Childhood Enemy
Xander's POV
Nagising ako sa pagtunog ng aking cellphone. Dahan-dahan akong bumangon at kinuha iyon sa bedside table. Si Josh ang caller.
'Hello...' Sagot ko dito.
'Second Young Master... pasensya na sa istorbo. May kailangan lang kayong pirmahang dokumento.'
'Sige... magkita tayo sa lobby ng resort.' Sagot ko at ini-end na ang tawag na iyon. Napabaling ako ng tingin sa babaeng nakahiga sa kama. Himbing na himbing pa si Zari sa pagkakatulog. Nilapitan ko ito at hinawi ang buhok nitong humarang ng bahagya sa maganda nitong mukha.
'See you later, babe.' Bulong ko dito at saka ito hinalikan sa noo.
Dinampot ko ang aking damit at saka iyon isinuot. Tiningnan kong muli si Zari bago ako tuluyang lumabas ng silid.
Pagdating ko sa lobby ay naroroon na si Josh. Iniabot nito sa akin ang dokumentong nangangailangan ng aking pirma.
'Hintayin n'yo na ko. May kukunin lang ako saglit.' Sabi ko matapos iabot kay Josh ang pinirmahan kong dokumento.
'Okay, Second Young Master.'
Iniwan ko na si Josh sa lobby at muling binaybay ang hallway pabalik sa wooden cabin na pinanggalingan ko kanina. Ngunit hindi pa man ako nakakarating doon ay natanaw ko na si Zari. Palinga-linga ito sa paglalakad kaya hindi nito nakita na papalapit na ako. Sinadya kong iharang ang sarili ko sa daraanan nito para sa gayon ay mabungo niya ako.
'Sorry.' Hingi nito ng pasensya sa akin ng hindi man lang tumitingin at lalagpasan na sana ako.
'Wait.' Hindi ko napigilang sabi dito. 'Is this how you behave after what happened to both of us last night?' Napahinto ito sa paglalakad at lumingon sa akin.
'I don't know what you're talking about, Mr. Araneta.' Sabi nito. 'So please spare me from that accusation of yours.' 'Oh! I almost forgot that Ms. Lopez was totally drunk last night.' Sambit ko na lang dito habang may ngiti sa labi na nakakaloko. 'Will you stop that smirk and talk straight.' Sabi nito na may pagkairita. 'Well... babe, you listen to me.' Mabagal na sabi ko. 'You and I...' 'Stop.' Mabilis na pigil nito sa iba ko pang sasabihin. Marahil ay may na-recall ito sa mga nangyari kagabi. 'Don't you dare to elaborate it.' 'You said you wanna know.' Nakangiti ko pa ring sabi sa tonong nanunukso. 'Don't you dare, Xander?' Seryosong sabi nito. 'Or else...' 'Or else what babe?' Panunukso ko pang tanong dito. 'You'll beat me to death.' 'Definitely.' Sagot nito sabay hampas sa braso ko. 'At sisimulan ko na iyon ngayon.' 'Hey!' Sabi ko habang sinasalag ang mga hampas niya. 'Babe, you're being too hostile again.' 'Stop calling me babe.' Naiinis na sabi nito. 'Because I'm not one of your bitches.' 'Ouch!' Sagot ko sabay hawak pa sa dibdib. 'Grabe ka naman, babe. Nakakahurt ka naman ng feelings.' 'Serves you right. Masakit talagang tanggapin ang katotohanan.' 'So... you felt the same way.' Muling banat ko na naman. 'It's none of your business.' Sagot nito. 'And by the way, we are two consulting adults here. So you better cut that crap.' 'Alright.' Nakataas pa ang mga kamay na tila pagsuko na sabi ko. 'Suit yourself. But in case you've changed your mind...' 'No. Hindi na magbabago pa ang isip ko.' 'Kaya nga in case.' Hirit ko pang sabi saka mabilis na yumakap at humalik sa kanya sabay lakad papalayo. 'Xander...' Naiiritang hiyaw nito. 'You... pervert.' Nilingon ko itong muli. Pagkatapos ay kinindatan at saka tuluyan nang umalis. 'Pervert... conceited.'Narinig ko pang sabi nito. Napapangiti na lang ako habang papasakay sa kotse. 'Ang sarap talagang asarin ng babaeng iyon.' Ang totoo n'yan wala naman talaga akong kukunin. Nais ko lang makita muli si Zari bago ako pumunta sa opisina. At nangyari na nga ang nais ko. Hahaha!
