Share

Special Chapter 1

Nakasandal ako sa pader sa gilid ng gate dito sa labas ng University habang hinihintay ang pagdating ni dad. Second year college na ako pero hatid-sundo parin ako ng aking pinakamamahal na ama dahil iyon ang utos ng aking pinakamamahal na ina na ubod ng ganda sa balat lupa.

Sa pagmamasid ko sa kabilang kalsada, may mahagip ang mata ko na isang magandang dilag. Napatuwid ako ng tayo. Nagsalubong ang kilay ko at biglang tumibok ng malakas ang puso ko ng pamilyar sa akin ang babae. Minsan ko na siyang nakita sa mga pagtitipon ng mga negosyante kaya batid ko anak-mayaman siya. At nakita ko rin siya noong kaarawan ni dad last year pero hindi ko alam kung saang pamilya siya nagmula at kung sino ang mga magulang niya.

Hindi ko akalain na dito pala siya nag-aaral sa tapat ng University na pinapasukan ko.

Bahagyang tumabingi ang ulo ko at pinakatitigan siya. Nakabusangot ang kanyang maamong mukha. ANg magkabilang kamay nakahawak sa strap ng kanyang bag hindi pinansin ang ilang hibla ng buhok na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status