Share

Four

Chapter: four

          Nasasanay na akong palaging nakakasama si Calvin, as in madalas na nakasunod sa akin. Kulang na lang yata lumipat siya sa pagiging nurse at gawin niya akong classmate niya. Para siyang may human magnet na kusang didikit sa akin sa oras na malapit siya sa akin.

Tulad na lang ngayon na natatanaw ko na naman siya.

“Wala ka bang klase? O kaya naman part-time job?” tanong ko sa kaniya nang makita ko na naman siyang nasa labas ng classroom ko.

Hindi ko na nga siya kaklase ngayong oras na ito pero nandito siya at talagang nagbabantay sa paglabas ng classroom ko. Alam ko naman na ako ang hinihintay niya, kasi ilang araw na niyang ginagawa ito. Kabisado nga niya ang oras at kung saan ako nagkaklase. Pinanindigan na talaga niyang boyfriend ko siya.

“Wala, I really leave this time free alam ko kasing free time mo after this class.” Sagot nito na nakangiti na naman. Iyan naman palagi niyang sasabihin sa akin sa tuwing sisitahin ko siya.

Kahit na hindi ko ibigay ang mga dala kong gamit, kinuha niya ito nang kusa mula sa akin. Kahit nga ang mismong handbag na gamit ko kinuha na rin niya at isinukbit sa may balikat niya. Parang natural na sa kaniya ang lahat ng kinikilos niya. ako ang nahihiya para sa kaniya, baka isipin pa ng mga tao pinahihirapan ko si Calvin.

Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao, kilala ba naman ang isang ito nang halos lahat ng mga kababaihan dito. Naiilang ako, lalo at kung makatingin ang mga ito sa akin ay para na akong hinuhusgahan.

“Calvin, akina ang mga gamit ko.” bulong ko sa kaniya.

But instead of giving back my things, inakbayan niya lang ako at hinila na sa kung saan. Pero sa pinapatunguhan ng mga paa namin alam kong sa may park kami hahantong nito. Na para na ngang exclusive na para sa aming dalawa dahil doon kami madalas na tumambay.

Nakikita ko ang pag-irap ng mga nakakasalubong naming mga babae. They were looking at me with jealousy in their yes. Si Calvin lang ba naman ang kasama ko, ang masasabi kong campus heartthrob ng taon.

“Next week, darating ang Mommy ko.” pagkukwento ni Calvin.

Hindi naman ako sumagot sa kaniya, madalas naman kasing hindi naman ako nagsasalita. Mas madalas na nakikinig lang ako sa kaniya, tulad ngayon.

“Ipakikilala kita sa kaniya, okay lang ba sa ‘yo?. . .Nasabi ko kasi kay Mommy na may girlfriend na ako.” anito na parang nahihiya pa sa huling sinabi nito.

Pinaningkitan ko lang siya ng mga mata, pero wala ni isang salitang lumabas sa bibig ko.

We had this silent arrangement, that we ARE in a relationship with one another. Meaning boyfriend ko siya at girlfriend niya nga ako, walang ligaw-ligaw na naganap. At hindi ko maalalang umangal pa ako, dahil wala naman talaga akong angal.

Patunay na lang ang pag-akbay ni Calvin sa akin ngayon. At pupusta akong mamaya hahalik na naman ang kumag na ito sa akin. Clingy siya, malambing, at super PDA, pagdating sa akin. Na para nga niyang ipinagmamalaki na may relasyon kami sa buong campus.

“I know, I know. . .dapat sinasabi ko muna sa ‘yo ang lahat. Pero kasi sobrang excited ako na sabihin kay Mommy ang tungkol sa atin.” Pagsasalita na naman ni Calvin.

This time napailing na lang ako, tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating nga kami park. Kakaupo pa lang namin naglalabas na siya ng pagkain namin. ang dami na naman kasi nitong biniling pagkain, para na naman kaming nasa fiesta nitong dalawa. May tanghalian na nga may meryenda pa.