Ako si Alexander Araneta. Nagmula ako sa angkan ng mga Araneta. Pangalawa sa mga anak nina Arthur at Elaine Araneta - mga kilalang business magnate at philantropist sa buong Metro City. Ang negosyo ng aming pamilya ay nagkalat locally and internationally.
Ako ang nangangasiwa sa mga negosyo naming may kinalaman sa healthcare services. We own chains of hospitals, spas, and clinics. Maliban sa mga iyon, busy rin ako sa pagsusupervise ng aking sariling negosyo. Nagmamay-ari ako ng isang private bodyguard and executive protection agency.
Simula childhood ay magkakilala na kami ni Zari. Childhood enemies ang turing namin sa isa't isa. Bakit? Dahil para kaming aso't pusa. Laging nag-aaway at nag-aasaran. Sa iisang school kami nag-aaral noon, pero magkaibang section. We both excel sa academics at extra curricular activities kaya madalas kaming dalawa ang magkatunggali. Pareho kasi kaming competitive.
Hanggang high school ay ganoon ang scenario sa pagitan naming dalawa. Natapos lang iyon ng magkacollege na kami. Zari went to med school habang ako naman ay nag-aral abroad.
Hanggang sa... nangyari na nga ang malagim na trahedya sa pamilya ni Zari.
xxxxx
Zari's POV
'Stella, padala na lang sa office iyong ibang dokumento na kailangan kong i-review.' Sabi ko habang papasok ng aking opisina sa L Institute.
Ang L Institute ay itinatag ng aking namayapang ina. Isa itong kilalang institusyon na naglalayon na makapagproduce ng mga magagaling na doktor, nars, at iba pang medical professionals sa pamamagitan ng pagbibigay ng dekalida na edukasyon sa abot kayang matrikula. Isa din itong research facility na nagdedevelop ng mga makabagong equipment at devices for medical purposes.
Ang L Institute ang s'yang dahilan kaya ninais kong maging isang doktor.
'Okay, Young Miss.'
Nang makapasok ako sa aking opisina, sa pantry muna ako nagtungo. Yeah! May sarili akong pantry. Sa loob noon ay may espresso machine, refrigerator, shelves ng samu't saring snacks at marami pang iba. I'm a coffee lover kaya may ganitong parte sa aking opisina.
Nagtimpla ako ng sarili kong kape at saka naupo na sa aking swivel chair. Noon naman bumalik si Stella. Inilapag nito ang mga dalang dokumento sa ibabaw ng aking mesa. Marami akong kailangang i-review at pirmahang dokumento sa araw na ito kaya dapat ay magsimula na ako.
'Young Miss, ito 'yung mga kakailanganin n'yo para sa convention bukas.' Sabi ni Stella sabay abot ng isang envelope. 'Naigayak ko na lahat. Ang oras ng flight n'yo ay mamayang alas otso ng gabi.'
'Thank you, Stella.' Nakangiti kong sabi dito. 'Puwede ka ng magbeauty rest. Dito mo na lang ako sunduin mamaya.'
'Okay, Young Miss.'
Nang makalabas si Stella ay itinuon ko na ang aking atensyon sa mga dokumentong nasa ibabaw ng mesa. Isa-isa ko itong binasa at inintindi.
At lumipas na nga ang mahabang oras ng hindi ko namamalayan.
Tok! Tok! Tok!
'Come in.' Sagot ko ng marinig na may kumatok sa pinto.
'Here's your lunch, Dra. Zari.' Masayang bungad ni Manang Lupe. Siya ang head sa cafeteria. 'Dala ko ang paborito mong chopsuey, fish fillet, at fresh orange juice.'
'Salamat, Manang Lupe.' Nakangiti kong sabi habang ibinababa nito ang dalang pagkain sa coffee table. 'Nang dahil sa inyo nakakakain ako on time.'
