan ka lang ni Mama para magkaroon siya ng kapangyarihan. Hindi ka naman niya minahal.""Walang hiya ka!" Nanigas agad ako nang biglang lumagapak ang mabibigat na kamay ni Papa sa aking pisngi. ​"Nagawa mo pa talaga silang pagbintangan pagkatapos ng ebidensyang ito? Tapos, gumagawa ka pa ng kwento para lang magpalusot? Napaka-hayop! Inutil!"​Mabilis sumugod si Elaine, sinabunutan ako nang marahas at hindi tumitigil hangga't hindi ako bumagsak sa sahig. ​"Hayop ka, Aria! Kami pa ngayon ang pag-aakusahan mo
Huling Na-update: 2026-11-02
Chapter: Chapter 4
"Mama, gumising ka. Huwag mo naman akong iwan na ganito. Paano na ngayon ang mga pangarap natin? Wake up, please!" hagulgol ni Elaine sa pag-iyak, na parang guguho talaga ang mundo niya sa sobrang takot at pag-aalala.Mariing nakahawak sa balikat niya si Jafarr, puno ng awtoridad at galit ang mukha. ​Sa kabilang dako ng pintuan naman, palakad-lakad si Papa. Kitang-kita ko ang pagiging balisa niya habang paulit-ulit na hinahaplos ang sarili. ​Samantalang ako? Tahimik lang, walang kaabog-abog na pinagmamasdan ang bawat isa sa kanila na may matamis na tagumpay sa loob ng aking dibdib.Ano ka ngayon, Mama? Sa sobrang atat mong paslangin si Papa, ikaw tuloy itong napahamak. Pero don't worry, higit pa riyan ang mararanasan mo kapag kikilos na ako. Ipapadama ko talaga sa inyong dalawa ni Elaine kung anong klaseng halimaw na si Aria ngayon.​Agad nabaling ang atensyon naming lahat nang hinarap kami ng doktor, katatapos lang nitong suriin ang kalagayan ni Mama. Bago pa man makapagsalita si Pap
Huling Na-update: 2026-11-02
Chapter: Chapter 3
"You idiot! Ano ba talaga ang iniisip mo, ha? Everyone thinks you've lost your mind, Aria!" galit na bulyaw ni Papa sa hapagkainan, halos manginig ang mga kubyertos sa tindi ng pagkakabagsak ng kanyang palad sa mesa. "Pinagtatawanan ka ngayon ng buong angkan! Ikaw pa naman ang pinagmamalaki at inaasahan ko, pero what happened? You deliberately chose the man everyone fears! Khamir Mansouri? Seriously, Aria?"Napahinto ako sa pagsubo. Hindi ko in-expect na muling bubungad sa akin ang ganitong klaseng sermon mula kay Papa. Until now, hindi pa rin siya maka-move on sa desisyon ko."And where is he now?" mapanuyang dagdag niya. "Ni hindi man lang siya nagpakita sa araw ng inyong kasunduan! Three days, Aria! Tatlong araw na ang lumipas, pero ni anino ng bilyonaryong yun ay hindi natin nakita! Duwag siya!""Victor, please calm down." mahinahong awat ni Mama, saka marahang inilapag ang hawak niyang baso. "You're making a big deal out of something that has already been decided. Masaya naman si
Huling Na-update: 2026-11-02
Chapter: Chapter 2
​"Aria! Is this true? Am I dreaming? Si Jafarr talaga ang mapapangasawa ko?" tili ni Elaine sabay yakap sa akin, habang panay ang hagod sa likod ko na kunwari ay puno ng pagmamahal. Kung hindi ko lang alam ang totoong kulay ng babaeng ito, baka naniwala na akong mahal niya talaga ako bilang kapatid. "Thank you! Thank you so much! Ang bait-bait mo talaga!"​"Kung iyan ang desisyon mo, anak. Irerespeto ko." seryosong wika ni Papa sabay iniabot sa amin ang opisyal na kasulatan na katatapos lang namin lagdaan ni Lalaine. Halata pa rin sa mukha niya ang pagtataka kung bakit parang hindi ko pinag-iisipan nang mabuti ang desisyon ko. "Tandaan mo, si Lord Khamir ay kilala sa kanyang mabagsik na reputasyon. At hindi siya basta-basta."​"I am well aware of that, Papa," seryoso kong sagot, sumusulyap nang diretso sa mga mata niya na may banta, na mas kilala ko pa ang mga ahas na kasama namin sa mansyong ito.​"Magnificent choice, my dear Aria!" nakangiting singit ni Mama, but her eyes screamed a
Huling Na-update: 2026-11-02
Maaari mong magustuhan
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status