Share

Chapter 5

Ang sakit ng ulo ko. Parang pinukpok ng martilyo. Punyemas na Ashnaie 'yon alam niyang hindi ako umiinom ayan tuloy napasubo ako. Nasaan ba ako? Hindi naman ganito ka lambot ang kama ko. Baka sa condo ni Ash. Sumiksik pa ako sa unan na yakap ko. Ngunit ang pinagtataka ko bakit ganito ang unan na kayakap ko? Mainit. Matigas at parang may buhay. Pero ang sarap yakapin. Ang huling naalala ko nasa bar kaming tatlo at sinabi ni Ash na gawin ko na ang dare nila sa akin at lumapit ako sa table kung saan naka upo doon si Emmanuel, at.

Napamulat ako nang may maramdaman na matigas na bagay na sumundot sa bandang tiyan ko. Napakurap-kurap ako ng makita ang isang matipunong dibdib kung saan naroon ang palad ko,wala itong suot na damit kaya't ramdam ko ang init ng katawan niya. At ngayon ko lang namalayan na nakayakap ito sa akin at nakatanday ang isang paa. Hindi ako gumalaw, natatakot na magising siya. Napalunok ako at pamilyar sa akin ang amoy niya. Muntik ko na siyang maitulak pag-angat ko nang tingin at nakomperma na si Emmanuel nga ang kayakap ko at kasamang natulog.

Ginawa kong unan ang kanyang braso. Ang kanang kamay ko ay nasa kanyang dibdib at siya payapang natutulog habang nakatanday at yakap ako. Ganoon nalang ang kabang naramdaman ko nang mapansing wala akong suot na damit. Tanging bra at panty nalang at si Emmanuel ay naka boxer short. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niyang nakayakap sa akin baka magising siya. Kasunod ang kanyang paa . Babangon na sana ko at umalis ng may nagsalita na kinaputla ko.

"What tha fuck is your doing Emmanuel?" Dumagundong ang boses sa loob ng silid." What is this Emmanuel? You fuck a girl without telling me that you have a girlfriend?"

Itinago ko ang katawan ko sa ilalim ng kumot sa labis ng takot at kaba. Gusto kong maglaho sa subrang hiya sa nangyari.

"It's not what you think, dad."

Pumupungas na sagot ni Emmanuel at bumangon upang harapin ang ama. Siya si Senyor David Montefalco ang ama ni Emmanuel. Sa lahat ng kahihiyan na dinanas ko ito ang kahihiyan na gusto kong iumpog ang ulo ko. Sa harap pa talaga ng isang David Montefalco, sa ama ng lalaking gusto ko. Wala ka talagang delikadesa Debbie Mea.

Seryoso ang mukha ng Senyor . "Then what? A fuck body? Hindi ka namin pinalaki ng ina mo para gawing parausan ang isang babae," napayuko ako ang higpit ng hawak ko sa kumot. "Now , get up and marry her. Now!"

Gulat akong tumingin sa matandang galit. Marry? Kasal? Now na? Oh no. Hindi pa ako sa handa sa ganito. Wala ito sa plano ko.

"Dad-,"

"Ikaw? " Hindi siya pinansin ng ama at tumingin ito sa akin." Tawagan mo mga magulang mo, hindi ko hahayaan na pagkatapos ng lahat itapon ka lang na parang basura ng anak ko."

"Wala ho akong mga magulang . .at hindi naman ho kailangan na pakasalan ako ni . .hindi ho kailangan sir."

"No," matigas na sabi nito. " Isang kahihiyan iyon sa aming angkan. .may rules tayo Emmanuel at alam mo kung ano ang consequence niyon."

" Pero wala- namang nangyari sa atin diba? " Mahinang tanong ko kay Emmanuel.

Hindi niya ako sinagot. "Get up and fixed yourself," utos ni Emmanuel sa akin at sumunod siya ama.

Napasabunot ako sa aking buhok. Ano ba itong pinasok ko? At bakit kasama ko siya sa iisang silid? At malala nakita kami ng ama niya at ngayon gusto niyang pakasalan ako ng anak niya? Bago pa ako maiyak sa inis inayos ko ang aking sarili at nakayuko na lumabas ng silid.

"Let's go."

Parang aso akong nakasunod sa mag-ama walang nagsalita hanggang sa pumasok kami sa elevator.

"Nakahanda na ang damit na susuotin ninyo.Dumiritso na tayo sa munisipyo. Iha, pasensya kana kung sa munisipyo muna gaganapin ang kasal ninyo. Huwag kang mag-alala sa church wedding ninyo kayong dalawa mismo ang mag plano."

"Ah. Sir. .ma walang galang na ho. .ano. .hindi naman ho kailangan na pakasalan ako ni. .nang anak ninyo. Wala naman ho siyang responsibilad sa akin. .at saka-, "

"Huwag ka nang magsalita, " mahina ngunit madiin na sambit ni Emmanuel na ako lang ang nakarinig. "Ikaw na nga itong nang agrabyado ikaw pa ang nagreklamo."