'Walang anuman, hija.' Sagot nito at saka isa-isang binuksan ang mga lagayan ng pagkain. 'Alam mo namang pamilya na rin ang turing ko sa'yo. Kaya nga pag-alam kong naririto ka ay talagang ako na ang nagdadala ng pagkain mo.'
Natouch ako sa sinabi ni Manang Lupe kaya lumapit ako sa kanya at yumakap. 'Salamat talaga, Manang Lupe. Pasensya na rin sa abala.'
'Wala 'yun, hija. Basta ikaw.' Sabi nito habang tinatapik ang aking balikat. 'Ay! siya... simulan mo ng kumain at lalamig ang pagkain.'
Tumango ako dito at sinimulang tikman ang mga pagkaing nakahain. 'Wala talagang kupas ang galing n'yo sa pagluluto, Manang Lupe.'
'Salamat, hija.'
Hindi ko binilisan ang pagkain. Bagkus ay ninamnam ko ito ng maigi at inenjoy ang bawat pagsubo.
It's OfficialXander's POVHuminga ako ng malalim. Relax lang, Xander. Relax. Pilit kong pinakakalma ang aking sarili.'Hindi ka pa magsha-shower, Xander?'Napapitlag pa ko ng biglang magsalita si Zari sa tapat ng tainga ko. Tuloy imbes na marelax ako ay lalo pang nag-init ang pakiramdam ko. Tuloy nagmamadali akong napatayo at nagtungo sa banyo.'Hey! Okay ka lang?' Narinig ko pang tanong nito. Ngunit hindi ko na 'yon pinansin pa.Pagkapasok ko sa banyo ay kaagad na kong nagtanggal ng damit at saka tumapat sa lagaslas ng tubig mula sa shower. Malamig 'yon. Sapat na marahil para mapakalma ang pakiramdam ko.Pinalipas ko ang ilang minuto sa ganoong posisyon. Nang maramdaman kong kalmado na ko ay saka ako nagpatuloy sa paliligo.Tinantya ko muna ang aking sarili. I'm not a pervert. Ayaw kong ganoon ang isipin ni Zari sa akin. Nakakahiya. Nang batid kong okay na ko ay lumabas na ko ng banyo.Naabutan ko si Zari na nakaupo sa harap ng salamin. Nagpapatuyo ito ng buhok gamit ang hair dryer.
A Day At The OfficeZari's POV'Ano kaya 'yung tinutukoy ni Uncle Mart? Saka sino kaya 'yung kausap n'ya?' Bulong ko sa sarili habang palakad-lakad sa loob ng aking opisina. Hindi kasi ako mapakali.Hindi mawala sa isip ko ang naulinigan ko kanina. May parte ng isip ko ang nagsasabi na hindi lang simpleng conversation 'yon. There's something in it na kailangan kong malaman.'Hindi kaya may ginagawang anumalya si Dok Mart sa L Institute, Young Miss?' Napabaling ako ng tingin kay Roselle. 'Base kasi sa profile n'ya, matagal na s'ya dito. A Co-founder in particular. So basically, he has the access to everything.'Na gets ko agad ang nais na tukuyin nito. 'You're right. He can do whatever he wants, kung nanaisin n'ya. He can also manipulate everything in a snap of his finger without me knowing it.''Exactly, Young Miss.'Napabuntong-hininga ako. Realization strikes me. Tama si Roselle. May sense ang mga sinabi nito at posible nga iyong mangyari.Kung mapapatunayan kong sangkot nga sa anum
The OverheardZari's POVWhat a pleasant day! Sa wakas! Makakapagtrabaho na ko today. Ilang araw na rin kaya akong inip na inip sa bahay. Buti na lang pinayagan na ko ni Xander. Ito kasi ang pinakaistrikto sa mga bantay ko. 'Morning, everyone.' Bati ko sa mga naroroon sa opisina. Sa L & L Corp. muna ako unang bumisita. 'Morning, Miss Zari.' Bati rin nila sa akin. 'Masaya kami at nakabalik na kayo.''Ganun din ako. Saka na-miss ko kayong lahat.' Pakiramdam ko wala namang nagbago sa akin kahit na may selective amnesia ako. Kung anong attitude o kaya behavior ko sa kanila dati ay ganoon pa rin naman. Siguro kung meron mang pagbabago very minimal lang. Nagtungo ako sa opisina ko. Sinalubong ako doon ni Stella. 'Welcome back, Young Miss.''Stella... grabe, na-miss kita.' Nakangiti kong sabi dito sabay yakap sa braso nito.'Pasensiya ka na, Young Miss kung minsan lang kita nabisita. Binilinan kasi ako ni Second Young Master na i-supervise ko muna ang L & L at L Institute habang wala ka
