Share

Five

CHAPTER: FIVE

BALIW na yata ako, o talagang baliw na ako.

Ano bang ginagawa ko ngayon? Hindi ba kabaliwan ang lahat ng ‘to. Sino ba namang matinong babae ang basta na lang sasang-ayon sa isang lalaki nang sabihin nitong magsama na sila. Hindi ko man lang pinag-isipan basta na lang akong napa-oo sa kaniya.

To think that we’re in a complicated relationship, na hindi ko nga alam kung talaga bang nasa isang relasyon kaming dalawa.

Pero ito nga, kasama niya akong namimili ng mga gamit namin sa bagong bahay naming dalawa.

Again I don’t know how did this all happen, basta ito na nga lilipat na kami ng bahay ni Calvin. Ang bilis niyang nakahanap ng bahay na uupahan namin, to think na noong Friday lang namin pinag-usapan.

Hindi pa nga ako nakakapagpaalam sa uncle ko, sa kapatid ng Papa ko. Sa kanila kasi ako nakatira habang nag-aaral ako. Minsan namamasukan din ako sa kanila, may pwesto kasi ang mga ito sa palengke. Nagtitinda ako roon o kaya naman ipinaglalaba ko sila at nililinis ang buong bahay nila kapalit ng pagtuloy ko sa kanila.

“What do you think about this one?” masayang tanong sa akin ni Calvin. He’s holding as pair of pajamas, a couple pajamas to be exact.

Napailing na lang ako, “too much spending.” Sagot ko sa kaniya na tinawanan lang niya.

 “Hayaan mo na ang anak ko, hija. Iyan na lang kaligayahan niya,” ani naman ng Mama ni Calvin.

I met Tita Luisa yesterday, kasama talaga ako ni Calvin na sinundo ang Mama niya sa airport at ngayon nga kasama na namin siya. She’s kind, charming, energetic, and most of all kaugali ni Calvin. Hindi ko masabi na mga pelingera sila, kasi ang bilis nilang makapag-adjust sa totoo lang.

Katulad na lang ni Calvin na bigla na lang sinabing boyfriend ko na raw siya, without courting shit. Hinalikan lang ako, ayon boyfriend ko na the next day. Itong Mama ni Calvin, itinuturing na ako agad na anak kahit pa nga kahapon lang niya ako nakilala. Sa airport nang ipakilala siya ni Calvin as girlfriend, anak na ang tawag sa kaniya nito.

Hindi naman ako choosy, hindi rin ako maarte, gusto ko naman kung paano ako ituring ng Mama ni Calvin. I like her actually, super bait niya sa akin.

“Pero ang dami na po niyang binili,” bulong ko sa Mama ni Calvin.

Ngiti lang ang naging sagot sa akin ng Mama ni Calvin. Kung saan-saan pa kami napunta, kung ano-ano pa ang nabili ni Calvin. Hindi ko siya makontra kasi hindi naman siya nakikinig sa akin. Nang mapagod ang dalawa saka lang nila naisipan na kumain na ng tanghalian. Mabuti na lang linggo ngayon wala kaming pasok, sa school man o sa mga trabaho namin.

Sa isang fastfood restaurant sila kumain at dahil tanghalian na madami ng tao sa naturang lugar.

“So Janice, taga-saan ka na nga hija?” tanong ng Mama ni Calvin habang naghihintay kami ng pagkain na ini-order ni Calvin. Si Calvin na rin ang naghihintay ng order nila sa may counter.

“Pangasinan po, pero ang Papa ko po taga-rito talaga sa Manila. Nakilala lang po niya si Mama kaya napunta po kami ng Pangasinan.”

Tumango naman ito at magiliw na nakatitig pa siya sa akin habang nakikinig sa mga sinasabi ko.

“Mabait naman si Calvin, try to understand him. Madalas na mapilit ang lokong bata na ‘yan, gusto siya palagi ang masusunod. Na-spoiled kasi ng yumao kong asawa, pero above all that he’s nice. And I guarantee that I raise him well mannered and a gentleman. Sure ako na inaya ka niyang magsama sa iisang bahay, but he’ll never force you to anything that you doesn’t wanted. Hihingi at hihingi ‘yan ng permisyo mula sa ‘yo, at igagalang ka niya at ang magiging desisyon mo.”

Habang nakikinig ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Mama ni Calvin, I happened to admire her. Alam ko na agad na may pinag-aralan ang Mama ni Calvin. Halata naman kasi sa way ng pagsasalita niya.

I’m speechless, hindi ko alam paano ako sasagot sa kaniya kaya ngiti na lang ang naisagot ko.

