Pakiramdam ko may sumusunod sa akin habang naglalakad ako papunta sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko. Sa tuwing lilingon ako wala namang tao. Pa linga-linga rin ako sa paligid baka nagtatago siya ngunit wala naman. Binaliwala ko ang pakiramdam na iyon at nagmadali sa paglakad. Paliko na ako sa kanto nang may tumawag sa akin na nagpadaga sa puso ko.
"Miss Debbie."Binilisan ko ang aking paglakad ganoon din ang taong sumusunod sa akin."Miss Debbie, gusto ho kayong makita ng daddy ninyo."Hindi ko siya pinansin. Patuloy parin ako sa paglakad. Gusto ko rin siya makita ngunit ayaw ko sa paraan na gusto niya. Ayoko magkita kami sa tagong lugar na parang isang kreminal. Dawit na ako sa paratang sa kanya at ayaw ko nang dagdagan pa iyon. Kung gusto niya akong makita. Kung gusto niya akong makasama, linisin niya ang pangalan niya sa publiko at sasama ako sa kanya ng walang pag-alinlangan.Nang malapit na ako sa coffee shop ay tumakbo ako at mabilis na pumasok sa loob."Ouch.""Aray."Mabilis akong tumayo at tinulungan ang babaeng na bangga ko na tumayo."Sorry ma'am. Pasensya ho hindi ko kayo nakita," paghingi ko dito nang pasensya."It's okay. You seems in hurry," saad nito sa malambing na tono.Ang ganda niya at ang bait pa. Pinulupot niya pa ang bag ko na nasa sahig at sinukbit iyon sa balikat ko.She give me a small smile. "Wala bang masakit sayo.?"Umiling ako. "Wala ho. Ikaw ma'am baka may masakit sayo, baka may galos ka. Pasensya ho talaga ma'am nagmamadali kasi ako hindi ko kayo nakita, " senserong paliwanag ko." You okay? "Nanindig ang balahibo ko nang marinig ang pamilyar na boses sa likuran ko. Ang kanyang pabango na nagpaliyo sa huwesyo ko. Hindi ako sigurado kung sino sa aming dalawa ng babae ang tinanong niya dahil maski ito ay hindi sumagot sa lalaki.Nanuyo ang lalamunan ko at pakiramdam ko namutla ako nang huminto siya sa harapan namin at sinuyod nang tingin ang babaeng nasa harapan ko.Umangkla ang babae sa kanyang braso at matamis na ngumiti."I'm okay. Hindi naman niya sinadya."Tumango siya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang saglit siyang lumingon sa akin."C'mon babe. I'm hungry na."Nanigas ako sa aking kinatayuan. At biglang sumilay ang kakaibang kirot sa puso ko nang marinig ang sinabi ng babae. May girlfriend na siya. May ibang mahal ang lalaking gusto ko.Buong hapon akong matamlay sa trabaho hanggang sa pag uwi ay parang lantang gulay ako. Pabagsak akong humiga sa kama at malakas na bumuntong hininga."Argh! Ano ba ang nangyari sa akin? Hindi naman ako ganito ah!" Frustrated na sambit ko. "Ang bigat ng loob ko. Naninikip ang dibdib ko. Ano ba 'tong nangyari sa'kin?!"Napasabunot ako sa buhok ko sa inis sa sarili kung bakit ako nagkaganito. Naramdaman ko lang ito kanina nang malaman ko na may girlfriend na si Emmanuel. Pikit ang mata na dinampot ko ang magazine kung nasaan nakapaskil ang mukha niya at tinapon iyon s ilalim ng kama. Hanggat maaga pa kailangan ko siyang kalimutan. Hanggat crush ko palang siya kailangan ko ng burahin iyon sa aking isipan. Hindi ako pwede magkagusto sa kanya. May girlfriend na siya. Ayoko mahulog sa isang tao na may mahal ng iba. Crush ko lang naman siya. Madali lang mawala iyon.Lalong nanikip ang dibdib ko sa naisip ko. Parang hindi ko kaya. Tatlong taon ko siyang hinahangan hindi ganon kadali na kalimutan siya ng ganoon lang kabilis. Kinuha ko ang cellphone ko at nag tipa doon, wala akong masabihan nitong nararamdaman ko kaya dito ko nalang ilabas sa pagtipa sa cellphone ko.From: Ashnaie:Saturday night. At, The Stairwell. My treat.Mag protesta pa sana ako dahil pang mayaman ang resto bar na iyon at hindi ko afford nang mag text siya ulit.From:Ashnaie:Na promote ako sa kompanya namin. Isa na akong CEO. Mag celebrate tayo.Kaya naman pala. Deserve niya rin ang promotion