Share

Chapter 11

NARAMDAMAN ni Zoe ang pagkatulala at gulat ni Dylan. Siguro ay kung ano-ano na ang tumatakbo sa utak ng binata sa isip ni Zoe.

"Mommy?" nagtatakang tanong ni Dylan at nilipat ang tingin kay Zoe. "May anak ka na?"

"You're right. I'm his mom, Dylan," diretsong sagot ni Zoe at para bang hindi nakakitaan ng kaba sa kaniyang mukha. Nilingon naman ni Zoe si Alfred at pinakilala rin ang binata. "And this is Alfred."

Nag-aabang pa si Dylan sa sunod na sasabihin ni Zoe, pero mukhang nanahimik na ang dalaga. Wala siyang nagawa kung hindi ang makipagkamay sa lalaking itinuro ng kaniyang kaibigan. Mas matangkad ito ng kaunti sa kaniya at halata rin sa itsura nito na may lahi. Kulay asul ang mga mata ni Alfred at napakalalim tignan.

Hindi mapigilan ni Dylan na magtaka kung ano ang relasyon na meron sila ni Zoe. Ngayon niya lang ito nakita kaya naman hindi niya mapigilang mapaisip.

"Hello, Tito Dylan!" bati ni Dykeil kay Dylan. Napatigil si Dylan sa kaniyang iniisip at napalingon sa bata. Nakita
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status