Nakita kong tumingin ang Mama ni Calvin sa anak nito na nakapila pa rin hanggang ngayon. I saw how she love her son, kita ko rin na miss na miss niya ang anak niya. Siguro kasi sa ibang bansa siya nagtatrabaho at ilang taon na siyang hindi nakakauwi.

“Kung pwede ko lang ibalik ang buhay namin sa nakaraan, hindi sana siya nakakaranas ng ganitong hirap,” anito sa mahinang boses pero sapat para naman marinig ko ito.

Nagtataka ako pero hindi na lang ako nagsalita tulad kanina, hanggang sa dumating na nga si Calvin dala ang mga pagkain namin. Nag-oobserba lang ako sa dalawa habang kumakain kami, masaya silang dalawa, paminsan-minsan nakikisalo ako sa usapan nila. Pero mas madalas na tahimik lang ako, hinahayaan ko silang mag-usap na mag-ina.

“Ma, sa isang araw ka na lang po lumipat sa apartment na nakuha namin ni Janice. Aayusin pa kasi namin ‘yon, pupunta na lang ako palagi sa hotel kung saan ka tumutuloy.” Ani Calvin.

It’s our time to go home, matapos ang maghapon na shopping spree ni Calvin.

“Sure, just take care always anak. Ang bilin ko, alagaan mo si Janice at ang mga pangaral ko sa ‘yo mula pa noong maliit ka.” Pinanlalakihan pa nito ng mga mata si Calvin habang nagsasalita.

Alam ko naman na nagbibiro lang ang mama ni Calvin dahil sa paraan ng pagsasalita nito.

“I’m a good boyfriend Mama, nothing to worry about that.” Natatawa naman si Calvin ng sumagot ito.

“Ingat po, Tita.” Sabi ko naman sa kaniya.

Kumaway pa talaga si Calvin sa Mama niya nang makasakay na ito ng taxi at umalis na ito.

“You should call my Mom, Mama. Anak ka na rin naman niya, sure ako na matutuwa ang Mama ko kapag tinawag mo siyang Mama.” Ani Calvin habang naglalakad kami para naman maghanap ng masasakyan namin pauwi.

“Next time na, nakakahiya naman. Kahapon ko lang siya nakilala tapos mama na agad ang tawag ko.”

Natawa naman si Calvin, “dapat nga kahapon mo pa siya tinawag na Mama.”

Hindi na ako kumibo pa, ayoko na lang pahabain ang usapan namin. Hanggang sa makarating na kami sa apartment na nakuha ni Calvin wala pa rin akong kibo.

Pinagmasdan ko ang kabuuan nito, studio type lang ang apartment. Kita mo na ang lahat bukod sa banyo, but from the main entrance makikita mo na agad ang kama, ang kusina, at ang lababo. Maliit lang ang space, parang tig-isang hakbang lang ang gagawin mo malilibot mo na ang buong bahay.

I’m not complaining, alam ko naman na tight ang budget namin ni Calvin. Syempre maghahanap siya ng matutuluyan namin na akma lang sa kung ano ang kaya naming dalawa.

“So, dito ka na ba matutulog ngayon o bukas na lang? when are you going to move in?” tanong ni Calvin sa akin.

Nasa likuran ko pa pala siya, at nasa may pintuan pa kaming dalawa. Ako kasi ang nagbukas ng pintuan, at ngayon nakaharang ako sa pasukan. Tapos mukhang natulala na ako at matagal na akong nakatitig sa kabuuan ng bahay.

Nahihiya na pumasok ako sa loob saka ako naupo sa may kama. Wala naman kasing ibang pwedeng upuan dito kung hindi ang kama lang. Ang gamit lang na makikita mo dito ay kama at isang dura box na pwedeng paglagyan ng mga damit.

“Hindi pa ako nakakapagpaalam sa Uncle ko,” nanghahaba ang nguso ko nang magsalita ako.

Tumigil naman si Calvin sa ginagawa nitong pag-aayos ng mga pinamili namin. nakakunot ang noo nito na tumingin sa akin.

“Then, kailan ka magpapaalam?”

Napalunok ako, naumid ang dila ko at hindi ako makapagsalita. Kailan ko nga ba masasabi sa Uncle ko an lilipat na ako dito.

Kasi sa totoo lang, mas takot ako sa uncle ko kaysa sa sarili kong Papa.

KittyCatty26

sana may mga nagbabasa sa story ko. Masipag naman akong mag-update sana. masyado lang po talagang busy sa outer world which is sa totoong buhay. ay ang drama ko. happy reading po

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status