The Chocolate CakeZari's POVI was discharged from the hospital a while ago. Si Xander ang sumundo at naghatid sa akin sa bahay. Balak pa nga sana nitong sa bahay na lang magtrabaho. Para may kasama daw ako. Kaso agad ko naman iyong tinutulan. Ipinaliwanag ko dito na hindi porke't may selective amnesia na ko ay kailangan na n'ya kong bantayan 24/7. I'm not a cripple. Kaya ko pa ring gawin ang mga dati ko ng ginagawa. I know he still have some work to do at ayaw kong makaabala.Napapayag ko naman ito after giving him assurance na okay lang talaga ako. Nagpaiwan pa ito ng ilang bodyguards para sa safety ko. Ayaw na daw nitong maulit ang nangyari sa akin. Pumayag din naman ako sa gusto niya. 'Stella, padalhan mo ko ng ilang documents for review sa email ko. Naiinip kasi ako.' Tinawagan ko ito para lang sa request na 'yon. Wala kasi akong magawa sa bahay.'Hindi pupuwede, Young Miss. Kabilin-bilinan ni Second Young Master na kailangan n'yo ng pahinga.' Wika nito at saka nagpaalam na iba
Selective AmnesiaXander's POVIkinuwento ko sa kanila ang buong detalye kung papaano ko naging asawa si Zari ng ganoon kabilis. Iba't- ibang reaksyon ang inani ko mula sa kanila. May nagulat, natuwa, at mas lamang ang hindi makapaniwala.'Alexander Araneta... why did you do that?' Hindi makapaniwalang tanong ng aking ina. Tinawag na nito ang buong pangalan ko. Kaya batid kong hindi ito sang-ayon sa ginawa ko.'Mom, don't get me wrong.' Sabi ko dito. 'It wasn't my intention to do that.''Pero ginawa mo pa rin...' Disappointed na sabi nito.'Love... calm down.' Nakisabat na rin ang aking ama. 'Alam ni Xander na mali ang kanyang ginawa. Kaya nga gumagawa s'ya ng paraan to win over Zari's heart.' Bumaling ito sa akin. 'Right, Xander?'Tumango ako dito. 'Yes, Dad.'Napabuntong-hininga na lang ang aking ina. 'Xander... you must compensate Zari for this.''Yes, Mom.' Mabilis kong sagot dito. 'I have a lot of ways.''Grabe ka, Kuya Xander.' Komento ni Alyssa. 'Wala na talagang kawala si Ate
The SecretXander's POVNagmamadali akong bumababa sa kotse matapos marating ang lokasyon ng aksidente. Gusto kong manlumo sa naabutan kong scenario.Sa malayo palang ay tanaw ko na ang kalunos-lunos na sinapit ng tatlong kotse. Sa mga naroroon, pinakagrabe ang tinamo ng kotse ni Zari. Para itong pinitpit na lata. Ang sinumang sakay noon ay hindi mabubuhay kung sakali. Nakakatakot tingnan.'Zari...'Namataan ko ang tatlong ambulansya sa di kalayuan. Patakbo akong lumapit sa mga ito. Dalawang pasyente ang nakita kong isinasakay sa unang ambulansya. Isang kritikal at isang may bali sa binti.'Zari...' Hindi ko ito nakita doon.Lumapit ako sa pangalawang ambulansya. Isang pasyenteng nakabalot sa puting kumot naman ang naroroon. Lakas loob kong inangat ang kumot. Ganoon na lang ang naramdaman kong relief ng makitang hindi si Zari 'yon.'Zari...' Malakas kong tawag sa pangalan nito. 'Na saan ka na?'Sa puntong 'yon, pakiramdam ko masisiraan na ko ng bait. Grabe na ang nararamdaman kong pag