Wow! As in wow! Siya ang na agrabyado? Pinukol ko siya ng masamang tingin kahit hindi ito nakatingin sa akin. Sino ba ang maysabi sa kanya na dalhin niya ako sa condo niya? Sino ba ang nagsabi sa kanya na tumabi siya sakin sa pagtulog at nadatnan kami ng ama niya? Wala! Tapos ngayon sabihin niya siya ang na agrabyado? At ako, ano ang itawag sa ginawa niya sakin? Kung wala siyang balak, una palang sana hindi niya ako dinala sa condo niya. At pwede siyang mangatwiran sa ama niya kung ayaw niya palang ma agrabyado.

"Magpaliwanag ako sa ama mo. Ayaw ko rin-,"

Natahimik ako ng taasan niya ako ng kilay. " Ayaw mo? Sana una palang hindi mo ako inakit nang hindi ka napunta aa sitwasyon na ito."

Napalunok ako at tumahimik sa isang tabi. Tama siya. Pero huwag naman niyang sabihin na siya lang ang na agrabyado. Bakit kasi ayaw niya akong hayaan na magpaliwanag sa ama niya nang sa ganon hindi kami ma agrabyadong dalawa. Kainis.

"Sumunod ka na lang at itahimik mo iyang bunganga mo."

Kahit gusto ko labag parin ito sa loob ko. Oo gusto ko siya. Pinapangarap. Ngunit hindi ko hinagad na makasal sa kanya gayong iba naman ang mahal niya. Okay sana kung wala siyang sabit pero sa gagawin namin may masaktan akong tao. May dalawang puso akong masugatan at may dalawang tao akong kinuha ang kasiyahan.

Kaya hindi ko siya maintindihan kung bakit pumayag siya sa gusto ng ama niya gayong may girlfriend siya. Hindi niya ba inisip kung ano ang maramdaman ng girlfriend niya kapag malaman nito na kasal na siya ngunit sa ibang babae? Kasi ako,hindi ko iyon kaya. Kaya gusto kong magpaliwanag sa ama niya dahil masakit sa akin na maikasal ako sa taong gusto ko habang may isang tao akong sinaktan at tinanggalan ng kasiyahan.

"Emmanuel-,"

He gave me a death glare. Tinikom ko ang aking bibig at sumunod sa kanya sa loob ng munisipyo. Pagkapasok namin sa opisina kung saan kami ikasal may babaeng nag assist sa akin, pinasilid niya ako sa isang kwarto at doon inayusan. Plain white na bistida ang suot ko at white din na sandal. Simple lang pero mukhang galante dahil sa brand ng damit.

Subrang bilis ng tibok ng puso ko nang lumabas ako sa silid. Nakatayo si Emmanuel sa harap ng judge hinihintay ako. I didn't expect this. Pero ang puso ko nag-uumapaw sa saya at kaba.

"Let's start," seryosong saad nito sa judge nang huminto ako sa tabi niya.

Mabilis lang ang seremonya. Hindi ko akalain na pati singsing ay nakahanda rin. Sakto lang iyon sa kamay ko nang isuot iyon ni Emmanuel na ipinagtaka ko kung bakit alam nila ang size ng ring finger ko.

"I pronounce you husband and wife. You may now kissed the bride."

Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Mariin akong napalunok nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ang labi ko. Saglit lang iyon ngunit ramdam ko ang kayang malabot na labi. Umiwas ako ng tingin pagkatapos nang maramdaman ang pag-init ng magkabilang pisngi ko.

My first kiss. The man I love got my first kiss.

Ang ini-expect kong after wedding ay kakain kami sa labas together with his father- getting to know each other pero hindi iyon ang nangyari. Pagkatapos nang seremonya ay nagpaalam si Emmanuel sa kanyang ama na aalis kami, hindi ko alam kung saan kami pupunta basta sumunod nalang ako sa kanya ng walang imik. Magsusungit na naman.

Sumakay ako sa kanyang BMW. Ungentelman. Hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto. Tahimik lang ako habang sa labas ng bintana ang tingin iniisip kung ano mangyari pagkatapos nito. Hindi biro itong pinasok ko. Ang pag-aasawa hindi ito isang mainit na kanin na kapag sinubo mo ito at napaso ka ay pwede mo itong iluwa. This is a lifetime commitment. In sickness or  in health, till death do us part kayo dahil iyon ang sinumpaan ninyong dalawa.

Mahina akong bumuntong hininga. This is new to me. Hindi ko pa  nga naranasan ang maligawan at magkaroon ng boyfriend tapos kasal na agad. Hindi ko alam kung kaya ko bang gampanan ang papel ko bilang asawa. .asawa ng isang milyonaryo at rumored mafia boss.

