Kinabukasan. Na gising ako sa tunog ng alarm clock. Dinampot ko ang magazine sa ibabaw ng mesa ko at gigil na tiningnan ang gwapong mukha ni Emmanuel. Bago ko pa makalimutan na may trabaho ako nilapag ko iyon at nagmadaling pumunta sa banyo at maligo.
Dahil walking distance lang naman ang pinagtrabahuan ko naglakad nalang ako at sayang sa pamasahe. Nagtatrabaho ako bilang janitress sa isang coffee shop, college graduate ako pero dahil sa apelyedong Layson na dala ko hindi ako matanggap sa kompanya na pinag-aplayan ko. Unfair, dahil wala naman akong kinalaman sa kagagawan ng ama ko pero dahil dala ko ang apelyedo niya dawit parin ako. Mabuti nalang at na tanggap ako dito kahit janitress basta may trabaho ako at pambili ng makain ko.Nag umpisa na akong magtrabaho. Ito ang routine ko hanggang sa matapos ang working hour ko. Nakakapagod pero kayanin dahil wala naman akong ibang maaasahan. Ang tatay ko hindi man lang ako magawang tawagan simula noong magtago siya. Kaya kahit mahirap tinitiis ko dahil may pangarap ako pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito kayang tiisin.Dalawang araw bago ang birthday ko may perang pumasok sa bank account ko ,alam ko si papa ang nagbigay niyon ngunit hindi ko siya magawang tawagan upang magpasalamat. Nagtatampo ako sa kanya. Galit. Hindi ko alam. Basta ayoko siyang makita o maka-usap man lang. Hindi ko ginalaw ang pera na bigay niya may sarili naman akong pera at hindi ko kailangan mag celebrate ng birthday ko nang bongga. Sabi nga si Cathalea baka may plano si Ashnaie."Make a wish," masayang sambit ni Ashnaie.October 10-friday.My birthday.Pumikit ako at binulong sa aking isipan ang wish ko. Nang hipan ko ang kandila sabay nila akong binati ni Cathalea ng happy birthday. We celebrate my birthday in a fancy restaurant na pagmamay-ari ng boyfriend ni Ashnaie. Naka-VIP pa kami.Ang regalo ni Ashnaie ay gold necklace. Literal na gold. At kay Cathalea keychain na may picture naming tatlo. Niyakap ko sila at mangiyak na nagpasalamat."Shopping? Another birthday treat?""Huwag na Ash," tanggi ko. "Sayang sa pera alam mo naman hindi ako materialistic na tao.""Alam ko na!" Ngumunguya na singit ni Cathalea. "Pajama party tayo sa condo. Mag take out nalang tayo ng foods.""Agree ako. Nag leave rin ako ng dalawang araw sa trabaho," sagot ko."Sige. Sagot ko na foods," si Ashnaie."Alak na akin," si Cathalea.Nang matapos kaming kumain nagpa take out si Ashnaie at dumiritso kami sa condo ni Cathalea. Dahil busog pa kami nag movie marathon muna kami at nagluto si Cathalea ng popcorn at fries."May naisip akong laro," sambit ni Ash." Spin the bottle tayo. Truth or dare at kapag hindi mo nagawa ang may consequence. "" Dare, " agad na sagot ko." Hindi pa nga nag umpisa ang laro nag dare ka na, " asik ni Ashnaie nakabusangot ang mukha.Humalukipkip ako." Alangan naman mag truth ako parang hindi ninyo ako kilala. Wala akong maitago na sikreto sa inyo. "" Oo na," masungit na saad niya." Dahil nag dare ka. I dare you to seduce Emmanuel Montefalco. "Napanganga ako at gulat na tiningnan siya." Ang hirap naman 'yan, " reklamo ko." Hirap hagilapin ang taong yan. Iba na lang. "" Ayaw mo non, thrilled? Ano game? " Nakangisi na sagot ni Cathalea. "May premyo . Kapag nagawa mo. Trip to Paris ang prize mo. "" Aakitin lang naman diba? " Paniniguro ko." Yeah. Iyon lang, " kibit-balikat na sagot ni Ashnaie.Bumuntong hininga ako. Bakit kasi nag dare kaagad ako ayan tuloy napasubo. Paano ko iyon gagawin wala naman akong alam sa mga ganyan.Umingos ako." Hindi ko talaga kaya ang dare mo Ashnaie. Iba na lang.""Ayaw mo non? May chance ka ulit makalapit sa ultimate crush mo? "" Ehhh! " Angal ko."Oh sige iba nalang," ani Cathalea. " Hindi mo siya aakitin. Kausapin mo na lang at sabihin 'Emmanuel, can you date with me? -"" Cath naman e, " parang bata na reklamo ko. Tinawanan lang ako