Prologue“CALIX, PLEASE baby naman huwag malikot.” Halos lumabas ang litid niya sa kakasigaw sa anak niya.Hindi na alam ni Janice kung ano ang uunahin niya, kung sasawayin ba ang anak niya, ang harapin ang niluluto niya, ang sagutin ang nag-iingay niyang cellphone o ang tignan kung sino ang kumakatok sa may pintuan nila. Litong-lito na si Janice sa kung ano ba ang uunahin.Ang hirap maging single-mom.Single na nga, literal pang silang dalawa lang ng kaniyang anak ang nasa bahay. Kaya trabaho niya lahat, mula sa paglilinis ng bahay, laba, luto, at pag-aalaga ng napakalikot na anak.“Mommy! Look at me I’m going to fly!” tumatawag sigaw pa nang apat na tanong gulang na anak ni Janice na si Calix.Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ni Janice nang malingunan ang anak niya. Halos liparin na niya ang sala para lang sapuhin ang anak niya. Nalingunan lang ba naman niyang nakatayo sa arm rest nang sofa nila ang bata at handa nang tumalon. Nakataas pa talaga ang isang kamay na parang si
Chapter: one NANGHAHABA ang nguso ko habang nakapila at naghihintay kung kailan kaya naman ako makakasakay ng bus. Ang haba ng pila na aabot na yata sa moon. Tapos alam ko naman na lahat nagmamadali, pero letse walang bus, jeep, o taxi na dumadaan na walang laman. Lahat punuan.“Letse naman, late na ako.” mahinang bulong ko.Wala naman akong magagawa kung hindi ang maghintay, hindi ako mayaman para magkaroon ng sariling sasakyan papasok sa school. Lalong hindi ko pwedeng lakarin ang pagpasok ko sa University, malayo masyado. Kung bakit ba naman kasi pinanganak akong mahirap, na lalong naghihirap sa mga araw na nagdadaan sa buhay ko.Nandito lang naman ako sa Manila para makipagsapalaran sa buhay. Gusto kong maging doctor at iyon ang aabutin kong pilit para sa pangarap ko. Kahit pa sabi nga ng mga magulang ko suntok sa buwan ang pangarap ko. Pero wala namang masamang mangarap na makakaahon ako sa hirap.Lumuwas ako sa Manila para mag-aral ng college, ngayon first year ko bilang isang
Chapter: Two“HEY! Janice, wait up!”Mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko, buti na lang talaga hindi ako maliit. Kahit papaano malalaki ang biyas ko, kayang-kaya kong lakihan ang hakbang ko. Pero na mabilis na ako kung maglakad, kayang-kaya niya akong habulin. Mas malaki siyang hindi hamak sa akin kaya easy lang sa kaniyang maabutan ako.“Janice!” hiyaw na naman ng damulag.Napapairap na lang ako, ang kulit naman kasi ng damulag na ‘to. Kung bakit ba naman para siyang human glue, dikit siya nang dikit sa akin. Simula nang araw na una ko siyang nakilala panay ang buntot niya sa akin.Kahit naman aminin ko na crush ko o type ko ang Damulag na ito. Hindi ko rin naman maiwasan na mainis sa kaniya. Dahil iyon sa pagkakapahiya ko noon nang dahil sa damulag na ito. Though kasalanan ko naman kasi iyon, ako lang itong asumera na pelingera pa. But that’s our nature, ang isisi sa iba ang pagkakamali na’tin at iyon ang ginagawa ko sa Damulag na ito.Buti na lang talaga at isang subject ko la
Chapter: ThreePANAY ANG hikab ko, wala namang masyadong customer kaya nagagawa kong pagbigyan ang hiling ng katawan ko. Iyon ay ang maghikab nang maghikab, na may kasama pang pagpikit ng mga mata. Hindi naman ako natutulog, mas matagal nga lang sa usual na pagpikit ang mga mata ko.“Hoy! Mahuli ka ni Boss,” siniko ako ni Annabel, katrabaho ko.Namasukan ako sa isang fast food restaurant, maging ang waitress sa isang mamahaling restaurant, at tuwing gabi ang pasok ko. Bukod sa trabaho kong fast food crew, student assistant din ako ng isang prof sa mga vacant time ko habang nasa campus, tapos suma-sideline ako sa palengke na nagtitinda ng isda kapag wala akong pasok.“’To naman, hindi naman ako natutulog.” Bulong ko sa kasama ko.Narinig ko siyang bumuntong hininga, “punta ka na lang muna ng banyo. Ako na munang bahala dito.”Nginitian ko siya, isang oras pa mahigit bago ako pwedeng mag-out. At alas-dos na nang madaling ako makakauwi nito. Nine kasi ng gabi ang shift ko sa trabaho, kay