"Saan tayo pupunta?" Nagtataka na tanong ko dahil hindi ito ang daan pauwi sa condo niya.

"Sa bahay."

Nilingon ko siya. " Ha!? Bakit? Sa apartment -,"

"Malamang asawa na kita. At malamang sa iisang bahay tayo titira," pabalang na sagot niya. "Hindi kana uuwi sa apartment mo."

"Pero wala akong damit."

"I own a shopping mall and DZM Corporation, Debbie. A clothing line to be exact. "

Biglang uminit ang dugo ko sa paraan ng pagsabi niya. Pwede naman niyang sabihin niya bumili nalang tayo ng damit mo sa sarili kong shopping mall, hindi 'yong-argh! Hindi ko alam na magaspang rin pala ang ugali niya, paano kasi puro perpekto ang sinusulat sa magazine niya. Makayanan ko kaya ang ganyang pag-uugali niya? Wala pa nga kaming isang araw na kasal pero gusto ko nang makipag-devorce dahil sa ugali niya.

"So. Ibig mong sabihin magsasama tayo sa iisang bahay?" Salubong ang kanyang kilay ngunit sa daan parin ang tingin. "Sa iisang kwarto?"

"Ano ba ang ibig sabihin sayo ng mag-asawa?" Masungit na tanong niya. " Kung ano ang sagot mo, iyon na 'yon."

"Pero-,"

Bumuntong hininga siya. " Kailangan natin iyon gawin dahil naka monitor si dad sakin. .huwag mo ng tanungin kung bakit. Nandito na tayo. Bumaba ka na."

Nauna siyang bumaba habang ako nakatulala parin dito sa loob sasakyan, pinoproseso parin ang mga sinabi niya. Salubong ang kanyang kilay at inis na kinatok ang bintana ng sasakyan. Bago pa niya ako pagsalitaan ng masama kusa na akong bumaba.

Tinanggap ko ang susi na inabot niya sa akin. Nagtataka na tiningnan ko iyon. Ano ang gagawin ko dito?

"Isarado mo ng mabuti ang bahay at huwag kang tatanga-tanga na may isang pintuan o bintana na nakabukas kapag gabi na, " napatangga ako sa sinabi niya." Spare key mo 'yan. "

Iyon lang ang sinabi niya at bumalik sa kanyang sasakyan at walang pasabi na pinaharurot niya ito.Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko. Sinuri ko nang tingin ang  bungalow house kung saan kami titira. Kulay puti iyon. Ang bakod na hanggang dibdib ko ang taas ay kulay puti rin ang pintura. May maliit na bakuran na may tanim na puro bermuda grass. Walang bulaklak. Walang kahit isang puno. Halatang walang nakatira. Binuksan ko ang bahay at pumasok doon, hindi naman siya amoy alikabok. Malinis ang loob ng bahay ngunit walang masyadong kagamitan maliban sa isang mahabang sofa dito sa sala at malaking divider na walang laman kahit isang bagay.

Dahil mag-isa ako rito at walang gagawin nilibot ko ang buong bahay. Sa unang silid, marahil ito ang kwarto namin. Malaki ito at may king size na kama. Sa gilid ng pintuan naroon ang vanity table.  Sa kaliwa naman ay kabinet. Nang buksan ko tumambad sa akin ang mga damit ni Emmanuel. Siguro dito rin siya umuuwi minsan. At may cr din dito sa loob ng kwarto.

Lumabas ako pagkatapos. Pumasok ako sa isang silid katabi ng kwarto namin. Office yata ito ni Emmanuel dito. Bukod sa lamesa at upuan may kabinet rin dito na naglalaman ng iba't ibang libro at mga papel na hindi ko alam kung ano. Hindi na ako nangialam at lumabas na lang. Dumiritso ako sa kusina. Kompleto ito sa kagamitan kaya marahil ay dito nga si Emmanuel umuuwi minsan. Nakaramdam ako nang gutom pagbukas ko ng ref nang makita ang mga frozen food doon. At naalala ko, wala pala akong agahan at pananghalian dahil sa bilis nang pangyayari kani-kanina lang.

Dahil hapon na, adobong manok nalang ang niluto ko para hindi na ako magluluto mamayang gabi. Gutom na gutom na ako. Sakto pagkaluto ng ulam ay luto na rin ang kanin na sinaing ko. Tahimik akong kumain hanggang sa mabusog ako.

Hinugasan ko ang pinagkainan ko, at nang matapos ay pumasok ako sa aming kwarto. Hinalungkat ko ang damitan ni Emmanuel at kumuha ng t-shirt doon dahil wala akong damit na dala kahit isa. Naglinis ako ng katawan bago humiga sa malambot at malaking kama.

"Sana, hindi ako magsisi sa kagagahan na pinasok ko."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status