ng dalawa sa inakto ko.Pabor sa akin ang dare ni Ashnaie kasi chance ko rin ito na mapansin ulit ni Emmanuel ang kaso hindi talaga ako marunong mang akit. Hindi ko alam ang gagawin ko. At baka sabihin pa niya ang landi ko, desperada na mapansin ang isang tulad niya. At saka nakakahiya, paano kung tanongin niya ang background status ko, ano ang isasagot ko?Imposible na hindi niya kilala ang ama ko. Ang apelyedong dala ko, dahil kalat na sa buong Sagada ang issue ng ama ko at ang brutal na pagkamatay ng ina ko. Bumuntong hininga ako. Nakanguso sa tumingin sa dalawa ."Game?" Nakangisi na tanong ni Ashnaie. " Pangarap mo pumunta sa Paris. Kaya ko naman ibigay iyon sayo bilang treat pero. .walang challenge," she chuckled. " Sige na. Madali lang naman e," pangumbinsi niya pa."Paano kung hindi maging success?""It's okay. As long as kinausap mo siya at sinubukang akitin," kibit-balikat na sagot ni Ashnaie.Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. " Okay! Game, para sa Paris."Napatakip ako sa aking tainga nang sabay silang dalawa na tumili. Kapag ako napahiya, ako naman mag dare sa kanila. It's payback time. Mark my word.Wala nang party na naganap dahil na lasing ang dalawa. Habang ako tulala na nakahiga sa kama iniisip kung paano akitin ang isang Emmanuel Montefalco. Madaling araw na pero dilat parin ang mata ko, wala paring idea na pumasok sa isip ko kung ano ang gagawin. Una, hindi ko alam kung saan siya hagilapin. Kung naroon siya sa opisina ng kanyang mall panigurado buong hapon yon nandoon. Sa DZM Corporation kaya? Tapos kunyari mag apply ako nang trabaho. Pwede 'yon."Hayyyst! Bakit kasi ang hirap ng dare ni Ash e," himutok ko.Dahil hindi ako makatulog, bumangon ako at lumabas ng silid. Lumabas ako ng veranda at umupo sa ratan chair. Napayakap ako sa aking sarili nang tumama ang lamig ng simoy ng hangin sa balat ko. Nakalimutan ko magdala ng kumot. Bumalik ako sa loob at kumuha ng extra na kumot at binalot ang aking katawan.Tumingala ako sa payapang kalangitan. Ang daming bituin na kumikinang kay sarap pagmasdan. Nilabas ko ang aking cellphone at nagtipa doon. .kung ano ang nangyari sa akin ngayong araw. Sa aliw ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako nang maramdaman ang init ng sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.Pumupungas na tumayo ako at bumalik sa loob. Tulog parin ang dalawa. Mabilis akong naligo at nagluto ng makakain namin. Dahil lasing ang dalawa sinigang na bangus ang niluto ko na may kaunting anghang. Hindi ko alam kung makatanggal ba ito nang hang over nila ang importante makahigop sila ng mainit na sabaw. Nang matapos maluto ginising ko na ang dalawang lasing."Gising na!"Ngunit umingos lang ang dalawa at nagtalukbong pa ng kumot."Gising na. Kakain na tayo. 10 am na."Hilik lang ang sinagot nilang dalawa sa akin. Napamaywang ako. Ang hirap gisingin ng dalawa kapag lasing."Ash" niyugyog ko ang balikat niya, umungol siya . " Nasa labas si Justin, galit na galit. At mukhang lasing. Nag away ba kayo?"Napanganga ako sa gulat nang mabilis itong bumangon, muntik pang mahulog sa kama pagkababa nito, siguro nahihilo pa. Pasuray-suray siyang naglakad palabas sa kwarto, nakapikit pa ang isang mata, sabog ang buhok, at wala sa ayos ang damit. Napahagikhik nalang ako at lumapit kay Cathalea sa kabilang banda ng kama."Cath," walang response. " Cath," ganon parin, tulog na tulog ang gaga. "Cath, may tumawag sa phone mo," saad ko, niyugyog ang balikat niya. Natawa nalang ako ng umungol ito, nakakunot ang noo at parang naiinis dahil na distorbo ang tulog niya. "May tumawag sa phone mo. Kanina pa. 