niya. Pinatunayan niya iyon ng tatlong taon sa daddy niya.To: Ashnaie: Congratulations!!! I'm so proud of you. Deserve mo ang promotion at deserve mo ang party.After our short conversation I decided to sleep dahil hindi parin bumabalik ang lakas ko mula kaninang umaga. Saka ko naalala ang tauhan ni papa kanina na nakasunod sa akin. Bigla ako nakaramdam ng takot. Paano kung ipahuli ako ni papa sa kanila? Alam ko hindi ako sasaktan ni papa pero kung may kailangan siya sa akin hindi malabo na hindi niya iyon daanin sa dahas kapag nagmatigas ako. Bago ko pa pagsisihan ang lahat ibinaba ko ang pride ko at nag tipa ng mensahe para sa kanya.To: Papa:I'm okay, Pa. Huwag ho kayong mag-alala. Pasensya na kung hindi ako sumama sa tauhan ninyo may trabaho kasi ako at hindi ako pwedeng umabsent. Salamat rin pala sa pera na binigay mo. Hindi ko pa ginalaw kasi sinagot ni Ashnaie ang pag treat sa birthday ko. Maayos ho ako. Sana ikaw rin. Take care yourself. Don't worry isa ako sa mga taong naniwala na wala kang kinalaman sa pagkamatay ni mommy. Take care, Pa. I love you.Galit ako sa kanya ngunit hindi maalis sa akin ang mag-alala. Papa ko parin siya. At hindi pa naman napatunayan na may kinalaman siya sa pagkamatay ni mama. Kung sakali man na siya ang master mind ako mismo ang magpakulong sa kanya at kalimutan kong ama ko siya para lang mabigyan ng hustisya ang brutal na pagkamatay ni mama.Natanggap siguro ni papa ang mensahe ko dahil wala ng tauhan niya ang sumusunod sa akin kinabukasan. Naging normal ulit ang takbo nang oras ko hanggang sumapit ang sabado. Effective ang pagtapon ko nang magazine ni Emmanuel sa ilalim ng kama ko.Mahilig ako sa mga reveling na damit kaya red backless dress na lagpas tuhod ang suot ko. Hindi bale na makita ang likod ko huwag lang masilipan at mahipuan dahil sa ikli ng damit. Mercedes Benz ang sasakyan na dala ni Ashnaie. Isang sasakyan lang gamit namin total may driver naman si Ash."Wow! Sexy!" Puna ni Cathalea nang makasakay ako."Dinaig mo ang ka sexy-han ko! Bruha ka," natatawa na sambit ni Ashnaie. " Ang kj ng boyfriend ko. Ayaw akong payagan mag bar kapag sexy ang suot ko. Gusto niya naka pants at long sleeve ako.""Nagpa-under ka naman," taas kilay na sabat ni Cath."Syempre mahal ko e. Pero hindi naman ako mukhang manang tingnan diba?""Pang CEO nga talaga ang dating mo sa suot mo," puna ko na kinasimangot niya.She's wearing a high-waisted trousers. Long sleeve crop top and 2 inches high heels. Napangiwi ako. Bagay naman sa kanya ang suot niya , mapagkamalan mo lang na buntis dahil balut-balot ang suot niya.Dahil resto bar ito nag order na si Ashnaie ng pagkain at wine. Muntik ko na siyang murahin sa dami ng order niya pang isang barangay. May balak yata ito na hanggang umaga mag celebrate sa dami ng pagkain na inorder niya."Congratulations Ashnaie!"Sabay na sambit namin ni Cathalea at pinahipan sa kanya ang kandila sa cake nito."Ayoko uminom. Baka malasing ako," agad na sabi ni Cathalea nang magbukas ng wine si Ashnaie."Oh my god!"Muntik ko ng madura ang kinain ko sa gulat ng humiyaw si Ashnaie."Oh my god! Masayang selebrasyon 'to," gigil na sambit niya. " Nandito si Emmanuel.""Ano?!" Gulat na sambit ko."Talaga? Saan?" Si Cathalea."Sa kabilang table."Sabay kaming lumingon ni Cathalea at halos malaglag ang puso ko nang lumingon ito sa gawi namin. Tumili ang dalawang kasama ko. Nahihiya na humarap ako sa table namin. Hindi maikaila na subrang gwapo niya sa gupit niyang semi calbo. Napakalinis niya tingnan sa suot niyang sky blue long sleeve na nakatupi hanggang siko at black baston jeans. Mag-isa lang siya sa kanyang table at may bote ng rhum sa kanyang harapan."Ngayon mo na gawin ang dare, Debbie. Malaking chance na'to at mag-isa siya," sabi ni Cathalea na kay Emmanuel parin ang tingin."Go! Deb!" Malaki ang ngiti sa