Parang wala lang sa kanya ang nangyari. Nandoon siya sa hall kasama ang kapwa niya mayaman, nag-uusap. Parang hindi niya ako kasama. Gusto kong sumigaw sa inis at galit. Wala man lang siyang pakialam doon sa taong nambastos sa akin kahit alam niyang hinipuan ako. Hinayaan niya lang ako. Walang awa. Walang konsensya.Sa inis ko sa kanya hindi na ako bumalik sa loob. Hindi ko kayang bumalik doon dahil ipinamukha niya na hindi ako belong doon. Bahala na siyang magpaliwanag sa ama niya kung bakit wala ako doon at hindi niya ako kasama.Umuwi ako sa apartment ko dahil hindi ko kayang makasama at makita si Emmanuel. Galit ako sa kanya. Kailangan kong umiwas baka may hindi maganda akong masabi kapag nagkaharap kami. Kailangan ko magpalipas ng oras,mawala itong inis ko sa kanya.Nilibot ko ang aking paningin sa maliit kong bahay. Na miss ko ang tirahan ko kahit mag isa ako dito payapa naman ang buhay ko. Wala akong ibang iniisip kundi ang sarili ko lang at ang pag papantasya kay Emmanuel. Na m
Pinilit kong lumakad papuntang kama at inabot ang damit ko upang ipunas sa t***d niyang nasa likod ko. Ang dugyot talaga. Hindi na ako nag abala pang magbihis dahil sa panghihina. Wala man lang ‘thank you’ ‘salamat at ikaw ang kasama ko magpaputok’ ‘happy new year’. Sa tuwing gagalawin niya ako parang nakatahi ang bunganga niya, wala man lang imik kahit ‘oh’ at ‘ah’.Ang tagal niya sa banyo kaya hinayaan ko nalang ang sarili ko na makatulog kahit ang lagkit sa pagitan ng dalawang hita ko. Binalot ko ng kumot ang katawan ko upang hindi lamigin. Bahala siya kung titigasan siyang muli basta ako wala na akong lakas para sa second round.Napabalikwas ako sa pagbangon nang makita ang dalawang kahon na kulay pula sa ibabaw ng kama pagkamulat ko. Bigla akong namutla nang maalala ang kahon na natanggap ko kagabi. Kanino na naman ito galing? Ang aga naman niyang manakot.Umangat ang tingin ko sa pinto ng banyo nang bumukas iyon at lumabas doon si Emmanuel, bagong ligo, walang kahit na anong sapl
Ang pag uwi ko sana sa bahay ng maaga ay naudlot nang aksidenteng nagkita kami ni Alfred dito sa village. Dinala niya ako sa Lomi House kung saan madalas naming puntahan dati. Nag order siya ng dalawang special Lomi para sa aming dalawa. Hindi ko maiwasang mairita sa mukha niya na ang laki ng ngiti habang nakatitig sa akin.“Nag do-droga ka ba?” Agad niyang tinakpan ang bunganga ko at lumingon sa paligid kung may nakarinig ba ng sinabi ko. Nang masiguro na wala tinanggal niya ang kamay niyang nasa bibig ko.“Bunganga mo,” asik niya. ”Baka sabihin ng makarinig totoo.”“Bakit ka ba kasi ngiti ng ngiti d’yan? Daig mo pa ang baliw doon sa plasa kung maka ngiti labas pati gilagid,” mataray na tugon ko.“Ang sakit mo naman magsalita,” aniya sa malungkot na tono. ”Ngayon nga lang ulit tayo nagkita tapos ganyan ka pa. May iba ka na bang mahal? Hindi na ba ako ang laman ng puso mo?”Pag da-drama niya. Lalo akong nainis dahil para siyang bata, nakanguso pa.“Kahit kailan hindi ikaw naging laman
Mahirap magmahal sa taong hindi ka naman mahal ngunit mas mahirap ang magmahal sa taong iba ang minamahal.Sa istado ko, hindi na ako aasa na mahalin rin ako ng asawa ko tulad ng kung paano ko siya minahal. May girlfriend siya at mahal niya. Hindi rin maturuan ang puso niya na ako ang pipiliin niyang mahalin kahit ilang taon pa kaming magsama dalawa. Tanggap ko na ang katotohanan na iyon pero may parte parin sa puso ko na sana balang araw magbago iyon.Bilang asawa ginampanan ko ang papel ko sa buhay niya, dito sa loob ng aming pamamahay. Pero kapag nasa public kami, isa lang akong ordinaryong babae at walang papel sa buhay niya. Walang karapatan.Hindi kilala ang isa’t isa. Dahil sa mundong ginagalawan niya si Babylen ang girlfriend niya. .ang babaeng mahal niya. “Kinikilig talaga ako sa kanila.”“Ang cute ni sir magsungit kapag nandito si, ma’am Babylen.”“Bagay na bagay talaga sila.”“Nagtatalo yata sila.”Mga bulong-bulongan ng sales lady na narinig ko dito sa school supply area sa