'Yong presentation mo raw, kanina ka pa nila hinihintay . .late ka na."Nakakunot parin ang kanyang noo, nang ma proseso ang sinabi ko ay agad itong bumangon."Oh my god!" Tili ko nang lumagapak siya sa sahig. " Hey! Okay ka lang?" Natatawa na tanong ko sa kanya at tinulungan siyang umupo sa sahig."Cath!" Tili ko nang hawakan niya ang dalawang tuhod ko. Malakas ang kiliti ko diyan."Oh my god!"Halos hindi na ako makahinga sa pagtawa sa subrang kiliti nang marahan niyang pinisil iyon. Yumakap si Ashnaie sa likuran ko at halos mangisay ako sa kiliti nang hipan niya ang batok ko."What a scam!" Saad niya,hindi parin ako binitawan."Tama na," tumatawa na saad ko sa kiliti na ginawa nilang dalawa. " Awat na. Hindi ko na kaya."Hinihingal na lumayo ako sa kanila. " Ang hirap niyo kasi gisingin. Nakahanda na ang pagkain.""Nawala ang lasing ko Debbie," asik ni Ashnaie. " Akala ko nandiyan si Justin. Gaga ka."Nag peace sign ako sa kanya."Sumakit bigla ang sintido ko," si Cathalea. "Tara na kain na tayo. Gutom na ako."Masaya naming pinagsaluhan ang niluto ko. Si Cathalea na ang nag presenta na maghugas ng plato. Si Ashnaie ay naligo at ako nasa sala nanunood ng N*****x. Buong hapon ay doon lang kami. Kwentuhan, nood ng tv. Gusto sana ni Ashnaie na gumala ngunit tumangi ako. .gastos na naman. Kaya buong gabi ay nandoon kami."Kailangan ko na umuwi may trabaho na bukas," si Ashnaie pagkatapos naming maghapunan."Ako rin," ani ko. " Thank you sa treat Ash, Cath. Thank you rin sa regalo. I love you."Niyakap ko silang dalawa. Walang sawa na nagpasalamat. Sumabay na ako kay Ashnaie pauwi at nakarinig muna ako nang sandamakmak na paalala kay Cathalea." Thank you Ash. "" You're always welcome. Lagi lang ako nandito para i-spoiled ka. "Yumakap ako sa kanya at muling nagpasalamat bago bumaba ng sasakyan. Dumiritso na ako nang higa sa kama pagkapasok ko sa apartment ko, pakiramdam ko pagod na pagod ako pero masaya dahil may kasama ako na ipagdiwang ang kaarawan ko.Galing kami sa burol ni Mrs. Layson, ang ina ni Debbie. Lalapitan ko na sana siya kanina pero umatras ako dahil kasama niya si Alfred. Matapos ang deal namin makaraan ang isang taon hindi ako nagpakita sa kanya intentionally. Nag-fucos ako sa pag-aaral sa negosyo na ipamana ni dad sa akin. Pero kapag nagkikita kami sa mga gatherings, kinikibo ko naman siya nagbabakasakali kung may maikuwento siya about kay Debbie.Kumunot ang noo ko nang mapansin ang dalawang kotse na nakasunod sa amin, pinagitnaan ang sasakyan namin. Nasa likod kami naka upo dalawa ni mommy at si daddy ang nagmamaneho. Hindi ko nalang pinansin dahil marami ang dumalo sa huling lamay ni Mrs. Layson baka isa sila sa mga dumalo.“May progress na ba doon sa kinukuwento mong babae na gusto mo?” “Naku! MAlamang wala pa. Ewan ko kung nasaan nagmana iyang anak mo gayong hindi naman ako torpe noong kabataan ko.”Binatukan ni mommy si daddy nang siya ang sumagot sa tanong na dapat ay sa akin. “HIndi ikaw ang tinatanong ko huwa
Nakasandal ako sa pader sa gilid ng gate dito sa labas ng University habang hinihintay ang pagdating ni dad. Second year college na ako pero hatid-sundo parin ako ng aking pinakamamahal na ama dahil iyon ang utos ng aking pinakamamahal na ina na ubod ng ganda sa balat lupa.Sa pagmamasid ko sa kabilang kalsada, may mahagip ang mata ko na isang magandang dilag. Napatuwid ako ng tayo. Nagsalubong ang kilay ko at biglang tumibok ng malakas ang puso ko ng pamilyar sa akin ang babae. Minsan ko na siyang nakita sa mga pagtitipon ng mga negosyante kaya batid ko anak-mayaman siya. At nakita ko rin siya noong kaarawan ni dad last year pero hindi ko alam kung saang pamilya siya nagmula at kung sino ang mga magulang niya.Hindi ko akalain na dito pala siya nag-aaral sa tapat ng University na pinapasukan ko.Bahagyang tumabingi ang ulo ko at pinakatitigan siya. Nakabusangot ang kanyang maamong mukha. ANg magkabilang kamay nakahawak sa strap ng kanyang bag hindi pinansin ang ilang hibla ng buhok na