sambit ni Ashnaie."Ito," binigyan niya ako ng alak. " Pampalakas ng loob."". Makaramdam ba agad ako nang hilo diyan? Iba nalang iyong matapang, " kinuha ko ang menu ng alak. "Mag hikahos ako sa hirap sa presyo ng alak dito. Wala ba silang beer? Ay! Pota!" Sambit ko ng makita ang presyo ng kanilang beer. "Tag 50 lang to sa tindahan e. Bakit naging times five ang presyo dito?"Hindi pa ako naka inom pero parang sumakit ang ulo ko sa presyo ng kanilang alak. Kaya tinungga ko ang wine na bigay ni Ashnaie. Naka limang tungga na ako nang makaramdam ako ng init sa aking pisngi, tumatama na ang alak sa katawan ko."Para sa Paris," saad ko. Tinaas ko pa ang baso na may laman na wine. Nilagok ko iyon saka tumayo."Watch me," saad ko sa dalawa."Good luck, Debbie." Si Ashnaie."Sunggaban mo kaagad para walang kawala," si Cathalea.Umayos ako ng tayo nang makaramdam ng hilo. Nang mahimasmasan ay lumakad na ako papunta sa kabilang table kung saan naroon si Emmanuel. Ang buong tapang ko ay nawala ng nasa tapat na niya ako. Para akong napepe. Walang salita na lumabas sa bibig ko. At doon ko naalala may girlfriend na pala siya. Tatalikod na sana ako nang magsalita siya."What do you want woman?"Ang kanyang seryoso at ma awtoridad na boses ay nagpahina ng tuhod ko. Napakapit ako sa mesa nang umangat ang tingin niya sa akin. Parang nawala ang lakas ko. Dahan-dahan akong lumakad palapit sa kanya, hindi inalis ang ang tingin sa kanyang mapanuri na mata. Naliliyo ako sa titig niya. Lalo akong nalasing sa mabango na amoy niya. I was about to speak nang matapilok ako at natumba ako sa harapan niya. .sa pagitan ng dalawang hita niya.Galing kami sa burol ni Mrs. Layson, ang ina ni Debbie. Lalapitan ko na sana siya kanina pero umatras ako dahil kasama niya si Alfred. Matapos ang deal namin makaraan ang isang taon hindi ako nagpakita sa kanya intentionally. Nag-fucos ako sa pag-aaral sa negosyo na ipamana ni dad sa akin. Pero kapag nagkikita kami sa mga gatherings, kinikibo ko naman siya nagbabakasakali kung may maikuwento siya about kay Debbie.Kumunot ang noo ko nang mapansin ang dalawang kotse na nakasunod sa amin, pinagitnaan ang sasakyan namin. Nasa likod kami naka upo dalawa ni mommy at si daddy ang nagmamaneho. Hindi ko nalang pinansin dahil marami ang dumalo sa huling lamay ni Mrs. Layson baka isa sila sa mga dumalo.“May progress na ba doon sa kinukuwento mong babae na gusto mo?” “Naku! MAlamang wala pa. Ewan ko kung nasaan nagmana iyang anak mo gayong hindi naman ako torpe noong kabataan ko.”Binatukan ni mommy si daddy nang siya ang sumagot sa tanong na dapat ay sa akin. “HIndi ikaw ang tinatanong ko huwa
Nakasandal ako sa pader sa gilid ng gate dito sa labas ng University habang hinihintay ang pagdating ni dad. Second year college na ako pero hatid-sundo parin ako ng aking pinakamamahal na ama dahil iyon ang utos ng aking pinakamamahal na ina na ubod ng ganda sa balat lupa.Sa pagmamasid ko sa kabilang kalsada, may mahagip ang mata ko na isang magandang dilag. Napatuwid ako ng tayo. Nagsalubong ang kilay ko at biglang tumibok ng malakas ang puso ko ng pamilyar sa akin ang babae. Minsan ko na siyang nakita sa mga pagtitipon ng mga negosyante kaya batid ko anak-mayaman siya. At nakita ko rin siya noong kaarawan ni dad last year pero hindi ko alam kung saang pamilya siya nagmula at kung sino ang mga magulang niya.Hindi ko akalain na dito pala siya nag-aaral sa tapat ng University na pinapasukan ko.Bahagyang tumabingi ang ulo ko at pinakatitigan siya. Nakabusangot ang kanyang maamong mukha. ANg magkabilang kamay nakahawak sa strap ng kanyang bag hindi pinansin ang ilang hibla ng buhok na