Chapter: four Nasasanay na akong palaging nakakasama si Calvin, as in madalas na nakasunod sa akin. Kulang na lang yata lumipat siya sa pagiging nurse at gawin niya akong classmate niya. Para siyang may human magnet na kusang didikit sa akin sa oras na malapit siya sa akin. Tulad na lang ngayon na natatanaw ko na naman siya. “Wala ka bang klase? O kaya naman part-time job?” tanong ko sa kaniya nang makita ko na naman siyang nasa labas ng classroom ko. Hindi ko na nga siya kaklase ngayong oras na ito pero nandito siya at talagang nagbabantay sa paglabas ng classroom ko. Alam ko naman na ako ang hinihintay niya, kasi ilang araw na niyang ginagawa ito. Kabisado nga niya ang oras at kung saan ako nagkaklase. Pinanindigan na talaga niyang boyfriend ko siya. “Wala, I really leave this time free alam ko kasing free time mo after this class.” Sagot nito na nakangiti na naman. Iyan naman palagi niyang sasabihin sa akin sa tuwing sisitahin ko siya. Kahit na hindi ko ibigay ang mg
CHAPTER: FIVE BALIW na yata ako, o talagang baliw na ako. Ano bang ginagawa ko ngayon? Hindi ba kabaliwan ang lahat ng ‘to. Sino ba namang matinong babae ang basta na lang sasang-ayon sa isang lalaki nang sabihin nitong magsama na sila. Hindi ko man lang pinag-isipan basta na lang akong napa-oo sa kaniya. To think that we’re in a complicated relationship, na hindi ko nga alam kung talaga bang nasa isang relasyon kaming dalawa. Pero ito nga, kasama niya akong namimili ng mga gamit namin sa bagong bahay naming dalawa. Again I don’t know how did this all happen, basta ito na nga lilipat na kami ng bahay ni Calvin. Ang bilis niyang nakahanap ng bahay na uupahan namin, to think na noong Friday lang namin pinag-usapan. Hindi pa nga ako nakakapagpaalam sa uncle ko, sa kapatid ng Papa ko. Sa kanila kasi ako nakatira habang nag-aaral ako. Minsan namamasukan din ako sa kanila, may pwesto kasi ang mga ito sa palengke. Nagtitinda ako roon o kaya naman ipinaglalaba ko sila at nililinis ang bu
Chapter: Six HINDI AKO makapaniwala sa mga nangyari, hindi ko ito inasahan man lang na mangyayari. Pero totoong nangyayari nga ang lahat, patunay nito na dala ni Calvin ang mga gamit ko at papunta na kami sa apartment naming dalawa. Kaunti lang naman ang mga gamit ko, isang malaking traveling bag lang naman ang dala namin. Iyon din ang dala ko mula nang lumuwas ako ng Manila. Nadagdag lang ang uniform ko sa trabaho at sa pagiging nursing student ko. Kanina si Calvin na ang kumausap sa Uncle ko, sinundo niya ako sa bahay na hindi ko inasahan. Hindi naman kasi namin ito napag-usapan na dalawa. Nag-iisip pa lang ako kung papaano ko kakausapin ang Uncle ko. Pero ito na nga si Calvin ang kumausap sa Uncle ko at himalang madali lang napapayag ni Calvin ang Uncle ko na sumama ako kay Calvin. To think na ang sinabi ni Calvin sa Uncle ko magsasama na kami, as in live in nga ang paalam ni Calvin. “Paano mo nagawa iyon?” hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa nangyari. “Ang alin?” Humin
Chapter: Seven MAALAGA SI Calvin, walang duda roon. Feel ko nga spoiled na spoiled na ako nang dahil sa kaniya. Lahat na lang ng gusto ko ibinibigay niya, hindi ko pa nga hinihiling naibibigay na niya sa akin. Kulang na lang talaga humilata ako at siya na ang bahala sa lahat. Kasi ako ang babae pero daig ko pang naging lalaki sa relasyon namin ni Calvin. Gigising ako nakaluto na, kakain na lang ako, malinis ang bahay namin, wala akong tambak na labahin dahil si Calvin na ang gumagawa nang lahat ng ‘yon. Ang to think na nagsasama na kami ni Calvin for almost a month na rin. At sa loob ng isang buwan na ‘yon, buhay reyna ako sa piling niya. “Hindi kaya masyado na akong nagiging pabigat sa ‘yo?” hindi ko na maiwasan na itanong kay Calvin. Kumakain na kami ng tanghalian, magkasabay kami as usual na routine na naming dalawa. Natigilan sa pagsubo si Calvin at para siyang namamalik-mata na tumingin sa akin. “Babe, kahit kailan hindi ka naging pabigat sa akin. what make you think that