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Alas kwatro palang ng hapon hindi pa nakauwi si Cecelia. Wala rin ang dalawa kong kaibigan upang mapuntahan ko. Hindi ko akalain na mapa aga ang uwi ni Emmanuel at sundan siya ng girlfriend niya dito.Inamin na niya kaya sa girlfriend niya ang istado naming dalawa?Iyon ba ang pinagmulan ng pagtatalo nila? Ano kaya ang sinabi ng girlfriend niya? Ayos lang ba iyon sa kanya? May kasunduan ba sila?May mga bawal ba siya? Gusto ko malaman lahat pero naduduwag ako. .natatakot na marinig ang lahat ng sagot. Nalilito na ako sa sarili ko.Sa paglalakad ko hindi ko namalayan nakarating na ako sa Sun D’ Go Eco Park, pagmamay-ari ng mga Sandiego. Isa ito sa mamanahin ni Alfred balang araw kapag may asawa na siya. Ngunit sa pagkaalam ko siya na ang nagpapatakbo ng Eco park na’to.Masaya ako dahil dito ako dinala ng mga paa ko sa paglalakad sa lugar kung saan payapa ako. Umupo ako sa lilim ng punong akasya, ang tambayan namin ni Alfred dito. Naka puwesto ito sa ma
Ang pagkita namin ni Alfred ay nasundan pa ng ilang beses. Lagi kaming nagtatagpo sa unang kanto paliko sa amin sa tuwing uuwi ako galing sa bahay ni Cecelia. Minsan nagugulat nalang ako naroon na nakaparada ang sasakyan niya at siya prenting naka sandal sa hood ng kotse niya pero ngayon hindi kami doon nagkita dalawa.“Ang buong akala ko, ako ang sadya mo kaya ka pabalik-balik dito pero hindi pala,” sarkastikong sambit ko ng makita ng dalawang mata ko ang dalawang nilalang na naglalampungan.Mabilis na humiwalay silang dalawa at gulat na humarap sa akin.“Mea.”“Debbie.”Magkasabay na bigkas nila. Walang mahagilap na sasabihin si Cecelia, nakatayo siya sa isang tabi malayo kay Alfred at hindi mapakali. Si Alfred naman namamawis ang noo sa nerbiyos nang makita ang seryoso at suplada kong mukha. Nilagay ko sa lamesa ang dala kong pagkain at nakapameywang na humarap sa kanilang dalawa.“Kung hindi ko pa kayo nahuli sa akto hindi niyo sasabihin sa akin ang tungkol sa inyong dalawa? At ika
Umuwi ako sa apartment ko upang kunin ang mga importanteng gamit at dokumento ko doon. Bahala na kung magalit si Emmanuel may rason naman ako. Sinabi ko na rin sa kanya na wala na akong trabaho kahit wala siyang pakialam para alam niya kung bakit lagi akong narito sa bahay.Kinuha ko ang lahat ng mga dokumento at isinilid iyon sa bag. Pati ang mga bagay na mahalaga sakin dinala ko na. Binilisan ko ang galaw ko dahil baka maabutan na naman ako ng tauhan ni papa at saka baka inaabangan ako ng taong gustong pumatay sa akin.Bago ako umalis binuksan ko muna ang reserba kong cellphone kung may mensahe ba doon si papa nang makita na wala pinatay ko iyon ulit. Binuksan ko rin ang laptop at tiningnan kung may email ba doon. Ganoon nalang ang panginginig ang katawan ko at pakiramdam ko naparalisa ang buong katawan ko.Nanginginig ang kamay ko. Walang tigil ang pag agos ng luha ko. Naninikip ang dibdib ko sa sakit at galit habang tinitingnan ang mga litrato kung saan kita doon kung paano pinatay
Halos hindi na ako makahinga sa subrang paninikip ng dibdib ko sa pag-iyak. Bakit ako ang nagdudusa sa kasalanan ng ama ko? Bakit kailangan naming madamay ni mama dito? Anong kasalanan namin? At pati ang dalawang matalik kong kaibigan hindi ako kayang damayan. Lumayo sila sa akin sa takot na pati sila madamay.Na udlot ang paghikbi ko nang makarinig ng katok sa pinto ng banyo. Binuksan ko ang shower at sinadyang ihulog ang shampoo. Ilang beses akong tumikhim para ibalik sa normal ang boses ko saka pinatay ang shower at gripo nang muli siyang kumatok doon. “Banyo ‘yan Debbie hindi iyan kuwarto baka natulog ka na d’yan.”Taranta akong lumapit sa nakasaradong pintuan ng marinig ang eritableng boses niya.“Sandali lang patapos na ako.”Mabuti nalang at hindi nabasag ang boses ko. Huminga ako ng malamin upang pigilan ang muling pagtulo ng luha ko. I want to hug him. I Want him by my side, hugging and comforting me.“Bilisan mo, kakain na.”Utos niya at narinig ko ang yabag niya papalayo. I