“Magkano na naman nagastos mo? Sabi ko naman sa’yo magtipid ka, hindi porke’t may nagpapadala sa’yo ng allowance, panay na ang gastos mo.” sermon ko sa kaniya.

Napakamot lang siya sa gilid ng pisnge niya, ngiting-ngiti pa siya na parang nasisiyahan sa sermon ko.

“Hindi ka kumain kaninang tanghali, mamayang four ng hapon start na ng part-time mo. Magugutom ka na naman, sinabi ko na sa ‘yo ito dati pa, aalagaan kita sa abot ng makakaya ko.” anito.

Ito pa ang bagay na magugutuhan mo sa kaniya, sweet siya at thoughtful, at caring, sinong babae ang tanga na tatanggi sa isang katulad ni Calvin. At hindi ako tanga para tangihan siya sa offer niyang relasyon sa akin, kaya nga hinayaan ko na siya sa tabi ko.

“Nagtitipid nga, magbabayaran na naman ng tuition fee. Kulang pa ang ipon ko,” halos pabulong na lang ang huling sinabi ko sa kaniya.

I heard him took a deep breath. “Kaya nga nandito ako, handa akong tumulong sa ‘yo. Magsabi ka lang kasi,” sabi naman ni Calvin.

Hindi ako sumagot, bagkus kinuha ko na lang ang inaabot niyang pagkain sa akin. Sayang naman kung tatanggihan ko siya, hindi naman ako tumatanggi sa grasya.

Halos si Calvin na talaga ang grasya ko, sa ganitong panahon na gipit ako Si Calvin talaga ang sandalan ko. Hulog siya ng langit para sa akin, at wala akong balak na ibalik siya. Hindi ko nga lang pwedeng sabihin kay Calvin at magiging mahangin na naman ang isang ‘to.

“Sa susunod huwag ka ng bumili ng pagkain, bukod sa nagtitipid ako, nagda-diet din po ako,” sabi ko na lang habang nilalantakan ko ang pagkain na bigay niya.

Narinig ko na lang na tumawa si Calvin, at dahil sa pagkain ako nakatingin hindi ako handa sa paghalik niya sa akin. He will always make sure na sa lips niya ako hahalikan. Ako naman itong si go go girl na payag na mahalikan, aba sabi ko nga sino ako para tumanggi sa grasya. Ako pa ba ang magiging choosy, samantalang yummy naman talaga si Calvin.

“Ang sexy mo na nga magda-diet ka pa, gusto mo bang makapatay na ako ng mga lalaking umaaligid sayo. O hindi Kaya naman makadukot ako ng mga Mata ng mga lalaking panay ang tingin sayo.” Anito na nakatawa, pero halata sa kaniya na naiinis siya habang nagsasalita.

Baliw talaga ang lalaking ‘to.

Papaanong may nakapaligid sa akin o tumitingin? I know I’m not that beautiful, pero hindi rin naman ako pangit. Kumbaga nasa average look lang ako. and I was never be the ligawin type of girl kahit noong nasa probinsya ako.

Umiling ako, “baliw! sa tingin mo ba may lalapit pa sa akin na lalaki. Samantalang bantay sarado mo ako. kahit saan ako magpunta nandoon ka, kulang na lang magsama na tayo sa iisang bubong.”

Pinanlalakihan ko pa siya ng mga mata habang nagsasalita ako. At dahil nakatitig na ako ngayon sa mukha ni Calvin, kitang-kita ko na bigla siyang nagseryoso na para bang may iniisip.

Matagal-tagal din bago siya sumagot sa akin, pero nagulat na lang ako sa offer niya sa akin this time.

“What if magsama na nga tayo?”

KittyCatty26

Hi to my new readers, I am new here in GoodNovel. Sana po magustuhan ninyo ang story ko. i will make it sure na sulit po ang bawat chapter na mababasa ninyo

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status