EMMANUEL pov.“Sandiego.”Problemadong sambit ko sa pangalan niya ng sagutin niya ang tawag ko. Nag alala ako sa asawa ko at si Alfred lang ang alam ko na makasagot sa iniisip ko. Siya ang nakasama ni Debbie ng mahigit tatlong buwan kaya alam niya kung ano gagawin kapag ganito ang naramdaman ng asawa ko.“Ano na naman problema, Montefalco?” pagalit na tanong niya at halata ang inis sa boses.“Si Debbie kasi naghina pagkatapos magsuka ayaw naman niyang tumawag ako ng doktor.”“GA ago. Malamang magsuka 'yan kasi buntis ang asawa mo! HIndi mo ba alam kung ano ang nangyayari sa isang buntis? I-g****e mo, tanga. Disturbo. Malapit na ako sa ruruk ng tagumpay tapos-hah! I-block ko kayong mag-asawa.”“Ituloy mo nalang mamaya-,”“My loves, saan ka pupunta?”Rinig kong sambit niya sa kabilang linya. Bahagya kong inilayo ang telepono sa tainga ko ng makarinig na kaluskos doon at pagbagsak ng telopono ngunit hindi namatay ang tawag niya. Nagalit yata si Cecelia. Makaraan ang ilang minuto muli siya
DEBBIE MAE pov.“I read the book you wrote.”Napa angat ang mukha ko sa gulat sa sinabi niya. Nakasandal siya sa headboard ng kama habang yakap ang hubad kong katawan. Kakatapos lang namin mag-make out-I mean mag-make love. Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko ng mapansing natulala ako.“I didn’t know na isang writer pala ang asawa ko.”Umiwas ako ng tingin dahil namumula ang pisngi ko, hindi ko alam kong dahil ba sa pagtawag niya sa akin na asawa o kung dahil sa paghalik niya sa ilong ko.“Paano mo nalaman?” pabulong na tanong ko.Umaayos siya ng upo saka dinampot ang damit niya at pinasuot iyon sa akin. May kinuha siyang notebook sa ibabaw ng mesa at inabot iyon sa akin. Nagtataka na tinanggap ko iyon at pinakatitigan.“Honestly, hindi ko alam na ikaw pala ang owner no’n. Na agaw lang ng atensiyon ko ang title ng libro kaya tiningnan ko. Nagtaka pa nga ako kung bakit Montefalco ang apelyedo ng writer gayong wala naman akong natatandaan na may kamag-anak kaming manunulat,” natatawa n
DEBBIE MAE pov.“Matulog ka na. Bukas na lang tayo mag-usap.”Mahinahon na usal niya at inalalayan akong humiga sa kama. Wala kaming imikan kanina pa mula nang umalis kami sa bahay ni Alfred. Nakahawak lang siya sa kamay ko habang nagmamaneho hanggang sa makarating kami.Sabi ko noon kapag nagkita kami ulit marami akong gustong itanong sa kanya, pero ngayon magkaharap na kami nawala lahat ang tanong sa isip ko na gusto kong sabihin sa kanya. Nang sinabi niya na mahal niya ako parang iyon ang sagot sa lahat ng mga katanungan ko.Inayos niya ang kumot ko. Bigla siyang nailang dahil nakatitig ako sa kanyang mukha. Umiwas siya ng tingin pero nanatili ang kamay niyang nasa kumot ko. Hindi ko maiwasan na mapangiti. Miss na miss ko siya. Walang gabi na hindi ako nagdarasal na sana dumating ang araw na ito. Na babalikan niya ako. Na magkasama kaming muli kasama ang anak namin at marinig sa kanyang labi ang katagang I love you.“Tulog na tayo,” ani ko.Naglakad siya sa kabilang bahagi ng kama k
Emmanuel pov.Wala sa sarili akong naglakad palayo sa kanila. Wala ako sa huwisyo. Iyong eksena na iyon ang taging laman ng isip ko. Parang sirang plaka na pabalik-pabalik na lumilitaw sa isipan ko. Huli na ako. Masaya na siya at hindi na niya ako kailangan sa buhay niya. Ako lang itong habol ng habol at umaasang may babalikan pa.Sa paglalakad ko sa book store ako napadpad. Para mawala sila sa isipan ko naghanap ako ng librong nakakaaliw na pwedeng basahin. Natigil ako sa hilira ng mga librong pang-romance. Na agaw ang atensiyon ko doon sa isang libro, biglang sumikdo ang puso ko ng mabasa ang title niyon. KInuha ko ang libro.“MY RUTHLESS MAFIA HUSBAND.”Basa ko sa title nito.“A Novel Written by DM Montefalco.”Nagsalubong ang kilay ko ng makita kung sino ang author niyon. Wala naman akong natatandaan na may kamag-anak kaming author. O, baka hindi lang ako na-inform. O, baka ginamit niya lang ang apelyedong Montefalco.Pinagsawalang bahala ko nalang kung sino ang author nito dahil s