EMMANUEL pov.“Sandiego.”Problemadong sambit ko sa pangalan niya ng sagutin niya ang tawag ko. Nag alala ako sa asawa ko at si Alfred lang ang alam ko na makasagot sa iniisip ko. Siya ang nakasama ni Debbie ng mahigit tatlong buwan kaya alam niya kung ano gagawin kapag ganito ang naramdaman ng asawa ko.“Ano na naman problema, Montefalco?” pagalit na tanong niya at halata ang inis sa boses.“Si Debbie kasi naghina pagkatapos magsuka ayaw naman niyang tumawag ako ng doktor.”“GA ago. Malamang magsuka 'yan kasi buntis ang asawa mo! HIndi mo ba alam kung ano ang nangyayari sa isang buntis? I-g****e mo, tanga. Disturbo. Malapit na ako sa ruruk ng tagumpay tapos-hah! I-block ko kayong mag-asawa.”“Ituloy mo nalang mamaya-,”“My loves, saan ka pupunta?”Rinig kong sambit niya sa kabilang linya. Bahagya kong inilayo ang telepono sa tainga ko ng makarinig na kaluskos doon at pagbagsak ng telopono ngunit hindi namatay ang tawag niya. Nagalit yata si Cecelia. Makaraan ang ilang minuto muli siya
DEBBIE MAE pov.“I read the book you wrote.”Napa angat ang mukha ko sa gulat sa sinabi niya. Nakasandal siya sa headboard ng kama habang yakap ang hubad kong katawan. Kakatapos lang namin mag-make out-I mean mag-make love. Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko ng mapansing natulala ako.“I didn’t know na isang writer pala ang asawa ko.”Umiwas ako ng tingin dahil namumula ang pisngi ko, hindi ko alam kong dahil ba sa pagtawag niya sa akin na asawa o kung dahil sa paghalik niya sa ilong ko.“Paano mo nalaman?” pabulong na tanong ko.Umaayos siya ng upo saka dinampot ang damit niya at pinasuot iyon sa akin. May kinuha siyang notebook sa ibabaw ng mesa at inabot iyon sa akin. Nagtataka na tinanggap ko iyon at pinakatitigan.“Honestly, hindi ko alam na ikaw pala ang owner no’n. Na agaw lang ng atensiyon ko ang title ng libro kaya tiningnan ko. Nagtaka pa nga ako kung bakit Montefalco ang apelyedo ng writer gayong wala naman akong natatandaan na may kamag-anak kaming manunulat,” natatawa n
DEBBIE MAE pov.“Matulog ka na. Bukas na lang tayo mag-usap.”Mahinahon na usal niya at inalalayan akong humiga sa kama. Wala kaming imikan kanina pa mula nang umalis kami sa bahay ni Alfred. Nakahawak lang siya sa kamay ko habang nagmamaneho hanggang sa makarating kami.Sabi ko noon kapag nagkita kami ulit marami akong gustong itanong sa kanya, pero ngayon magkaharap na kami nawala lahat ang tanong sa isip ko na gusto kong sabihin sa kanya. Nang sinabi niya na mahal niya ako parang iyon ang sagot sa lahat ng mga katanungan ko.Inayos niya ang kumot ko. Bigla siyang nailang dahil nakatitig ako sa kanyang mukha. Umiwas siya ng tingin pero nanatili ang kamay niyang nasa kumot ko. Hindi ko maiwasan na mapangiti. Miss na miss ko siya. Walang gabi na hindi ako nagdarasal na sana dumating ang araw na ito. Na babalikan niya ako. Na magkasama kaming muli kasama ang anak namin at marinig sa kanyang labi ang katagang I love you.“Tulog na tayo,” ani ko.Naglakad siya sa kabilang bahagi ng kama k
Emmanuel pov.Wala sa sarili akong naglakad palayo sa kanila. Wala ako sa huwisyo. Iyong eksena na iyon ang taging laman ng isip ko. Parang sirang plaka na pabalik-pabalik na lumilitaw sa isipan ko. Huli na ako. Masaya na siya at hindi na niya ako kailangan sa buhay niya. Ako lang itong habol ng habol at umaasang may babalikan pa.Sa paglalakad ko sa book store ako napadpad. Para mawala sila sa isipan ko naghanap ako ng librong nakakaaliw na pwedeng basahin. Natigil ako sa hilira ng mga librong pang-romance. Na agaw ang atensiyon ko doon sa isang libro, biglang sumikdo ang puso ko ng mabasa ang title niyon. KInuha ko ang libro.“MY RUTHLESS MAFIA HUSBAND.”Basa ko sa title nito.“A Novel Written by DM Montefalco.”Nagsalubong ang kilay ko ng makita kung sino ang author niyon. Wala naman akong natatandaan na may kamag-anak kaming author. O, baka hindi lang ako na-inform. O, baka ginamit niya lang ang apelyedong Montefalco.Pinagsawalang bahala ko nalang kung sino ang author nito dahil s